15a
ollie
binalot ko ang sarili ko ng kumot dahil sa labis na panlalamig. alas sinco palang ng umaga. gusto ko mang bumalik uli sa tulog pero hindi na natuloy nang gisingin ako ni mama kanina para painumin ng gamot. balak pa niyang mag-absent para raw maalagaan ako, tinawanan ko na lang siya at sinabing lagnat lang 'to kaya pinilit ko na siyang pumasok.
mabuti na nga lang at balik na sa morning shift si mama. hindi tulad nung last niya na madaling-araw siya nakakauwi. pag nagiggising ako, tulog siya. pag tulog ako, gising siya. hassle lang.
pero bago siya umalis, di ako nakaligtas sa pangaral niyang magdala lagi ng payong kahit saan pumunta. tapos, pinagluto niya pa ako ng sopas kahit late na siya sa trabaho. hay, si mama talaga.
pero di ko naman inaasahan na magkakasakit ako dahil sa ulan. dahil ba broken aqu? chars.
setbwi halos sa bibig na ako nahinga dahil barado ang ilong ko.
naiisip ko tuloy na nagkasakit ako dahil sa danilo virus. hayop siya di ko matanggap na natsansingan niya ako kagabi, sana pala sinuntok ko siya no'n pero ang nangyari, tumakbo agad ako papasok ng bahay habang naririnig ang pagtawa niya. imbis na siya yung mahiya, ako eh!
napabusangot na lang ako at ipinatong ang bowl ng sopas sa table.
napatitig ako sa phone ko. gusto kong sabihin na di ko siya masasamahan sa paghahanap kay ef-ef kaso 'pag naiisip ko yung yakapan scene namin kagabi napapangiwi ako. ang awkward nito, puta.
pero minessage ko pa rin siya,
to: nile river
can't go with you today sorry im sick
sinabi ko na lang yung dahilan kasi pag hindi, iisipin niya na na-a-awkward lang ako sa kanya. which is totoo naman.
mayamaya'y nag-reply na siya.
from: nile river
no need na ollie!!! i found ef-ef naaaaaaaaaaa!!! :-D sorry di ko nasabi agad hehe.
napa-wow naman ako sa nabasa ko. salamat naman at muling nagkita ang aldub. charot. saang sulok naman kaya niya nahanap si ef-ef?
binuksan ko na lang ang tv para maaliw naman ako. nakakatakot rin 'pag sobrang tahimik. sinarado ko ang bintana dahil ang lamig ng hangin na pumapasok sa kwarto ko. damn, gusto kong mainitan at pagpawisan kaya binalot ko ang sarili ko ng isa pang kumot.
halos mahulog ako sa aking kama nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa niyo si gwen na agad naman akong dinagaanan. oo nga pala, ngayong araw sila lumipat sa bagong bahay nila malapit sa amin.
"ugh! gwen baboy ka! bigat mo! may sakit ako gago." agad kong bulalas kaya umupo siya ng maayos at humarap sa akin. tinanggal niya ang kumot na nakasaklob sa ulo ko at sinapo ang noo at leeg ko.
"hala, ba't di mo sinabi? kaya pala kanina pa ko sigaw ng sigaw sa labas niyo walang nasagot. pumasok na lang tuloy ako, nagkulong ka pala dito. uminom ka na ng gamot? may dala akong pagkain dito oh spaghetti, carbonara, graham cake. gusto mong kumain? kumain tayo!" sunod-sunod niyang sambit, natawa na lang ako. parang nahilo ako sa dami ng sinabi niya.
"oo, nakainom na ako ng gamot. at mamaya na lang busog pa ko. teka, dami mong dala ah, sinong may birthday?" tanong ko.
"nope. nagluto si mama kanina eh, wala trip niya lang daw." sambit niya at kinuha ang remote at nilipat-lipat ang channel. humiga siya na parang sa kanya ang kama ko.
tumayo na lang ako dahil mahuhulog na rin ako sa kama. tumawa na lang siya at binato ako ng unan, sadista talaga tong gagitang 'to, kitang may sakit ako eh.
mayamaya'y napansin ko na sobrang saya niya ngayong araw kaya nagpakwento ako kung may jowa na ba siya at todo tanggi lang siya. masaya lang daw siya na magkasama kami ngayon, ulul.
"sige gwen, hanap ka na lang ng ibang bespren kung ayaw mong ikwento 'yan." pasaring ko at nagtaklob ng unan.
"luh! wala nga kong jowa parang engot 'to. excuse me? i am not easy to get." sambit niya at di ko na lang sinagot.
"oy eto na! kukwento na! pero di ko siya jowa ah. hmmm, slight kras lang!" kikilig kilig na sambit niya.
"ano kasi eh...eh kahiya! medyo long story siya... kasi gan'to...shet heye eke- AWW PUKE!" sigaw niya nang sipain ko siya dahilan para mahulog siya sa kama. nabwisit ako ang tagal eh.
sinamaan niya ako ng tingin habang hinihimas ang pwet niyang tumama sa sahig.
"kung wala ka lang sakit...nako!" banta niya at muling umakyat sa kama ko.
"so ayun nga! actually, kagabi namin nilipat yung mga natitirang gamit galing sa lumang bahay papunta dito sa bagong nilipatan namin. tapos nung gabing 'yun may nakita akong asong nilalamig sa gilid ng mga halaman namin kaya pinapasok ko siya at pinakain ng marami kasi gutom na gutom siya. pinaalam ko na nga kay mommy kung pwede kong ampunin at pumayag siya! tapos kaninang umaga, namasyal kami ng aso hanggang sa may makasalubong akong lalake, ang pogi! tapos gulat ako halos dambahan niya yung aso ko. then ayun, aso niya pala yun. medyo nalungkot ako kasi akala ko magkakaaso na ako pero okay lang kasi ang bait nung may-ari, nilibre niya pa ko dahil inalagaan ko raw ang aso niya. mabuti raw at ako ang nakahanap sa aso niya. tapos yung ngiti niya, ay grabe! parang gusto ko na lang lumipad-"
natigil siya sa pagwawala at natigil naman ako sa pagngiwi nang bumukas ang pinto at nakita ko si nile.
bakit ang daming nakakapasok sa bahay ko ng walang paalam? at bakit di ni-lock ni gwen ang gate? at bakit nandito si nile?
"omg, n-nile! kanina ka pa?" utal na bati ni gwen.
"uy gwen! nandito ka?" ani nile.
sabi na nga ba't si nile ang tinutukoy ni gwen sa kinukwento niya. pero seriously?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top