Chapter 21

Chapter 21

Scheme

Tumingala ako habang nakapikit at dinama ang bawat patak ng tubig na humahalik sa mukha ko pababa sa aking katawan.

I ran my hands through the side of my body and I suddenly had goosebumps. The hot and wild night that Yael and I shared began to flash through my head. Napakagat ako sa ibabang labi ko. Damn!

Hindi talaga maalis sa isipan ko ang imahe ni Yael. His parted lips while breathing heavily, his eyes are shut tight, the sweat running down his masculine body, everything. Shit! I'm sinning again!

Pinatay ko na lamang ang shower. I pushed the glass shower door to march out inside the small bathroom.
Kinuha ko ang aking roba at isinuot iyon bago lumabas ng kwarto. I see no trace of Yael and Mikel. Tanging ang bukas na telebisyon lang ang bumungad sa akin. BabyTV ang channel na nakalabas.

Maybe the got bored. Baka pumunta sila sa kwarto ni Mikel.

Nagkibit balikat na lamang ako at binuksan ang closet namin ni Yael. Kumuha ako ng underwear, isang olive green tank top at itim na shorts.
Pagkatapos kong magbihis ay umupo ako sa harapan ng tukador at pinatuyo ang aking buhok.

Ilulugay ko na lang ito kapag natuyo na... Nadagdagan nanaman kasi ang mga marka ko sa leeg. I made a mistake last night, I shouldn't have tied my hair. Nakakahiya kina Linda at Charla! At pati na rin kay manong Ferny!

Sa kalagitnaan ng pagpapatuyo ko sa aking buhok ay biglang bumukas ang pintuan. Kitang-kita ko sa repleskyon ng salamin ang maingat na pagbubukas ng pintuan ni Yael.

Our eyes met and I smiled at him through the mirror. He smiled back before walking towards me.

"Hi..." Aniya at ipinatong ang kanyang mga kamay sa aking magkabilang balikat.

"Si Mikel?" Tanong ko nang mapansin kong hindi niya ito kasama.

"He's with Linda..." Sagot niya habang nakatingin sa akin mula sa salamin.

Kumunot ang noo ko. Gusto kong itanong kung bakit naisipan niyang ipasama si Mikel kay Linda pero naintriga ako sa paraan nang pagtitig niya sa akin. I can sense that he wants to say something.

"What is it?" Tanong ko na sa kanya.

"Vien... She's downstairs."

Saglit akong natigilan sa sinabi niya ngunit umayos ako ng upo at ipinagpatuloy ang pagpapatuyo ng aking buhok.

What is she doing here? I don't get it. Ano ba ang gusto niya? He kissed my husband last night tapos ngayon naman ay nagpunta siya dito ngayon?

I felt him squeezed my shoulders. Nakita ko ang pagkinang ng kanyang singsing dahil sa repleksyon ng ilaw sa taas.

"Tapusin mo na iyan tapos ay sabay na tayong bumaba." sabi niya sa akin.

Bagamat medyo basa pa ang buhok ko ay pinatay ko na ang hair dryer na hawak ko at ipinatong sa ibabaw ng tukador.

"Ano ang kailangan niya?" Hindi ko maitago ang pakla sa aking boses.  Bakit kailangan pati ako ay bumaba pa?

Umikot ako paharap kay Yael at tiningala siya, siya naman ay yumuko sa akin.

"She's sorry for what she did last night... She actually wants to talk to you."

Nangunot ang noo ko. Ano 'to? Why does it looks like Yael is standing up for Vien? Bakit para bang lumabas na gusto niyang linisin ang pangalan ni Vien sa akin?

"Bakit pa? Nangyari na." Matabang kong tugon.

We can't undo what's already done. Ano pa ang silbi ng pagpunta niya ngayon dito? Dati ay walang gabi na hindi ako nakaramdam ng konsensya dahil akala ko ay sila pa ni Yael.

Siya dapat ang nasa pwesto ko 'di ba? Sila dapat ni Yael ang magkasama pero dahil nakatali sa akin si Yael ay kailangan nilang maghintay.

Akala ko ay nag-aantay lang siya na matapos ang isang taon dahil may Yael na babalik sa kanya kaya naging ayos ako sa set up na ako lang pala mismo ang nag-iisip.

I told Yael that it was okay if he'd go and date around with Vien because I don't want to be unfair to them, to Vien.

But darn, I was wrong! Everything that was on my mind regarding to Yael and Vien's relationship was all wrong! Matagal na pala silang wala at alam iyon ni Vien.

She knew that they're not in a relationship anymore. Malinaw na iyon sa kanya, pero tinatawagan at tine-text niya pa rin ang asawa ko! She even kissed him! Nakita ko iyon!

All this time I was trying hard not to be unfair to her and there she was doing things that isn't fair for me.

"Trix, she was drunk." Paliwanag pa ni Yael na ikinaawang ng aking bibig. Seryoso ba siya?

Natawa ako at iniling ang aking ulo.

"Iyan ba ang idinahilan niya sa'yo? I party and alot when I was in college, I get drunk, too and even wasted sometimes. Trust me, she knew what she's done."

Saglit siyang natahamik at napatingin sa sahig. He was thinking deeply.

Hindi nagtagal ay nagpakawala siya nang buntong hininga at muling ibinalik ang tingin sa'kin.

"Come on, Trix. Gusto ko na magka-ayos na kayo... Vien is my friend and I don't want you two throwing daggers at each other behind my back."

Bakit si Honey at Rhian? Kaibigan niya rin naman ang mga iyon noon pero wala akong natatandaan na pinakiusapan niya ako nang ganito.

I've realized that alot of things had changed. And maybe I wasn't just used to this sudden change of Yael that's why I'm reacting like this.

This was the time where Yael learned how to value his girl friends. This was the time where it wasn't always me anymore, he has now learned how to be fair for his friends and for me. Hindi na puro ako lang... Hindi na katulad ng dati na handa siyang iwan ang mga kaibigan niya para h'wag lang akong magselos.

Bumuntong hininga ako at tumango.

I'm not going to fight Yael. Hindi na. Kakaayos lang namin at ayoko nang nag-aaway kami.

"Okay... I'm going to talk to her."

I finally said. Ano ba naman kung kausapin ko siya? Isa pa, I want to know the reason behind her sudden action.

Nginitian niya ako.

Sabay na kaming bumaba ni Yael habang hawak niya ang aking kamay. Vien was currently sipping a cup of coffee. Nang mapansin niya kami ay ibinaba niya sa coffee table ang hawak niyang cup at saka tumayo at naghintay na tuluyan kaming malakapit.

She looks dazzling in her outfit today. Suot niya ang isang black spaghetti strapped top na tinuck-in niya sa kanyang grey plaid pants. Pinatungan niya rin ang top niya ng isang puting coat.

Her beachy waved hair matched her look. Mukha siyang model na handang-handa nang rumampa.

At ako? I look so... so plain and boring! God, why am I even comparing myself to her? Seriously, Beatrix?

"Hi, Beatrix..." She greeted me with a smile. I wasn't aware that I was just looking at her with no expression on my face... Ini-inspeksyon ko kasi kung hilaw ba ang ngiting ibinibigay niya sa akin ngayon.

"Oh," nawala ang lawak ng kanyang mga ngiti at nahaluan nang pagkailang.

Para naman akong naibalik sa huwisyo dahil sa reaksyon niyang iyon. Oo nga, pala. Hindi ko pa siya nginitian pabalik!

"H-Hi, Vien." I greeted back at sa wakas ay nginitian na rin siya.

"Um... Nasabi na siguro ni Yael kung bakit ako nandito?" Aniya at binilangan ng mabilis na tingin si Yael.

Bumuntong hininga ako at tumango.

She wet her bottom lip. "You know, I'm really sorry about what I did last night. Sobrang gulo lang nang utak ko and I had a few drinks so... Yeah."

Ilang sandali akong natahimik. I was contemplating all the things she said. I was looking for the sincerity in her voice and I'm not sure if I found that in there.

I heard Yael cleared his throat. "Maiwan ko muna kayong dalawa." paalam niya. Ikiniling ko ang ulo ko sa gawi niya.

Tinanguan niya ako. "I'll be at Mikel's room." Sabi niya sa akin bago siya tuluyang tumalikod. Sinundan ko siya nang tingin hanggang sa tuluyan na siyang makaakyat.

Nang mawala na siya sa paningin ko ay muli kong hinarap si Vien. She was still standing there and looking at me.

Muli akong nagpakawala ng isang buntong hininga. "Handa naman akong makipag-ayos sa'yo, Vien—"

Bigla siyang tumawa nang pagak na ikinagulat ko naman.

"You're really buying that, Beatrix? You think that I am really sorry for what I did?" Mahina ngunit mariin niyang sabi. Ang kaninang all smiles niyang mulkha ay napalitan nang mapagtaas na kilay.

Saglit pa siyang sumipat sa paligid upang masiguro na walang ibang tao kung hindi kami lang.

I looked at her while shaking my head in disbelief.

"What is this all about, Vien? Umaarte ka lang ba kanina kay Yael? Kunwari ay gusto mong makipag-ayos pero hindi naman pala?" Hindi ko makapaniwalang sabi.

Kaya pala kahit na sa paanong paraan ko hanapan ng sinseridad ang kanyang mga sinabi kanina ay wala akong mahanap! It was all just a scheme all along! Ang galing niya!

"I don't have any plans to befriend someone who stole the man I love from me!" Naningkit ang kanyang mga mata at humakbang siya papalapit sa akin.

"Yael and I are doing fine and then you came to the picture and took him away from me without any warning? Anong klaseng tao ka?"

Bahagya akong natigilan doon. Nakaramdam ako nang konsensya. Marami pa akong hindi alam tungkol sa mga bagay-bagay na nangyari kina Vien at Yael. I didn't bother asking because I thought our marriage is just going to last for a year... Pero ibang kaso na ito ngayon.

Ang sabi ni Yael, nakipaghiwalay na siya kay Vien bago pa kami ikasal. Pero bakit ang bilis namang pumayag ni Vien? At nakarating pa siya sa araw ng kasal namin when should could've just stayed at home and mourn and her boyfriend broke up with her in short notice just to marry another girl?

"Are you sure that you two were doing fine? Kung ganoon bakit hiniwalayan ka niya nang gano'n-gano'n na lang?" I questioned.

She glared at me. "It's because of you, bitch! Ginamit mo ang anak niyo para makuha mo siya ulit! Hindi ko alam na hindi ka pala marunong maglaro ng patas."

Sinuklian ko siya nang matatalim na mga titig. How dare she drag my son here?

"I did not use anyone or anything! Kung naghiwalay man kayo at pinakasalan niya ako, hindi ko na kasalanan iyon. It's your fault that you did not fight for him!"

Nagtaas baba ang aking dibdib dahil sa hingal. I remember giving Yael another option but he still chose my first proposal to him.

Napangiwi siya. "That was rich coming from a girl who never really fought for him." She sneered.

Nag-igting ang aking bagang at naikuyom ko ang aking palad. Wala siyang alam! Hindi niya alam kung ano ang mga rason ko kung bakit ako umalis!

"Pumayag ako na makipaghiwalay kay Yael because I'm not selfish unlike you! Totoo nga ang mga naririnig ko tungkol sa'yo, mahilig ka ngang maglaro. And you know what? You just never grown up dahil hanggang ngayon ay naglalaro ka pa rin! Hindi ka ba napapagod na paglaruan si Yael, Beatrix? You're always pulling him towards you pero sa bandang huli ay iiwanan mo rin naman! You're just good at getting things that you want but never at keeping them."

"Hindi ko alam kung anong nakita sa'yo ni Yael at gustong-gusto niyang nagpapabilog..." Pinasadahan niya ako nang tingin mula ulo hanggang paa. "Because in my point of view? I see nothing but a manipulative incompetent colossal bitch!"

Iyon ang mga huling salitang binitawan niya bago niya kinuha ang kanyang channel purse at nagmartsa paalis.

I was left here dumbfounded. Lahat ng mga sinabi niya ay parang mga palaso na tumama sa aking puso. Masakit sa dibdib lalo na't galing lahat nang iyon sa puso niya.

Maybe what she said was right. That I'm just good at getting the things I want but never at keeping them... Kasi may punto naman siya. Ilang beses ko nang iniwan si Yael pero sa bawat mga pagkakataon na iyon ay ni isa ay wala akong ginusto.

Lahat masakit.... lalo na iyong huli. I was pregnant with one child when I should've been carrying twins.

I didn't leave him just because I want to! I left him because that's right thing to do. Ginawa ko iyon para sa aming dalawa... I did that to save both of us and even our son, Mikel. Siya na lang ang meron kami.

Pero bakit kahit na sa tingin ko'y tama ang ginawa ko ay parang lumalabas na mali pa rin?

Was that too much? Masama ba na gustuhin kong iligtas ang relasyon naming dalawa? I know that if I'd just stay with him during those days our relationship will just go down the drain.

Wala rin... Kasi pareho kaming magulo. Pareho kaming wasak, pareho kaming nasasaktan. And how can we mend each other if we're both shattered?

You can't just tell someone to stand up when you, yourself is still lying on the ground. You can't save someone from drowning when you're drowning as well.

"My-my!" Naibalik ako sa realidad nang marinig ko ang boses ng anak ko.

"Careful, buddy!" Dinig kong bilin ni Yael ngunit hindi naman sinunod ni Mikel dahil matulin pa rin siyang tumakbo papunta sa akin.

I leaned down to pick my son up. Kaagad ko siyang niyakap nang mahigpit.

"I love you, baby..." Naramdaman ko ang pangigilid ng aking mga luha.

"Hey, hey... What happened? Bakit naiiyak ka?" Sumilay ang pag-aalala sa boses ni Yael. Kaagad pa siyang lumapit sa akin at masuyo akong tiningnan.

Ngumiti ako at umiling.

"Wala, namimiss ko lang si Mikel. Paano nitong mga nakaraang araw parati na lang ikaw ang kasama niya tapos wala pa siyang ibang ginawa kung hindi matulog!" Ngumuso ako at sinubukang pigilan ang mga luha ko.

Yael looked at me apathetically. "Really? I'm sorry... Hindi ko napansin."

Inirapan ko siya at sinamahan ng pilit na tawa. "Ano ka ba? Ayos lang naman 'yon! Nagbibiro lang naman ako, e."

"But still, I'm sorry... Samahan mo kasi kaming dalawa. H'wag mong idistansya ang sarili mo. Anyway, nasaan na pala si Vien? Kamusta ang pag-uusap niyo?"

"Ah, umuwi na... A-Ayos lang naman. Okay lang. Ah, nga pala! Bukas na ang monthly check up ni Mikel, we can't miss that." Kaagad kong iniligaw ang usapan upang h'wag akong mapaghalataan na nagsisinungaling.

"Of course, we're not really going to miss that." Aniya sabay haplos sa ulo ni Mikel. Ikiniling naman ni Mikel ang ulo niya sa direksyon ng kanyang daddy.

"Dada! Milk!"

Napangiti ako at natawa naman si Yael. "Gutom ka kaagad? Kakaubos mo lang sa isang bote..." Iling-iling na sabi ni Yael.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.

These two boys are mine... Kahit na ano pang sabihin ni Vien ay hindi ako patitinag. Ngayon pang nagkakaayos na kami ni Yael?

If I'd have to unleash hell then I fucking will. They were mine before and they will remain as mine.

Mabilis na natapos ang araw na iyon. I acted normal around Yael. Hindi ko pinahalata sa kanya na may mali sa akin para h'wag na siyang magtanong. Ayoko na muna ng mga usapin.

I just want to be comfortable around them... Gusto ko na sila muna ang isipin ko sa ngayon. Alam ko naman na hindi pa do'n titigil si Vien and I'm ready for that. Bring it on.

Kinabukasan ay nagpunta kami sa isang malapit na pediatric clinic para sa monthly check up ni Mikel. The results were good. Our baby boy is healthy, as usual. May mga vitamins lang siyang inireseta kay Mikel.

Pagkatapos naming ipa-check up si Mikel ay namasyal kami sa mall. Yael insisted to buy Mikel new clothes. He even ordered customized shirts for us three. Sa shirt ni Yael ay may imprinted na "I'm the Pilot" kay Mikel naman ay may "I'm the Co-Pilot" at habang sa akin naman ay mayroong "I'm their Boss"

Natawa nga ako dahil sa mga nakasulat doon.

Pagkatapos naming mamasyal at kumain ay naisipan na naming umuwi dala ang mga tinake out namin para kina Linda. Naisip lang namin na baka gusto nila.

Inilabas ko ang iPad ko habang nasa biyahe kami. Nagta-tanrums kasi si Mikel. Hindi naman siya gutom dahil sinubukan kong bigyan siya ng gatas pero puro "No, no!" lang ang nakuha ko. Sinubukan ko rin siyang patulugin pero hindi naman siya inaantok.

Kaya naisipan ko na lang na papanoorin siya ng mga nursery rhymes na dinownload ko pa noong nasa New York kami dito sa iPad ko.

"Cow! Cow!" Turo niya sa doon sa animated na baka habang tumatawa at pumapalakpak.

"Ayan, ganyan lang pala gusto mo nagta-tanrums ka pa... Tapon na kaya kita?" Biro sa kanya na hindi naman niya pinansin. Tumawa pa siya at tinuro iyong bibe. Maging ang pagtawa ni Yael ay narinig ko rin.

"My-my, quack, quack!" Saglit niya akong tiningnan para lang ipakita niya sa akin iyong bibe. Natawa ako. Ang cute-cute ng anak ko!

"Duck ang tawag diyan, anak..." Sabi ko at pinanggigilan siya ng halik sa pisngi. Sa kakagigil ko sa kanya ay nailipat iyong video sa isang movie na idinownload ko. 'Yung umpisa ng movie ay ang iyong magandang bidang babae kaagad ang ipinakita.

She's walking on the sidewalk like nobody's business, wearing that outfit that could make all my men heads turn.

"Woooow, chicks!" Biglang sabi ni Mikel habang nakaturo doon sa babae.

Nanlaki ang mga mata ko at nagkatinginan kami ni Yael na kasalukuyang tumatawa habang nagpapalit-palit nang tingin sa amin ni Mikel, at sa daan.

"My God, Mikel! Kanino mo natutunan 'yan?" Nage-eksaherada kong tanong sa anak ko sabay balik na lang sa nursery rhymes na pinapanuod niya kanina.

"Kay Eli..." umigting ang bagang niya upang pigilan ang pagtawa niya.

Naitapal ko ang kamay ko sa aking noo. Jusko naman 'tong Eli na 'to! Ang bata-bata ng anak ko kung ano-ano pinagtuturo niya!

"Paanong naituro niya kay Mikel iyon?" Kunot noo kong tanong.

"Hindi ba bago tayo umalis nanood kami nila Colton ng movie? May mga babae kasi doon na nakasuot ng two piece bikini... and that's it." Nagkibit balikat siya.

Nagsalubong ang kilay ko. "Bakit may nakabikini don?! Umayos ka, Yael, ha? Hindi ako natutuwa."

Natawa siya ng bahagya at kaagad akong binalingan ng tingin.

"Baby, chill... The fast and the furious kasi iyong pinanood namin. Masyadong mainit ang ulo ng misis ko."

I don't know why but the way he claims me as his "misis" made my heart jump out of my chest.

It's so wonderful how a simple word could make our hearts flatter by a certain person that we truly care about.

How can I walk away from this when I'm so fucking drowned?

These simple moments with them are enough reasons for me to keep living.

"Are you okay?" His brows ceased at my sudden silence.

Matamis ang ngiti na ibinigay ko sa kanya.

"Yes." I'm more than okay... basta nandiyan kayo ni Mikel.

I wanted to add that but I just bit my tongue. I don't have the courage tp express myself.

Muli kong ibinalik ang tingin ko sa daan at hindi ko man lang namalayan na nasa loob na kami ng village.

I can already see the huge white house from this distance. I even noticed the palm trees that are almost reaching to the roof of the house.

Habang papalapit nang papalapit ang sasakyan namin sa bahay ay napapansin kong may dalawang kotse na nakaparada sa harapan at mga iilang kalalakihan na nagkalat sa labas. They're all wearing the same uniforms.

Ilang sandali bago ko napagtanto na mga bodyguards pala ang mga iyon!

"Yael, did you hire some bodyguards?" Naguguluhan kong tanong at kunot noo siyang tiningnan.

Napansin ko na seryoso ang mga mala-agila niyang mga mata na nakatingin doon sa kinaroroonan ng mga bodyguards habang nakatiim ang kanyang bagang.

Bumagal rin ang kanyang pagmamaneho ngunit hindi siya tumigil.

Bigla akong nakaramdam ng tensyon! Anong meron? What is happening?

"Those men are my parents' bodyguards." Hindi ko mabasa ang kanyang tono ngunit isa lang ang sigurado ako.... hindi siya natutuwa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top