Chapter 19

Chapter 19

Over And Over Again

"Here..." Oras na makapasok ako sa loob ng kotse ay iniabot ko kay Yael ang isang bote ng C2. Ininom ko na kasi ang morning after sa loob ng drugstore at naisipan ko na ring ibili ng inumin ang mag-ama.

"Thanks..." Aniya at tinanggap iyon. Nang makuha niya ang bote ay kaagad iyong sinubukang abutin ni Mikel.

Tumawa si Yael at itinaas bahagyang inalayo sa kanya ang bote.

"Dada! Dada!" Mikel said while trying to reach for the bottle and blabbering words that we could not clearly understand.

Yael shot me a convincing look. Napailing na lamang ako sa kanya.

"I also bought something for him." Sabi ko at inilabas ang chocolate drink na naka carton. Kinuha ko si Mikel mula kay Yael at pinaupo siya sa aking kandungan. Nang mapansin niya kaagad ang chocolate drink na hawak ko ay iyon na ang pilit niyang inaabot.

"Ready to go home?"

Binalingan ko nang tingin si Yael nang marinig ko siyang magsalita. He was already looking at me, waiting for my response.

I gave him a faint smile before nodding my head. Tumango lang din siya habang isinasara ang cap noong bote ng C2 na hawak niya.

As usual ay tahimik lang kami buong biyahe at tanging si Mikel lang ang gumagawa ng ingay. Mas lalo nga siyang naging hyper ngayon dahil busog nanaman siya.

"Woooow! Dog! Dog!" Itinuro pa niya mula sa bintana ang asong kalye na nadaanan namin. Napangiti ako. Palagi talaga siyang namamangha sa tuwing nakakita siya ng mga aso.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Yael habang mabilis ang pagpalit-palit nang tingin niya sa daan at kay Mikel. Kung hindi nga lang siguro siya nagmamaneho ay baka pinanggigilan na niya ang pisngi ni Mikel.

Pinagmasdan ko si Yael na ngayon ay sa daan na ang focus. He looks relaxed and his aura is so light but still, I cannot assure how he really feels inside. Noon pa man talaga ay mahirap na siyang basahin pero mas lalo naman yatang humirap ngayon.

I don't know what's running on his mind at this exact moment. He may look calm from the outside but I know that he's dealing with his own chaos on the inside.

I just don't know what chaos that he's been dealing with dahil wala naman siyang sinasabi sa akin and this might sound stupid but I want to know. I want to know everything not because I'm curious but because I want to help.

Ikiniling niya ang kanyang ulo sa aking direksyon nang maramdaman niyang nakatingin ako sa kanya. Kaagad na lamang akong nag-iwas nang tingin.

Akala ko nga ay pupunahin niya pa ang pagtitig ko kanina sa kanya pero salamat na lang at hindi na niya ginawa.

Tumingin na lamang ako sa bintana upang makita ang dinadaanan namin dito sa siyudad.

Napangiti ako.

Someday, I will come back to this city. Alone and lonely but that's okay because in this city is where I belong.

I've been to a lot of cities, New York City, Manila City but nothing can compare the fuzzy warm feeling inside when I was in Angeles.

This city has a big part of who I became... The way I dress, the way I walk and talk, almost everything about me.

This is where I fell in love, got broken, and got healed. This is where I learned to stand on my own feet, that no matter how painful and hard the situation is you just have to stand up and continue fighting to win your battles.

Naging maayos naman ang biyahe namin pabalik ng Maynila. Nang mapagod na si Mikel sa kakadaldal ay natulog na siya at maging ako ay nakatulog na rin.

--

"Iaakyat ko na si Mikel... Sunod ka na lang sa taas." Bilin sa akin ni Yael bago pumanik sa taas. Binati pa siya nila Linda at Charla at nginitian niya lamang ang dalawa.

"Ma'am, welcome back po! Namiss po namin kayo!" Masayang sabi ni Linda sa akin nang tuluyan nang makapanik si Yael sa taas.

Napairap ako sa kanya habang natatawa. "Para naman akong nag abroad sa'yo, Linda."

Ngumuso siya. "E, nakakapanibago po kasi ma'am na wala kayo dito sa bahay. Parang ang lungkot-lungkot parati kapag wala kayong dalawa ni baby Mikel." Sabi niya habang kinukuha mula sa akin ang mga gamit na dala-dala ko.

Bahagya akong natigilan at unti-unting napalitan nang malungkot na mga ngiti ang nakaguhit sa aking mga labi. Paano kaya makalipas ang isang taon? Si Mikel na lamang at si Yael ang matitira dito tapos ako ay babalik na sa Angeles at hihintayin ang araw na nakalaan para sa akin matulog si Mikel.

"Oh, ma'am? Bakit bigla po kayong naging malungkot?" puna ni Linda.

"Nalulungkot siya sa kadaldalan mo, Linda! Gawin mo na lamang kasi ang iyong trabaho!" Sita ni Charla sa kanya.

"Si ate Charla naman oh! Basag trip talaga! Ano ba ang gusto mo ate Charla, ha? Para h'wag mo na akong inaalaska? Name your fries! Take it or leave it!"

Nakita ko kung gaano napailing si Charla. Ako naman ay napangiti na lamang sa kakulitan nilang dalawa.

"Hay nako, Linda! Ayan ka nanaman sa mga ingles mong ikaw lang ang nakakaintindi. Pasensya na talaga ma'am dito kay Linda."

Tumawa ako.

"Ayos lang naman, Charla. Matagal na akong sanay diyan kay Linda. Sige na, maiwan ko na muna kayo at aakyat na ako." Paalam ko sa dalawa.

"Nako ma'am, sige ho nang makapagpahinga na kayo." Charla urged. Nginitian ko lamang silang dalawa bago ako tuluyang pumanik sa taas.

Dumiretso ako sa kwarto namin ni Yael para makapagbihis na at pagkatapos kong magbihis ay sa kwarto naman ako ni Mikel pumunta para tingnan ang ginagawa nila.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan para h'wag silang magising kung sakali man silang natutulog na dalawa. Nang mabuksan ko na ang pintuan ay si Mikel na natutulog ang kaagad na napansin ko.

He's sleeping on the bed where Yael usually sleeps. May unan pa na nakaharang sa tabi niya para h'wag siyang mahulog.

Si Yael naman ay nakahiga lamang sa kabilang tabi ni Mikel at nakatulala sa kisame. Bigla na lamang lumipat ang mga mata niya sa akin, dahil siguro naramdaman niya na may nakatingin nanaman sa kanya.

This time ay imbes na mag-iwas ako nang tingin ay tuluyan ko na lamang linawakan ang pagkakabukas ng pintuan. Hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya sa akin, naka-abang lamang siya hanggang sa tuluyan na akong makalapit.

"Akala ko natutulog ka..." Panimula ko. Hindi siya sumagot, ibinalik niya lamang ang tingin niya sa kisame.

"Hindi ka ba gutom? Magluluto ako." Sabi ko. Muli niyang ibinalik ang tingin sa akin at inilingan ako.

"Magpahinga ka na lang din muna... Hindi naman ako gutom."

Hindi ako kaagad na nakasagot. Ilang segundo lang namin tinitingnan ang isa't-isa. It was like we are waiting for each other to talk again. Pareho kaming naghihintayan, kaya ilang segundo na ang lumipas ay tahimik pa rin kami.

Bumuntong hininga ako at umupo sa paanan ng kama.

"Gusto kong pumunta sa inyo, Yael." Sabi ko habang nakatulala sa nakasarang pintuan.

Hindi siya sumagot ngunit naramdaman ko ang paggalaw niya. Nang tingnan ko siya ay nakasandal na siya sa headboard ng kama at nakatingin sa akin. Naghihintay pa siya ng kasunod kong sasabihin. And why am I doing all the talking?

"I-I just want to see tita Yngrid and tito Viktor if they're doing fine."

Umigting ang kanyang bagang at isindal ang ulo niya sa ibabaw ng headboard.

"Ayos lang sila." Tipid niyang sagot.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. This is now or never.

"And I want Mikel to meet his grandparents on your side, too. I don't want to be unfair to you. Yung mga magulang ko ay kinikilala na ni Mikel bilang lolo't lola niya pero ang mga magulang mo ay hindi pa niya nakikita."

Nagpakawala siya nang marahas na buntong hininga at ipinatong ang magkabila niyang palad sa kanyang noo.

"Bakit mo naman naisip ngayon 'yan? Abala ang mga iyon. Sa susunod na lang." 

Liar, Yael! Ilang araw nang hinihintay ng papa mo na tumawag ka o dumalaw ulit sa bahay ninyo doon pero hindi mo ginagawa. Tito Viktor also mentioned na tinatawagan at tine-text niya si Yael ngunit hindi naman sumasagot ito.

Yes, si tito Viktor ang tumawag sa akin kanina sa loob ng drugstore. Gusto niyang kamustahin si Yael dahil panay ang iwas nito sa mga tawag at texts niya. I didn't know how to react at first. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa papa niya dahil hindi rin naman ako aware na ganoon pala ang ginagawa ni Yael.

Nang makausap ko siya kanina ay ang dami kong gustong itanong pero alam ko naman na si Yael lang ang makakasagot ng mga tanong ko kaya pinigilan ko na lamang ang sarili ko.

Tanging nasabi ko na lang sa kanya ay susubukan kong kausapin si Yael. I can feel the desperation in his voice. He's desperate to talk to Yael again but obviously, Yael is ignoring him and I don't know why. Kailan pa ba niya simulang iniwasan ang papa niya? Noong minsan na nanggaling kami doon?

I also feel bad for tito Viktor. Nasabi niya na gusto na rin daw nilang makilala si Mikel ngunit hindi naman nila makausap si Yael.

"Pwede ba ngayong sabado?" sabi ko na lamang. Ayaw ni tito Viktor na sabihin ko kay Yael na tinawagan niya ako.

Nagkibit balikat siya. "Let's see..." Wala sa loob niyang sabi. Parang sinabi na lang niya iyon para matigil na ang usapan.

"Aasahan ko iyan, Yael. It's time for Mikel to meet his other grandparents." I pressed with a smile on my face.

Tinanggal niya ang kanyang mga palad sa kanya noo at tiningnan ako.

"Can we not talk about this now? Pagod ako." Medyo irita niyang sabi. Nawala naman ang ngiti ko sa mga labi at wala akong nagawa kung hindi tumango nang dahan-dahan.

Ayokong mag-away nanaman kami ngayon. Pareho lang naman kaming pagod sa biyahe pero alam kong mas pagod siya dahil siya ang nagmamaneho.

"Sige, pahinga ka na. Nasa kabilang kwarto lang ako kung may kailangan ka." Sabi ko at tumayo na mula sa pagkakaupo ko sa paanan ng kama.

Hindi pa man ako nakakahakbang palayo ay naramdaman ko na kaagad ang paghila niya sa pulso ko na naging dahilan upang mapahiga ako sa tabi niya.

I was caught off guard. Nakatalikod pa rin ako nang higa sa kanya dahil hindi pa rin ako makagalaw. Lalo na nang yakapin niya ako sa bewang at ipatong niya ang kanyang baba sa aking balikat.

"Stay with me, please..."

Damn! I can feel the warmth of his mint breath! Naghaharumentado na ang puso ko mula sa kanyang kinalalagyan. The beats of my heart is becoming abnormal!

I got tongue tied, hindi ako nakasagot ngunit hindi pa rin niya ako pinapakawalan. Lahat ng mga tanong at pagdududa sa isipan ko ay biglang naglaho na parang bula dahil sa isang lambing lang niya.

I don't even understand why he's acting foreign. He's becoming harder na harder to read each day. Parang pakiramdam ko ay kaunting kalabit na lang ay matutuluyan na akong masiraan ng bait.

I let out a deep sigh and started relaxing my body under his warm embrace.

Ever since the day when I got here from New York, this is the actual time where I can finally say that "I am home."

Because his warm embrace feels like home. Isang yakap niya lang, payapa na ulit ako. And this is crazy!

Ipinikit ko ang mga mata ko at hinawakan ang kamay niya na nasa may bewang ko. I relaxed myself at sumiksik ako patalikod sa kanya, hindi naman ako napahiya dahil mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin.

Right now, I don't want to entertain my doubts, I just want to enjoy this feeling of being at home again.

--

Nagising ako nang maramdaman ko ang bahagyang paggalaw ni Yael. He still holds me kaya kaunting galaw lang niya ay ramdam ko.

Ilang sandali pa ay narinig ko ang boses ni Mikel at ang biglaang pagtawa ni Yael, lumuwang na rin ang yakap niya sa akin. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at ikiniling ang ulo ko.

Napangiti ako nang makita kong gising na si Mikel. He was sitting beside Yael while tapping his daddy's face. Kaya siguro nagising si Yael ay dahil sa kakatampal ni Mikel sa kanyang mukha.

"Mikey, you're awake..." natatawang sabi ni Yael. Tuluyan na niyang kinalas ang pagkakayakap sa akin.

Umayos siya nang higa at kinuha si Mikel sa ipinatong sa tiyan niya.

"My-my..." Aniya at mukha ko naman ang pilit niyang inaabot.

I smiled. "Kiss mommy." Paos ang aking boses dahil kakagising ko lamang. Inangat ko ang aking ulo para makapantay ang ulo ni Mikel.

Ang mga maliliit niyang kamay ay ikinulong ang aking magkabilang pisngi bago ako binigyan ng isang matunog na halik sa mga labi.

Lalong lumawak ang ngiti ko. "One more..." sabi ko at hahalikan niya ako ulit.

"Isa pa..." I chuckled and he'd kiss me again.

"Ako rin..." Natigilan ako at napatingin kay Yael na ngayon ay kasalukuyang nakatingin sa akin.

We're just looking at each other. I don't know what to say! Hahalikan ko ba siya? Dammit! This is so awkward!

Kakagising ko lamang ay pine-pressure niya ako kaagad!

"Mikel, ako rin. Kiss daddy..."

Parang napahiya ako sa sarili ko nang ikiling niya ang ulo niya kay Mikel. Naramdaman ko ang biglaang pag-init ng magkabila kong pisngi dahil sa kahihiyan. Fuck!

Assuming kasi Beatrix! Hindi naman sa'yo nanghihingi ng kiss!

I cleared my throat. "Ipaghahanda ko lang kayo ng pagkain." Paalam ko habang bumabangon na mula sa pagkakahiga.

"Si Charla na lang ang utusan mo. Magpahinga ka na lang." Sabi ni Yael habang nilalaro si Mikel na nakaupo pa rin sa tiyan niya. Tumatawa lang ito.

I looked at him ridiculously. "Ano ka ba, Yael. Kakagising nga lang natin at isa pa, gusto ko rin namang magluto."

"Sige, ikaw ang bahala."

"What do you want for dinner?" I casually asked. Saglit niya akong tiningnan at tipid na nginitian.

"Kahit ano. Just cook and I'll whatever you'd prepare."

Nginisian ko siya. "Kahit broccoli?"

He crinkled his nose and I felt my heart skipped a beat! Shit! That's... cute.

"Broccoli is an exception."

Natawa na lang ako at umiling. I grab my black hairband on the nightstand before going out. Mabilis akong nag ponytail bago tuluyang lumabas.

Nagtungo ako sa kusina at nadatnan ko si Linda doon na tumitingin sa loob ng ref.

"Linda!" Tawag ko sa kanya.

"Ay kabayo!"  Linda turned to me while her hand is clutching her chest.

Natawa naman ako sa hitsura niya.

"Ma'am naman... Mamatay po ako nang maaga sa inyo, e."

Humalakhak ako. "Pasensya na, Linda. Ano ba kasi ang ginagawa mo diyan?"

"Naghahanap po ako ng lulutuin para sa hapunan pero kung natuluyan ako kanina ma'am ay hindi na kayo makakapaghapunan."

"Okay lang, Linda. Ako na lang ang magluluto ng hapunan kung ganoon."

Ngumuso siya. "Si ma'am talaga, oh! Ginaganyan ako!"

Tinawanan ko siya. "Pero seryoso nga, ako na lang ang magluluto ng hapunan ngayon. Sinabi ko na kay Yael, h'wag ka nang kumontra."

Inunahan ko na siya. Alam kong tatanggi nanaman siya at sasabihin na siya na lang dahil trabaho naman niya iyon.

"Sigurado po kayo ma'am?"

"Oo naman!" I beamed.

"Ay wow, si ma'am masaya ngayon. Kanina ko pa napapansin na blooming kayo ma'am."

My cheeks turned red at Linda's comment. Tsismosa talaga 'tong si Linda! Kung ano-ano napapansin!

"Yieee si ma'am oh! Masayang-masaya sa piling ni sir!"

"Linda!" Saway ko sa kanya sabay kagat sa aking pang-ibabang labi. Nakakaloka 'tong babaeng 'to! Parang tanga.

Kung ano-ano ang napapansin. Ngumingiti at tumatawa lang ako binibigyan na kaagad ng issue.

--

Napagdesisyonan kong magluto ng tinola. Pagkatapos kong magluto ay hindi ko na kinailangang umakyat dahil si Yael na mismo ang bumaba kasama si Mikel. Pareho silang humakbang papalapit sa akin habang hawak-hawak ni Yael ang kamay ni Mikel.

"Hi, baby!" I greeted our son with a my sweetest smile. Lumuhod ako para makapantay siya.

"Ihahanda ko na ang high chair niya." Sabi ni Yael at binitawan si Mikel. Saglit siyang nawala at pagbalik niya ay dala-dala na niya ang high chair ni Mikel.

"You hungry? You hungry?" I playfully asked him.

"Yes, he is." Nakangising sagot ni Yael.

"Come here, buddy." binuhat siya ni Yael at inupo na niya sa kanyang high chair. Mabuti na lang talaga at naihanda ko na ang kakainin niya.

Tiningnan ko si Yael habang minamash pa ang sayote sa kulay asul na bowl gamit ang pulang kutsara.

"Mauna ka nang kakain or..."

Umiling siya. "Sasabay ako sa'yo."

I bit my bottom lip to stop myself from smiling like an idiot. "Ikaw ang bahala." Pilit kong ginawang kaswal ang aking boses at mabilis na tumalikod sa kanya upang harapin si Mikel.

"My-my!"

"Yes, baby. Ito na." I smiled at my son like an idiot. Iyong ngiti na pinigilan kong ipakita kay Yael kanina ay kay Mikel ko na lamang ibinuhos.

Tinulungan na ako ni Yael sa pagpapakain, pagbibihis, at pagpapatulog kay Mikel. Nang makatulog na siya ay inihiga na namin siya sa crib niya bago kami bumaba para kumain.

Tahimik lang kaming dalawa habang kumaikain. Tanging ingay lang ng mga utensils ang naririnig ko.

Hindi rin ako masyadong mapakali sa kinauupuan ko. I want to talk to him but I don't know what to say.

"I was wondering, bakit hindi ko nakita si Cole noong nasa Angeles tayo?" Siya na ang nagsalita.

Umayos ako nang upo at tumikhim.

"Ah yeah, kakalipat lang nila noong isang linggo sa US." sabi ko.

Kitang-kita ko ang gulat sa mukha niya. "Really?"

Kay Cole ko pangalawang beses nakita ang soft side ni Yael. I know that they both like each other. Lalo na si Cole, he adores Yael even though they've just been together for a short period of time.

Tumango ako. "Yeah, magkasama sila doon ng mama niya at ang papa naman niya ay naiwan dito sa pinas para sa business." Pagkikwento ko.

Kumunot ang noo niya. "Bakit?"

"Our grandparents. Papa and his brothers insisted that they need somebody to accompany them... Malakas pa naman sila pero hindi naman maiiwasan na mag-alala sina papa sa mga magulang nila lalo na't malayo sila."

Tumango-tango naman siya. Ngunit halata sa mukha niya na inaabsorb niya pa ang mga sinabi ko.

Nang matapos kaming kumain ay kaagad na dumating sina Linda upang iligpit ang mga pinagkainan namin.

"Charla, Linda, mamaya na lang kayo magligpit. Kumain na muna kayo." Sabi ni Yael.

Nahihiya namang tumango ang dalawa. Habang abala ang sa paghahanda ang dalawa sa kakainin nila ay ako naman ay naghugas ng kamay. Yael was standing in front of the table while drink a glass of ice cold water.

We were all doing our business here nang tumunog ang doorbell.

"Ako na ate Charla!" Presinta ni Linda at akmang bibitawan ang mangkong na hawak niya.

"No, Linda. Kumain na lang kayo ni Charla diyan. I'll go get it." Presinta ni Yael at binitawan ang baso niya sa mesa. Lumikha pa iyon nang kaunting tunog dahil sa pagtama ng pwet ng baso sa babasaging mesa.

Pagkaalis ni Yael ay napansin ko ang pagngiti nung dalawa.

"Ang bait-bait talaga ni sir!" Kinikilig na sabi ni Linda. Kaagad naman siyang siniko ni Charla.

"Mahiya ka, Linda! Nandiyan pa si ma'am!" Saway nito sa kasama.

Ngumuso ito at tiningnan ako. "E, ma'am nababaitan po talaga ako kay sir! Ang swerte-swerte niyo at naging asawa niyo siya."

"Swerte rin naman si sir dahil maganda na si ma'am, mabait pa."

"Nako, Charla... Kumain na lang kayo at baka lumaki ang ulo ko." Natatawa kong sabi.

Napapadyak naman si Linda. "Ma'am, gusto ko rin po nang boyfriend na katulad ni sir! Saan po ako makakahanap no'n?"

Ayaw pa rin talagang magpaawat ni Linda. Napangiti ako bago sumagot.

"Sa Angeles... Sa may Clark International Airport. Pero dapat mag book ka muna ng ticket patungong Boracay." Ngiti-ngiti kong sabi.

"Sa airport na 'yun doon ko makikita, ma'am?" Seryosong-seryoso niyang tanong. Nakita ko naman ang pag-iling ni Charla. Parang kaunti na lang ay itatakwil na niya ang kasamahan.

Umiling ako at hindi pa rin nawawala ang mga ngiti sa labi ko.

"No... Hindi pa doon. Once you get into the plane, kapag may nakita kang natutulog na gwapo! Then that's it!" I giggled.

"Ay wow ma'am! Ang galing mo naman! Natu-tuition niyo na ang kapalaran ko?" She beamed.

"Vision kasi 'yon, Linda! At hindi navi-vision ni ma'am ang kapalaran mo, ganoon lang sila nagkakilala ni sir Yael... Naku! Ang sakit mo talaga sa ulo!"

"Sorry naman, ate Charla! Kailangan talagang maging rash?"

"Harsh 'yon, Linda! Harsh!"

"Maiwan ko na muna kayong dalawa." Natatawa kong sabi. Hindi naman yata nila ako narinig dahil abala sila sa pagtatalo kaya dumiretso na ako palabas.

Nang madaanan ko ang living room ay nakaramdam ako ng pagtataka. Where's Yael? If there's guest they supposed to be at the living room.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at lumilinga-linga sa paligid.

"Yae—" I nearly choked on my own words. Napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko at hindi ako makagalaw. I can feel my chest tightening. Parang akong nakulangan sa oxygen dahil bigla na lamang akong hindi makahinga.

Yael pushed Vien at mabilis niyang ikiniling ang kanyang ulo sa direksyon ko. He looked stunned. His eyes are wide and his mouth is open but no words came out from it. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig.

"I-I'm sorry!"

Mabilis akong tumalikod at tumakbo papanik sa taas.

"Beatrix!" I heard Yael called my name ngunit hindi ako humarap.

I can't. I just can't look at him right now. Nagfa-flashback lang sa utak ko kung ano ang nakita ko kanina.

I saw them. Vien and Yael. Their lips are locked!

I felt a pang on my chest as the image starts replaying inside my head again.

Bagamat nanginginig ang mga labi ko ay nakuha ko pang mapangisi nang mapait.

Seems like they miss each other alot. Nasa doorway pa lamang sila ay hindi na nila napigilan ang kanilang mga sarili.

That sight is my wake up call. I was too busy drowning with Yael's presence. In fact, I'm starting to hope and believe again that this whole thing is going to work out!

Pero ang tanga ko lang dahil nakalimutan ko na may Vien pa.

Damn it! Guys are really complicated! Hindi porket lockscreen ka niya ay ibig sabihin no'n ay mahal ka na niya. Just because he is nice that doesn't mean that he's into you!

"Beatrix..."

Papasok na sana ako ng banyo pero bigla ko na lamang naramdaman ang paghila sa akin ni Yael kaya napaharap ako sa kanya.

"H-Hey..." I greeted him casually. I even managed to give him a casual smile even though I'm breaking inside.

"Talk to me, please." His eyes and voice are begging.

I let out a sigh and my casual smile is still plastered on my face. "Well, I am talking to you. Bakit ka ba kasi sumunod dito? Baka hinahanap ka na ni Vien." Sabi ko at tumawa pa nang bahagya.

Binitawan niya ang braso ko at naihilamos niya ang kanyang mga palad sa kanyang mukha.

"Trix, what you saw was nothing! Mali ang iniisip mo."

Trix. He called me Trix again for the first time in few years. Parang gusto kong bumigay pero hindi pwede. Hindi na pwede.

Kung kanina ay nakukuha ko pang ngumiti pero ngayon ay lumabas na ang emosyon na gusto kong itago.

"How could that be 'nothing' Yael?! You kissed Vien!" I hissed.

Matapos niyang halikan ang girlfriend niya ay sasabihin niya ngayon sa akin na wala lang iyon? Tanga na ako gusto niya pa akong gaguhin?

"No! God, no! I didn't..." Frustrated niyang sabi at sinubukan niya akong lapitan ngunit kaagad akong lumayo.

"I can explain... Please, let me explain. Listen to me."

"No! You don't have to!" Hindi naman niya kailangang mag explain. At ano naman ang e-explain niya?

'Beatrix, kasi girlfriend ko rin si Vien. Pagbigyan mo naman ako na mahalikan siya. Sana intindihan mo na lang.' Ganoon ba?!

I felt a hot liquid rolled from my eyes while looking at him angrily.

"God! Don't cry... Please, don't cry." Nag-aalala niyang sabi at muli niya akong sinubukang hawakan ngunit iniwas ko ang katawan ko sa kanya.

I saw hurt in his eyes. "Baby..." Masuyo niyang sabi sa akin.

I glared at him. "Don't call me that! I already felt cheap when I had sex with you! H'wag mo nang dagdagan pa!" Marahas kong sabi sa kanya.

How could I give into him? I know that he's my husband but his heart and soul is committed to someone else! Pero ano? Bumigay pa din ako! Wala na akong tinira sa sarili ko! Pati damdamin ng iba hindi ko na rin inisip!

He looked at me in disbelief. "You felt what?"

I looked at him in the eyes, bolder. "Cheap, Yael! In fact, right at this moment, I even feel disgusted with myself! How could I give in to a man who's committed to someone else?"

"Beatrix, you are my wife! I'm committed to you!" Napasabunot siya sa kanyang buhok.

"Come on... Who are we fooling? We both know that we're only married in papers! Napakasal lang naman tayo dahil kay Mikel 'di ba? Kaya nga hanggang ngayon ay kayo pa ni Vien because we agreed that after a year I will file a divorce in US..."

I reminded him and even myself too dahil bigla kong nakalimutan ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon.

Dismayado niya akong tiningnan saka siya napailing. Bakas ang lungkot sa mga mata niya at parang gusto kong bawiin ang mga sinabi ko pero hindi ko magawa dahil lahat naman ng iyon ay totoo.

"Ikaw lang, Beatrix. Ikaw lang ang nagpakasal sa akin dahil kay Mikel. And I don't remember agreeing to that divorce bullshit! Ikaw lang ang may plano no'n! At iyong sinasabi mo? Na kami pa ni Vien? Damn! I broke up with her the day before we got married! Sa tingin mo ba pagsasabayin ko kayong dalawa? Ganoon ba kababa ang tingin mo sa akin?"

"You know I can't do that, you know I can't cheat... Bakit ko kayo pagsasabayin kung pwede akong mamili? And I chose you, Beatrix. Not because of your damn terms! I chose you because I don't want to be unfair to Vien. I can't let her be with a man who'd be willing to spend the rest of his life in getting over a girl who keeps on leaving him over and over again!"


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top