Chapter 26

Chapter 26

Sobra

Pinagmasdan ko ang mahimbing na natutulog na si Yael. Nakapatong ang kanyang ulo sa aking dibdib habang mahigpit na nakayakap sa bewang ko.

Hanggang sa pagtulog niya ay bakas pa rin ang pamomroblema niya. Nakakunot ang kanyang noo at lapat na lapat ang kanyang labi. Pero kahit ganito ay hindi ko pa rin maitanggi ang kanyang kagwapuhan.

I brushed my fingers through his soft black messy hair while staring down at him sadly. It really pains me to see him like this. Kanina pa sumasakit ang dibdib sa tuwing tinitingnan ko siya. Tahimik lang siya simula kanina hanggang sa makatulog na siya sa dibdib ko.

Gusto kong sabihin sa kanya na pwede niyang sabihin sa akin kung ano ang nararamdaman niya but I noticed that silence is his way of coping with his problems. Mas gumagaan ang loob niya knowing that you are there for him. You don't have to say anything to cheer him up; your presence is enough for him.

I run my thumb on his ceased forehead, saglit iyong dumiretso ngunit muli na naman itong kumunot kasabay nang paghigpit ng mga yakap niya sa akin.

"Ma... I'm sorry... I'm so sorry." He grumbled in his sleep. His lips twitched down and his brows furrowed while saying 'Sorry' like a mantra.

My heart clenched hard. Pumikit ako nang mariin at iniyakap lalo ang mga braso ko sa kanya habang marahan siyang hinahaplos-haplos sa kanyang malapad na likod. I leaned my face down to reach for the top of his head. Tinadtad ko siya nang halik sa ibabaw ng kanyang ulo.

"It's okay... it's okay, baby..." I whispered softly between my kisses. I felt his body relaxed against my embrace.

Siguro ay isang oras pa kaming nanatili sa ganoong posisyon hanggang sa maisipan kong bumangon na. Mikel must me looking for me at ipagtitimpla ko rin si Yael ng mainit na gatas para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya.

Maingat kong tinanggal ang mga braso niya na nakayakap sa akin ngunit gumalaw siya nang bahagya at umungol saka mas lalong hinigpitan ang yakap sa akin.

"I'll be back, sandali lang ako, hmm?" marahan kong sabi sa kanya habang hinahaplos ang kanyang buhok.

Unti-unti niyang idinilat ang kanyang mga mata. Sandali niyang pinagmasdan ang paligid bago siya nag-angat ng tingin sa akin. He stared at me for a moment. He's looking at me like I'm the most beautiful thing that has ever happened to him today.

He gave me a small smile at maging ako ay nginitian rin siya kahit na may bakas pa rin iyon ng lungkot.

"How are you feeling?" tanong ko at hinawakan ang kanyang pisngi. I caressed my thumb on his jaw down to his neck.

"I'm okay... Where's Mikel?" tanong niya kaagad. I felt his body tensing up again. Bumangon siya mula sa pagkakahiga sa aking dibdib para mas maharap ako ng mas maayos.

"He's still with your cousins..." sagot ko.

"Have they feed him yet? Anong oras na, sigurado ako gutom na siya." Nag-aalala niyang sabi.

Napangiti ako sa pag-aalala niya sa anak namin. The love of Yael for our son is really overwhelming. Ramdam ko ang takot niya na mawala sa amin si Mikel... paano kaya kung malaman niya ang tungkol sa kambal ni Mikel? Ngayon pa lamang ay natatakot at nalulungkot na ako sa pwedeng maging reaksyon niya.

"What's wrong?" tanong niya nang mapansin niya sigurong nagiging malungkot ako.

Inayos ko ang aking mukha at pilit siyang nginitian. "Nothing... And uhm... I assure you busog ang anak mo dahil pinakain na siya ng steamed vegetables ni Sienna. Karlie also went here awhile ago para kunin ang mga bottles ni Mikel para magawan siya ng gatas."

Nakahinga siya nang maluwang sa update ko sa kanya. Ganyan siya, hindi siya mapakali hangga't hindi niya nalalaman ang mga nangyari kay Mikel within the day. Kaya nga kahit nasa bahay kami ay palaging siya ang nag-aalalaga kay Mikel. Siya parating ang kasama nito.

Tumango-tango siya. "Okay, that's good." He said with a sigh.

"S-Si mama?" bigla niyang tanong.

Bumuntong hininga ako at malungkot siyang nginitian. "Sinundo na siya kanina ni papa Viktor... Ipinasundo kasi siya ni lola Anastasia."

Ilang sandali lang siyang nanahimik at mukhang malalim ang iniisip bago siya tuluyang tumango kasabay nang paglabas nang malalim na buntong hininga.

I gave him a small smile. "Lalabas lang ako at kukunin si Mikel, ha?" He just nodded at me.

Akmang bababa na 'ko sa kama nang maramdaman ko ang mainit niyang palad sa pulso ko. I automatically looked at him quizzically but with a small smile on my lips.

Nagtama ang mga mata namin, his eyes are telling me something but I don't know what it is. I can't tell.

A few seconds passed and he still hadn't said anything. I'm beginning to get anxious. I couldn't read his mind nor his heavy stares.

"Hey, what's wrong?" I asked softly.

Umiling siya at umawang ang kanyang bibig at kaagad niya rin namang itinikom ito. Para bang may gusto siyang sabihin ngunit hindi niya alam kung paano.

Umigting ang kanyang bagang. "I-I... I just want to thank you."

"For what?"

"For staying with me on my most fucked up moment."

Nagbuga ako nang isang buntong na hininga at buong madamdamin siyang tiningnan.

"Yael, I'm your wife. I'll always stick with your for worse or for better."

Binitawan niya ang aking pulso at nag-iwas nang tingin bago isinuklay ang kanyang mga daliri sa kanyang buhok.

Kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi. "I-It just overwhelms me to see that you are s-still here... N-Natatakot na kasi ako... natatakot ako na baka umalis ka ulit." Mahina ang pagkabigkas niya noong huling salita niyang binitawan.

Parang binasag ang dibdib ko sa kanyang sinabi at sa kanyang hitsura ngayon dahil nababatid ko sa mukha niya ang takot. God, I've traumatized him for always leaving him without any warning... At masakit iyon para sa'kin. Para akong nilamon bigla ng aking konsensya at pagsisisi.

"Yael, look at me..." Marahan kong sabi sa kanya. Dahan-dahan niya namang ikiniling ang kanyang ulo sa gawi ko upang matingnan ako. Nang magtama ang mga mata namin ay nakita ko ang takot doon.

I looked at him, pouring all my emotions. "I'm sorry... Sorry kung parati na lang kitang iniiwan. I haven't apologized to you for leaving you a couple of times and now I'm taking advantage of this situation to do so. I'm sorry if I hurt you, I really am." Buong sinseridad kong sabi at kusa na lamang tumulo ang mga luha ko at kaagad ko iyong pinunasan gamit ang aking palad.

"I'm sorry for being weak; for always letting myself be driven by my emotions. I'm so sorry because I'm not mature enough to handle every test and trial in our relationship... Palagi akong nagpapadalos-dalos sa mga desisyon ko at dahil doon ay parati ka na lang nasasaktan. I'm sorry if I'm always walking away... Siguro hindi pa talaga ako ganoon ka mature mag-isip pero I promise you, Yael, this time I will be better for you and Mikel."

Panay ang pagsinghot ko habang sinasabi ang mga gusto kong sabihin sa kanya.

"I know you don't deserve a girl like me but I'll do everything para maging deserving ako sa'yo. Kahit na hindi tayo bagay ay gagawin ko ang lahat bumagay lang sa'yo... kasi mahal kita. I don't want to hurt you again, Yael. Ayoko na... kahit na kailan ay ayoko na."

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko pa sana at napasinghap na lamang ako nang bigla niya akong hapitin sa bewang hanggang sa makita ko na lamang ang sarili ko na nakaupo sa kandungan niya.

Pinigdikit niya ang mga noo namin at masuyo niya akong tiningnan sa mga mata. Inipit niya ang ilang hibla ng aking buhok sa likod ng aking tenga sa malambing na paraan.

"If you don't want to hurt me again then you must stop crying... kasi nasasaktan ako sa tuwing umiiyak ka. Kaya h'wag ka nang umiyak, huh?" Buong suyo niyang sabi.

At parang mas lalo lang naman akong naiiyak dahil sa mga sinabi niya ngunit kahit ganoon ay kinagat ko na lamang ang pang-ibabang labi ko upang pigilan ang mga hikbi ko habang tumatango ako sa kanya.

Binigyan niya ako nang malambing na ngiti bago pinunasan ang mga luha ko gamit ang likod ng kanyang palad.

"At sinong nagsabi sa'yo na hindi ka deserving para sa'kin? Trix, I deserve every bits of you... because I live for you. I'm always desperate for your presence that's why no matter how many times you run away from me I always find myself chasing after you just to pull you back to me again. I'm a fool for you, Beatrix Hayle. Ganyan kita kamahal."

He held my chin by his thumb and index finger. "You heard me, Beatrix? Mahal kita nang sobra... sobra... sobra... sobra..."

Sa bawat pagbulong niya nang sobra ay isa-isa niyang hinahalikan ang aking noo pababa sa tungki ng aking ilong.

Buong lambing niya akong tiningnan sa mga mata at iniangat ang aking baba gamit ang kanyang mga daliri na nakahawak doon.

"Sobra..." He whispered huskily before claiming my lips. Unang dampi pa lang ng kanyang labi sa akin ay napapikit na kaagad ako.

He started kissing me gently, treating my lips like the most fragile thing in the world. Unti-unti akong tumugon sa mga mararahan niyang halik at awtomatikong kumapit sa kanyang magkabilang balikat.

I felt his tongue gently brushed on my lower lip and I moaned. Sinamantala niya iyon para mas mahalikan ako nang maigi. I felt his hand on my back pulling me towards him and my chest crashed on his.

He sucked my bottom lip and I felt dizzy... in a good way. I brushed my tongue on his upper lip while he's busy sucking my bottom lip and I earned a delicious moan from him.

I cupped his jaw and before dipping my tongue inside his mouth. He gasped and squeezed my waist while his other hand travelled up to my face, gently caressing me there while his lips are kissing me merciless.

This is it. Everything is going to fall into its perfect places. We crashed and got destroyed before but now we are slowly building each other not back to our original form but to form a better structure out of those broken pieces. This time we will be stronger and indestructible.

"Your lips tastes good..." he whispered huskily between our kisses. I just moaned in response. I'm running out of air but I still don't want to break away.

God, he kisses so damn well!

To be kissed by him is like flying in an airplane for the first time, I never want to land again.

"My-my! Dada!"

Parang napaso ang mga labi namin ni Yael sa isa't-isa at mabilis itong naghiwalay mula sa pagiging isa. Pareho kaming napatingin sa may pintuan at halos lumuwa na ang aking mga mata nang makita ko si El na karga-karga ang tuwang-tuwa na si Mikel.

El looks startled at first and his mouth is slightly parted pero hindi nagtagal ay napalitan din iyon nang mapaglarong ngisi kasabay nang bahagyang pag-iling. Naramdaman ko bigla ang kanina ko pa nag-iinit na mga pisngi!

Sa palagay ko ay lahat ng dugo ko sa katawan ay nagtungo na sa aking mukha! Dammit! Anong kahihiyan na naman ito?!

Akmang aalis na ako sa kandungan ni Yael dahil sa sobrang hiya sa pinsan niya ngunit mas hindi ako pinayagan ni Yael. Hinigpitan niya ang kapit sa aking bewang upang h'wag akong makaalis. Pinanlakihan ko siya nang mga mata ngunit hindi niya ako pinansin at idinungaw niya ang kanyang ulo sa kabilang side para mas matingan si El.

"Jesus..." I said under my breath as I stared up through the ceiling. Nagbuga ako nang malalim na buntong hininga at naitapal ko na lamang ang palad ko sa aking mukha.

"Sorry to interrupt, love birds but your son has been looking for you two. Kanina pa ako hindi tinitigilan ng anak niyo."

"Dada! Dada!" I heard Mikel's voice ngunit hindi ko siya nakikita dahil sa kisame ako nakatingin. Wala na akong mukhang maihaharap sa kanila!

"Hello, buddy! Sige na, El. Kami na ang bahala sa kanya and thank you for looking after our son."

"No worries, brother. Pero hindi ka naman galit? Kasi naka-istorbo ako?" May pang-aasar sa tono nito kaya mas lalo akong namula at parang gusto ko nang maiyak.

"Gusto mo ba, Selestino?"

"Fuck you, Salcedo! You really deserve your blue balls right now! There you go, Mikey. Guluhin mo pa ang daddy mo, ha? H'wag ka munang matutulog. H'wag mo siyang hahayaang maka-score kay mommy."

"Adios, asshole." Iyon ang huling narinig ko mula kay El bago ko naring ang pagsara nang pintuan. Natawa na lang si Yael sa inasta ng pinsan. Ayaw niya talaga sa pangalan niya?

"My-my! Dada!" I heard Mikel's voice, he started cooing some words that are so hard to understand.

Yael tapped the side of my bare thigh habang nakatingin pa sa gawi ni Mikel. "Sandali, I'll just help our son to climb up."

Kaagad naman akong umalis sa kandungan ni Yael at umupo sa tabi niya paharap sa gawi ni Mikel. Doon ko nakita na sinusubukan ni Mikel na umakyat sa mataas na kama ngunit nahihirapan siya, napansin ko rin na may hawak-hawak siyang chichirya kaya mas lalo siyang nahirapan sa pag-akyat.

Nang mapagtanto niyang hindi siya maka-akyat-akyat ay biglang nagsalubong ang kanyang kilay. Nagsimula na siyang mainis.

"Dada!" He frowned.

"Oo na, heto na. Mainit kaagad ang ulo natin, anak?" natatawang sabi ni Yael habang tinutulungan na makasampa si Mikel.

Muli na naman siyang sumaya nang maka-akyat na siya. Masayang-masaya niya pang ibinida sa amin ang hawak niyang chichirya.

"Tiger, dada!" nahihirapan niyang bigkas sa tiger habang ipinapakita sa amin ang cheetah na nasa bag of cheetos.

Yael chuckled. "Baby, that's a cheetah." Aniya at inangat si Mikel upang ito naman ang kandungin niya. Mikel was seated on Yael's left thigh while still holding the bag of cheetos.

I run my fingers through his hair. "Bakit ka may ganyan, anak? Sino nagbigay niyan sa'yo?" Tanong ko.

"My-my... bigay...chicks."

Nagtinginan kaming dalawa ni Yael at sabay na napangiti. Muli naming ibinalik ang atensyon sa kanya.

"Chicks? Sinong chicks, anak?"

"Chicks..." Sagot niya lang.

"Diyos ko, Yael. Maloloka ako sa anak mo. Sino na naman ang chicks niya? Ang dami na niyang chicks, ha? Lahat na lang ng magandang babae chicks niya."

Yael let out a sexy chuckle. "Baka si Sienna. Siya lang naman ang mahilig sa ganyan."

"My-my, open!" Aniya at itinapat sa akin ang Cheetos na hawak niya.

Naningkit ang mga mata ko at umiling. "No, baby... Hindi ka pwede niyan."

Tumingala siya kay Yael. "Dada... Open?" Pacute pa niyang sabi. Napabuntong hininga ako at napairap sa kawalan. Hay nako! Subukan mo, Yael!

Yael chuckled, deeply. "You want daddy to open it for you?" Nakangisi niyang sabi at sinulyapan ako.

Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Subukan niya lang talagang payagan si Mikel na kainin 'yung Cheetos malilintikan siya sa'kin! It's not healthy for Mikel! He's just one at ayoko siyang sanaying kumain ng mga junk food.

Muli siyang nagbaba nang tingin kay Mikel na iniaabot pa rin kay Yael iyong bag of Cheetos. His little mouth is slightly parted and the way he bat those beautiful eyes makes it so hard to say 'no' to him. Damn, he's just one yet he's so good in manipulating his parents' emotions.

"Hindi naman ito maanghang..." Biglang ni Yael habang nakatingin sa akin.

Napaawang ang bibig ko. Pagbibigyan niya talaga?

Tinaasan ko siya nang kilay. "I don't care, Yael. It's still not healthy!" Matigas kong sabi.

Ngumisi siya nang matamis. "Buksan ko na?"

I narrowed my eyes at him."Subukan mo talaga, Yael! Bakit kasi hindi mo na lang tanggihan? Alam mo namang kapag ikaw ang humindi ay makikinig siya."

"But it's hard! When it comes to you and Mikel nahihirapan akong tumanggi."

"Dada... Open..."

Nagmamakaawa akong tiningnan ni Yael. Lintik naman! Talagang nag joined force pa sila sa pagpapa-cute? Akala ba nila hindi ko sila kayang tanggihan, huh?!

"Konti lang!"

Syempre hindi talaga! Ugh! How can I resist? Dammit! Mahirap mag-asawa ng gwapo talaga.

Ngumisi nang malawak si Yael at nagbaba nang tingin kay Mikel. "Mommy said yes... Pero konti lang, ha?" nakangiting sabi ni Yael at kinuha ang Cheetos mula kay Mikel.

"Yaaaaay!" Mikel cheered as he watch his daddy tearing up the bag of Cheetos.

--

Masyadong mabagal natapos ang unang araw na pagdating namin sa Punta Fuego. Maraming mga nangyari at lahat ay concern sa amin lalo na kay Yael dahil sa biglaang pagwawala ni mama Yngrid.

Kagabi rin ay kinausap kami ni lola Anastasia at lolo Primo matapos naming mag dinner. Sila na ang humingi nang pasensya sa inasta ng anak nila na si mama Yngrid. Sinabi rin ni lola Anastasia na h'wag na lamang paniwalaan ang mga sinabi ni mama Yngrid kay Yael.

Bakas ko ang kalungkutan sa dalawa lalo na kay lola Anastasia dahil sa nangyari, birthday pa naman nito bukas kaya sinuguro na lamang ni Yael sa dalawa na ayos na siya dahil kasama naman niya kaming dalawa ni Mikel. Kinilig ako doon kahit papaano. Sino ba namang hindi? Ang gwapo-gwapo ng asawa ko!

Mamayang alas siyete na ang kaarawan ni lola Anastasia kaya simula kaninang alas singko ay abalang-abala na kaming mga babae sa pag-aayos. Hindi muna namin binihisan si Mikel dahil maglilikot lamang siya at pagpapawisan.

"Yael, umitim ba 'ko nang sobra?" Nangangamba kong tanong sa asawa ko habang abala ako sa paglalagay ng blush on sa mukha.

Kaninang umaga kasi ay ginamit namin ang yate at naglibot sa mga isla ng Punta Fuego. Si Yael ang nagmaneho ng yate habang kami naman ni Mikel ay enjoy na enjoy sa view. Tuwang-tuwa ang anak namin nang makakita ng mga isda.

Malinaw kasi ang tubig at kitang-kita kung ano ang nasa ilalim. Itinigil rin ni Yael ang yate sa may gitnang parte ng dagat para makapag swimming kami pero hindi ako gaanong lumayo dahil takot sa na baka tangayin ako. Pero ang mag-ama ko ay tuwang-tuwa sa pagtatampisaw.

Ako naman ay mas in-enjoy na lang ang ganda ng Punta Fuego. I saw some mansions built on the cliff. Kanya-kanya ang mga disensyo ng mga ito. They look so fantastic even from afar. They have the touch of nature and modernization.

The green plants and rocks blended with each other perfectly. Ang puting buhangin lamang ang namamagitan sa dagat at matataas na bato. The huge solid rock is standing firm on bottom of the white sand while the waves are crashing on the shore. Hindi magkita-kita ang dalawa dahil nga sa puting buhangin na namamagitan sa kanila.

Just look at how amazing and artsy our God is for creating such wonderful things as these.

Naibalik ako sa realidadnang maramdaman ko ang mga titig sa akin ni Yael. He's looking at me through the mirror at maging ako rin ay natigilan sa paga-apply ng blush on para matitigan siya.

He's on his black slacks and his white polo is open while his necktie is still undone and just hanging around his neck.

God is really artsy, you know? And I love appreciating His works... that includes my husband.

Parang ayaw ko na ngang umattend ng party dahil mas gusto ko siyang titigan sa ganyang hitsura. He looks burning hot! Damn those abs and v-line! Pati tuloy ako ay pinagpapawisan!

"Nope... Hindi masyado." Sagot niya matapos niya 'kong pagmasdan at saka muling yumuko upang ibutones na ang kanyang puting polo.

Nakaramdam ako nang panghihinayang sa loob-loob ko. Bye, babies.

Muli ko na lang ibinalik ang atensyon ko sa paglalagay ng make-up. Pagkatapos kong mag-apply ng make up ay pumasok ako sa walk in closet para isuot ang itim na front slit sheath dress na napili kong suotin para sa birthday ni lola Anastasia. Square neckline ito kaya hindi kita ang cleavage ko.

Sinubukan kong abutin mula sa likod ang zipper para maisara ito ngunit hindi ko maabot dahil mababa ito. I groaned in annoyance dahil pinagpapawisan na ako!

I was busy trying to reach for the back zipper of my dress when suddenly I heard a soft knock on the walk in closet door.

"Trix? You okay there?" Boses iyon ni Yael mula sa labas.

Bumuntong hininga ako at binuksan ang pintuan. Yael was startled when he saw me. He was tongue tied and amusement was written on his face.

Pakiramdam ko tuloy sobrang ganda ko dahil sa paraan nang pagtitig niya sa akin. His stares surely do know how to boost my confident.

Pero hindi lang naman siya ang namamangha ngayon dahil maging ako ay namamangha rin sa kagwapuhan niya. He looks sizzling on his suit black suit and tie.

"Woooow, chicks!" Biglang sabi ni Mikel na kasalukuyang nakaupo sa ibabaw ng kama habang hawak-hawak ang laruan niyang eroplano. Saglit na ikiniling ni Yael ang ulo sa direksyon ni Mikel at tinawanan ito. Maging ako ay natawa rin.

Iba talaga ang mga turo ni Eli. Hanggang dito sa Punta Fuego ay naidala ni Mikel. Nakakainis.

"Sorry, buddy. This chick is mine already." Aniya kay Mikel at muli akong tiningnan.

"My wife looks so lovely..." Todo ngiti niyang sabi at hinawakan pa ang dulo ng aking kulot na buhok.

I blushed. "And my husband looks so handsome as ever."

Natawa siya nang bahagya. Damn! Bakit pati tawa niya ay sexy rin?

"Bihisan na ba natin si Mikel?"

Tumango ako. "Pero saglit lang..." pigil ko at tumalikod sa kanya.

I looked at him over my shoulders.

"Help me?" Malambing kong sabi.

He gave me a warm smile. "Of course..." Aniya sa baritonong boses. Hinawi niya ang mahaba at kulot kong buhok para mahanap niya ang zipper.

Nang mahawi niya na ang buhok ko ay nagsitayuan ang mga balahibo ko sa batok nang maramdaman ko ang init ng hininga niya sa aking batok at likod.

"Sunburn looks good on you..." Bulong niya at pagkatapos no'n ay narinig ko na ang tunog ng zipper. Pinihit niya ako paharap sa kanya at siya na ang nag-ayos sa buhok kong hinawi niya kanina.

Buong tamis ko siyang nginitian. "Thanks, Cap."

"Anything for you, boss."

I just crinkled my nose at him with a playful smile on my lips. Mabilis niyang dinampian nang halik ang tungki ng aking ilong bago namin tuluyang binihisan si Mikel.

Mula dito sa loob ay dinig na dinig namin ni Yael ang musika na nanggagaling sa labas. May mga iilang boses na rin kaming naririnig na pag mamay-ari ng mga bisita ni lola Anastasia.

"Let's go?" Tipid na ngumiti si Yael sa akin. He looks good on his suit with his hair brushed up! Karga-karga niya din si Mikel na kaparehas ang suot ng daddy niya at pati buhok ay brushed up din! Ang gwapo ng mag-ama ko.

Mikel and I will finally meet the whole Escarcego clan and their friends tonight. I don't know what's waiting for us behind this closed door.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top