11
napainat-inat ako paggising ko.
naalala kong sa sofa nga pala ako nakatulog kaya medyo sumakit leeg ko pero natatandaan ko sa kabilang couch ako natulog ah?
agad ko namang nakita ang nakahandang pagkain sa tapat kong sala table- egg and bacon tsaka fried rice.
talaga nga naman, sweet ng nanay ko oh. at dahil gutom na gutom ako, agad ko rin itong naubos.
lately ko lang napansin na may maliit na puting papel pala malapit sa plato.
made you some breakfast before i leave. di na kita ginising, lakas ng hilik eh pang tatay!
-nile river ng buhay mo
namilog ang mata ko.
oo nga pala, hinihintay ko siyang maggising kagabi pero nakatulog ako.
napasapo ko na lang ang noo ko.
hays, di tuloy ako nakapag-sorry sa ginawa ko sa kanya. syempre 'no, marunong din akong mag-sorry kahit siya hindi.
napatingin tuloy ako sa orasan at nakita kong alas dose na ng tanghali.
naalala kong di pala ako nakapagtanggal ng make up at nakakapagpalit ng damit kagabi, jusko dai dugyot!
kinuha ko na ang twalya kong panligo at dumiretso sa banyo.
napasulyap ako sa salamin at kitang-kita ko na ang linis na ng mukha ko pero naka-white dress pa rin ako.
ewan ko pero napangiti ako.
matapos kong maligo at magbihis, kinuha ko ang phone ko at minessage siya.
to nile river:
hey thanks for cleaning mah face. chansing ka talaga! kiniss mo ko habang natutulog 'no.
after a few moments, i receive a call from him. i rolled my eyes as i answered the call. ba't kasi may mga taong ang hilig tumawag kaysa mag-text na lang?
"hoy! di kita kiniss ah.. pero chinansingan kita." i heard him chuckled. aba bastos!
"de joke lang! na-iimagine ko na 'yang mukha mong lukot e." dagdag niya.
"ngayon ka lang nagising? dapat hindi na-" hirit pa niya.
"heh! ba't ba ang hilig mong tumawag?"
"gusto kong marinig boses mo eh.." aniya at akmang aasarin ko na sana siya.
"..habang binubwisit kita." he cackled over the line.
napa-poker face na lamang ako sa sunod-sunod niyang banat. pinipigilan kong 'wag mabwisit for my regla's sake.
"ollie! ollie! ollie!"
"ano?" iritado kong sagot.
"pwede ka ngayon?"
"hmm? bakit? date ba 'yan? sorry nileskie may iba akong gusto dong-"
"assuming ka! papasama lang ako bumili ng bulaklak hehe." sagot niya.
"bulaklak lang pala e, ba't kasama pa ako?"
"di ko kasi alam kung ano ba ang gusto ng mga babae pagdating sa bulaklak, kaya ikaw na lang ang papapiliin ko." aniya kaya napaawang na lamang ang bibig ko.
may nililigawan na ba 'to?
o baka may girlfriend na.
"uy ollie ano? pwede ka? please.. di ako nyan matitiis, cute kasi ako eh." pamimilit niya gamit ang maamong boses.
"a-ahh, sorry hindi eh. may gagawin kasi ako mamaya."
"aww... sige salamat." nawala ang excitement sa boses niya bago i-end ang call.
may gagawin naman kasi talaga ako e, babawi ako kay cyle. dadalhan ko siya mamaya ng muffins.
so habang nag-be-bake ako, di ko maiwasang maisip yung sinabi ni nile. ba't di niya sinasabi sa akin na may nililigawan na siya o may jowa or whatsoever? at tuhruy, may pa-flowers pa. malalanta rin naman 'yan!
at bakit ang bitter ko? sana lang 'wag ring maging bitter ang kalalabasan nitong muffins.
• • •
a / n : may revelation sa next chapter! hahahahahaha kala mo ang daming readers e😂
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top