12




nile


dala-dala ang biniling bulaklak pumasok na ako sa bahay at tinawagan si cyleangot.

"oy hayop, nabili ko na. punta ka na dito! bayaran mo 'to, ang mahal nito!" bungad ko sa kanya.

"sige salamat tol! pero di na kailangan tol sinagot na niya ko tooool! napakasaya ko! gan'to pala feeling tooool! petmalu pre! at dahil jan magce-celebrate ako dyan sa bahay niyo! ready mo na mga pagkain dyan pre ah! labyu sagad tol! mwachup!" bahagyang nakalayo na sa tainga ko ang phone ko sa lakas ng boses niya. di naman halatang ubod ng saya si ulaga.

binaba na niya ang tawag.

ako pa talaga ang magpapakain, ganyan siya kagalante.

napabuntong hininga na lang ako at naghanap ng pagkain sa ref at nagluto dahil hiyang-hiya naman ako. ako kasi yung sinagot ng jowa eh.



ollie


hindi ko alam kung saan ilalagay ang muffins na 'to dahil may asong kalye sa door step niya.

i'm hiding behind the tree while waiting for the dog to leave.

the dog's asleep but im still scared i might woke him up and bite my ass off.

i heave a deep sigh.

kumukuha ako ng lakas ng loob para paalisin yung natutulog na aso.

lakas ng loob ko 'no? mamaya makikita niyo na lang akong tumatakbo para sa buhay ko.

may dumaang pusa sa harap ko kaya nakaisip ako ng idea. binuhat ko ito at inilapag sa harap ng aso at agad akong bumalik sa pinagtataguan ko.

ilang sandali ay nakita kong nag-aaway na sila at sa isang iglap ay nawala na sila pareho.

inilapag ko na ang dala ko sa part na hindi nahigaan ng aso at nag-door bell ng isang beses kasi baka mahuli na ako 'pag dinamihan ko.

nagmadali na akong umalis nang bigla kong makita si cyle sa di kalayuan.

agad akong nag-ibang direksyon upang di kami magkasalubong, di naman siguro niya ako napansin dahil medyo madilim na kaya nagtago akong muli sa punong pinagtaguan ko.

tahimik na lang akong nagpigil ng kilig dito habang nakamasid sa kanya.

i know i look like a creepy obsessive stalker here pero ang gwapo niya kasi! i can see on his face that he had a great day. hmm, ba't kaya? birthday niya kaya ngayon?

wew ollie, masaya lang birthday agad?

matapos niyang mag doorbell ay napansin na niya ang paperbag sa paanan niya kaya pinulot niya agad.

he probably missed my muffins.

teka, ba't nga pala siya nagdoorbell? e bahay niya 'yon. o baka gusto niyang pagbuksan siya.

nakita ko na lang na kinakain na niya ang muffin kahit nasa labas pa siya.

i was smiling the entire time as i went home.


nile


i heard the doorbell dinged, sign na nandyan na si cyle pero hinayaan ko lang muna siya do'n dahil papatapos ko na maluto 'tong sisig.

nang matapos, dinala ko na ang sisig plate sa table nang makarinig uli ng doorbell. bahala ka dyan, lamukin ka muna pre bago ka makatikim ng aking pork sisig al a nile pogi.

binigyan ko ng pagkain si ef-ef ko pagtapos ay lumabas na ko at pinagbuksan ko siya.

"pre, ang shawp nito. nakita ko lang dyan!" aniya habang nanguya at pinakita sa akin ang container na wala ng laman.

agad akong nanlumo sa napagtanto.

"putangina mo, kinain mo?!" napasigaw ako sa labis na inis.

naghintay ako ng muffins kahapon pero walang dumating tapos nagpadala pala siya ngayon tapos kinain lang ng ulagang 'to?!

ang pinakanakakainis pa ay yung di siya nagtira.

"obvious ba pre?" sagot niya habang hinihimas ang tyan niya.

walang anu-ano'y bigla niya kong dinighayan sa mukha. napahilamos ako at pinanlisikan siya ng mata.

"bakit ba kasi bebs? may lason ba 'yon bebs? sorry na bebe nilo, mwua mwua!" bakla-baklaan na naman siya habang nakakapit sa braso ko at pilit hinahalikan ang pisngi ko. ang sarap niyang iprito ng buhay.

"tangina mo kase, galing sa secret admirer ko 'yon!" gigil kong sigaw.

bigla siyang napabitaw sakin at tinawanan ako ng napakalakas.

anong nakakatawa?



• • •

a /n : so ayern na nga kaya di ako naglalagay ng pov sa previous chapters para di niyo mapansin na bahay ni nile ang nadadalahan ni ollie ng muffins and never pang nagka-pov dito si cyle.😉

ps. the next chappies are going to be a lOoOong one.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top