Chapter 24
Chapter 24
Unexpected Guest
Good things happen in life when you least expect them to happen. I still remember how I suffered when I was in New York. Isang buwan pa lang akong buntis noon kay Mikel and as a pregnant woman I have needs that only a husband could give.
If you would ask me what's the toughest pace in my life masasabi ko na iyon ang pinakamahirap. Imagine, being pregnant and longing for Yael's presence? Walang araw na hindi ko siya inisip at namiss noon. Pero iyon ang kailangan namin, kailangan naming magkalayo.
Everything was just so fucked up that time. I lost a sister and friend, and a son—our Mikel's twin.
Hindi ko nga alam kung paano babangon kinabuksan knowing that Yael is not there with me in facing those battles. But despite all of that, I chose to become strong for our son.
I chose to stand up and be the strong woman that I used to be. Pero 'di lang naman doon natapos lahat, ang dami ko pang mahirap na pinagdaanan to the point na hindi na ako umaasa na may maganda pang mangyayari.
Akala ko nga si Mikel na lang ang magandang nagyari sa akin at wala nang kasunod pa. But this happened, God made this happen.
I guess maybe if you've reached the point where you think that your life stops there just always remember that good things are about to come and you just have to stand up be the badass woman you are.
Life's a bitch, I know, but I'm a colossal bitch. Just like Vien had told me.
Be the woman that when life gives you troubles look at it right there in the eye and flip your two middle fingers.
We are stronger than our troubles. And every race has its finish line you just have to keep running and running.
I shut my eyes tight feeling Captain Yael Salcedo's warm embrace while indulging his words in my brain and heart. Sana ganito na lang parati, sana palagi na lang kaming masaya ni Yael nang ganito. I never want this to end.
I'm so lucky to have a husband that can handle my attitude. I left him so many times but he always pulls me back and still holds me like I didn't wreck him to bits.
I don't deserve him but I'm glad that God still gave him to me.
"I adore you so much, Cap." I said wholeheartedly while my eyes shut.
Pinihit niya ako paharap sa kanya kaya naibukas ko ang aking mga mata. I met his filled with amusement dark eyes.
I smiled sweetly at him before cupping his face and placing a slow and smooth peck on his lips.
Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi ngunit mabilis niyang kinagat ang pang-ibabang labi niya upang mapigilan ang malawak niyang pag-ngiti ngunit hindi rin naman niya ito napigilan. Tinawanan ko siya at namula ang kanyang magkabilang tenga.
"We should go downstairs... Naghihintay na sina lolo't lola. They've been bugging me to meet you."
"E, si Mikel? Tulog pa."
Sinulyapan niya ang anak naming mahimbing na natutulog.
"I'll ask someone to look after him. Sandali lang tayo, aakyat din tayo kaagad."
Ngumuso ako at tumango. Bago kami lumabas ay kumuha si Yael ng mga unan at inilagay sa magkabilang gilid ni Mikel. Kinintalan niya pa ito ng halik sa noo.
Paglabas namin ay saktong may maid na nasa labas ng pintuan ng kwarto ni Yael. Looks like she's about to knock pero nabuksan na namin ni Yael ang pintuan.
"Good afternoon po, sir Yael. Ipinatatawag na po kayo ng lola niyo."
"Ah yes, we're about to go there. May ginagawa ka ba, Delya? Baka pwedeng pakibantayan saglit ang anak namin. Sandali lang kami."
"Ah sige po, sir Yael. Wala pong problema." She smiled at us politely.
"Salamat, Delya."
I smiled back. "Paki tawag na lang kami kung sakaling magising siya." dagdag ko at tumango naman ito.
Tuluyan na kaming lumabas ni Yael at nakasalubong pa namin ang mga iilang mga katulong na naglalakad rin sa hallway pasalungat sa daan namin.
We took the stairs to go down. I noticed an oval old mirror hanging on the wall. I saw my reflection in there. I'm wearing a white off shoulder top and a denim buttoned skirt. Nakalugay rin ang aking natural na kulot na buhok.
I know for a fact that I look just fine pero hindi ko pa rin maiwasan ang hindi mangamba at kabahan sa kadahilanang baka hindi ako magustuhan ng kanyang lolo't lola. This is going to be the first time that I'll meet them.
My brows lifted when I saw Yael's reflection joined mine in the oval antique mirror. I felt his hot palm on the lower part of my back.
"Breathe, Beatrix. You don't realize how capable you are in making everyone fall in love with you the first time they see you."
Heat tinted my cheeks ngunit sinamaan ko lamang siya nang tingin upang mapagtakpan iyon. "Tsk. H'wag kang ganyan nape-pressure ako lalo." Ngumuso ako.
He just laughed at me before urging me to take the stairs down. I breathe in and breathe out. This is going to be alright, Beatrix. Don't feel pressured. Hindi naman nangangain ng tao ang mga kamag-anak ni Yael, siya lang. Fuck!
Pagbaba namin ay napasinghap ako dahil sa ganda ng paligid. I thought the groundfloor is just another closed enormous room with paintings, statues, and different kinds of furniture but instead I saw the beautiful view of Punta Fuego. Mula dito ay kitang-kita ko ang paghalik ng liwanag ng araw sa kulay asul na dagat.
Muli kong ibinalik ang atensyon sa realidad.
Namataan ko ang isang babaeng mga nasa mga 70's na ang nakaupo sa harapan ng mahabang wooden table katabi ang mga iba pang mga katulong. I think they're making lumpiang shanghai?
The woman's wearing a simple emerald blouse that made her white skin complexion stand out. I even notice some freckles on her arm. Sa side view nito ay kamukha niya ang mama ni Yael. Except her hair is short and grey.
Ito na nga ang lola ni Yael. I've seen her before together with his husband noong funeral ni Ari. But we haven't been introduced formally. Ni hindi ko nga nakausap ang mga ito noon.
"Mica, you add more sliced boiled egg and meat para mas malasa."
"Lola Anastasia..." Pagkuha ni Yael ng atensyon nito. Awtomatikong tumingin sa amin si lola Anastasia.
Her face lit up when she saw us. Akmang tatayo si lola mula sa kinauupuan niya at naging alisto ang katulong sa kanyang tabi at iniwan ang kanyang ginagawa upang tulungan itong makatayo.
"Lola, 'di ba dapat nagpapahinga kayo?" Kunot noong sabi ni Yael at humakbang siya papalapit dito upang bigyan ito ng halik sa pisngi. I just stood beside Yael with a sweet smile plastered on my face.
Kinakabahan pa rin ako but I did my best to show that I am not.
Matamis ang ngiti na ibinigay niya. "This is not tiring at all... Mas nakakapagod pa iyong maghapon kang nakahiga at walang ginagawa."
"You just never changed, lola." ani Yael at saglit akong tiningnan bago ibinalik ang tingin sa lola niya. Maging ang lola niya ay tiningnan rin ako and I felt a relief when she gave me a welcoming smile.
"Lola, I'm here with my wife— Beatrix. You've seen her before, right? We're with our son— Mikel but he's currently sleeping upstairs. Napagod sa biyahe."
Humakbang papalapit sa akin ang kanyang lola habang nakangiti ng matamis sa akin.
"We're finally introduced to each other... Mas maganda ka pala sa malapitan."
I blushed.
"Naku, h-hindi naman po. Masaya po akong makilala kayo, lola." sabi ko at niyakap ko siya, I felt her hug me back and my heart melted at her warm welcome. Tama nga si Yael, hindi dapat ako kinakabahan.
"I'm happy to finally meet you, too. And of course, I would be more pleased to meet my great grandson, too."
"Oo nga po, hayaan niyo po sa oras na magising siya ay ipapakilala po namin kayo ni Yael sa kanya." Sabi ko.
Mahina siyang tumawa. "Aasahan ko iyan..."
"So, what do you think of my wife, lola? Isn't she beautiful?" Yael said proudly and I blushed even more.
"Yael, ano ba?" Mahina kong saway sa kanya ngunit hindi naman ako pinansin ng mokong.
Binalingan niya nang tingin si Yael. "Indeed, Yael..." matamis ang mga ngiti nito ngunit isang segundo lang yata ang lumipas ay nagdilim kaagad ang kanyang mukha.
"Pero akala mo ba ay nakalimot na ako? Don't think that I already forgot that you didn't invite me on the day of your wedding..." May halong pagtatampo sa kanyang boses.
Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi. Shit! How am I going to react on this?
I didn't even think that Yael and I would go this far! Ang buong akala ko ay ikakasal kami, magsasama kami sa iisang bubong ng isang taon, at pagkatapos no'n ay maghihiwalay na kami.
That was the initial plan but now that we've gone this far things are getting harder to explain.
Pinilit ko lang po kasi ang apo niyo ba pakasalan ako kaya hindi po namin kayo na-invite. Ganoon ba? That sounds awful but that's the truth. Minsan kung ano pa iyong masakit pakinggan ay iyon pa ang katotohanan.
"Lola... I already explain this to you bago ko pa isinama ang mag-ina ko rito."
Nagpauna na pala si Yael sa lola niya? Don't get me wrong but I know that that explanation is made up of his white lies. Mas maganda pa kasing pakinggan ang kasinungalingan kaysa sa totoong nangyari kung bakit kami napunta ni Yael sa ganito.
"Alam ko ngunit hindi ko pa rin mapigilan na h'wag magdamdam... Ikaw ang pangalawang ikinasal sa mga magpipinsang Escarcego! Ito nga ang kauna-unahang nagdala ka ng babae dito sa pamamahay ko ngunit idinala mo lang ngayong kasal na kayo. Sana noon pa."
Wow. Yael mentioned this to me awhile ago pero iba rin pala kapag narinig mo na iyon mismo sa lola niya. It's overwhelming. Parang excited na excited talaga itong makilala ako. I love how Yael's family always welcome me.
Kailan man ay hindi pa ako nahirapan na pakisamahan sila. Whether it's on his father or mother's side. And I feel bad for my husband for him to deal my father's coldness.
Tapos hindi ko rin maiwasang hindi maisip na naramdaman ni Yael na tinraydor siya ng buong Ponce de Leon sa pagtatago sa sikreto ko noon tungkol kay Mikel. Kung minsan ay nahihiya na lang ako sa kanya, lalo na sa tuwing ganito.
"Lola, h'wag na kayong magtampo... Ayan na, oh. I'm with my wife and son now. We'll stay here until friday, hows that sound?" Malambing niyang sabi sa kanyang lola at ngitian pa ito.
Tinaasan niya ng kilay si Yael. "H'wag mong nililigaw ang usapan... Alam kong maganda kang lalaki, Yael ngunit hindi eepekto sa akin ang mga pangiti-ngiti mong iyan."
"Lola!"
Lola shifted his gaze to me. Nanigas ako sa kinatatayuan ko at kinabahan.
"I'm sorry for having such an insensitive grandson. You deserve a wedding with both of the family sides' present to witness you and Yael be as one... Pagpasensyahan mo na ang apo kong ito dahil kulang siya sa diskarte. Naturingan pa namang piloto."
Napanganga ako. Akala ko'y ako na ang sunod na gigisain ni lola Anastasia ngunit mukhang sa akin yata ang kampi niya. Si Yael lang pala ang nakatakdang igigigisa dito.
Natawa ako nang bahagya at ngumuso. "Can't help but to agree, lola..." Sagot ko at nang-aasar na pinukulan ng tingin si Yael.
"Look! Your wife's agreeing with me! Dapat kasi ay tinanong mo muna ang lolo mo o di kaya'y ang papa mo. Kung bakit ba kasi nagmamadali ka?"
"True! Hindi po ako prepared, lola..." gatong ko kay lola. Sinamaan lang ako nang tingin ni Yael ngunit nginisian ko lamang siya.
Naalala ko na naman ang mabilisang pag s-schedule ni Yael sa kasal naming civil. Kung wala lang akong maraming damit ay baka wala pa akong matinong naisuot noong araw na iyon.
Isang araw lang ang ibinigay niya sa akin upang makapaghanda! He's just so merciless, isn't he?
"Ayaw ko lang na maagawan, lola. I just want to marry her that instant para wala na siyang kawala sa akin. I've been watching her from afar ever since, now is my time to claim and cage her."
Sagot niya kay lola at mataman akong tiningnan.
I know that line is a scripted one. Pero bakit ganito na lamang ang pagwawala ng puso ko nang marinig ko iyon mula sa kanya? Para talagang makatotohanan! It sounded like we really married each other for some right reasons.
And watching me from afar? What does that mean? Iyon ba yung naghiwalay kami noong nalaman kong nagsinungaling siya sa akin o ano?
"But still rushing her is not necessary... Halata namang hindi ka ipagpapalit ng asawa mo. I can see the way she looks at you, hindi ba, Beatrix? Kaya there's no need to rush."
Hindi ako nakasagot. Mas lalo lang nag-apoy ang buo kong mukha. Ngiti lang ang tanging naibigay ko. Totoo naman ang sinabi ni lola ngunit nahihiya akong sumang ayon lalo na't nandiyan si Yael.
Kahit na kailan ay hindi ko pa naisipan na ipagpalit siya sa kahit na kanino.
Kahit na nga noong namumuhi ako sa kanya ay siya lang ang naiisip kong magiging kasama ko. He's the only guy I can picture holding hands with, making out with, building a family with.
Yael's got stuck in my bloodstream and there's no way to get rid of him. Gustohin ko man ay hindi ko magawa.
Trying to erase my feelings for him is like trying to forget all the lyrics on your favorite song. It's close to being impossible.
Parang pinasakit ko lang ang ulo ko kung gano'n.
"Lola, don't worry... The next time I'd marry Beatrix again I will make things right at ikaw ang unang-una naming papadalahan ng inbitasyon."
Napalunok ako sa sinabi ni Yael. Shit, this scripted thing has gone too far! Asadong-asado na ako rito!
Tiningnan ko si Yael para makakita ng kahit kaunting hint lang na palabas lang ito para h'wag akong umasa ngunit mukhang naramdaman niya yata ang mga titig ko kaya tumingin din siya sa akin at nginitian lang ako tapos ay ibinalik na kay lola ang atensyon niya.
Bakas ang tuwa sa mukha ni lola Anastasia. Ang kaninang inis na nararamdaman niya kay Yael ay nawala na parang bula. So, that's the only way to coax lola, huh? Baka sinabi lang iyon ni Yael para wala nang usapan... Pero ayos lang, I'm not asking for more. Kuntento ako sa ganito.
We're already married, tapos. That event already had happened and let us not go back again. I know that wedding isn't as memorable as other's wedding but for me it is.
I've realized that the grandness of the wedding is not that important, the only thing that matters is the person who you'd exchange your vows with.
"That's what I'm waiting for you to say all this time..."
Tumawa si Yael. "Sige lola, makakaasa ka. Nasaan nga pala si lolo Primo?"
"Ah, umalis kanina pa nang makarating si Cori dito. Nagpasama siyang mangisda kay Cori."
Kumunot ang noo ni Yael. "He still do that? Hindi ba't may mga mangingisda naman na palaging nagpupunta dito at binebentahan kayo?"
"Hayaan mo na ang lolo mo, Yael. Alam mo naman iyon lang ang libangan niya."
"Yeah but you two are not getting any
younger... Hindi ko maiiwasan ang hindi mag-alala."
"Yael, the more old people like us slack off the more we gets weaker and weaker. So stop worrying, we're just doing ourselves a favor. You'll understand me someday."
"Oo nga naman, Yael. Maiintindihan mo na rin si lola. Malapit na." Pang-aasar ko sa kanya at humagikgik.
I suddenly remember our age gap. It's six freaking years but as you look at us you can't even tell that he's six years older than me. Kayang makisabay ng hitsura niya sa edad ko.
Kumunot ang noo niya noong una dahil hindi niya ako naintindihan. Pero nang maintindihan niya ang sinasabi ko ay tinaasan niya ako ng kilay at kinurot ang aking tagiliran sabay kagat sa kanyang labi.
"Aray! You old man!" Daing ko na may kasamang pang-aasar. Hindi naman talaga ako nasaktan, I just want to annoy him.
He rolled his eyeballs before shaking his head slightly. "Tss. Yabang... Mamaya ka sa'kin."
"Wow, the old man's threatening me!" Todo ngisi ako at hindi nagpatinag.
"Yes, Beatrix. Keep doing that and you'll see what you're looking for." Pinaningkitan niya ako ng mga mata.
"Lola, aakyatin ko na muna si Mikel. Baka nagising na siya." paalam niya kay lola at muli akong tiningnan.
"I'll leave you with lola, okay? Baka gising na iyon at umiyak kapag si Delya ang nakita at hindi tayo."
Tumango lang ako sa kanya at bahagya siyang nginitian. I want to keep teasing him pero mukhang umiiwas ang matanda!
"Sige, mabuti pa nga nang makilala ko na ang apo ko."
Yael leaned in. "Come on, give this old man a kiss." Aniya. Pinanlakihan ko siya ng mga mata. He's asking for a kiss e nandiyan lang ang lola niya pati ang mga kasambahay! Nakakahiya!
Baka sabihin ay PDA kami. Para naman kasing tanga. Aakyat lang naman siya sa taas manghihingi pa siya ng halik. Is this his way of getting back at me for teasing him old?
"Sige na, Beatrix. H'wag ka nang mahiya." I heard lola Anastasia urged.
"Ang tagal, Trix." reklamo pa ni Yael. My nose flared in embarrassment. I let out a harsh sigh before leaning in to give him a kiss on the cheek. Pasimple ko pa siyang kinurot sa tagiliran.
Lumawak ang ngisi niya nang ihiwalay ko na ang mga labi ko sa kanyang pisngi. Namula pa ako at pasimpleng tumitig sa paligid. They were all looking at us! Kaagad silang nag-iwas nang tingin nang tingnan ko sila.
"Babalik ako mamaya..." Sabi niya at tuluyan nang umalis.
"Natutuwa ako dahil ganyan kayo ni Yael. Sana ay parating ganyan; sana kahit na matagal na kayong kasal ay wala pa ring magbago."
Ngumiti ako. "Oo naman po, lola... Palagi namang naglalambing si Yael."
"Hindi lang dapat si Yael ang parating naglalambing, hija. Dapat ikaw rin." Payo niya sa akin.
Kagat labi akong tumango. Nilalambing ko naman siya 'di ba? Hindi na muli pang dinagdagan ni lola ang payo niya. Umupo na lang siya sa kung saan ang pwesto niya kanina.
"Halika, maupo ka dito sa tabi ko..." nakangiti niyang sabi sa akin. Hindi na ako nagdalawang isip at umupo na ako kaagad sa tabi niya, awtomatiko namang umusog 'yung katabi niya para bigyan ako ng space.
"Nakatikim ka na ba ng ganito?"
Pinanood ko siyang kinuha ang isang wrapper, nilagyan niya ito ng maraming meat at dalawang thin sliced boiled egg.
Umiling ako. "Hindi pa po, lola... Mukhang masarap iyan. Bakit po binibigyan niyo ng boiled egg?"
"Mas masarap kapag meron. You'll see later,"
"I can't wait... ngayon ko lang matitikman 'yung lumpia na merong itlog. Tulungan ko na kayo, lola."
Habang tumutulong ako sa pagwra-wrap ay nagkukwentuhan kami ni lola. Napansin ko nga na hindi pa din bumabalik si Yael hanggang ngayon at si Delya lang ang bumaba kanina. Ang sabi niya ay pinababa na daw siya ni Yael. Nang tanungin ko kung nagising na ba si Mikel ang sabi niya ay tulog pa. Siguro ay naisipan niyang tabihan na muna si Mikel dahil napagod siya sa kakamaneho.
"May nauna pa palang ikinasal sa amin ni Yael, lola?"
"Uh-hmm..." sagot niya habang niwra-wrap iyong last na lumpia. "Sige na, iprito niyo na lahat nang matikman na ni Beatrix."
Muli niya akong tiningnan. " Si Selestino..." sabi niya at tipid kong nginitian.
"Po?"
"Si Selestino iyong unang ikinasal bago pa si Yael."
Lumawak ang mga mata ko sa sinabi ni lola. I didn't know that El is a married man, too. Wala kasi itong kasama simula kanina. O baka naman hahabol ang asawa niya?
Hindi na ako nakapagtanong dahil nakuha ng mga bagong dating ang atensyon namin. Sabay kaming napatingin ni lola doon. Napatuwid ako nang upo nang makita ko kung sino ang mga iyon.
Ito ang lolo ni Yael kasama si Cori!
"Sweetheart, look at this..." his face is so bright bagamat may mga wrinkles na ito hindi katulad ni Cori na nakatayo sa likod niya. He's young yet it seems like he's stressing like forty-two. Mukhang masaya si lolo Primo sa hawak niyang malaking isda na ibinida niya kaagad kay lola.
Excited na excited siyang ipakita sa asawa at hindi na niya napanasin na katabi niya ako.
"Wow, Primo! That's enormous!"
I can't tell what kind of fish is lola Primo's holding by the tail but I can really see that it's huge.
Humalakhak si lolo Primo. "I know... Ipapaluto ko ito para ihanda sa kaarawan mo bukas."
"That's so sweet of you, Primo... But here, I'm with Yael's wife—Beatrix!" lola Anastasia's voice was filled with delight.
Natigilan saglit si lolo Primo. He squinted his eyes and was quite taken aback when he finally saw me.
"Oh, right... Wow, I'm sorry hindi kita napansin. Kumusta, hija?"
"Ayos naman po... Ang laki po ng isda na nahuli niyo."
"Oo nga, e. I got lucky. Looks like the universe know that tomorrow is my wife's birthday."
"I'll go upstairs..." tinatamad na paalam ni Cori at hindi na hinintay ang isa sa mga sagot ng dalawa at umalis na lang siya basta.
Sinundan siya nang tingin ni lolo Primo at nahihiya akong tiningnan dahil sa asta ng isa sa kanyang mga apo.
"I heard that you're with my great grandson? I cannot wait to meet him." Pang-iiba ni lolo Primo.
"Ah, yes po. Kasama niya po si Yael sa taas, natutulog. If you'll excuse me, pupuntahan ko lang sila." Magalang kong sabi at nagpalapit-palit nang tingin sa dalawa.
I want to give both lolo Primo and lola Anastasia's time to chat with each other. Mukhang kanina pa gustong magkwento ni lolo sa mga nangyari kanina sa kanya sa pangingisda niya.
"Ipapatawag ko na lang kayo kay Delya kapag kakain na." Nakangiting sabi ni lola Anastasia.
Tumango ako at nginitian ang dalawa.
"Just use the elevator there... Sam, please assist her." Pagkatapos mang-utos ni lola ay tiningnan niyang muli ang asawa. Lumapit sa akin ang isang kasambahay na nagngangalang 'Sam'
"Bitawan mo na ang isdang iyan, Primo at maghugas ka na ng kamay." Dinig kong sabi ni lola sa asawa. Nag-usap sila ngunit pawala nang pawala ang kanilang boses dahil sa patuloy na paglalakad namin ni Sam.
Nakasunod ako sa likod niya. Diretso lamang kaming naglakad hanggang sa tumigil kami sa tapat ng isang Jacuzzi. Sa left side noon ay may dalawang pintuan. The other one is facing our direction while the other on is facing the white wall.
"Iyan na po ang elevator ma'am..." Itinuro nito ang pintuan na nasa harapan ko. Well, it looks like a door na walang handle. So, that's why wala akong makitang handle dito ay dahil hindi naman pala ito pintuan.
"Salamat, Sam."
I press the round lifted button and the elevator doors opened. I went inside and pressed number two. It's confusing, I don't know what floor is Yael's room.
Ilang sandali pa ay bumakas na ang elevator at dali-dali akong lumabas. To my dismay, I pressed the wrong floor. Napunta ako ngayon dito kung saan kami pumasok kanina ni Yael.
I was about to go to back to elevator when suddenly I heard a familiar voice of a woman.
"Make sure hindi niya alam na nasa Punta Fuego ako... tsk! Ikaw na ang bahala doon. Sabihin mo I'm out for... shopping! or what! Basta ikaw na ang bahala."
Huh? Kumunot ang noo ko. Sino ang kausap niya?
I heard the clicks of her heels getting nearer and nearer until they stopped. Napanganga ako nang makita siya at ganoon din siya nang makita ako. Her phone is still on her ear.
"I will call you later, Misha." she said as she drops her hand which holds her phone on her side.
I'm still standing here like a statue. Hindi ako makagalaw, I finally saw her again after two years? She's wearing an asymmetrical tight dress with a touch of white and gold. She tie her hair into a low bun kaya kitang-kita ko ang pagkinang ng kanyang mga gintong alahas.
She's still looking the same elegant woman that I met two years ago but I can sense that something had changed. I saw highlights of grey on her hair and dark spots under her eyes... She looks tired and stressed but despite that she still managed to give me a smile.
"Beatrix..." Mahina ngunit sapat na para marinig ko.
Ngumiti ako. "Tita Yngrid..."
She slightly spread her arms to her sides. "Oh, come here!"
Hindi na ako nagdalawang isip at mabilis akong humakbang papalapit sa kanya upang yakapin siya. I felt his tight warm embrace and my heart felt warm, too but I can't shake the little embarrassment that I'm feeling. I suddenly felt good yet uneasy. Hindi ko alam kung bakit.
Kumalas siya sa yakap at tiningnan ako.
"Where's Mikel? Is he here?" Kaagad niyang tanong at luminga-linga sa paligid. Her excitement to see my son is different. It seems like he's been longing for him for a long time.
Tumango ako. "Nasa kwarto po sila ni Yael at natutulog."
For a brief second I think I noticed that her smile faded away but she managed to plaster it back in no time.
"Anong oras siya magigising? Hindi ba pwedeng kunin mo muna siya habang natutulog at ibigay sa akin?" Nakangiti niyang tanong.
Kumunot ang aking noo at hindi ko alam kung ngingiti ba ako o tatawa dahil sa tinuran niya. "Tita, that's not possible..." Kunot noo ko pa ring sabi.
I believe I look like I'm staring at her ridiculously now kaya kaagad kong tinanggal ang pagkakunot ng aking noo. Napansin ko kasi ang mabilis na pagsusuri niya sa ekspresyon ko.
"Well, that's disappointing to hear. I really got no plans to attend on my mother's birthday celebration but I've heard that you and Yael are coming so... here I am..." inangat niya ang kanyang mga braso para istress ang point niya.
"I've been wanting to meet my grandson since Yael broke the news that you two are getting married... Pasensya na nga pala at hindi kami nakadalo."
Inipit ko ang ilang hibla ng aking buhok sa likod ng tenga ko. "A-Ayos lang po iyon, tita Yngrid. Naiintindihan ko. Pero h'wag po kayong mag-alala, maya-maya lang ay gigising na si Mikel."
Her face lit up and she smiled at me so wide I could see her perfect white teeth.
"Call me 'mama', Beatrix. Tutal ay kasal na rin naman kayo ni Yael." She insisted.
Nag-init ang magkabila kong pisngi. "A-Ah, sige po, m-mama."
Nahihiya talaga ako kapag ganito. I just want to pass the stage where my in laws are insisting me to call them mother and father.
"Kayo lang po ba? Wala po ba si papa Viktor?" Tanong ko at sumulyap sa may pintuan. May isang lalaking pumasok na may dalang pulang travel bag ngunit hindi naman iyon si tito Viktor. Mukhang ito ang driver ni mama Yngrid.
Ikiniling ni mama Yngrid ang kanyang ulo sa direksyon noong lalaki. "Ibaba mo na ang mga iyan..." utos nito.
"Yes, ma'am."
Muli niyang ibinalik ang tingin sa akin. "Ah, yes, hija. He's on a business trip. Like I've said, we really got no plans on going back here anytime soon..."
Napuno nang tanong ang aking isipan. Nasabi nga ni Yael sigurado siya na hindi dadalo ang mga magulang niya para sa kaarawan ni lola Anastasia. Ngunit bakit? Hindi ba't ina ni mama Yngrid si lola Anastasia? At hindi talaga siya dadalo kung hindi lang niya nalaman na nandito kami?
"Ma?" parehas kaming napatingin sa gawi noong nagsalita.
Ang gulat na si Yael ang nakita ko habang karga-karga niya si Mikel na magulo pa ang buhok dahil mukhang kakagising lang. Nandoon sila sa tapat ng stairs.
"My-my..." Ani Mikel kaagad nang makita niya ako.
"Ma, what are you doing here?" bakas pa rin ang gulat sa kanyang mukha at kitang-kita ko ang pamumutla niya. Ni hindi na nga siya nakakilos mula sa kinatatayuan niya.
"Is that my grandson?" maging si mama Yngrid ay gulat na gulat sa nakita. Ni hindi nga niya pinansin ang tanong ni Yael sa kanya.
Umigting ang bagang ni Yael. His nose flare and his body tensed.
"Yes..." He replied in gritted teeth.
Naramdaman ko ang biglang pagbigat ng atmosphere at namumuong tensyon sa pagitan ng dalawa. Samantalang ako naman ay mukhang tanga na nagpapalipat-lipat nang tingin sa dalawa at iniisip kung ano ba ang meron?
Binalingan ako nang tingin ni mama Yngrid. "Can I hold him?" Nagsusumamo niyang sabi.
"No."
"Oo naman po!"
Sabay kaming nagsalita ni Yael. Saglit ko siyang tiningnan nang masama nang mapagtanto ko kung ano ang kanyang isinagot. Nang ibalik ko naman ang tingin ko kay mama ay tipid ko siyang nginitian.
"Opo, mama... Walang problema. Mikey, come here."
Lumapit ako sa kinaroroonan nila Yael at sinubukang kunin si Mikel ngunit nagda-dalawang isip siya na ibigay kaya pinanlakihan ko siya ng mga mata. Sa bandang huli ay wala rin siyang nagawa kung hindi magpaubaya na.
Nang makuha ko si Mikel ay muli kong hinarap si mama Yngrid.
"Mikey, si lola."
Nagningning ang mga mata ni mama Yngrid. "Come here, apo... Come to your lola."
She stretched her hands to reach for Mikel ngunit tinalikuran siya ni Mikel at yumakap sa akin.
"No!" Matigas niyang sabi.
"Mikel Salcedo!" Saway ko sa kanya. Narinig ko ito minsan kay Yael. Noong nagta-tanrums si Mikel at natamaan niya ako sa ulo ay tinawag siya ni Yael nang ganyan at bigla siyang tumigil.
"Dada..." Hindi niya ako pinakinggan at si Yael naman ang tinawag niya. Hay. I hope I didn't push my luck. Nakalimutan ko, kay Yael lang naman siya nakikinig.
"See? Ayaw niya. H'wag niyong pilitin. Come on, buddy."
Kinuha siya ulit sa akin ni Yael at ako naman ngayon ang walang magawa.
"He looks exactly just like you, Yael... He reminds me of the younger version of you. Parang kailan lang noong karga-karga pa kita..."
Natigilan si Yael sa binaggit ni mama Yngrid at napatingin siya dito. I believe he saw his mother's reaction. She was looking admiringly at the two with moist in her eyes. Kaya ang kaninang nagmamatigas na Yael ay biglang lumambot. Kahit ayaw niyang ipahalata ay nakita ko iyon sa mga mata niya.
His jaw twitched. "We're just going to feed him. Mailap pa siya ngayon dahil kakagising niya lang pero mamaya ay magpapakarga rin siya sa'yo..."
He replied instead. I knew it! Lumambot siya. Kanina lang ay ayaw niyang ipakarga pero ngayon naman ay gusto na niya. Napangiti ako. Way to go, Yael.
But I really have to know what's going on. Hindi matatapos ang araw na ito na hindi ko malalaman. I'll make sure of that.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top