13
nile
nagising ako nang mapansing wala na akong katabi dito sa kutsong nakalatag sa sala. bumungad sa akin ang mga kalat; ilang bote ng alak at balat ng tsitsirya.
di naman ako nakainom ng sobra kagabi dahil good boy ako.
mukhang gising na si cyle pero di man lang siya nag-abalang linisin ang mga 'to. tumayo ako upang hanapin siya sa kusina at sa mga kwarto pero wala akong natagpuang ulaga.
animal na 'yon umalis na ata ng walang paalam. galing, ako lang maglilinis ng mga kalat niya. tangina niya 'wag siya uling makikitulog sa bahay ko. papalunok ko talaga sa kanya mga boteng 'to.
pagtapos kong maglinis ay inihanda ko na ang pagkain ni ef-ef. hinanap ko siya sa loob pero wala kaya lumabas ako.
nanlumo ako nang makitang nakabukas ang gate. tangina marunong ng magbukas ng gate si ef-ef?
nasapo ko ang noo ko sa naisip na iniwang bukas ni cyle ang gate. putangina talaga ng gagong tarantadong 'yun, napakapeste sa buhay!
lumabas ako at luminga-linga kung nandidyan lang si ef-ef pero wala. nagsimula na akong mataranta.
"kailangan kitang mahanap ef-ef ko! hindi ka pwedeng maging pulutang aso!" sigaw ko at sinimulan ko na siyang hanapin sa bawat kalye.
ollie
"hachiii.. koo.." hagulgol ni gwen.
katatapos lang ng pinanood naming movie na hatchiko at panay pa rin ang iyak niya.
by the way, gwen's my bestfriend. she asked me to come over at her place because she freakin' misses me a lot but little did she know, i missed her moOore.
ever since our school year ended, we didn't had the chance to hang-out kaya ito, imbis na gumala't mag-mall, nag-movie marathon na lang kami at pangatlo na namin yung hachiko. mas gusto namin yung gan'to. less gastos, less pagod. pareho kaming tamad at walang pera eh.
binatuhan ko siya ng box ng tissue dahil maya't maya pa rin siya talagang naiyak. mamula-mula na tuloy ang ilong at mata niya.
"daig mo pa iniwan ng jowa ah! magtigil ka na, uhog mo color blue." sambit ko kaya agad niya kong inirapan. suminga siya ng malakas sa tissue at bigla 'yong ibinato sa 'kin.
"balasubas 'to!" bulyaw at binato siya ng unan sa ulo habang tawa lang siya ng tawa dahil sa na-headshot niya ko ng tissue niyang may singa.
ilang segundo pa lang ang nakakalipas bigla na naman siyang natulala at nakita kong namumuo na naman ang mga luha niya.
"huy, move on! makaiyak 'to, 'kala mo may alagang aso." panunuya ko pa kaya hinila niya ang buhok ko.
"che! palibhasa di ka naiyak wala kang puso!" aniya.
"hoy naiyak naman ako ah, para do'n sa amo niyang namatay." sagot ko kaya pinanliitan niya ako ng mata. hater lang ako ng mga aso ni nile pero naiyak naman ako ng slight para kay hachi.
pumunta ako sa ref nila at kumuha ng isa pang slice ng cheesecake at gano'n din siya.
mayamaya'y napagdesisyunan ko nang umuwi.
"uy tara, isang movie pa! last na 'to, dali commedy naman! nabangag ako sa hachiko eh." aniya sabay kamot ng ulo.
"uwi na talaga ko beh, ang paalam ko kay mama saglit lang ako dito tsaka babyahe pa ako. next time! sleepover pa ako dito." sagot ko at binuksan ang gate nila.
"ay wait nakalimutan ko nga palang sabihin kanina! last day ko na dito sa bahay!" masayang sambit niya.
"eh? bakit? pinalayas ka nila tita? shit! kaya ba ang bondat na ng tyan mo?! kaya pala ang lala ng moodswings mo! gwen! sabi ko naman sa'yo 'wag mo isuko ang pinakiingat-ingatan eh." nanlulumong sambit ko pero nakunot lang ang noo niya.
"tangina? anong sinasabi mo? anong bondat?! hiyang-hiya ako sa tyan mo kupal ka! di ako pinalayas! lilipat na kami ng bahay! and guess what? malapit kami sa lugar niyo! kaya walking distance na lang ang pagitan natin!" patalon-talon siya habang nagkukwento kaya na-excite rin ako. hay, sa wakas di na ko mabobored at lagi na kaming magkakasama. pero seryoso, for a second, naisip ko talagang buntis siya dahil ang bochog niya.
pagtapos ng mahabang usapan ay nagpaalam na ako sa kanya at tumungo sa sakayan.
ilang minuto pa lang akong naglalakad nang biglang umambon hanggang sa palakas ito ng palakas. bullshit. kanina lang sobrang init ah? sabay biglang gan'to. ni di man lang nagpakita ng signs na uulan.
hay, pero okay na rin 'to kesa sa ma-heat stroke.
malas talaga at wala akong makitang waiting shed o kahit masisilungan man lang saglit. kainggit yung ibang mga nakapayong na. badtrip! nag-girl scout naman ako nung elem, bakit hindi ako always ready?
"miss tabi!"
may narinig akong sumigaw at pamilyar ang boses nito. otomatiko akong napaatras mula sa paglalakad pero natalsikan ako ng kaunting putik mula sa pagkakapreno niya ng bike. okay lang, basa na rin naman ako. atleast hindi ako nabangga.
napaangat ako ng tingin at siya nga. si cyle.
di ko mapigilan mapangiti. bakit kaya laging pinagkukrus ang landas namin? shehet, siya na ata si the one. ang landi ko sa part na 'yan.
mukhang namukhaan niya ako kaya medyo lumaki ang mata niya.
"ollie? uy sorry! di ako nakapreno agad, ang dulas na ng daan eh. ba't ka nagpapaulan dyan?" sambit niya at bumaba sa kanyang bike.
"e ba't ka rin nagpapaulan?" sagot ko kaya natawa na lang kami pareho.
his laugh is so contagious and the way he smiles at me melts my heart even more.
"so sa'n punta mo? pauwi ka na rin ba? mahirap nang sumakay dito." aniya.
"maghihintay na lang ako, ikaw umuwi ka na." sagot ko. di naman sa pinapalayas ko na siya, ayoko lang siyang magkasakit.
"sigurado ka?" tanong niya at sumakay na muli sa kanyang bike, tumango-tango ako bilang tugon. bakat na tuloy ang katawan niya dahil sa basa niyang puting damit. napaiwas tuloy ako ng tingin. easyhan mo ollie.
hinintay kong umandar ang bike niya pero hindi pa rin kaya napaangat ako ng tingin sa kanya.
"sakay!" aniya at tinuro ang likod na parte ng bisikleta.
magdadahilan pa sana ako nang hinila na niya ako. sumakay na ako at tumayo sa likuran niya at hindi ko alam kung saan kakapit kaya sa buhok na lang niya.
"sa buhok talaga ha?" aniya at sinimulang mag-pedal.
medyo masyadong ng mabilis kaya nasigawan ko siya. "oy wait! dahan-dahan lang! madulas ang daan!"
napa-aww naman siya dahil nasabunutan ko ata siya.
nagawa niya pang magpai-slant slant sa tuwing may lilikuan kami kaya halos himatayin naman ako at tawa lang siya ng tawa habang nagiging miserable ako sa likod niya.
hay nako 'pag kami sumemplang at sabay na namatay, edi sweet.
hinanap ko ang aking balanse at pumikit saka itinaas ang dalawang kong kamay upang yakapin ang malamig na simoy ng hangin kasabay ng ulan na sumasalubong sa 'kin.
since pareho na kaming basa ng ulan, i'd just love to enjoy this moment.
oh diba, lakas maka k-drama beshie.
"'kala mo ikaw lang. oh! no hands!" aniya kaya napadilat ako at nakita kong nakataas na ang dalawang kamay niya sa ere. ilang sandali lang ay nagpagewang gewang na kami kaya mahigpit akong napahawak sa leeg niya at napamura ng paulit-ulit. mabuti na lang at agad niya itong nakontrol,
may parte sa 'king nagsisisi dahil umangkas ako sa bike niya.
"ollieee-akk- gusto mong mamatay tayo ngayon? wag mo kong sakalin akkk-"
napabitaw ako sa leeg niya kaya nalipat ang kamay ko sa balikat niya.
napansin kong papasok na kami sa village kung saan ako nakatira.
"uy di ko pa nasasabi kung sa'n ang bahay ko, alam mo na ba?" tanong ko.
umiling siya. "pero alam kong same village tayo kasi dito tayo unang nagkita atsaka nung nakita kita na nagtatago sa puno." kaswal niyang sagot kaya namilog ang mata ko. yung tinutukoy niya kayang nagtatago ako sa puno e yung naghatid ako sakanya ng muffins?
p u t a. buong akala ko di niya ako nakita no'n. shit, alam na niya kayang ako ang nagpapadala ng muffins? does he already knew that i'm his admirer?
"cyle?"
matapos marinig ang boses ng babae, bumagal ang takbo ng bisikleta at unti-unti itong huminto matapos makita ni cyle ang babaeng nakapayong na halos makasalubong na namin.
tinitigan ko siyang mabuti, ang ganda at ang amo ng mukha niya pero napansin kong kakaiba ang naging tingin niya sa akin.
namalayan ko na lang na nakababa na pala si cyle mula sa bisikleta at sinalubong ang babae.
"babe! sa'n ka pupunta? naulan, baka sipunin ka!" nag-aalalang sambit nito sa babae.
gusto kong nang umalis pero nanatili akong nakatitig sa kanilang dalawa.
• • •
a /n: at muling nabuhay si kookiest! nakalimutan ko ng i-update 'to jusko kung may wifi lang, na-publish ko na mga nakatambak na chapter.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top