Chapter 23
Chapter 23
Punta Fuego
Yael was really serious about us going to Punta Fuego. Paglipas ng dalawang araw ay heto kami ngayon, nagba-biyahe papunta sa Punta Fuego. Tomorrow is his grandmother’s birthday at kahapon ay sinamahan ko siyang bumili ng regalo. He mentioned that his cousins will be probably present at his grandparents’ mansion tomorrow at hindi lang iyon, pati mga tito't-tita niya ay sigurado na pupunta rin!
Kaya nga sagad ang nararamdaman kong kaba ngayon. Syempre, makikilala ko na ang family niya sa mother's side. I met them once at sa funeral pa iyon ni Ariana... May naramdaman akong kirot sa aking puso nang maalala ko si Ariana. Okay na kaya si Yael? Hindi pa namin napag-uusapan si Ari.
Tiningnan ko siya na seryoso lamang na nakatingin sa daan. He's wearing a white v-neck shirt and a khaki shorts. Mas lalo siyang gumwapo sa kanyang rayban na suot.
He looks cool driving with one hand on the steering wheel and with that serious face... Hindi mo alam kung ano ba ang tumatakbo sa isipan niya sa kasalukuyan.
He always makes me wonder and it's making me feel insane... insanely good.
Ganito siguro akong nabaliw sa kanya. Men who are mysterious are so damn attractive compared to those men who are like an open book.
I don't know about them other girls but I prefer men who makes me contemplate of whatever things that are running into his mind.
Sure, a man who’s vocal is nice but a man who’s discreet is sexy. And dangerous at the same time.
“One… Two… Three…” nagbaba ako nang tingin kay Mikel na nagbibilang habang nakatayo sa ibabaw ng lap ko habang ang mga braso ko naman ay nakasuporta sa kanyang katawan upang h'wag siyang matumba. He’s tapping his hands on the window while counting.
Mikel has a baby car seat at the back but I prefer holding him everytime we go for a drive.
Para kasing mas lalo kaming nagiging malapit sa isa't-isa. The way view that I see, he sees too. And I love it when he constantly babble words everytime he sees something interesting.
“Thwee… Thwee…”
“Four.” Pagtutuloy ni Yael at sinulyapan ang anak namin ng may ngisi sa kanyang labi.
“Fouw…” Ulit ni Mikel sa sinabi ni Yael.
“My baby has alot of energy today and my other baby's seems so quiet…”
Muli kong naibaling ang tingin ko kay Yael at nagulat pa ako dahil nakatingin na siya kaagad sa akin, para bang hinihintay niya lang ako na tumingin sa kanya pabalik.
“Huh?”
“Don’t you wanna go to Punta Fuego? Say it and I'll turn over.”
Namilog ang mga mata ko dahil sa gulat. “Uy hindi! Gusto ko! Ano ka ba?” Mabilis kong sagot sa kanya. What made him think that I don't?
Nakakaloka itong si Yael minsan kung mag-isip. Baka mamaya totohanin nga niya na ibalik ang sasakyan pauwi. Sayang naman ang mga paghahanda namin ng mga gamit namin at isa pa, magda-dalawang oras na rin kaming nagbabiyahe.
Bumuntong hininga siya. “I just thought that maybe you don't want to go… Ang tahimik mo kasi.”
Oh, is that so? Hindi ko namalayan. I got so busy in admiring him that I didn't notice that I wasn't talking or making conversations.
“Nakakairita ba?” Tanong ko.
Ako kasi kapag ganoon kung minsan ay naiinis ako. Kapag hindi ako kinakausap sa personal o di kaya'y matapid magreply sa text o sa chat ay naba-badtrip ako kung minsan.
It makes me wonder if I did something bad that made them treat me like the way they're treating me.
“No, it's bothering me. Iniisip ko kung may nagawa ba ako na hindi mo gusto?”
Kumunot ang noo niya at muling ibinaling ang tingin sa daan.
Napangiti ako. Hanggang ngayon ay medyo naninibago pa ako at pakiramdam ko lagi ay ako pa iyong dating Beatrix na graduating sa kursong nurse na baliw na baliw kay Yael.
We're here at this point where we're doing good again. Parang kailan lang ay kulang na lang ay patayin namin ang isa't-isa pero ngayon ay heto na naman siya sa mga linyahan niyang kayang gisingin ang natutulog kong diwa.
I rolled my eyes playfully. “Stop being anxious… Kinakabahan lang ako.” Pagdadahilan ko although it's actually true. I get a little nervous at the moment. Ngayon ko pa lamang sila makakausap at makakasama. Yael said that we'll stay there for three days!
“Bakit ka kakabahan?”
I shrugged. “What are they like?” I asked instead.
Gusto kong malaman kung ano ang ugali nila para kahit paano ay mabawasan ang kaba ko… o di kaya’y lalo lamang madagdagan?
“Well, they don't bite…” He grinned.
Translation: Brace yourself, bitch.
Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko at tumingin sa daan. God!
I heard his delicious chuckle from the driver's seat. “Relax, Trix… They will love you and Mikel, too.” aniya at sinipat si Mikel na kasalukuyang sinusubo ang kanyang kamay.
Kaagad ko namang tinggal iyon ngunit ibinabalik niya pa rin kaya binigyan ko na lang siya ng biscuit para iyon ang pagtuonan niya nang pansin.
Pinunasan ang kanyang kamay at bibig gamit ang puting towel na hawak-hawak ko. When you have a baby you can never go a day without a towel. I swear, babies are so messy.
I wouldn't want to ruin Mikey's white shirt because of his dripping saliva that has a mixture of melted soft biscuit in it.
“I was wondering…” I paused. Dapat ko bang itanong ‘to kay Yael? Will I offend him if I did?
“What?”
Bumuntong hininga ako. “Si Vien ba, dinala mo na sa Punta Fuego? Gusto ko lang itanong, ah! No offense meant!” I said defensively.
“None taken… but no, hindi pa.” sagot niya and that's it. Hindi pa daw.
“Bakit?” Hindi ko mapigilang tanong.
“Anong bakit?”
“Bakit hindi mo siya ipinakilala sa mga kamaganak ko sa Punta Fuego? What is it like— your relationship with Vien? Paano kayo nagkakilala?”
Sunod-sunod kong tanong. I got curious. Dahil hindi ko talaga ine-expect na magkakaroon ng girlfriend si Yael nang maghiwalay kami and that was stupid of me, right?
Kumbaga sa basketball, masyado akong naging kampante sa first and second quarter dahil tambak ang kalaban ngunit pagdating ng fourth quarter ay bigla na lamang silang nagkaroon ng sunod-sunod na puntos hanggang sa malamangan ka na. That's unexpected and disappointing.
Pero hindi naman tayo madi-disappoint kung hindi tayo aasa at magpapakampante sa isang bagay na hindi sigurado.
Nangunot ang kanyang noo. “Are we seriously going to talk about my ex?”
Parang hindi niya nagustuhan ang pagtatanong ko. Tss. Ano naman ang masama kung magtanong ako? Curious lang naman ako.
“Bawal ma-curious?”
Umigting ang kanyang bagang. “Hindi.” Tipid niyang sagot ngunit hindi pa rin sinagot ang mga tanong ko kanina. I was expecting him to but I got nothing instead.
“Hindi naman pala, so, you don't have to avoid my questions with another question, Yael. Curious lang ako, that's all.” Paliwanag ko sa kanya.
Natawa siya out of frustration. “I’m not avoiding your question, Beatrix. I'm saving myself from your wrath. Sigurado naman ako na magagalit ka lang sa akin kapag nagkwento ako tungkol kay Vien.”
He jerked his head to face me.
“And why are we talking about her, anyway? Let's leave the past in the past… You're my present, Beatrix. Let’s talk about you instead, my wife.” Ngumisi siya at nasilaw ako.
Napangiti ako sabay kagat sa aking pang-ibabang labi. That one is hella smooth! Damn him!
Muli niyang ibinalik ang tingin sa daan ngunit ramdam kong na sa akin pa rin ang atensyon niya kahit na hindi na siya sa akin nakatingin.
“Come on, let's talk about you. Anong gusto mong gawin nating tatlo ni Mikel habang nasa Punta Fuego tayo?”
“Go to the beach?” Hindi ko pa din mapigilan ang leche kong mga ngiti!
Tumango-tango siya at muli na namang ibinaling ang tingin sa akin. “Ano naman ang gusto mong gawin nating dalawa habang nando'n tayo?” He grinned saliciously and I felt my cheeks heated up.
Shit! Anong klaseng tanong ba ‘yan?!
Pinanlakihan ko siya ng mga mata. “Eyes on the road, Yael!”
Saway ko sa kanya dahil hindi ko kaya ang mga mapanukso niyang mga titig sa akin.
“Ano nga kasi?” He pressed while still grinning. Sa daan na uli ang tingin niya.
“Ewan ko sa'yo! Ang bastos mo! Hindi ka na nahiya sa lola't-lola mo…”
Ang sarap bigwasan ni Yael minsan dahil sa mga pinagsasabi niya! We're not going to do it in his grandparents’ house! Nakakahiya…
Tumawa siya. “Ano ba ang nakakahiya doon, Beatrix? I was just about to suggest that we use the yacht tapos ay iwan natin saglit si Mikel sa lola ko nang sa gayon ay magkaroon tayo ng oras na tayong dalawa lang… pero mukhang iba yata ang iniisip mo?”
My cheeks turned into crimson red. Ni hindi ako makatingin sa kanya dahil sa kahihiyan! What the hell! Kaya kung minsan ay ayaw kong kausap si Yael! Kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko.
Hindi ko rin alam kung anong isasagot ko sa kanya. There's no way I can get away with this… Wala akong maisip na ipalusot at mukhang naging mabait ngayon sa akin ang tadhana dahil biglang nagring ang kanyang phone.
Kinapa niya iyon sa kanyang bulsa gamit ang isa niyang kamay habang sa daan ang tingin niya at isa naman niyang kamay ay nakahawak sa steering wheel. Nang matagumpay niyang nakuha ang phone niya ay kaagad niyang iniabot iyon sa akin.
Tiningnan ko ang kamay niyang may hawak ng phone habang naka-stretch iyon sa direksyon ko. Sakto namang namatay ang tawag.
“Please connect it to the bluetooth…” Aniya. Tumango ako at kinuha ang phone mula sa kamay niya.
Mikel tried to snatch it away from my hand pero kaagad kong itinaas ang kamay ko na may hawak ng phone ni Yael. Sinindi ko iyon at ang litrato naming dalawa ni Mikel ang bumungad sa kanyang lockscreen. Ito pa rin iyong kuha namin noong nasa mansyon kami nila Colton at Jess.
Napangiti ako ngunit muli rin naman akong naibalik sa realidad nang may mag pop up na text meconnected El:
Call me back when you got this. ASAP
“Yael, it's from, uh, El? He wants you to call him ASAP… I'll call him for you, alright?” sabi ko at in-open ang phone niya. Luckily, it hasn’t a password in it.
“Okay, thanks.”
I connected his phone to the bluetooth and called the number of El.
Isang ring pa lamang iyon ay sinagot na niya kaagad.
“Nasaan ka na?” Tanong kaagad nito mula sa kabilang linya. Hindi man lang nga ito nag-hello.
“Malapit na kami. Bakit?” Si Yael ang sumagot habang nagmamaneho siya.
“Nandito kami ngayon sa presinto. Cori has been arrested for assaulting Mr. Lavin's daughter! Tang inang ‘yan!”
Yael's eyes widened and his jaw twitched. “Damn!” He cursed under his breath.
“Alam na ba ‘to ni tito Morris?”
“Yeah, kanina pa namin nasabi.”
Napasabunot si Yael sa kanyang buhok.
“What? You know that's not a good idea, El. Magwawala ang gagong ‘yan.”
I was just here listening to Yael and his cousin's conversation. Maging ako ay nagugulat at naguguluhan sa pag-uusap nila. Majority of their conversation is something that I do not understand. Basta ang naintindihan ko lang ay nasa presinto ngayon ‘yung Cori.
“That’s what I was trying to tell them, too but Karlie the grumpy animal insisted to call tito Morris!”
El sound pissed off. Dang, it's kind of weird to call him that. Parang si Yael lang ang tinatawag ko. Pero shit! This is chaos! Hindi ko expect na may ganito palang ganap.
"Tsk... Hintayin niyo kami diyan, papunta na kami." Seryosong sabi ni Yael at siya na ang nag end ng call mula sa screen sa sasakyan. Iniliko niya ang sasakyan sa isang kanto.
Tiningnan niya ako. "Puntahan muna natin sila doon... Is that okay with you?" He said asking for my approval.
Kaagad akong tumango at tiningnan siya nang may pakikisimpatya. "Oo naman, Yael... Sige lang."
He let out a frustrated sigh. "Dang! I know Cori's an asshole but assaulting a woman is something that I didn't expect from him."
"Malay mo naman hindi niya ginawa... Hindi natin alam ang tunay na kwento." Paliwanag ko sa kanya. He looks frustrated and problematic now.
Hindi na siya sumagot pa dahil itinigil na niya ang sasakyan sa harapan ng isang presinto. Luxurious cars are parked outside and I assume that Yael's cousins own each one of those.
"You two just stay here, okay?"
Umiling ako. "Gusto kong sumama." I insisted.
"Pero magulo sa loob, Beatrix. Dito na lang kayo... Babalik ako kaagad." He said frantically before kissing Mikel's and my forehead.
Wala naman akong nagawa dahil ang sunod ko na lamang na narinig ay ang pagsarado ng pintuan ng sasakyan.
Tahimik lamang si Mikel habang nakaupo sa lap ko. May mga oras na ganito talaga siya. Nang kusutin niya ang kanyang mga mata ay alam ko na kaagad na inaantok siya. Pinaharap ko siya sa akin at isinubsob ang kanyang ulo sa aking balikat.
He silently settled his head on my shoulder and after a few minutes he fell asleep.
Napatingin ako bintana at may isang itim na kotse lamang ang kakaparada sa tabi nitong sasakyan ni Yael. Mula sa frontseat ay may lumabas na dalawang lalaking naka kulay light blue na uniporme. Binuksan nila ang isang pintuan sa backseat at mula roon ay lumabas ang isang lalaking mga nasa edad singkwenta na.
He's wearing a three thousand dollar suit and his aura screams strictness and respect. Parang hindi man lang ito marunong ngumiti.
Inayos niya ang kanyang coat at tiningnan ang presinto na nasa harapan niya bago siya humakbang papasok doon na punong-puno ng dignidad. Mula sa magkabila niya ay may mga bodyguards na nakasunod at mayroon pang isang lalaki na sumunod pa. Hindi ito mukhang bodyguard, sa palagay ko ay isa siyang lawyer.
This must be Yael's uncle— Morris, right?
I want to see what's happening inside. Inatake ako nang curiosity kaya bagamat karga ko si Mikel maingat akong lumabas ng kotse. Tumigil ako sa harapan ng tatlong baitang na kailangan mong tungtungan upang makapasok sa sa loob.
Ngunit hindi na ako tumuntong pa sa mga iyon dahil kitang-kita ko na ang mga nangyayari sa loob mula rito sa kinaroroonan ko... Well, not all pero malinaw pa rin ang aking mga nasasaksihan.
Nakita ko ang asawa ko na nakapamulsa katabi ang isang lalaking halos kasingtangkad niya na nakahalukipkip. Nakasuot ito ng puting polo shirt at faded na pants. Seryoso silang nakatingin doon sa lalaking nakaupo habang nakaposas ang kanyang kamay mula sa kanyang likod.
They both look familiar to me. I can still recognize their faces a little but I forgot their names. Nakita ko na sila sa funeral ni Ari noon ngunit hindi ko man sila nakausap masyado.
Lalo na iyong pinsan ni Yael na nakaposas ngayon.
One look and you'll see that this guy is someone the you shouldn't be messing with. His hair is messy and he's wearing a grey sleeveless shirt that exposed his arm that got a tats on it.
Mayroon siyang geomtric lion tattoo sa kanyang upper arm. His hands are cuffed and all yet he's still got that smug on his face. Parang tila isang biro lamang para sa kanya ang mapunta siya sa presinto habang nakaposas ang mga kamay mula sa kanyang likod.
He's even chewing his gum as if he's not in a fucked up situation.
"Anong ginagawa mo dito?" Umigting ang kanyang bagang nang mapansin niya ang uncle ni Yael na sa palagay ko ay ama niya.
Hindi niya ito sinagot bagkus ang tiningnan ang police officer na nakaupo sa likod ng mesa.
"I'm here with a lawyer... Let's settle this man's case quickly."
Tumawa ito nang pagak. "Hindi ka na sana nag-abala pa... You know, basically, lawyers are just props to defend yourself as for not commiting a crime when in fact you are guilty. And in my case, I did not assault that bitch."
"She's not even my type, she won't even make my dick flinch! So just go home and take your props with you."
Kaagad kong tiningnan ang anak ko at nakahinga ako nang maluwang nang makita kong mahimbing pa rin siyang natutulog sa aking balikat.
Mabuti na lang... Gaya-gaya pa naman ang isang ito sa kung anong naririnig niya. Baka mamaya kapag naglalaro sila ni Yael sabihin niya ang salitang 'dick'. What the hell!
Tiningnan niya ang police officer na nasa likod ng table at nanunuyang nginisian. "Alam mo kung sino dapat na makulong dito? Kayo! Let's not act squeaky-clean here, you guys have some dirty little secrets, too. Pustahan tayo, kapag binyaran kayo ng ama ko pakakawalan niyo ako."
Nakita ko ang pagbaba nang dibdib ni Yael at ang pagtiim ng kanyang bagang nang marinig ang sinabi ng pinsan.
"Stop digging yourself into a hole, fucking dumbass!" The guy whom I assumed El hissed.
Ikiniling niya ang ulo niya sa direksyon ni El.
"I know that one's tough to swallow but that's the truth... Selestino." A teasing smirk was plastered on his face.
El smiled at him sarcastically before flipping his middle finger.
Dumilim ang mukha ng police officer. This man sure know how to push everyone's buttons down, huh?
"Pulis ako, boy. Isa ako sa mga pumupuksa sa krimen. Hindi ako kagaya ng iniisip mo."
Humalakhak siya. "I call bullshit to that." Aniya at iniluwa ang chewinpg gum niya sa direksyon noong pulis officer. We all gasped at what he did.
The officer stood up from where he was sitting and he's about to hit Cori but then the someone came into the scene.
"Tigil!" Sigaw nito. Tumingin ang officer sa gawi noong nagsabi at umayos siya ng tayo at sumaludo pa nang makita niya ito.
"Chief..."
Umiling iyong lalaking tinawag na chief. "Leave this to me and I don't want to see you lay a hand on Morris' son." Madilim nitong utos. Umigting ang bagang nito at tumango kahit na labag ito sa loob niya.
Hanggang ngayon ay nakadikit pa sa uniporme niya ang chewing gum ni Cori. It looks conceit. It reflects the reality. May mga ibang opisyal nga na mukhang kagalang-galang dahil sa mga unipormeng suot nila ngunit may bahid naman ito ng dungis.
Parang itong unipormeng ng police officer na may chewing gum ni Cori.
"Morris, long time no see... Seems like your son's got into a trouble... again." Sabi noong chief.
"Looks like it." Mr. Morris smiled through gritted teeth.
"Maupo ka..." The chief offered and Mr. Morris did sit on the vacant chair in front of Cori.
Dumako ang tingin ko kay Yael at nanigas ako sa kinatatayuan ko nang saktong mapatingin siya sa akin.
His eyes widened and his brows ceased when he saw me. Hindi ko alam kung tatakbo ba ako pabalik sa kotse o ano.
But in the end I decided to give him a guilty smile. Wala namang kwenta kung tatakas pa ako e nahuli na niya ako.
May sinabi siya doon kay El na naging dahilan upang mapatingin ito sa akin. Tumango si El habang nakatingin sa akin at tinapik muna siya ni Yael sa balikat bago tuluyang humakbang papalabas at papunta sa gawi ko.
"Tsk. I told you to wait inside, didn't I?" Aniya nang makalapit siya sa akin.
"I'm sorry... I just got curious. Nakita ko kasi iyong tito mo. Well, I assumed he's your tito and I was right." Paliwanag ko.
Bumuntong hininga siya bago tumango.
"Sige na, pumasok ka na ulit doon... Maghihintay na lang kami ni Mikel sa kotse. Promise, hindi na ako lalabas."
Umiling siya at marahang hinaplos ang aking mukha. "Dito na lang ako... Nandoon na rin naman si tito Morris." Aniya at sinipat si Mikel.
"Sarap naman nang tulog ng anak ko..." Napangiti siya.
"Hmm... Napagod kasi sa biyahe." Sabi ko at tiningnan ang kalangitan. Hindi masyadong tirik ang araw ngayon, ang araw na yata ang nag adjust para sa amin ni Mikel dahil nasa labas kami sa mga oras na ito.
"I'm sorry you have to meet my cousins like this." Aniya na naging dahilan upang muli kong ibalik ang tingin sa kanya.
He's looking at me apologetically.
Napangiti ako. "It's okay... I don't mind." I said. Because I really don't mind at all. I won't judge his family just because we're in this kind of situation.
Every family got a story and I've got no right to complain especially when this is the first time that I'm meeting them. First impression never lasts.
"Thanks... Let me hold Mikel for you." Sabi niya at marahang kinuha si Mikel sa akin.
Napaungol si Mikel at muntik nang magising ngunit kaagad siyang tinapik-tapik ni Yael para makatulog siya ulit.
Napangiti ako nang mawalak. Ang gwapo ni Yael kapag karga-karga niya si Mikel. It was a huge turn on for me and for the other ladies out there. That's for sure.
"Yael..." Sabay kaming napatingin ni Yael doon sa dalawang babae na kalalabas lamang.
The moment I laid my eyes on them, I was instantly mesmerized. Ngayon ko lang na appreciate ang ganda nila dahil noong una ko silang nakita ay nagluluksa rin ako sa pagkawala ni Ari.
These two are Sienna and Karlie if I'm not mistaken.
Sienna has a jetblack long and wavy hair. Her body's petite but his chest is something that she should be proud of. She reminds me of Ellen Powell. And the girl on the left, she's Karlie, she has short chestnut curly hair. The kind of curls when you braid your hair and remove it afterwards. Agaw pansin rin ang kanyang dimple sa kanan niyang pisngi.
"Beatrix?" Sienna said.
I smiled at her. "Yes..."
"I'm Sienna, you still remember me?" She said and then she gave me a cheek to cheek kiss.
"Of course, how could I forget?"
"I'm glad you made it in here, Beatrix. I'm Karlie by the way. In case you don't remember."
I smiled sweetly at her. "Of course, Karlie. I remember." Sabi ko at nakipagbeso sa kanya.
"Siya na ba si Mikel?" Natutuwang sabi ni Sienna, napalakas ang sabi niya kaya bahagyang umungol si Mikel.
"Yes. Keep it down." Sagot ni Yael. Sienna mouthed 'sorry'
"He looks alot like Yael. It's such a shame for you guys to meet us again in this kind of situation. Kung bakit ngayon pa kasi gumawa ng eskandalo si Cori." Karlie rolled her eyes upward.
"Hey, relax, Karlie. Cori didn't assault Mr. Lavin's daughter."
"Says who? Him? Sino bang kriminal ang aamin sa krimen na nagawa niya?"
"You really think I would assault that bitch, Karlie? I have standards. And just so you know, I don't have to force a woman just to get laid. I know better than that. Tabi!" Pare-pareho kaming napasinghap sa biglaang pagsulpot ni Cori mula sa likod ni Karlie at hinawi niya pa talaga ito sa kanyang dinadaanan.
"How dare you push me, Cori!?" Iritang singhal ni Karlie sa pinsan na walang pakialam na sumakay sa isang itim na pick up. Ang braso niyang nakalabas sa binatan na may geomtric lion tattoo ang aming huling nakita bago tuluyang humarurot palayo ang sasakyan.
"Dammit, I should've take my bodyguards with me." She said to herself through gritted teeth.
Kasunod nang paglabas ni Cori ay ang paglabas ng kanyang ama kasunod ang lawyer at bodyguards nito. Huling lumabas si El.
Hinarap ni Mr. Morris ang mga magpipinsan.
"Hindi nangyari ang lahat ng ito... I'm asking for all of your cooperation. H'wag na lamang ninyong banggitin ang lahat ng ito kay mama at papa."
"Don't worry, tito. We don't want to witness lola having a heart attack the day before her birthday." El replied.
Bahagyang ngumiti si Mr. Morris at tinapik sa balikat si El. Bumaling ang tingin niya sa akin kaya napatuwid ako ng tayo. Hindi ko alam kung ngingitian ko ba ito o ano. He's intimidating! Halos lahat naman ng mga pinsan ni Yael ay intimidating lalo na si Karlie ngunit sila na ang naga-adjust para h'wag akong mailang sa kanila.
"Sila na ba ang mag-ina mo, Yael?"
"Yes, tito. This is Beatrix, my wife and our son Mikel." Pakilala niya sa amin. Magalang ko siyang nginitian.
"So I've heard. Your father must be proud of you. Makakapunta ba sila bukas?"
"I don't think so, tito."
Bumuntong hininga ito at hindi na muli pang nagtanong.
"Well, I have to go. I'll see you all tomorrow." Pinasadahan niya kaming lahat nang tingin bago siya tuluyang tumalikod. Pinagbuksan siya ng pintuan ng kanyang isa sa mga bodyguards.
--
Ilang maids ang sumalubong sa amin upang kunin ang mga gamit namin. Ako na ngayon ang may karga kay Mikel dahil nagmamaneho si Yael kanina.
Mula sa labas ng bahay ay may mga iba't-ibang puno at bulaklak. There's even a small statue of Buddha on the pavement... Kulay itim na ito dahil sa kalumaan.
"No, no... I can carry this. Iyang bag na lang na 'yan ang dalhin mo." Ani Karlie sa maid at muling inilapit ang telepono sa kanyang tenga.
"What were you're saying, Trina? No, I'll be back the day after tomorrow. Iyong mga meeting ko lang bukas ang dapat mong i-cancel. Yes and reschedule them on..." Naglaho na ang boses ni Karlie nang tuluyan na siyang makapasok.
Hinawakan ni Yael ang aking kamay kaya napatingin ako sa kanya.
"Pasok na tayo..." Aniya. Ngumiti ako at tumango.
Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob. Hindi ko mapigilang hindi mamangha pagpasok na pagpasok namin. I wasn't surprised to know that the living room is huge but what stunned me are the interior and decorations.
It has a touch of ancient and modernization. There's a huge chandelier hanging with huge droplets of clear and blue crystals. There's also this wooden coffee table with a sculpture of a— I'm not sure if this one's a guy or what pero nakayakap ito sa gilid ng coffee table.
It kind of looks creepy pero keri lang.
This place is classic. Nasa sala pa lang ako nito ah. It has alot of decorations pero hindi madumi at nakakaumay na tingnan.
"Baby, let's go downstairs..." Bulong ni Yael sa tenga ko at tinawanan pa ako dahil yata kanina ko pa tinitingna iyong wooden coffee table na may unknown creature sa gilid.
"Aren't we supposed to go upstairs?" Kunot noo kong sabi at tumingin sa taas. Hanggang second floor lang pala itong mansyon?
Ngumiti siya at umiling. "No, we're at the third floor of the house. Kwarto nila lolo't-lola ang nasa taas. We still got a floor left before we reach the ground floor."
"So, this is not the ground floor?"
Umiling siya. "Come on, I'll show you." He said and his voice is husky.
I felt thousands of shiver ran down my spine just because I heard his husky voice. Inalalayan niya ako pababa. Sa may wall ng hagdanan ay may isang clear round glass kung saan pwede mong masilip ang nasa baba. I saw another long stairs outside at may mga halaman rin ang nakapaligid doon.
When Yael and I reached the second floor tumuloy-tuloy kami sa hallway. Hindi nakatakas sa mga mata ko ang abstract paintings na naka display sa wall, hindi ko na lamang iyon napagmasdan ng mabuti dahil ang bilis maglakad nitong si Yael.
Sa pintuan sa dulo ng hallway tumigil kami ni Yael. Binuksan niya ang pintuan at bumungad sa akin ang isang malaking kwarto na mayroong California king sized bed. This time I see no Buddha, paintings, and contemporay sculputures.
Tuluyan na kaming pumasok sa loob at narinig ko ang pagsara at pag-lock ng pintuan sa aking likod.
I roamed my eyes around the room and only thing I see is Yael... From the airplane display models, aviation books on the shelf, and an acoustic guitar hanging on the wall. Walang duda, kwarto nga ito ni Yael.... Yael na Yael.
"This is my room... and our room now 'cause you're my wife and everything that I have is yours, too."
Hindi ko mapigilan ang nga ngiti kong malawak dahil sa sinabi niya. Damn this man! Bakit ba kahit simpleng ganyan lang niya ay tuwang-tuwa ako?
"Ihiga mo na si Mikel para h'wag ka nang mangalay..."
At ganoon nga ang ginawa ko. I carefully placed our sleeping son on the middle part of the California king sized bed.
Nang matagumpay akong maihiga si Mikel ay bigla ko na lamang naramdaman ang mga braso ni Yael sa aking bewang.
Ipinatong niya pa ang kanyang baba sa aking balikat habang parehas kaming nakatingin sa anak namin na mahimbing na natutulog.
"This scenery only exists in my dreams before, Trix but now it became my reality and I'm the happiest man alive."
"And you know what? You're the only woman that I've ever dreamed of introducing to my relatives here in Punta Fuego. At ikaw pa lang."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top