Chapter 8
Chapter 8
It Makes Me Wanna be Selfish
Natigilan kami pareho nang biglang magising si Mikel at umiyak. Biglang napaupo nang tuwid si Yael at sinulyapan si Mikel na kasalukuyan kong pinapatulog ulit. Mukhang tensyonado si Yael dahil sa biglaang paggising ni Mikel.
"A-ang ingay mo kasi..." nasabi ko na lang.
"Sorry, sorry." He wet his lower lip while briefly glancing at Mikel. Ilang beses akong napakurap dahil akala ko ay magtatalo nanaman kami dahil sa sinabi ko pero nagkamali ako.
Kapag si Mikel na talaga ang pinag-uusapan ay nagiging maamong tupa siya.
Pinagpatuloy ko ang marahang pagtapik-tapik kay Mikel hanggang sa tuluyan na siyang makatulog ulit.
"O-okay na. Nakatulog na siya ulit." Sabi ko na lang. He didn't answer; I just heard his relieved sigh. Ilang minuto na ang lumipas at wala na ulit nangahas na magsalita ni isa sa amin.
Ano kayang iniisip niya? I'm dying to know about what's running on his mind now. Kasi ako kanina pa nagre-replay sa utak ako ang mga sinabi niya. Wala daw silang ginawa ni Vien.
Kung wala nga silang ginawa ni Vien bakit kailangan niya pang mag-explain sa akin? Pero kung meron naman at ayaw niya lang aminin, ano naman ang pakialam ko di ba?
Umayos na lang ako nang upo dahil kanina pa ako hindi mapakali dito at idagdag mo pa ang pangangalay ko dahil kanina ko pa hawak-hawak si Mikel.
Palihim kong sinulyapan si Yael. Seryoso siyang nakatingin sa daan, ang isa niyang kamay ay nasa steering wheel habang ang isa niyang siko ay nakadantay sa bintana.
Napatingin ako sa digital clock ng kanyang sasakyan. 10:03 PM. Damn! Bakit ang bilis ng oras? Nagtalo lang kami pero alas diyes na kaagad.
"Papunta tayong Manila di ba?" hindi ko mapigilang tanong sa kanya. Pansin ko kasi na papuntang Manila ang daan na tinatahak namin.
"Yes." Tipid niyang sagot at sa daan pa rin ang tingin. Kakagaling niya lang doon ah. Ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya sa sarili niya? Akala ba niya magkatabing barangay lang ang Angeles City at ang Manila?
"Bakit? Anong gagawin natin doon?"
"I bought a house in Makati—sa San Lorenzo Village. Doon tayo titira."
San Lorenzo Village? Balita ko ay mahal daw ang mga bahay doon. Kunsabagay, barya lang naman sa kanya iyon.
Pero ang bilis naman niyang makabili ng bahay? Hindi ba't isang araw lang ang naging paghahanda naming dalawa at nakalaan pa ang mga iyon para sa mga papeles na kinakailangan tapos siya ay nakabili siya kaagad ng bahay?
Baka naman kasi matagal na niyang binili iyon at para sa kanila talaga ni Vien ang bahay na 'yon kapag naikasal na sila ang kaso lang ay dumating ako sa eksena at sinira ko lahat ng plano nila.
"Kailan mo pa iyon binili?" I asked trying to prove what's right with my two theories.
"Matagal na rin." Tipid niyang sagot.
Okay, theory number two has the strong evidence to support the theory itself.
Now I have another reason to call myself a bitch. Sigurado ako na kaya isa sa mga dahilan kung bakit naglasing kanina si Vien ay dahil dito.
Hindi niya matanggap na mas mauuna pa akong titira sa kanya sa bahay nila ni Yael kaysa sa kanya. O baka naman matagal nang tinutulugan ni Yael at Vien ang bahay na pupuntahan namin ngayon.
And who knows? Maybe they even made love to every corner of that house. Tang ina! Ano ngayon? Ipinalinis naman siguro ni Yael ang bahay na iyon bago niya kami palilipatin ng anak ko doon 'di ba?
At kung hindi man, ako mismo ang maglilinis doon para makasigurado. I don't want my son to run and run around that house while Vien and Yael's DNA are all over the place.
Matapos no'n ay hindi na ako nagtanong pa. Hindi na rin naman siya nagsalita at nang ma stuck kami sa traffic ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
"Beatrix..." nagising ako nang maramdaman ko ang marahang pagyugyog nang balikat ko at nang marinig ko ang isang pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko.
"Beatrix, we're here." unti-unti kong minulat ang mga mata ko at pagkatapos ay nakita ko ang mukha ni Yael na at nakatingin siya sa akin.
Lumawak pa saglit ang mga mata ko bago ako nag-iwas nang tingin at luminga-linga sa paligid.
I saw a white huge house in front of us. At sa harapan nito sa may bandang left side ay may isang malaking swimming pool.
"Akin na si Mikel." I heard him say at dahan-dahang kinuha ang natutulog ko pa ring anak mula sa aking mga bisig.
I didn't protest and I just let him. Nangangalay na rin kasi ako simula kanina dahil hindi naman ganoon kagaan ang anak ko.
I saw a faint smile on Yael's lips the moment he held Mikel in his arms. He was peacefully sleeping. Malayong-malayo siya sa tuwing gising siya at sinusubukan siyang kargahin ni Yael.
Bumaba na ako mula sa sasakyan. I was still dazed from the long sleep that I had. I could even feel the slight ache of my back and my butt from the long hours of drive.
Naunang maglakad si Yael habang nasa mga bisig niya si Mikel at ako naman ay nakasunod sa kanila.
Nang papasok na kami sa mismong bahay ay sinalubong kami ng isang babae na sa tantsa ko ay nasa 20 plus pa lamang ang edad. Siguro ay bumata lamang siya sa akin ng dalawa hanggang tatlong taon.
"Magandang gabi po ma'am at sir." Bati nito habang nakangiti. I roamed my eyes around the place. Minimalist ang style ng bahay. Napaka simple lang pero malakas ang dating.
Yael na yael ang mga datingan. Puro light colors lang ang makikita mo sa palagid magmula sa kulay ng bahay hanggang sa mga furnitures.
I like it. It feels like home.
But let me remind myself that this is not my home. I'm just gonna stay here for awhile so might as well not get attached to it.
Iniwas ko na lamang ang paningin ko sa bawat detalye ng bahay. I don't want to fall in love with every detail, I don't want to look forward in staying here forever.
Ayokong umasa, habang maaga pa ay imumulat ko na ang sarili ko sa realidad.
That's how it works. Less hope, less hurt.
"Good evening..." I greeted back with a smile.
"Linda, pakikuha na lang 'yung bag sa kotse. Salamat." utos ni Yael.
"Sige po, sir." aniya at muli akong tiningnan para ngitian bago niya sinunod ang utos ng kanyang amo.
Hmm. Linda. Kilala niya kaya si Vien?
"Nice house..." I awkwardly commented while following him upstairs. Hindi siya sumagot. Nagpatuloy lang siya sa pag-akyat hanggang sa makarating kami sa ikalawang palapag.
Tumigil siya sa tapat ng isang pintuan. Pinihit niya ang doorknob at binuksan ang pinto. Hindi pa man siya nakakapasok ay nagsalita ulit ako.
"S-saan ang kwarto ko?"
He stopped and looked at me over his shoulder.
"Sa kwarto ko."
Lumawak ang mga mata ko. "Bakit sa kwarto mo?" Hindi ko mapigilang tanong.
I saw lots of doors na posibleng mga kwartong walang laman. Sa dinami-rami ng bakante ay gusto niyang matulog ako sa kwarto niya?
Kinunotan niya ako ng noo. "Bakit hindi? Mag-asawa tayo."
I felt something on my stomach after I heard him say that.
Tumawa na lamang ako ng pagak para pagtakpan ang pagwawala ng mga paru-paro sa tiyan ko. Tang ina! Butterflies in my tummy? Ano ako? Teenager?
"Naglolokahan ba tayo, Yael? Parehas nating alam na sa papel lang tayo mag-asawa." I reminded him... and myself too.
"Sige, kung gusto mong matulog kasama ang mga gagamba at daga sa mga hindi pa nalilinis na kwarto then suit yourself." Sarcastic niyang sabi at saka na tuluyang pumasok sa kwarto.
He left me here with my mouth hang open. I was so embarrassed with myself! Baka isipin niya pa niyan na napaka assuming ko!
Bagamat napahiya ako ay kinagat ko na lamang ng mariin ang medyo mahapdi ko pang labi bago ako sumunod sa kanila sa loob. I found him looking at Mikel who's peacefully lying on his bed while unbuttoning his polo.
He's on the third button when he stopped and jerked his head towards my direction. Kaswal lamang niyang ibinalik ang tingin kay Mikel at pinagpatuloy ang pag u-unbutton ng polo niya.
I had to gulp at the sight. What the hell? May pagka bastos talaga 'tong Yael na 'to kahit kailan!
Awtomatiko akong napatingin sa may pintuan nang makarinig kami ng pagkatok. I saw Linda holding Mikel's bag and her knuckles are still on the opened door.
"Ma'am, heto na po yung bag na pinapakuha ni sir." Aniya. Tipid akong ngumiti sa kanya bago lumapit at kinuha ang bag mula sa kanya.
"Thank you, Linda." Yael said and he's on the fifth button of his polo.
"Ay you're welcome po, sir!" ngiti-ngiting sabi niya habang nakatingin sa amo niya na halos nakahubad na. Kumunot ang noo ko at binalingan ko Linda ng tingin.
"Thanks, Linda..." I pressed at her at sinara kaagad iyong pintuan.
Ano ba naman 'tong si Linda! Napaka unprofessional! Hindi na nahiya at talagang sinipat pa ang katawan ng amo niya!
"Kung gusto mo nang maligo ikaw na lang ang gumamit ng banyo dito sa kwarto... doon na lang ako sa baba."
Napatingin ako ulit kay Yael at saka ako nagbaba ng tingin sa bag na dala ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marealize ko kung gaano ako kapalpak!
"Fuck!" mura ko sabay bukas sa bag na dala ko. Sinubukan kong isa-isahing tingnan ang laman noon hoping that I would find something that I could wear there. Pero wala talaga!
Damn! Bakit naman hindi ko naisipang magdala ng mga damit ko? Bakit puro mga gamit ni Mikel ang dinala ko?
"What's wrong?"
Napasinghap ako nang pag-angat ko nang tingin ko ay si Yael na ang bumungad sa akin. All the buttons of his polo are now completely undone. I'm now free to look at those six pack.
Bakit parang mas lalo yatang gumanda ang katawan niya? Nagtambay ba siya sa gym?
"Beatrix! I'm asking what's wrong?" kinunotan niya ako ng noo at mas lalo siyang lumapit sa akin. I swallowed hard as I order myself to calm the fuck down.
Si Yael Salcedo lang 'yan! Katawan niya lang iyan! I already touched and saw everything that he's been hiding underneath his damn clothes for God knows how many times!
Dapat hindi na ako namamangha dito na para akong isang teenager!
I cleared my throat. "Nothing, I just forgot to bring clothes." Sagot ko at muling naghalukat sa bag ni Mikel kahit alam ko naman na wala akong mahahanap.
I heard him sigh. "Maghanap ka na lang ng pwede mong isuot sa closet ko." Aniya at muli nang lumayo sa akin.
"Tapos bukas ng umaga ipapakuha ko na lang ang mga gamit niyo ni Mikel pati 'yong mga regalo nila." Dagdag pa niya at narinig ko ang pagbukas ng closet niya at ang muling pagsara nito.
Nang tingnan ko siya ay may towel na na nakasabit sa balikat niya.
"Kung maliligo ka na sasabihan ko na lang si Linda na bantayan si Mikel."
Sasabihan niya si Linda? Ibig sabihin lalapitan niya si Linda nang ganyan siya?
Kaagad na pumasok sa isip ko ang mga titig ni Linda na parang gusto na niyang lapain ang amo niya. Ang pangit tingnan!
Mabilis akong umiling. "Hindi na. Ako na lang, tutal ay bibihisan ko pa siya. Ikaw na ang maunang gumamit ng banyo." Sabi ko.
"Ikaw ang bahala..." sagot niya at tinalikuran na ako ngunit hindi na para lumabas kung hindi para pumasok sa isang pintuan dito sa kwarto niya na sigurado ako na iyon ang banyo.
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga bago ko inilapag ang bag na dala ko sa kama kung saan natutulog ang anak ko, pagkatapos ay bumaba ako at nadatnan ko si Linda na nasa kusina, nagliligpit ng pinagkainan niya.
"Hi ma'am! Kain po!"
Umiling ako. "Salamat na lang pero busog pa ako."
"Ganoon ba ma'am? Ano po ang kailangan niyo?" tanong niya habang pinupunasan ang basa niyang kamay sa kanyang uniporme.
"I need lukewarm water and a face towel. Bibihisan ko lang ang anak ko sana." I said politely. Hindi ko pa naman kasi alam kung saan nakalagay ang mga bagay-bagay dito.
Kumbaga sa baguhan ay nangangapa pa ako.
"Ay sige ma'am! Magpapainit ako ng tubig." Aniya at nagmadaling kinuha ang kettle at nilagyan ito ng tubig na sasapat para magamit ko mamaya sa paglilinis sa katawan ng anak ko.
"Ikaw lang ba ang kasa-kasama ni Yael dito?" tanong ko.
"Hindi po ma'am... Tatlo kami dapat dito. Day off lang ni ate Charla, iyong si Pipay naman ay umalis na. Nagka problema kasi sila ni ma'am Vien." Pagkukwento niya.
So, tama nga ang iniisip ko na nagpupunta nga dito si Vien? Malamang! Girlfriend siya ni Yael, Beatrix!
"Si Vien ba ay nakatira din dito noon?" pasimple kong tanong at humakbang sa papalapit sa may ref. Binuksan ko ito at nakakita ako ng mga bottled mineral water. Kumuha ako ng isa bago sinarado ang ref.
"Hindi po ma'am. Si sir Yael lang po ang nakatira dito at paminsan-minsan lang siya umuuwi dahil sa trabaho niya at madalas niya yatang puntahan si ma'am Vien... Iyon ang chismis sakin ni Pipay. Crush na crush niya kasi si sir Yael kaya lagi siyang updated tungkol kay sir. E ako naman ma'am medyo crush ko lang si sir kaya hindi naman ako kasing updated ni Pipay." Mahaba niyang kwento.
Wow, this Linda is a great messenger. Detalydong-detalyado. Natutumbok niya palagi ang mga gusto kong malaman. I think I'm going to like her.
"Pero h'wag kang mag-alala ma'am, hindi ko naman aagawin sa'yo si sir! Kaya no hate, spread love! Alam ko naman na ikaw ang asawa. Pero nagtataka nga ako ma'am, alam kong si ma'am Vien ang jowa ni sir tapos noong miyerkules nabalitaan ko na ikakasal na pala si sir at hindi kay ma'am Vien kung hindi sa inyo! Naloka ako ma'am! Napaisip na lang ako na ang gwapo talaga ng sir ko!" daldal niya at humagikgik pa.
Bagamat nakakatawa itong si Linda ay hindi ko maiwasang hindi maguilty sa mga kwento niya. Oo nga naman. Si Vien ang girlfriend niya tapos bigla-bigla sa akin siya ikinasal.
Binuksan ko ang mineral water at uminom ng kaunti doon.
"Kahit ako, sa tingin ko ay maloloka na rin ako... Everything is just so complicated." Wala sa sarili kong sabi. How did we end up here?
"Nako ma'am, h'wag ka ng malungkot. Tama lang na nagpakasal kayo ni sir kasi may anak na pala kayo. Ang gwapo-gwapo ng anak niyo no ma'am? Kamukhang-kamukha si sir! Hindi ko naman makakatuluyan si sir kaya yung anak niyo na lang yung hihintayin kong lumaki!" tumatawa niyang biro.
Maging ako ay natawa na rin. "Ewan ko sa'yo, Linda. Child abuse ka... iyong tubig mo pala ay kumukulo na."
Nang maihanda na ni Linda ang mga kailangan ko ay umakyat na ako ulit at pagpasok ko sa kwarto ay sakto namang paggising ni Mikel.
"My-my!" he was about to cry pero mabilis akong lumapit sa kanya at inilapag sa baba ang basin na hawak ko.
"Shh... hey, mommy's here." Marahan kong sabi. He just pouted his lips and starts sobbing while roaming his eyes around the place. Naalimpungatan yata ang anak ko.
Umupo ako sa kama at kaagad ko siyang kinuha saka niyakap nang mahigpit.
"Oh, what's wrong, honey? You're missing our old room?" naawa kong sabi. Lalo lang siyang naiyak. Naawa ako sa anak ko kasi kailangan niya pang manibago.
This is the second time na nanibago ang anak ko. Iyong una ay noong lumipat kami sa bahay ng lolo't-lola niya at ito naman ang pangalawa.
"Tahan na anak... I'm sorry. I'm so sorry." I sincerely said as I place soft kisses on his forehed.
"What happened? I heard my son crying." Bumukas bigla ang pintuan at iniluwa si Yael na tanging tuwalya lamang ang nakabalot sa kanyang bewang.
I can even see the water dripping from his hair down to his... his chest and abs. Good God!
"Hey, what happened? Bakit ka umiiyak?" marahang tanong ni Yael at lumapit sa amin. He tried to get Mikel from me but my son cried harder. Ngayon ay may halo nang takot ang pag-iyak niya. He even hugged me tight, not wanting to let go.
"Hey, baby... You don't have to be scared. I'm your daddy." Yael coaxed. I looked at her face and I saw sadness there.
Ang sakit nga naman sa part niya na gustong-gusto niyang mayakap ang anak niya pero ayaw mismo nito sa kanya. Damn! I don't like this! Maging ako ay nahihirapan sa tuwing ganito.
"No! No!"
"Mikey, don't cry. Iyan ang daddy mo. Your daddy's not gonna hurt you."
"My-my! No!" umiling siya at ibinaon ang ulo niya sa dibdib ko.
I looked at Yael apologetically. His eyes are full of pain and his jaw was clenched.
"Give him some time..."
He shook his head as he looked at me mockingly.
"This is not going to happen if you didn't just hide my son from me... kung hindi mo siya itinago ay hindi siya magiging mailap at matatakot sa akin!" he blamed. Hindi na niya ako hinintay na makasagot. Muli siyang pumasok sa loob ng banyo.
Napikit ako ng mariin. I just did what I think was right but why is it backfiring me now? Itinago ko si Mikel kasi akala ko iyon ang makakabuti. Hindi ko naman naisip na aabot pa sa ganito.
"Shh... h'wag ka nang umiyak anak." I coaxed.
Nang tumigil na si Mikel ay saka ko siya pinunasan gamit ang maligamgam na tubig. I changed his diapers, applied his baby powder and lotion tapos ay binihisan ko siya. He's now wearing his dog onesie. When he's ready, I fed him with milk tapos ay sinubukan ko na siyang patulugin.
Siguro ay mga sampung minuto nang natutulog si Mikel bago lumaba ulit si Yael mula sa banyo. Hindi niya ako tiningnan at dumiretso lamang siya sa walk in closet niya. Matapos ang mga limang minute ay lumabas na siya.
He's wearing a dark grey sweatpants and a white sando.
Saglit kaming nagtinginan ngunit parehas rin kaming nag-iwas kaagad.
Dahan-dahan akong bumangon para h'wag magising si Mikel. Nang tuluyan na akong makatayo ay tiningnan ko si Yael. He's not looking at me; his eyes were fixed at my cute sleeping son.
"I-Ikaw na muna ang bahala sa kanya... maliligo na ako." Sabi ko na lang. Napatingin ako sa digital clock na nasa nightstand. It was almost 12.
I had a very long and tiring day, didn't I?
Dumiretso ako sa closet ni Yael. Sa sobrang pagod ko ay hindi na ako namili ng damit. Kung ano na lamang ang una kong nakita ay iyon ang kinuha ko.
It was a plain blue t-shirt.
Pagkatapos no'n ay dumiretso na ako sa banyo at nagmadaling naligo. I badly want to rest. I'm so damn tired of all the arguments and everything.
After drying my body, I slipped into Yael's blue shirt that freaking smelled like him. I don't have anything underneath the shirt. And it's okay, right? It looked like a dress on me naman.
At isa pa, masyado nang drained ang utak ko para mag-isip pa ng kung ano. I didn't even dry my hair. Lumabas na ako ng banyo na may towel sa buhok ko.
Nadatnan ko ang mag-ama ko na magkatabing natutulog sa kama. Nakaharap ng higa si Mikel kay Yael at si Yael naman ay nakayakap kay Mikel.
I smiled at the nice view. They look good together, they look so perfect. Mukha silang magkasundong-magkasundo.
You know what? Even though Yael and I aren't in good terms? It still makes me happy to see them like this.
I don't know why but my heart instantly melted the moment I saw them like this.
It makes me want to believe that everything's going to be okay... that everything's going to fall into place.
It makes me want to be selfish. Gusto ko na ako lang ang makakita na ganito sila. Gusto ko na maging akin lang sila pareho.
I know, this sounds hopeful but I do hope so that everything is going to be alright... kahit na alam ko at malinaw pa sa sikat ng araw na malabo na iyong mangyari.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top