14

{a/n : naisipan ko lang i-update kahit walang wala ng nagbabasa nito hahahahaha dami pa kasing naipong chapters eh. anw, enjoy reading! }







ollie

i plopped down on my bed. di alintana ang basa kong katawan galing sa ulan.

inis kong pinunasan ang namumuong luha sa mata ko. umiiyak ba talaga ako? bakit ako umiiyak? bakit ko siya iniiyakan?

"ugh, ollie ang oa! crush mo lang 'di ba? bakit ka naiyak ngayon?" i groaned.

aaminin ko na, akala ko may meaning yung saya niya tuwing magkausap kami 'pag bigla kaming nagkikita. siguro akala ko tuluyan na kaming magiging malapit sa isa't-isa. wala eh, nag-expect si inday, ayan iiyak iyak. bakit ba kasi never sumagi sa isip ko na may girlfriend na siya? sa gwapo at bait niyang 'yun malamang meron.

ang saya lang namin kanina tapos all of a sudden, makakasalubong pala namin 'yung girlfriend niya. muntikan pa niya akong komprontahin, sino ba namang di mababahala kung yung boyfriend mo ay may kasamang pretty girl na di mo knows sa gitna ng ulan. pero hindi naman natuloy dahil pinakilala ako ni cyle bilang pinsan niya. after no'n nagpaalam na lang ako sa kanila.

nanlumo ako pero okay na rin 'yun kasi 'pag kaibigan ang pagpapakilala niya sa akin, malamang maghihinala pa rin si ate girl.

therefore, i conclude na likas talaga sa mga lalake na maging pa-fall lalo na 'pag pogi.

tumayo na ako mula sa pagkakahiga dahil nanlalamig na ako. nasapo ko na lang ang noo ko matapos makitang basang-basa na ang kama dulot ng paghiga ko.

dederetso na sana ako sa banyo upang maligo nang mag-vibrate ang phone ko.

nile river
calling...

"why?" kaswal kong tanong.

"ollie.." sambit niya or more like iyak niya.

"hey? bakit? are you crying?"

"ollie.." ngarag pa rin ang boses niya.

hmm, di kaya pinagtitripan ako nito tulad ng ginawa ko sa kanya no'n.

"hoy, anong trip 'yan? isip ka iba boi, akin 'yan eh-"

"ollie, nakita mo ba si ef-ef? kanina ko pa siya hinahanap ollie. paggising ko kasi nakabukas na 'yung gate ta's wala na siya. sana pala tinuruan ko siya kung pa'no umuwi. nako, baka magkasakit 'yun, naulan pa naman. tulungan mo ako ollie, please." sunud-sunod niyang sambit, bakas ang pag-aalala at pagkataranta sa tono ng kanyang boses.

tumango-tango ako kahit di niya nakikita. "okay okay, i'll help."

"salamat!" then he hanged up.

pagtapos kong maligo at magbihis ay kinuha ko na ang payong at naglakad-lakad upang hagilapin si ef-ef.

kahit naman malaki ang atraso sa akin ng asong 'yun, tutulungan ko pa rin si ilog. halos syotain na niya kasi yung aso niya eh. atsaka baka maglalaslas 'yun 'pag di niya nahanap ang aso niya.

naglakad-lakad ako sa bawat kantong pwedeng pasukin pero ang tanging nakikita ko lang ay ang mga batang masayang nagtatampisaw sa ulan.

parang kanina lang rin ang saya naming nagpapaulan, di alintana ang lamig ng simoy ng hanging humahampas sa aming katawan.

uy nag-rhyme pala.

i just shook that thought off.

si ef-ef lang dapat isipin ko. hahanapin ko siya para mabaling ang atensyon ko kaysa isipin ko si cyle magdamag.

moving on.... 1%

and for that, i'm gonna stop giving muffins for him.

"ollie naman eh, baka lumayo si ef-ef 'pag tumigil ako sa paghahanap!" ngawa niya habang hila-hila ko siya papasok sa lugawan.

"marami pang oras para maghanap, kailangan mong kumain!" sagot ko.

"ollie—"

"isa!" banta ko at tuluyan na siyang nagpahila papasok sa loob.

nagkasalubong kasi kami kani-kanina lang at pansin kong pagod at medyo basa na siya pero may dala siyang payong. alas siyete na ng gabi and i wonder kung ilang oras na siyang naghahanap, tinanong ko kung kumain man lang ba siya sabi niya hindi naman daw siya gutom kaya muntik ko siyang masapok nun.

naupo siya sa may bakanteng table at bumili naman agad ako ng dalawang order ng lugaw.

bumalik ako sa table at inilapag 'yon sa harap niya at naupo na ako.

"libre mo?" sambit niya.

"hindi, utang." sarkastikong sagot ko at napa-pout naman siya.

nagsimula na akong kumain at sarap na sarap ako. favorite ko talaga 'to lalo na 'pag ganitong panahon.

naramdaman kong nakatitig lang siya sa akin kaya pinanliitan ko siya ng mata.

"bakit?" tanong ko habang nanguya.

"wala, kakain na ako." aniya at nagsimulang kumain.

ilang sandali lang akong nalingat at nakita kong naubos na niya ito.

"di raw gutom ah, baka gusto mong sa'yo na rin 'to." sambit ko at pabirong inalok ang maliit na bote ng patis na nasa table, tumawa lang siya at dumighay kaya kapwa kami natawa.

mayamaya'y natapos na ako at siya naman ang dinighayan ko sa mukha at ang ingay na naman naming nag-aasaran.

ilang sandali ay nakita ko na lang na kapwa kami nakatanaw sa labas at napansing tumila na ang ulan. napatingin naman ako sakanya at gaya ng inaasahan, lumungkot na naman ang mukha niya.

tumayo siya. "tara hatid na kita, hahanapin ko pa kasi si ef-ef." nanlulumong sambit niya.

"huh? pero madilim na. bukas na lang kaya, sasamahan pa kita ulit!" pangungumbinsi ko.

"pero namimiss ko na si ef-ef, siguradong gutom na 'yun ngayon."

"'wag nang makulit, tingin mo mahahanap mo pa siya ng gan'to kadilim? umuwi na tayo, magpahinga ka para mahanap natin siya ng maaga bukas." sambit ko at matamlay na tumango-tango. grabe, mahal na mahal talaga niya ang aso niya. sana lang mahanap na si ef-ef para bumalik na siya sa normal, medyo di ako sanay na bigla siyang nalulungkot.

pagtapos kong marating ang bahay ko ay nagpaalam na ko sakanya. "thank you sa paghatid, dumiretso ka na sa bahay mo ah!" sambit ko dahil baka maghanap na naman siya.

"thanks ollie sa libre, pagpapasaya at pag-aalala mo sa akin." nahihiyang sambit niya.

"pag-aalala? more like, 'di lang ako sanay na ganyan ka." pagtanggi ko.

"sus, gano'n rin 'yon eh." panunuya niya.

binuksan ko na ang gate at papasok na sana nang magsalita siya.

"wait lang!" aniya kaya napalingon ako.

"nilalamig ako." dagdag niya kaya kumunot ang noo ko.

"ako rin kaya umuwi ka na sa inyo." sagot ko at napakamot naman siya ng ulo.

"ollie naman, di makagets eh." sambit niya at nagkamot ng ulo.

bigla siyang lumapit sa akin saka ako kinulong sa mahigpit na yakap.

namilog ang mata ko at di agad nakapalag sa ginawa niya.

"this is what i meant." halos bulong na sambit niya at ipinatong ang baba niya sa ulo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top