Chapter 25
Chapter 25
Hurt
"Gusto mo ng pineapple? Watermelon?" tanong sa akin ni Yael. Sabay-sabay na kaming kumain sa dining area kasama ang mga pinsan niya, mama niya, at lola't lolo niya. Halos magkasabay kaming natapos ni Yael sa pagkain ngunit itong anak namin ay gusto pa.
"Watermelon na lang, hindi pa naman nababalatan iyong pineapple." Natatawa kong sabi sa kanya. Binigyan niya pa ako ng choice e pakwan lang naman ang available sa hapag.
"Ipagbabalat kita, sandali lang."
"Tsk. H'wag na, Yael. Pakwan na lang. Magpapagod ka pa."
"Hindi ako mapapagod... Sandali lang ito." pinal niyang sabi sa akin bago tuluyang tumayo mula sa kanyang pagkakaupo.
"Respeto naman sa mga single, oh!" Parinig bigla ni El na naging dahilan upang mapatingin ako sa kanya. Sino ba ang pinariringgan niya? Imposibleng siya dahil may asawa na rin siya.
Mahinang tumawa si Karlie. "Insecure ka na naman kay kuya Yael... Ang sweet at gentleman niya ano?"
"You know what, Karlie? I agree. You should go get a guy like kuya Yael." nakangising singit ni Sienna bago kinagatan ang pakwan niya na hugis tringle.
Tumaas ang kilay ni Karlie. "Or don't get a guy at all. Because they all suck!" she added at Sienna's statement.
"When women insult men it's called 'feminism' but when men insult women it's called 'sexism'. Come on, people!" El said and looked at Karlie ridiculously.
"Wow, butthurt much? When men insult us women people won't even budge but when women learn to fight back your all stupid asses are getting offended..." Karlie fired back.
These two must not have notice but everyone in this dining area is looking at them anticipating on what words they will throw at each other next.
"It's more like the other way around, Karlie. What if I say that all women suck?" Mapang-asar na ngumisi si El.
Natawa si Karlie at ininom ang orange juice bago niya sinagot si El.
"Ano bang bago doon, El? Matagal nang ganyan ang tingin niyo sa mga babae..." iling-iling niyang sagot.
"What's with the fucking argument? Men and women benefits from each other. Women have pussies, men have dicks and when those two organs collided I'm sure they won't even give a fuck about this feminism and sexism thing because they're too busy fucking each other."
"Cori, watch your words!" saway ni lola Anastasia. Kaming lahat ay gulat na gulat dito dahil sa bigla-bigla na lamang pagsasalita ni Cori.
Nasamid pa si mama Yngrid dahil sa sinabi niya. Maging ako nga ay hindi ko alam kung tatakpan ko ba ang mga tenga ni Mikel o kakargahin na lang siya para ilabas.
Nagsalubong ang kanyang dalawang kilay. "What? Nagsasabi ako nang totoo. Yang dalawa ang pagbawalan niyo, I'm trying to eat in peace here pero panay ang pagtatalo."
Naitampal ni lola Anastasia ang palad sa noo. "Dios mio..." iling-iling niyang sabi.
"What's going on here?" tanong ni Yael na kararating lamang. May hawak-hawak siyang plato na may sliced pineapples. Inilapag niya iyon sa harapan ko bago muling umupo sa tabi ko. Walang sumagot kay Yael kaya ako ang tiningnan niya at tinaasan ng dalawang kilay.
"A-Ah—"
"Nothing, Yael. Your cousins are being their typical selves." Lolo Primo answered with a sigh.
"Anyway, pwede ko bang mahiram ang asawa mo mamaya, Yael?" Lola Anastasia said. Napaawang ang aking bibig at napatingin kay lola. I was smiling at her with confusion.
"Basta ba ibalik niyo agad, lola..." biro pa ni Yael bago niya ako tiningnan. Nagtatanong ko siyang tiningnan. Nginisian niya lang ako at tinanguan.
"You'll be fine... ako na ang bahala sa anak natin." He assured.
--
Matapos naming kumain at magpahinga ay dinala kaming muli ni lola sa baba. Kaming tatlo nila Sienna ay pinagtabi-tabi niya at binigyan ng kanya-kanyang gagawin.
Sienna was assigned in the chopping the vegetables na kakatapos ko lamang balatan habang si Karlie ay naka-assign sa pag s-shred ng mga buko habang may earphones na nakasuksok sa isa niyang tenga.
"Ganito talaga dito. Bata pa lang kami ni Karlie ay binibigyan na kami ng kanya-kanyang assignment ni lola. Para daw kapag nag-asawa kami ay hindi lang kami sa mga katulong aasa. Baka daw kasi hiwalayan kami ng mga asawa namin kapag wala kaming alam sa gawaing bahay." Pagkukwento ni Sienna at natawa pa siya sa huli niyang binanggit.
Ngumisi ako. "Sigurado ako na nagreklamo si Karlie doon." Sure na sure kong sabi.
Humalakhak si Sienna. "Sinabi mo pa! Nangatwiran siya na hindi naman daw siya mag-aasawa."
"What did you just say?!"
Sienna and I both startled when we heard Karlie's voice.
Pabagsak niyang binitawan ang pag shred ng coconut sa loob ng buko.
"Trina, I told you to reschedule my meetings for today, right? Especially yung kay Mr. So! Look, I can't leave right now! I'm stuck here in Punta Fuego while shredding these stupid coconuts!" Mahina ang pagkakasabi niya ngunit may diin.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Sienna kaya napatingin ako sa kanya. She's still looking down on the carrot that she's been chopping for the chopsuey.
"Ganyan ba talaga ka workaholic si Karlie?" Hindi ko na napigilang itanong kay Sienna.
Natawa siya nang bahagya. "Yeah... kailangan, e. Or at least that's what she thought. She's really trying her best to be on top just to prove herself."
Tiningnan niya ako ng may nakakalokong ngisi sa kanyang mga labi. "Kung minsan nga ay nagtataka ako kung ano kaya ang laman ng mga panaginip niya? Stocks? Cash flow? Assets? Liabilities?" She chuckled deliciously and shook her head a little.
"Hay, hindi ko na talaga alam." dagdag pa niya at muling ipinagpatuloy ang ginagawa ko.
Tumigil ako sa pagpi-peel ng carrot at tipid na ngumiti. "Siguro gano'n talaga minsan. We really have to work hard not to satisfy others but to satisfy ourselves. Kung minsan kasi enough na para sa mata ng iba pero pero pakiramdam natin kulang pa."
"Well, you're right... Our own standards are what's most impossible to reach sometimes."
"Sien..."
"Hmm?"
"How was Yael like? Noong mga bata pa lamang kayo."
Napangiti si Sienna. "Mysterious. Tahimik lang siya parati. Pero mabait si kuya Yael at marespeto, walang duda iyon. Gwapo pa! Kaya maraming nagkakagusto sa kanya dito noon. But what I really admire about him is his love for his sister. Other brothers tend to bully their younger sisters pero si kuya Yael? I never saw him make fun of his little sister. Mahal niya ito ng sobra-sobra, kaya alam kong sobra-sobra rin siyang nasaktan nang mawala si Ariana."
Tiningnan ako ni Sienna sa mga mata at tulad ko ay may nakita rin akong lungkot sa mga iyon.
"That's why we owe you, Beatrix. We owe you for not leaving kuya Yael and giving him another reason to live."
Umigting ang aking bagang at unti-unti akong binalot ng konsensya. Is that what Yael told them? That I never left him? Kaya ba sinabi niya noon sa akin na kapag nasa harapan kami ng pamilya niya ay kailangan naming umarte na parang maayos kami?
I left him and cause him too much pain but despite that he still protected me. Hindi niya pa rin hinayaan na maging masama ang tingin sa akin ng iba lalo na ng pamilya niya.
"H-Hey, suck those tears back! Baka sabihin ni lola ay pinapaiyak kita..."
Kaagad kong pinunasan ang mga luha ko nagbabadya pa lamang.
"Sien, can I take a toilet break? Tutal ay tapos ko na rin namang balatan ang mga 'to."
Mabilis siyang tumango. "Sige, sige lang..."
Agad akong tumayo mula sa kinauupuan ko at mabilis na tinahak ang hagdanan papunta sa taas. Nang makarating na ako sa ikatlong ikalawang palapag ay nagpunta ako kaagad sa kwarto ni Yael ngunit wala sila ni Mikel doon.
Muli akong umakyat papunta sa ikatlong palapag. Luminga-linga ako sa paligid hanggang sa matanaw ko si Yael habang karga-karga si Mikel at si tita Yngrid naman ay nakatayo sa harapan nila. Nasa may balkohane sila nitong ikatlong palapag.
Kapag dito sa malayuan ay makikita mo na parang nag-uusap lamang ang dalawa ngunit habang palapit ako nang palapit ay nararamdaman ko ang tensyon sa pagitan nila. Bahagyang nakabukas lamang ang sliding door kaya hindi mo maririnig ang usapan nila hangga't hindi ka lalapit.
"I came all the way here just to see my grandson, Yael tapos ay hindi mo pa ako pagbibigyan?"
Lalong dumilim ang mukha ni Yael.
"Hindi madali ang hinihingi mo, ma! At hinding-hindi ko iyon maibibigay sa'yo!"
"Just think about it, will you? Please, son? I beg you! Maawa ka naman sa'kin, Yael..." Halos lumuhod na si tita Yngrid. Malinaw na malinaw ang desperation sa kanyang boses.
I don't even know what she's begging for! Pero hindi maganda ang kutob ko dito.
Pain registered in Yael's expression. Napapikit siya nang mariin at humigpit ang hawak kay Mikel.
Nagugulahan ako! What is is thi about? Bakit ganito na lamang ka-desperada si mama Yngrid?
"Yael, please... Think about it. Pag-isipan mo nang mabuti!"
Lalong umigting ang bagang ni Yael at muling iminulat ang kanyang mga mata at buong tapang na tiningnan ang kanyang ina.
"Hindi ko na kailangang pag-isipan ang bagay na 'yan, ma, dahil kung ano ang isinagot ko ay iyon din ang makukuha niyo huli!" There's a finality in Yael's voice. He was about to walk out pero natigilan siya nang makita ako.
"Beatrix." Lumawak ang kanyang mga mata. Nakuha ko rin ang atensyon ni mama Yngrid dahil napatingin siya sa aking gawi.
"Beatrix!" mama called my name desperately as she slid the door open.
"Ma, stop this!" Saway ni Yael sa kanyang ina ngunit hindi ito nakinig.
Lumapit siya sa akin at mahigpit akong hinawakan sa mga kamay. Her face is covered with tears... Hindi ko siya makilala. She looks so mad and desperate. Parang hindi siya ang Yngrid Salcedo na nakilala ko noon.
"Beatrix, anak, your husband won't listen to me... Gusto ko lang naman maging masaya! Gusto mo akong maging masaya 'di ba?"
"Ma, let go of my wife!" Mariing utos ni Yael. I eyed him to assure him that it's okay.
"Damn it!" He cursed in gritted teeth.
"Please, Beatrix? Nagmamakaawa ako sa'yo... Ayaw akong pakinggan ni Yael." Her voice is frantic. Para siyang hinahabol.
"What is it, ma? Kung kaya naman ay ibibigay namin sa'yo." Marahan kong sabi sa kanya.
Sa lagay ni mama Yngrid ngayon ay hindi siya madadala sa bigla. And it's starting to scare me dahil hindi naman siya ganito. Ni minsan ay hindi sumagi sa isipan ko na magiging ganito siya.
"Beatrix..." I heard Yael's warning tone but I didn't bother taking glance at him.
Mama's face lit up. "Talaga? Ibibigay niyo na sa akin si Mikel?"
Namilog ang mga mata ko at napaawang ang aking bibig. Bigla akong na-estatwa sa kinatatayuan ko at hindi makagalaw. Tama ba ang narinig ko? She wants my son?
It took me a few seconds to recover and gain strength to talk back.
"M-Ma, imposible po ang hinihingi niyo."
Dumiin ang kapit niya sa mga kamay ko hanggang sa mapingiwi ako dahil sa sakit. Her eyes widened at me as if she's ready to eat me alive. My heart began thumping so fast and my color is starting to become pale.
"Pero ang sabi mo ibibigay mo sa akin kung kaya mo! Ayan lang ang apo ko! Bakit hindi niyo pa maibigay-bigay?!" She yelled at my face. Napapikit ako dahil sa takot kasabay no'n ay ang pagtulo ng aking mga luha.
She's squeezing my hands too tight I can feel my phalanges hurt.
"M-Ma, nasasaktan ako..." At takot na takot ako. My body is trembling because of fear.
"My-my..." narinig ko bigla ang iyak ni Mikel at tinatawag ako.
"Bitawan mo ang asawa ko!"
My body shook and when I opened my eyes I saw my husband holding his mother's arm tight using his right hand while his left his holding Mikel still. Sinusubukan niya itong ilayo sa akin ngunit mas lalong humigpit ang kapit ni mama sa mga kamay ko. Napapadaing na lang ako dahil sa sakit at takot.
I felt the blood on my hands flow freely again when she finally let go of me. I immediately caressed my hand using the other and the next thing I saw is mama Yngrid sitting on the floor.
"Trix, hawakan mo si Mikel. Pumunta muna kayo sa kwarto natin." Natatarantang sabi ni Yael, hindi na ako nagdalawang isip at kinuha ko na si Mikel at umatras ngunit parang may sariling isip ang aking mga paa at ayaw nilang maglakad palayo.
Panay pa rin ang iyak ni Mikel kaya niyakap ko siya at hinaplos sa ulo.
"What's going on here?" hindi ko alam kung paano nakarating si lola Anastasia dito kasama si lolo Primo at ang mga pinsan ni Yael. All I know is that I'm too shook to even answer lola Anastasia's question.
"Yael, anong kaguluhan ito?" Pahabol na tanong ni lolo Primo ngunit hindi sumagot si Yael. His eyes are fixed on his mother who's currently sitting on the floor with anger in pain in her face.
"Ma, I'm sorry... Hindi ko sinasadyang maitulak ka." Ang kaninang matapang na boses ni Yael ay biglang nabasag.
Sinubukan niyang itayo ang kanyang ina ngunit iwinaksi niya lang ang mga kamay ni Yael.
"H'wag mo 'kong hahawakan!" Galit na galit na sigaw ni mama Yngrid kay Yael.
Nag-angat ito nang tingin at pinukulan niya kaming dalawa ni Yael nang madilim na tingin. Tumatagos iyon hanggang buto. I can feel her wrath in my bones.
"Makasarili kayo! Lalo na ikaw Yael! You are so selfish! You don't want me to be happy! Iyon na nga lang ang hinihingi ko pero hindi mo pa maibigay? Noon ko pa ipinapakiusap ito sa'yo pero pinagdadamutan mo 'ko! Gusto mo ikaw lang masaya! At ako ay gustong-gusto mong nakikitang nalulungkot! What kind of son is getting the satisfaction in seeing his mother being hurt?!"
Sunod-sunod ang ginawang pag-iling na ginawa ni Yael. "Ma, hindi totoo 'yan... Alam mong hindi totoo 'yan."
Gumaralgal ang boses ni Yael at sinubukan niyang muling lapitan si mama Yngrid upang tulungang makatayo ngunit katulad ng ginawa niya kanina ay iwinaksi niya lamang ang kamay ni Yael.
"It's true, Yael! Masaya ka sa tuwing nakikita mo akong nasasaktan dahil kung hindi you wouldn't kill my daughter in the first place! Kasalanan mo kung bakit nawala ang anak ko! Kasalanan mo!"
Yael's body stiffened. Para siyang na estatwa sa kanyang kinatatayuan. And when I looked into his eyes I saw him broke the way he's never been broken before.
"Yngrid!" Sigaw ni lola Anastasia.
"I-I'm sorry, ma... I'm really sorry." His voice is weak and that's the only thing that he managed to say before turning his back to everyone.
Sinundan ko siya nang tingin, tuloy-tuloy lang siya sa pagbaba sa hagdanan.
"You dared to blame your son for Ariana's death, Yngrid?! Sinisisi mo siya gayong siya ang isa sa mga pinaka nasaktan?! Paano mo nasabi iyon sa anak mo, ha?!" Umiiyak na sigaw ni lola Anastasia sa kanyang anak.
"Isa sa inyo ay tawagin ang tito Viktor niyo. Tell him to fetch his wife here."
"Mama! You can't do that! Walang sino man ang tatawag kay Viktor!"
"Ipapasundo na kita, Yngrid. Karlie, ako ang sundin niyo! Tawagan niyo na si Viktor ngayon din!"
"Hindi! Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko kasama ang apo ko!"
"Sasama ka kay Viktor o palalayasin kita ngayon din sa pamamahay ko?"
"Beatrix, akin na muna si Mikel... Kailangan ka ni Yael ngayon." Ani El nang makalapit siya sa akin. Patuloy pa rin ang pag-uusap nina lola at mama ngunit ang sinabi ni El lamang ang aking narinig.
Nangangamba ko siyang tiningnan. Ayoko. May takot ako na baka kapag binitawan ko si Mikel ngayon ay hindi ko na siya makikita pa.
Tiningnan niya ako sa mga mata. "Don't worry, Beatrix. You can trust me. I will protect my nephew." He assured me and I found myself giving Mikel to him.
My son didn't protest. Tahimik lang siyang sumama kay El. Na para bang naiintindihan niya na kailangan kong makausap ang ama niya nang sarilinan.
"Salamat..." Sabi ko bago tumakbo pababa. Dumiretso ako kaagad sa kwarto namin at nadatnan ko siya sa sulok. Nakasandal ang likod niya sa pader habang ang mukha niya ay nakasubsob sa kanyang mga palad.
I can hear his sobs and how his body's shaking from his remorse. Parang binasag ang aking dibdib sa aking nadatnan. Ari died two years ago pero parang muli na naman siyang pinatay dahil sa pagbanggit ng kanyang ina tungkol sa kanya kanina.
I locked the door before walking towards his direction. Lumuhod ako sa harapan niya at dahan-dahang iniangat ang aking kamay para hawakan ang kanyang kamay na nakatakip sa mukha, ngunit kaagad ko din itong iniatras sa takot na baka mas lalo ko lang siyang mawasak.
Seeing him in his form of vulnerability scares me to touch him because I'm afraid he might break.
But my urge to embrace him and take away all the pain is way more tougher than my fears.
Kaya sa wakas ay hinawakan ko ang kanyang kamay.
"Yael, I'm here... I'm here, baby."
Unti-unti kong inalis ang mga palad niya na nasa kanyang mukha. I thought he would protest (and he have all the rights to) but he didn't.
Nang tuluyan kong matanggal ang mga palad niya na nakatakip sa kanyang mukha ay bigla akong nagsisi.
Sana hindi ko na lang tinanggal because seeing Yael face to face makes it so hard not to break down. Nasasaktan ako nang sobra-sobra-sobra-sobra at sobra pa sa sobra.
But how can we conquer our pains if we're not going to face them?
"Nasaan si Mikel? Where's our son?" Sunod-sunod na tanong ni Yael nang makita niyang hindi ko kasama ang anak namin.
"Don't worry, he's with El." Sabi ko at malungkot siyang tiningnan. Nakahinga siya nang maluwang saglit at naisandal ang kanyang ulo sa pader.
Sandali kaming tumahimik. Tanging paghikbi lang naming dalawa ang naririnig ko.
"It hurts... here." He said in gritted teeth as he points his chest.
"A-Akala ko ako lang ang naninisi sa sarili ko sa pagkawala ng kapatid ko... pati pala siya... pati pala ang mama ko." Tumawa siya nang pagak at napakagat sa kanyang labi. Nang kumurap siya ay sumabay ang mabilis na pagtulo ng kanyang paninabagong luha.
"Hindi, Yael. Hindi mo kasalanan. Walang kasalanan. H'wag kang maniwala sa sinabi ni mama Yngrid, ha? Wala kang kasalan..." Sunod-sunod akong umiling at ikinulong ang kanyang mukha gamit ang aking mga palad.
"Kasalanan ko... Kasalanan ko lahat. Look at my mother, Trix. She's mad and it's all my fault. I killed my sister and I turn my mother into a monster."
"Believe me, Trix. I want to make up everything to her. Pero hindi ko kayang ipamigay ang anak natin... Ngayon ko lang siya nakasama. At kahit na anong mangyari ay hinding-hindi ko siya ibibigay. I'd rather be despised by my own mother than to lose my son again..."
Now I understand. Kaya pala ganoon na lamang kung umiwas si Yael sa mga magulang niya.
"Shh... you won't lose Mikel again. Dito lang kami sa tabi mo. Hindi kami aalis." I promised him at niyakap siya nang mahigpit. He buried his face on my chest and from there he cried his heart out.
I caressed his hair softly and beant down to press my lips on his ear.
"I love you, Yael." I whispered in his ear sincerely. I want him to know that even the world is against him, I will always be by his side.
Even when the world despise him I'd still love him with all my everything.
Kumalas siya sa yakap at ikinulong ang aking mukha sa pagitan ng kanyang mga palad.
"The day when you broke up with me... Did you already know that you're pregnant with my child?"
I'm not sure why he's asking this but all I know is I have to answer him honestly. This moment is sincere and I won't ruin it.
Dahan-dahan akong tumango at humagulgol. "I'm sorry, Yael..."
Umiling siya at pinunasan ang mga luha ko. "Hindi mo kailangang humingi ng tawad, Trix. You know, I hated you for leaving but now I've realized that what you did was right. I was shattered by that time and I'm prone to breaking the people around me, too. Marami akong nasaktan ng mga panahong iyon. Ikaw, ang mama't papa ko at kung hindi mo ako iniwan, baka ngayon ay wala tayong Mikel."
"You left me that day and now I couldn't get any prouder. What you did was brave... and I want to thank you for saving our Mikel from me. I already cause to much trouble at kung pati ang anak natin ay nadamay ay hindi ko na kakayanin."
Mas lalong lumakas ang aking pag-iyak. I could've saved both of our twins, Yael. Pero hindi ko nagawa. I'm sorry.
Gusto ko nang ipagtapat ang lahat kay Yael ngunit muli na namang nabuksan ang sugat niya dahil sa kanyang ina at ayaw ko na iyong dagdagan pa. I don't want to add salt on his open wounds.
Pero alam ko, darating din ang panahon kung kailan pwede na at kaya ko nang ipagtapat ang lahat nang nangyari.
________________________________
I might edit this tomorrow.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top