Chapter 22

Chapter 22

Crazy

I can feel Yael's tight grip on my waist... The way he holds me is just so possessive. Parang ano mang oras ay pwede akong hilain ng kung sino man.

Papasok pa lamang kami ay sinalubong na kami kaagad ni Charla.

"Sir, nandiyan po ang papa niyo, kanina pa ho kayo hinihintay."

Tumango lamang si Yael at nagpatuloy na kami sa paglalakad papasok ng bahay. Bumungad sa amin si tito Viktor na nakaupo sa puting sofa habang may dalawang bodyguards na nakatayo sa gilid niya.

Awtomatikong bumaling ang tingin ni tito Viktor sa amin at kaswal siyang tumayo nang makitang nandito na kami.

His gaze towards Mikel didn't escape from my eyes. Hindi ko mabasa kung ano ang ekspresyon niya habang tinitingnan si Mikel.

Ito ang unang beses na nagkita ang dalawa. Sandaling napatingin si Mikel sa kanya ngunit kaagad din naman niyang ibinaling ang atensyon kay Yael.

"Dada..." Tawag niya dito at pilit na nagpapakuha.

Naramdaman ko ang mainit na hininga ni Yael sa aking tenga.

"Akyat na kayo ni Mikel." Aniya na ikinakunot ng aking noo. Bagamat naguguluhan ako ay hindi ko pa rin sinunod ang kanyang utos.

Gusto niyang umakyat kami ni Mikel gayong nandito ang papa niya? Kabastusan iyon!

"Nandito na pala kayo, nabanggit nga ni Charla na umalis daw kayo... Siya na ba ang apo ko, Yael?" We heard tito Viktor said.

Yael squeezed my waist. "Please..." Pakiusap niya na umakyat na kami ngunit imbes na maglakad ako paalis ay nanatili ako sa kinatatayuan ko at hinarap si tito Viktor at nginitian.

"Opo, mabuti na lang po at nahabol namin kayo... Siya na nga po ang inyong apo, Mikel ang kanyang pangalan." Magalang kong sagot. I heard Yael's deep sigh at my sudden action.

Nang tingnan ko siya ay umigting pa ang kanyang bagang dahil sa pagkadismaya and I don't know why he's acting like this! I can sense that there's something wrong.

Tito Viktor smiled. "Nabanggit nga ni Yael. Son, he looks exactly just like you when you were just about his age."

Hindi naitago ni tito Viktor ang pagkamangha sa kanyang mukha at boses.

"What brings you here, pa?" Imbes na sagutin niya ang komento ni tito Viktor ay diniretso na niya ito kaagad.

Pinanlakihan ko siya ng mga mata. He's not looking at me but I know that he can feel through his peripheral vision that I'm widening my eyes at him but he just chose to ignore me.

God! Is he really gonna push this attitude of his towards his father? Naguguluhan ako sa mga nangyayari at sa inaasta niya.

What happened to you, Yael?

He always used to look highly at his father before and now all he can give is that freaking cold-serious gaze? I can't see anything wrong and suspicious towards tito Viktor. He's still the same man that I've met two years ago.

Kay Yael lang ako nababahala dahil sa kanyang inaasta. Marami siyang dapat na ipaliwanag sa akin mamaya.

"I'm here to see my grandson. I've been trying to contact you about this, Yael."

Yael's jaw clenched and his face became more serious and deadly.

"Did mama tell you to come here?" I felt the sharpness in his voice.

Umiling si tito Viktor. "She doesn't know that I'm here. What she knows is I'm currently meeting with an investor."

Now, my curiosity grew bigger and my head is bombarded with confusion.

Unti-unting lumuwang ang kapit ni Yael sa aking bewang hanggang sa tuluyan na niyang tanggalin iyon.

Nabalot kami nang katahimikan.

He sighed and rake his fingers through his hair.

Tumikhim ako upang makuha ang atensyon ng dalawa at hindi naman ako nabigo dahil sabay pa silang napatingin sa akin.

"Ang mabuti po siguro ay maupo muna tayo?"

Bahagyang tumawa si tito Viktor.

"Mabuti pa nga..." he replied before looking at Mikel.

I glanced at Yael again and I saw another clenched jaw from him. I can read the disagreement from his expression but I just ignored it.

Ayokong maging bastos sa papa niya. Naalala ko, tinawagan ako ni tito Viktor noon tungkol sa pag-iwas ni Yael sa kanya kaya hindi ko palalampasin ang pagkakataong ito. Ngayon pa ba kung kailan na corner na namin siya?

Alam ko ang labas ay pinagkakaisahan namin si Yael pero para sa ikakabuti din naman ng lahat ito. I don't know what's the issue between them but regarding how bad that is, it's still tito Viktor's right to meet his grandson or at least receive a respect from Yael.

Umupo kami sa sofa sa may harapan ni tito Viktor.

"Kumain na po ba kayo, tito?" tanong ko sa kanya.

"Yes and please call me 'papa'. Kasal ka na ngayon sa anak ko. At pasensya na rin pala dahil hindi kami nakadalo noong araw ng kasal ninyo. It was a short notice, hindi na kami nakahabol."

Napakagat ako sa ibabang labi ko. They're not out of the country that time right? Pero ang sabi sa akin ni Yael noon ay nasa ibang bansa sila. Gusto kong itanong iyon kay tito Viktor ngunit pinigilan ko na lamang ang sarili ko. If Yael thinks that I deserve the truth, he himself would tell me everything.

"S-Sige po, p-papa..." ngumiti ako.

Nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ni tito Viktor. "Mabuti at ikinasal kayo ng civil lang? Sana ay nag church na kayo..." There's a slight smile on his face.

Bigla akong na confuse sa tanong niya. He sounded clueless about how Yael and I got married. Binalingan ko nang nagtatakang tingin si Yael ngunit kay tito Viktor siya nakatingin. Alam ko na ramdam niya ang mga titig ko mula sa gilid ng kanyang mga mata.

Tumikhim siya. "Ganoon din naman... We will still end up being one whether it's a church or a civil wedding."

Natawa nang bahagya si tito Viktor at umiling. "Yeah but since when did you become insensitive? Women still want their marriage to be memorable, you know that..."

Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi. Hindi niya alam ang tunay naming kalagayan ni Yael.

Bigla kong naalala ang isa sa mga kondisyon na ibinigay sa akin ni Yael noon. Kinakailangan naming umarte ng normal sa harapan ng pamilya niya.

Kaya pala, ngayon ay unti-unti ko nang naiintindihan.

"Ang mahalaga ay ikinasal kami..." pinal niyang sagot.

Kumirot ang aking dibdib. Lingid pa sa kaalaman ni papa ang tunay na pangyayari kung bakit kami ikinasal. I am the one who proposed.

Wala ba talagang balak si Yael na pakasalan ako kahit sa isang maliit na simbahan man lang? Kung hindi ba ako nag-alok ng kasal ay ikakasal pa rin kaya kami sa bandang huli?

Hindi ko man nasasabi pero noon pa man ay pangarap ko nang magkaroon ng isang beach wedding. Tuwang-tuwa ako noon sa tuwing nakakakita ako ng mga celebrities na ikinakasal sa beach... natatandaan ko pa na may sinave pa akong mga litrato ng mga beach wedding na nakikita ko sa Pinterest.

Ang sabi ko noon sa sarili ko na kapag ako ang ikinasal ay katulad din ng mga litratong nakikita ko sa Pinterest.

Nothing is really certain in this world. The future in our minds is way too different from the future here in reality.

Life doesn't always go as it plans. It's full of surprise and uncertainties. And that's how it works... ano ngayon kung hindi ko natupad ang pangarap kong beach wedding? Ang mahalaga ay kasama ko naman ang dalawang pinaka importanteng tao sa buhay ko.

"I'm sorry... Hanggang ngayon kasi ay naninibago pa rin ako.Noong araw na sinabi mo sa amin na ikakasal ka na kay Beatrix ay doon ko lang nalaman na may apo na pala ako.I still can't process everything... Up until now I still can't believe that I have a grandson already and he's so beautiful. He looks exactly the young version of you... parang kailan lang."

Bigla akong dinalaw ng konsensya. It's my fault... Pero bakit hindi sinabi ni Yael sa mga magulang niya ang tunay na nangyari? Gusto niya ba akong pagtakpan? O may iba pa siyang dahilan?

Gulong-gulo ako sa mga nangyayari. There's still a lot of mess that needed to be fixed and a lot of questions to be answered.

I smiled at papa Viktor sadly. "Do you want to hold him?"

Kumislap ang kanyang mga mata. "May I?" tanong niya habang nagpapalipat-lipat nang tingin sa aming dalawa ni Yael.

Tiningnan ko si Yael ngunit nagulat ako nang kunin niya sa akin si Mikel. Kaagad namang sumama sa kanya si Mikel nang walang kahirap-hirap. Tumayo siya mula sa kanyang pagkakaupo.

"Yael!" saway ko sa kanya nang akala kong maglalakad siya palayo ngunit napahiya ako nang bigla siyang umupo sa tabi ni papa Viktor.

"What?" tinaasan niya ako ng kilay.

Napalunok ako kasabay nang pagi-init ng aking magkabilang pisngi.

"N-Nothing." Nahihiya kong sagot. Ngumisi lamang siya at muling ibinaling ang tingin kay papa Viktor na ngayon ay ang lawak ng mga ngiti habang nakatingin sa mag-ama ko.

That is so embarrassing! Kung bakit kasi bigla-bigla na lamang kumikilos si Yael nang ganoon? Mali tuloy ang pagkakaintindi ko.

"Mikey, look at him..." Yael commanded at pinaharap si Mikel kay papa Viktor.

"He's my papa... He's your lolo Viktor." Marahan ang kanyang boses habang ipinapakilala niya ang dalawa sa isa't-isa.

Lumawak ang mga ngiti ni papa. " Hello, Mikel..."

Mikel is just looking at him while his mouth is slightly parted. Parang sinusubukan niya itong kilalanin at kabisaduhin ang kanyang mukha.

"Lolo... come on, say it." Yael coaxed. Mikel did as he was told ngunit hindi gaanong malinaw ang pagbigkas niya sa "lolo".

Humalakhak si tito Viktor at hindi maitatago ang tuwa sa kanyang mukha. "Yes, that's right. I am your lolo. Come here..." tuwang-tuwa niyang sabi at sinubukan itong kunin ngunit kagaad siyang nagsumiksik sa braso ni Yael.

"He's still adjusting... eventually ay magugustuhan ka rin niya, pa."

Siguro ay isang oras pa kaming nanatili doon bago tuluyang nagpaalam si papa Viktor. Medyo umaliwalas na ang mukha ni Yael kumpara kaninang unang kita niya sa kanyang ama.

Yael was holding Mikel while we're standing in front of the doorway, waiting for tito Viktor to get inside his car.

Hinawakan ni Yael ang aking kamay at hindi iyon nakatakas sa mga mata ni tito Viktor. Heat tinted my cheeks when I saw him smile before finally going inside his car. Isinarado na nang bodyguard niya ang pintuan bago ito umikot patungo sa passenger's seat.

Hindi ako maka focus dahil ramdam ko ang init ng palad ni Yael sa aking palad. Hindi ko tuloy alam kung kakaway ba ako sa tinted na sasakyan ni papa Viktor o ano.

Nang tuluyan nang makaalis ang sasakyan at kami na lang ni Yael ang naiwan kasama si Mikel ay inilipat ko ang tingin ko sa kanya.

Seems like he saw from his peripheral vision that I'm looking at him that's why he jerked his head on my side and raised his brows at me.

Pwede naman siguro akong magtanong? Kasi baka anytime ay masisiraan na lang ako ng bait dahil sa kakaisip sa mga tanong sa isipan ko na hindi masagot-sagot.

I'm his wife, right? I deserved the truth. I deserved to be enlighten from the situation in which where my husband is involved.

"Yael..."

Nag-igting ang kanyang panga nang banggitin ko ang pangalan niya. Base sa ekspresyon niya ay mukhang alam na niyang magtatanong ako.

"Hmm?" Sagot niya pa rin kahit na mukhang ayaw niya namang marinig ang itatanong ko.

"What happened to tita Yngrid? Bakit parang naglilihim pa si papa Viktor tungkol sa pagbisita niya dito sa atin?"

Nagkibit balikat siya. "You should've asked papa awhile ago about that."

I was a little offended by his reply. I know that he knows what happening and he's just playing it safe.

Why won't he let me get involved with his issues? Asawa ba talaga ang tingin niya sa akin? I thought we're clear here... Akala ko matapos nang gabing iyon na nagkasagutan kami ay aayos na ang lahat.

I thought he would let his walls fall down but why does it seems like the barrier is still there?

Tipid akong ngumiti sa kanya at unti-unting binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

"Beatrix..." Masuyo niyang tawag sa akin nang bawiin ko ang kamay ko mula sa kanya.

Ngumiti ako at umiling.

"Wala na ang papa mo, 'di ba? Correct me if I'm wrong but it is stated in your second rule the we must act like a normal couple in front of your family only."

Biglang nagsalubong ang kanyang kilay at sumilay ang iritasyon sa kanyang mukha.

Bahala siya! Kahit na mainis pa siya sa sinabi ko ay wala akong pakialam!

"Ano na naman ba 'to, Beatrix?"

"Nothing! I'm just saying that you don't have to hold my hand anymore dahil wala na rin naman ang papa mo." Matabang kong sabi at tinalikuran na siya.

"Beatrix!"

Narinig ko ang pagtawag niya sa aking pangalan ngunit nagbibingi-bingian lang ako at patakbong umakyat sa taas.

Pumasok ako kaagad sa kwarto at nang akala kong makakapag-isa na ako doon ay nagkakamali ako dahil biglang bumukas ang pintuan at ang naiiritang mukha ni Yael ang bumungad sa akin.

"Nasaan ang anak ko?" Tanong ko ngunit imbes na sagutin niya ako ay pabagsak niya lamang na isinara ang pintuan.

Inirapan ko siya at akmang lalabas ako ulit ngunit hinawakan niya ako sa braso na naging dahilan upang matigilan ako.

"Bitawan mo 'ko, pupuntahan ko pa si Mikel."

Pinaningkitan niya ako ng mga mata. "Why are you giving me this kind of attitude again? I thought we're clear!"
I thought so, too! Gusto ko iyong isigaw sa kanya pero kinagat ko na lamang ang aking dila.

"Ano bang masama sa sinabi ko? Sinabi ko lang naman iyong kondisyon na ibinagay mo sa akin noon, ah!" I replied nonchalantly.

Mas lalong dumilim ang kanyang mukha. "Yes and I don't get it why you have to mention that again!"

"Para paalalahanin ka! Sumusobra ka na sa palabas mo, wala na nga ang papa mo gusto mo hawakan mo pa ang kamay ko!"

Tumingala siya at pumikit nang mariin. "Give me strength..." He said under his breath.

Muli niyang iminulat ang kanyang mga mata at tiningnan ako.

"That wasn't just for a show, Beatrix! Forget about that damn rule, will you?! Asawa kita at hahawakan ko ang kamay mo nandiyan man o wala ang papa ko!"

He raked his hands through his hair in frustration. "Akala ko pa naman ay nagkakaintindihan na tayo, Beatrix..."

"Akala ko rin... I'm your wife but you don't even want me to be involved with your issues? Paano kung gusto kitang tulungan? How can I comfort you when you don't even want to tell me what you're going through?"

Naramdaman ko ang pangigilid ng aking mga luha. Tang ina naman! Ito ang ayaw ko, e!

Biglang lumambot ang kanyang ekspresyon at hinila niya ang braso ko na kasalukuyan niyang hawak upang mapalapit ako sa kanya.

Kaagad niya akong niyakap nang mahigpit. His arms are on my back and waist.

Wala pa man siyang sinasabi, niyakap niya pa lang ako pero lahat ng inis na nararamdaman ko sa kanya ay biglang natunaw.

"I'm sorry, baby... Ayaw ko lang naman na nag-iisip ka pa. Kaya ko naman..." Marahan niyang sabi.

"Kahit na, Yael... Hindi mo pa rin maalis sa akin na mag-alala sa'yo. You don't have to deal with everything all by yourself, nandito naman ako."

"I know, I know. I'm sorry... H'wag ka nang magalit sa akin, please?" Masuyo niyang sabi at hinalikan ako sa noo.

Bigla akong nalusaw. Paano ko pa magagawang magalit kung simpleng ganito lang niya ay nakakalimutan ko na lahat?

Bumuntong hininga ako. "Hindi naman ako galit..." Panlilinaw ko.

Naiinis lang ako at medyo na nasaktan pero kanina iyon dahil nawala na lahat nang iyon dahil sa simpleng paglalambing niya.

"Then hug me back..." Paos niyang sabi. Napangiti ako bigla at yumakap sa kanya pabalik nang mahigpit.

Ilang sandali pa ay lumuwang ang yakap niya sa akin upang matingnan ako sa mukha. Masuyo niya akong pinagmasdan.

Napangiti ako habang pinagmamasdan ko rin siya at isinuklay ang aking mga daliri sa kanyang magulong buhok.

God, I don't want this to end. Sa simpleng pagdampi lang ng mga daliri ko sa kanyang buhok ay ramdam ko nang kontento na ako.

"My wife still looks attractive even when she's mad..." Nginisian niya ako at para akong yelo na nasa ilalim ng araw.

"Wala akong barya dito, sayang." Biro ko upang pagtakpan ang pamumula ko sa komento niya.

He chuckled deliciously before leaning forward to make an attempt to kiss me but I jerked my head towards the other direction that's why I felt his soft lips landed on my cheek.

Bahagya akong napapikit. His lips is still lingering on my cheek. Why does everything with his man seems so addictive?

"Beatrix, just one kiss, please?" Pakiusap niya habang marahang hinaplos ang aking likod at bewang.

Libo-libong boltahe ng kuryente ang naramdaman ko na dumapo sa aking katawan.

I shook my head. "No..." I teased him.

"Come on, Trix... Just one." Pakiusap niya at sinubukan niya ulit akong halikan sa labi ngunit kaagad kong hinarang ang palad ko sa bibig niya.

Tumawa siya ngunit nakulong lang ang mga iyon sa aking palad. He rolled his eyes ngunit ramdam ko pa rin sa aking palad ang kanyang ngiti.

Pinagmasdan ko siya nang mabuti. He still looks handsome even with his lips covered. His soft hair is like always inviting me to run my fingers through it. Humahaba na nga ito dahil hindi pa siya nagpapagupit.

Pero hindi ko maikakaila na bagay niya. Kahit ano naman yata ay bagay niya. Dumako ang tingin ko sa mga mata niya na kung kanina ay naniningkit ang mga iyon dahil sa kanyang pagtawa pero nang titigan ko ang mga iyon ay unti-unti silang bumalik sa dati.

I really love his dark expressive eyes. His stares could either make me melt or die. There's no in between.

Naibalik ako sa realidad nang maramdaman ko ang kanyang kamay sa kamay kong nakatakip sa bibig niya. Unti-unti niyang tinanggal iyon habang diretso lang ang tingin sa mga mata ko.

"Don't look at me like that, Trix, it's making me... crazy."

You've already made me go crazy, Yael... Ako ang mas dehado.

Fuck it! He's just so... I don't know! Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. He's making want to kiss him.

I cupped his face and I tiptoed to reach for his lips.

It was just supposed to be a smack kiss pero nang akmang aalisin ko na ang labi ko sa kanyang labi ay bigla niya akong hinawakan sa batok at hindi hinayaan na makalayo ang labi ko sa labi niya.

He began moving his lips, giving me wild kisses.

"Yael!" I groaned between his kisses.

I felt him grin and then he gave my bottom lip a good bite before letting go. Napadaing ako dahil sa panggigigil niya.

Napahawak ako sa pang-ibabang labi ko habang pinupukulan siya nang masamang tingin.

"That's not funny!"

Tumawa siya. "Sorry... Halikan ko ulit para hindi na masakit."

I pushed him on the chest. "Ewan ko sa'yo, Yael."

Imbes na pakawalan niya ako ay mas lalo niya lang hinapit ang katawan ko papalapit sa kanya. Our chests crashed and I gasped.

"Let's go to Punta Fuego, Trix. You, me, and our Mikel..."

____________________________________

I made a little changes about Yael's background. Hindi na siya sa Aurora galing noong bata siya.

Share ko lang.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top