Chapter 7
Chapter 7
Honeymoon
"Saan kayo titira pagkatapos nito?" Kaye asked before sipping on her champagne.
Nagkibit balikat ako. "Hindi ko alam. Hindi pa kami nag-uusap." Wala sa sariling sabi ko. Iyon naman ang totoo.
Hindi ko talaga alam kung saan kami titira at kung paano ang set up namin pagkatapos ng gabing ito.
Wala pa kaming matinong pag-uusap ni Yael. Muntik na nga kaming magkaroon ng dalawang venue na pupuntahan matapos ang kasal. Mabuti na lang at nagtanong ako kung saan niya gusto, kung hindi ay hindi ko malalaman na nakakuha na pala siya.
Kaye gave me a pitiful look. "Hindi ka ba nagsisisi sa desisyon mo? Kasi parang ang gulo. Parang hindi pa naman kayo handa para dito. At pati rin kami! Kaya nga pati mga wedding gifts namin ay na rush din!"
I bit my lower lip. "H-hindi..." I replied, honestly before looking away. Wala naman talaga akong pagsisising nararamdaman kahit na nakokosensya ako sa tuwing naiisip ko si Vien.
"Ahh... Mahal mo pa kasi."
Mabilis pa sa alas kwatro kong naibalik ang tingin ko sa kanya. "A-ano bang pinagsasabi mo diyan, Kayeleen?! Lahat ng ito ay ginawa ko para k-kay Mikel!" depensa ko. Para naman 'tong siraulo!
Hindi lang nagsisi, mahal pa agad?!
She gave me a playful look. "Sure, sure..." aniya sabay inom muli sa kanyang champagne.
Umiling-iling na lang ako saka tumingin-tingin sa paligid.
Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko nang mahanap ng mga mata ko si Yael na kasalukuyang kausap si Eli.
Nakatayo silang tatlo at pare-parehong may hawak na isang baso na may lamang alak, siyempre.
I can't deny the chemistry of Yael and Vien while they were standing next to each other.
Matchy-matchy pa naman ang kanilang suot. Para ngang sila ang ikinasal.
Napangiti ako ng mapait sabay iwas ng tingin.
"Nasaan ang magaling mong asawa?" ani Jess nang makalapit siya sa amin ni Kaye.
Nagkibit balikat na lang ako kahit alam ko naman kung nasaan siya. "Nasaan si Nice-Nice?" tanong ko na lamang sa kanya dahil kanina lang ay hawak-hawak pa niya ito.
"Kinuha ni Colton... siya na daw muna ang bahala sa anak namin at samahan ko na daw kayong dalawa." Aniya at umupo sa tabi namin ni Kaye. She even offered me a drink that she was holding but I refused.
I'm still breastfeeding my son at baka matamaan ako at walang mag-alaga kay Mikel. Kahit naman nandiyan na si Yael at ikinasal na kami ay ayaw pa rin siya ni Mikel. Sinubukan siyang kunin kanina ni Yael pero nagwala lang siya at nang kunin siya ni Eli mula kay Yael ay sumama siya kaagad to think na hate na hate ni Mikel si Eli.
Tuwang-tuwa pa ang insensitive na si Eli at hindi man lang inintindi si Yael.
Tsaka mukhang nage-enjoy naman si Yael na kasama si Vien. Nakakahiya naman sa kanila kung iinom pa ako dito.
Isipin pa nila na pabaya akong ina. Pero sa totoo lang ay mula nang ipagbuntis ko si Mikel ay hindi na ako uminom simula noon.
"Hey, Jess. Bigyan mo naman ng tip si Beatrix sa buhay may asawa." Ani Kaye sabay hagikgik.
"Ano bang tip ang gusto mo?" pagsakay ni Jess at nginisian ako.
"Sex tips." Kaye answered for me. Nagtawanan silang dalawa habang ako naman ay namula habang pinanlalakihan sila ng mga mata.
"Tumigil nga kayong dalawa! Hindi mangyayari iyon!"
"Trust me, you can never tell." Jess said while looking at me maliciously. Lalo lang akong pinamulahan sa sinabi niya. Sinamaan ko na lang sila ng tingin para itago ang pagkahiya ko.
"Sus! Nahihiya ka pa e may anak na nga kayo!" asar pa ni Kaye. Konting-konti na lang talaga ay pag-uuntugin ko na silang dalawa. Bakit ba pinagkilala ko pa ang dalawang 'to?!
Jess took a sip of her champagne. "You should try doing it with you on top of Yael... Men love that-well, I don't know with Yael but my Colton loves that."
"Jess!" I grimaced. Hindi ko alam talaga kung saan ako lalong nahiya. Sa tip niya o sa pagse-share niya ng sexual activities nila ni Colton! Nakakairita! Kung hindi ko lang kapatid si Colton ay baka katulad ko rin si Kaye na tuwang-tuwa at manghang-mangha ngayon pero hindi, e!
"What?" painosente niyang sabi. I just rolled my eyeballs at her. God! Nagkwentuhan pa kami saglit pero mas marami pa ang pang-iinis nila sa aking dalawa. Kung minsan nga ay nagbibingi-bingian na lang ako para maiba na ang usapan. Maiiba nga pero babalik rin naman.
"Vien, that's enough..." natigilan ako nang marinig ko ang boses ni Yael sa hindi kalayuan. Nakatayo siya habang si Vien naman ay nakaupo mag-isa sa isang table. Yael's trying to steal the glass of champagne from Vien's hand.
"You're drunk! Come on, give me that already."
"Nooo! I'm not drunk!" humagikgik niyang sabi at ininom ang natitirang laman ng basong hawak niya.
"I want more." Tumatawa niyang sabi. Umigting ang bagang ni Yael.
"No. I'm going to take you home." Matigas na sabi ni Yael at kaagad na kinuha ang isang braso ni Vien saka iniyakap sa balikat niya.
Nag-iwas na lang ako nang tingin at ang mga mata naman ng mga kaibigan ko ang sumalubong sa akin.
Kanina pa pala ako pinapanuod ng mga ito habang pinapanuod ko sina Vien at Yael.
"Pabebe naman 'yang ex ni Yael." Iritang-iritang sabi ni Jess.
"True! Itong si Yael naman gwapo lang! Hindi naman marunong makiramdam!" dugtong pa ni Kaye.
Natawa ako nang pagak. "Hayaan niyo na lang... Isa pa, hindi pa naman yata 'ex' si Vien."
Namilog ang kanilang mga mata. "What do you mean?!"
"Hindi pa naman yata sila nag-break. Ewan ko. Wala akong pakialam. Bahala sila." Kibit balikat kong sabi. Isa pa, wala rin naman akong karapatang magalit. Mag-asawa lang kami sa papel.
"Ang boba naman nung babaeng 'yan kung ganoon! Gustong-gusto niyang maging kabit?!" bwisit na bwisit na sabi ni Kaye.
"Sana inalok mo na lang ng live in si Yael kaysa sa ganito. Kasal nga kayo hindi naman pala niya maiwan-iwan 'yung babae." Jess commented.
"I want to give him the legal rights to Mikel. Kasi kapag hindi kasal ang dalawang magulang yung tatay ang kawawa. Wala siyang karapatan sa anak niya unless ang korte ang magsasabi o di kaya'y gamit ng bata ang apelyido niya. In our case, apelyido ko ang gamit ni Mikel. At kung mabibigyan naman si Yael ng karapatan kay Mikel nang hindi kami kasal ay itatakbo niya sa akin si Mikel ng isang taon."
Both of them are just looking at me, trying to absorb the pieces of information that I'm giving them.
"Trust me, I asked Philip." Sabi ko sa kanila bago ako tumayo mula sa kinauupuan ko. I really consulted Phil about this before marrying Yael.
"Kukunin ko lang si Mikel." Paalam ko sa dalawa bago ko sila tuluyang tinalikuran. Tumingin ako doon sa kinaroroonan ni Yael at Vien kanina ngunit ngayon ay wala na sila.
Nagpakawala na lamang ako ng buntong hininga at hinanap kung nasaan si Mikel. Nakasalubong ko pa si Aya na kasalukuyang naglalakad papunta sa may buffet.
"Hi, congratulations ulit." Nakangiti niyang bati sa akin.
I forced myself to give her the sweetest smile that she deserves. "Thank you, Aya... Have you seen my son?"
Tumango siya. "He's with tita Helen. Nasa may garden sila." Aniya. Tumango naman ako bago ako muling naglakad.
I made way to the garden of this venue then I found my mother holding my son in her arms while they're both looking up in the sky. My son looks adorable with his tiny suit and tie. Gentleman na gentleman ang kanyang dating.
"One... Two... Thwee... Fouw... Five!" Narinig ko ang pagbibilang ng anak ko.
"Good job!" tuwang-tuwang sabi ni mama kay Mikel kahit na hanggang five lang ang kaya niyang bilangin.
I cleared my throat. Humarap si mama sa kinaroroonan ko na naging dahilan upang maharap din sa akin si Mikel.
"My-my!" He exclaimed nang makita niya ako.
"Hello, baby boy!" Excited kong sabi at kaagad na lumapit kay mama para kunin sa kanya si Mikel. Nang mahawakan ko na ang anak ko ay kaagad ko siyang pinaulanan ng halik sa kanyang mukha.
Damn! Palagi akong nangigigil sa kanya.
"Is my baby's having fun? Hmm?" Sabi ko habang kinikiss pa rin siya. Nagpakawala lang siya ng isang masarap na tawa. Ahh. One of my favorite sound. My son's laugh is like a medicine. It has the ability to mend my aching chest for a while.
"O, nasaan ang asawa mo?" Tanong ni mama. Saglit akong natigilan pero kaagad ko din namang ibinalik ang sigla sa mukha ko at kiniliti ang leeg ni Mikel gamit ang labi ko.
"Nagpaalam na aalis daw saglit... Ihahatid lang daw yung kaibigan niya, nalasing kasi." I lied while I continue doing my business with my son. I can't look at my mother while I'm telling lies. She knows me so well.
"Ah ganoon ba?"
Tinigil ko ang pangingiliti kay Mikel na kanina pa tumatawa at tiningnan ang mama ko.
"Ma, si papa? Hindi ba talaga siya darating?" Tanong ko.
6 PM pa lang at hanggang mamayang alas otso pa kami rito. Baka naman humabol siya kahit dito na lang sa venue.
She looked at me apologetically. "Pasensya na. Kahit anong gawin kong pilit sa kanya ay ayaw niya talaga. Muntik pa naming pag-awayan ang dahil dito."
Ngumiti na lang ako at tumingin sa mga bitwin. They look so beautiful tonight. Ang dami-dami nila sa langit at lahat sila ay makikinang.
"Naiintindihan ko naman, ma..."
Alam ko naman na masakit ang loob niya dahil gusto niya lang kung ano ang makakabuti para sa akin. He just want to give me the best. He thinks that I deserved more than what Yael is willing to give me.
"Eventually, he'll understand. Your father should be grateful dahil ikinasal ka na at sa ama pa ng anak mo. Sa wakas ay may katuwang ka na sa pag-aalaga kay Mikel." Aniya at pinisil ang pisngi ng apo niya.
This whole thing was okay to my mother. Hindi naman siya kumontra. Pinangaralan niya nga ako sa kung ano ang mga dapat kong gawin bago kami ikinasal ni Yael and I felt guilty while she's giving me life lessons. Hindi ko pa kasi nababanggit sa kanya, sa kanila, na matapos ang isang taon ay maghihiwalay rin kami ni Yael.
"Plane! Plane!" masayang sabi ni Mikel habang nakaturo sa langit. Pareho kaming napatingin ni mama sa langit.
Napangiti ako nang makita ko ang dumadaan na eroplano. Noong ipinagbubuntis ko pa si Mikel ay mahilig akong mag-abang ng eroplanong mapapadaan at iniisip ko na si Yael ang piloto.
"Alam mo ba, yung daddy mo kaya niyang magpalipad ng airplane." Sabi ko kay Mikel ngunit hindi naman niya ako pinansin dahil manghang-mangha siya sa eroplanong umi-ilaw-ilaw pa.
"Wooow! Plane!"
-
Tumingin ako sa phone ko. It was already 8:15 and Mikel's already fast asleep on my shoulder. Lahat kami ay nasa parking area na. Kanya-kanyang paalam ang mga bisita sa akin. Nauna na ring umuwi si mama kasama si manang Sally at si Digna. Sina Philip at Aya ay nauna na rin, isinabay na nila si Kaye sa kanila dahil lasing na ang babaeng iyon.
Kami-kami na lang nila Colton at sina Kiel ang nandito.
"Tinawagan ka na ba?" Colton asked at nagbaba ng tingin sa phone ko.
Umiling ako at nag-iwas ng tingin. Paano ako tatawagan e wala nga kaming number sa isa't-isa.
"Sige na, mauna na kasi kayo. Para makahiga na ng komportable si Nice-Nice... baka mangalay iyon sa loob ng kotse." Sabi ko at luminga-linga sa paligid baka sakaling nandito na si Yael.
"We can't leave you here. Tapos nasayo pa si Mikel." Kunot noo niyang sabi at mukhang naiinis na rin.
"Ihatid ka na kaya namin sa tutuluyan niyo? Hindi ba nabanggit sa'yo ni Yael yung address kung saan kayo titira?" Dagdag pa ni Colton.
"W-wala akong susi. H-hinatayin ko na lang siya dito." pagsisinungaling ko. Sa totoo lang hindi ko naman alam kung saan kami tutuloy matapos naming ikasal.
Nasaan na ba kasi siya? Kanina pa siya nawawala. Parang ako lang ay ikinasal! Ako lang ang natira sa venue kasama ang mga bisita namin na halos relatives ko pa.
"Sumama ka na lang kaya muna sa amin? Doon mo na siya hintayin. Para rin makapagpahinga na nang maayos si Mikel... Nasa loob na rin naman ng sasakyan yung mga gamit ni Mikel." suhestiyon ni Jess.
"Kiel, mauna na kayo. Kami na bahala sa mag-ina." Dinig kong sabi ni Colton sa magkakapatid.
"You sure?" Kiel said.
"Yeah, yeah. Mukhang inaantok na rin si Briel."
"Oh she's not going to get any sleep tonight because she'll stay up all night waiting for a dude's reply who's clearly not into her... Wake up, sis."
"Will you shut up, Eli? Wala ka namang ambag sa kalikasan! You, Kiel, and dad are just ruining it because of those stupid buildings that you were building!"
"Ikaw nga puro stress lang ang ambag mo pa sa pamilyang 'to! Mabuti pa nga 'yung mga 'stupid buildings' na tinatawag mo ay malaki ang naitutulong sa atin." Eli fired back.
"Woah! You two stop right there! Sa bahay niyo na lang ituloy ang pagiging childish ninyo." awat ni Kiel sa dalawa at ipinasok na si Briel sa loob ng sasakyan niya.
"Damn! I hate you, Eliott!" pahabol ni Briel habang papasok siya ng sasakyan ni Kiel. Kiel just pushed her sister's head para tuluyan na siyang makapasok sa sasakyan at saka kaagad na isinara ang pintuan.
"Love you too." Nakangising sagot ni Eli habang nakatingin sa sinasakyan ni Briel na para bang nakikita niya ang kapatid kahit na tinted naman ang sasakyan ni Kiel.
Nagpaalam muna siya sa amin bago pumasok sa sarili niyang sasakyan.
"Thank God I'm not tito Ezekiel's son!" Ani Colton nang tuluyan nang makaalis ang tatlong magkakapatid.
Kami na lang nila Colton ngayon ang nandito. Tiningnan ko ang kapatid ko na kasalukuyang hinihilot ang kanyang sentido.
"Cols, what time is it?" I asked.
Tiningnan niya ang kanyang wrist watch. "3 minutes before 9." He answered.
Nagbaba ako ng tingin kay Mikel na natutulog pa rin bago nagpakawala ng buntong hininga.
"Sasama na muna kami sa inyo."
Mukhang hindi rin naman darating si Yael.
"Okay. I-text mo na lang si Yael..."
Gusto kong matawa nang pagak. Ni siya nga ay hindi man lang niya 'ko magawang sabihan kung nasaan siya.
"Gosh, I'm tired." Jess yawned at nauna nang pumasok sa loob ng sasakyan ni Colton. Si Colton naman ay pinagbuksan kami ng pintuan sa backseat ng kanyang kotse.
Maingat kong sinuportahan ang ulo ni Mikel habang papasakay kami sa backseat.
Hindi pa man kami tuluyang nakakasakay ay isang maliwang na ilaw ng sasakyan ang tumama sa aking mukha na naging dahilan upang masilaw ako.
Maya-maya ay bukas ang pintuan mula sa driver's seat at iniluwa si Yael na nagmamadaling naglakad palapit sa amin.
"Let's go." Hinihingal niyang sabi.
Let's go? Let's go?! Matapos niyang mawala bigla-bigla at paghintayin kami rito ay iyan lang ang sasabihin niya?
"Sa amin sila matutulog ngayon..." Malamig na sabi ni Colton kay Yael.
"Hindi. Uuwi kami." Matigas na sabi ni Yael at tiningnan ako. "Let's go, Beatrix."
"Ganito na lang, umuwi ka tapos sasama sa amin ang kapatid ko." punong-puno nang sarcasm ang boses ni Colton.
Nakita ko ang pagtiim ng bagang ni Yael at akmang sasagot pa siya kay Colton pero naging maagap ako at nagsalita na ako kaagad.
"It's okay. Sasama na kami kay Yael." nakikiusap kong tiningnan si Colton.
Pumikit siya ng mariin at bago tumango.
"Okay..." he answered under his breath. Umatras siya para tuluyan akong makalabas habang hawak si Mikel.
"Goodnight... Don't hesitate to call me or Jess if you need anything." Aniya sabay halik sa noo ko at hinalikan niya rin sa noo si Mikel.
"Okay. Goodnight. Kiss Jess and Nice-Nice for me." Sabi ko na lang. Tumango naman siya at kinuha ang bag sa loob ng sasakyan niya at iniabot sa akin.
Humakbang na ako papalapit kay Yael habang hawak-hawak si Mikel at ang bag na kakabigay lamang ni Colton. He looks pissed while looking at me pero ginantihan ko lang siya ng malamig na tingin. Napansin kong wala na ang suot niyang coat, iyong white polo na lang niya ang suot niya at wala napansin ko ring wala yung wrist watch niya.
Lalo akong nakaramdam ng inis. Sa sobrang inis ko ay parang gusto ko na lamang umiyak. Ano pa nga ba ang nangyari? Wala ang coat ni Yael, wala rin ang wrist watch niya tapos lasing pa si Vien!
Ang galing! Ako ang pinakasalan niya pero silang dalawa ng ex niya ang nag honeymoon!
Lalong lumamig ang titig ko sa kanya. Kaya pala ang tagal niya. Dammit! Kung kaagad ko lang naisip kung ano ang pwede nilang gawin ay hindi ko na siya hinintay!
Despite the unpleasant way on how we look at each other kinuha niya pa rin ang bag na dala ko.
"Ako na!" Inis kong sabi at akmang aagawin pa sa kanya ang bag na dala ko kahit na nakuha na niya ito.
Hindi siya sumagot, umalalay lamang siya sa may likod ko. My brows furrowed and then I froze when I felt his hot palm on the exposed part of my back, gently urging me to walk towards his silver Chevrolet. My heart was thumping through my chest the whole time.
Bakit kailangan niya pa 'kong hawakan?! God knows what his damn hands had caressed before showing up here!
Nang makalapit na kami doon ay kaagad niya kaming pinagbuksan ng pintuan. Nginitian ko lamang si Colton na nakatayo pa rin sa labas at inaantay kaming makaalis.
Nagbilib nga ako sa sarili ko dahil nakuha ko pang ngumiti kahit kanina ko pa gustong magwala.
Nang makapasok na ako sa loob ay isinara na ni Yael ang pintuan at siya naman itong sumunod. Naka start na ang engine kaya inikot na lamang niya ang sasakyan niya at bumusina ng dalawang beses bago kami tuluyang umalis sa lugar na iyon.
"Just drop us off at my parents' house." Malamig kong sabi sa kanya. Kung kanina ay gusto kong sumama sa kanya ngayon ay nagbago na ang isip ko!
"And why would I drop you and Mikel there?" His voice was pissed and solid.
"Dahil doon kami nakatira." Mariin kong sabi. Naramdaman ko ang pagpukol niya ng tingin sa akin ngunit hindi ko siya tiningnan pabalik. Sa daan lang ang tingin ko.
"Well, not anymore. I'm your husband now."
Natawa ako nang pagak sabay iling. "Sana naisip mo 'yan bago mo 'ko pinaghintay ng matagal."
"Sino bang nagsabing maghintay ka? Sana ay sumama ka na lang muna pauwi kina tita Helen para nakapagpahinga na nang maayos si Mikel. Sana ay doon ko na lang kayo pinuntahan."
This time ay binalingan ko na siya ng masamang tingin. "Wow, parang kasalanan ko pa. Sorry ah."
"Will you stop being sarcastic? I don't remember telling you to wait for me there. Tapos ngayon ikaw pa ang galit!"
Humigpit ang kapit niya sa manibela at ang sama nang tingin niya sa daan na para bang may ginawa itong kasalanan sa kanya.
"Sana kasi sinabihan mo 'ko kaagad para alam ko kung anong gagawin ko! Hindi iyong basta-basta ka na lang nawawala! Kahit sana sinabi mo lang na 'Hey, Beatrix. Magso-solo muna kami ng girlfriend ko. Sunduin ko na lang kayo ni Mikel sa bahay ng parents mo.' Actually, wala naman akong pakialam kahit ano pang ginawa niyo kanina! Ang sa akin lang ay sana nagsasabi ka!" Mahina ngunit mariin kong sabi dahil ayokong magising si Mikel.
Binalingan niya ako ng mabilis at naiiritang tingin.
"At ano naman ang gagawin namin ni Vien?!"
Nakasalubong ang kilay niya habang nagmamaneho siyang nakatingin sa daan.
"Hindi ako tanga, Yael. Alam ko kung bakit wala ang coat mo at ang wrist watch mo ngayon! Hindi ako ipinanganak kahapon!"
"Goddammit!" Mahina ngunit buong diin niyang mura sabay hilot sa kanyang sentido gamit ang isa niyang kamay habang ang isa naman ay naiwan sa steering wheel.
At ngayon siya pa ang mukhang nas-stress? Ang kapal ng mukha niya! Ang kapal-kapal niya!
Sa sobrang inis ko ay mariin ko na lang kinagat ang labi ko hanggang sa malasahan ko na ang bakal doon. Fuck him!
"Isipin mo kung anong gusto mong isipin pero wala akong ginagawa..." Bumuntong hininga siya at sinubukang pakalmahin ang sarili niya.
"Nawala ka ng ilang oras... hindi naman ako boba para hindi malaman kung ano ang ibig sabihin no'n. And what's the use in denying? Kasal lang naman tayo sa papel. You're still free to do what you please." hindi ko maitago ang pait sa boses ko.
"Dammit, Beatrix! I smell like vomit! Hindi mo ba 'ko naamoy? Nasukahan ako ni Vien at nalagyan ang coat pati ang wrist watch ko kaya hindi ko suot ang mga iyon ngayon! And just to make it clear to you, nawala ako ng ilang oras dahil galing pa akong Manila dahil doon ang condo ni Vien. Now will you stop accusing me for something that I didn't do and just let me drive peacefully?!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top