Chapter 15
Chapter 15
Kaya Ko
"Nagseselos ka ba, Yael?"
I wanted to take it back the moment it slipped out of my mouth. That was too cocky of me! Baka mamaya ay mapahiya lang ako sa sarili ko!
Pero ang gulo rin naman kasi niya! Now he's claiming me as his wife! Ngayon ay asawa niya ako, pero kapag nandiyan na si Vien ay hindi na?
I don't really know how to act around him. He's like an equation with no right solution. Ang hirap-hirap niyang tansahin. I have no idea what we're doing.
This whole thing was like an unplanned trip to a certain place. We both came unprepared. Parang bahala na kung ano ang mangyayari.
And honestly, it wasn't fun. Nakakasakit ng ulo. He always keep me guessing.
His jaw twitched. "Bakit naman ako magseselos sa kanya? He was your stupid crush that you dumped after you met me, remember?"
My eyes narrowed at him at bago pa man ako makasagot ay bumukas na ang elevator. Sa bandang huli ay inirapan ko na lamang siya bago lumabas ng elevator.
Ang yabang niya talaga!
Pero bakit natatandaan niya pa iyon? It reminds me of my old self. Iyong Beatrix na sobrang bilis magsawa pero sa kanya lang hindi.
Gusto ko tuloy matawa. The day that I saw Yael for the first time was still clear to me. He was just sleeping on the plane seat and yet he managed to mess my head up. Was that some kind of sorcery?
Maybe it wasn't a sorcery, maybe it's because I'm being vulnerable when it comes to him.
"Dada!" my son keeps on babbling words and the only word that's clear is 'Dada'.
"Yes, buddy. Pupuntahan natin ang lolo mo." Yael replied like they really understood each other.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang nakasunod silang dalawa sa likod ko. Malayo pa lang kami ay natanaw ko na si ang table ng secretary ni papa sa tapat ng pintuan sa dulo ng palapag na ito.
Abala ito sa ginagawa niya sa harapan ng kanyang computer. Nang mapansin niyang may papalapit ay awtomatiko siyang tumingin sa aming direksyon. Napangiti siya nang makita ako.
"Good morning, Joe!" I greeted. Matagal-tagal na ring sekretarya ni papa si Joe. Papa used to have a girl for a secretary at dumating iyon sa punto na napag-awayan iyon nila mama.
So papa fired his girl secretary and he hired Joe. Ganyan ka head over heels si papa kay mama. He would get rid whatever that makes my mother feels insecure just to assure her that she's the only one and I think every woman should get a guy like that.
He looked at us with full of amusement. "Wow! Iyan na ba ang isa pang apo ni engr. Ponce de Leon?"
Nakangiti akong tumango. "Yes, his name's Mikel... Say hi to Joe, sweetheart."
"Hi!" Mikel greeted at nahihiyang nagtago sa balikat ni Yael. Pare-pareho kaming natawa.
Habang nagtatawanan kami ay nagtama ang mga mata namin ni Yael. Kaagad akong nag-iwas nang tingin kasabay nang unti-unting paglaho ng mga ngiti ko.
Siguro ay marapat lang na ipakilala ko rin si Yael kay Joe?
I cleared my throat. "By the way, Joe. Si Yael, a-asawa ko."
Hindi ko alam kung bakit sa tuwing kinikilala ko si Yael bilang asawa ko ay nauutal ako.
Siguro ay dahil hindi ko alam kung ganoon din ba ang turing niya sa akin. Kailangan ko ng assurance bago ako maging sigurado sa isang bagay. I don't want to brag something that I'm not even sure of.
Joe gave me a faint smile. "Kilala ko siya..."
I gave him a puzzled look. He gave me a warm smile before answering.
"Galing siya dito two years ago... Alam mo na, hindi ako basta-basta nakakalimot sa mga hitsura ng mga nagpupunta dito." Aniya. Napatango-tango ako. Oo nga pala, kinausap na ni Yael ang papa ko dati.
May CCTV footage pa kaya sila nang araw na kausapin ni Yael si pala? I want to see his reaction.
Inilipat niya ang tingin niya kay Yael.
"Kamukhang-kamukha mo ang anak niyo." Sabi pa niya rito. Kaagad akong napanguso. What's new?
Tiningnan ko ang reaksyon ni Yael. Nginisian niya lamang si Joe sabay tingin kay Mikel na kasalukuyang isinusubo ang mga daliri niya.
Kaagad ko namang inalis ang mga daliri niya sa bibig niya.
"Mikey, no! Dirty yan." Saway ko.
"Alright, tatawagan ko na si engr." Sabi ni Joe at kinuha ang telepono sa tabi niya.
"Hello, sir. Nandito po ang anak niyong si Beatrix sa labas ng opisina niyo... Kasama niya po ang anak niya at ang asawa niya.... Okay."
Ibinaba na niya ang telepono at muli kaming tiningnan.
"Pumasok na daw kayo."
"Salamat, Joe." Halos sabay naming sabi ni Yael.
Ako na ang nagbukas ng pintuan para makapasok kami. I saw my papa sitting on his swivel chair habang nakatayo sa may gilid niya si Ram.
Nagtama ang mga mata namin at hindi ko alam kung ngingitian ko ba siya o ano. Kahit naman hindi niya ako itinakwil sa ginawa kong pagpapakasal kay Yael ay nilinaw niya sa akin na hindi pa rin siya sang-ayon sa ginawa ko.
And now I don't know if we're cool or not.
Parang gusto ko na yatang mag back out? The atmosphere is so awkward and heavy.
Nagpalipat-lipat ang tingin ni papa sa aming dalawa ni Yael at hindi ko mabasa ang kanyang ekspresyon.
I heard Yael cleared his throat.
"Good morning, sir." bati niya kay papa.
Hindi siya sumagot bagkus ay bigla siyang tumayo mula sa swivel chair na kinauupuan niya at iminuwestra na sumunod kami sa kanya.
Nagtungo kami doon sa salas ng kanyang opisina. There are sofas and a coffee table there.
"Lo!" Mikel called papa as soon as he recognized him. Humalakhak si papa. It was nice to see his smiling face again that only Mikel could give.
He may be pissed with me and Yael pero at least ay nakikita ko naman ang pagmamahal niya sa anak ko.
"Natutuwa ako at kilala mo pa ako... Come here and give your lolo a kiss." Bakas nga ang tuwa sa mukha ni papa.
Ipinaubaya naman ni Yael si Mikel kay papa.
"Mikey, kiss lolo." sabi ko at ganoon naman ang ginawa ni Mikel. He kissed his lolo on his cheek.
Lalong lumawak ang mga ngiti ni papa.
"Maupo kayo." Aniya habang kay Mikel pa rin ang tingin niya.
Maging siya ay umupo na rin at kinandong si Mikel. Nakaupo sila sa harapan namin habang kami naman ni Yael ay magkatabi sa mahabang sofa.
"Coffee?" He offered. Pareho kaming umiling ni Yael.
"We're fine, pa.. Anyway, we bought you something." Sabi ko at ipinatong sa coffee table iyong paper bag.
"Salamat..." tipid niyang sabi habang nilalaro si Mikel na nasa kandungan niya. Mikel was trying to reach for papa's necktie. Nilalaro niya iyon at hinayaan lang siya ni papa.
Tahimik lang kaming dalawa ni Yael na nakatingin sa kanila. Hindi ko naman alam ang sasabihin ko. Natatakot ako na baka pati si papa ay maging malamig din ang pakikitungo sa akin.
I'm a papa's girl and being not in good terms with my papa is a pure torture for me.
"So, how are you?" Sa wakas ay sinulyapan niya na rin ako.
"Doing good, pa." I replied with a faint smile.
Tumaas ang isa niyang kilay. "Really?" There's a doubt in his voice. Binalingan niya ng tingin si Yael.
Yael's jaw twitched as his adam's apple moves up and down.
"Dada... Dada." hindi nagtagal ay hinanap na ni Mikel ang daddy niya. Mukhang nainip na siya kakalaro sa necktie ng lolo niya.
Nagpumilit siyang bumaba mula sa kandungan ni papa.
"Alright, alright... There you go." sabi ni papa at ibinaba na si Mikel mula sa kandungan niya.
Si Yael kaagad ang pinuntahan ni Mikel. He tried to climb on his daddy's legs and Yael lifted him up to help him. Ngayon ay nasa kandungan na siya ni Yael.
He settled there and started playing on his daddy's arms that's wrapped around his waist.
"Mukhang gusto ka na ngayon ng apo ko." He said while observing Yael and Mikel.
Hindi ko alam kung may pagka-sarcastic ba sa boses ni papa o ano.
Yael cleared his throat again before wetting his lips. "Yes, sir. We're actually getting along now."
"Good for you." And his voice was saying otherwise.
Hindi sumagot si Yael.
I swallowed the lump in my throat before joining the conversation.
"Hindi ba kami nakaka-istorbo sa'yo, pa? Baka marami kang ginagawa."
"It's alright. I was just going to check the blueprint about the building that we were planning to build in Quezon City."
Napatango-tango ako. "Ah, so, hindi pa iyon nauumpisahan, pa?"
He said they were just 'planning' on building it.
"May mauumpisahan na sana kung hindi lang nagmamatigas iyong mga tao na nakatira sa may squatters' area. If they would just pack up and leave then everything is going to be smooth." He shared. Looks like he's really stressed.
Hindi niya kasi namamalayan na naikukwento na niya pati sa amin ang conflict sa isang site na papatayuan sana nila ng building. Usually, si mama ang madalas niyang kakwentuhan kapag ganito.
"I guess it wasn't easy for them to leave that place. Letting go of something that you're used to is hard... Maybe you should just give them the time that they need to absorb things and let go."
Sumandal si papa sa kinauupuan niya at pinagkrus ang kanyang mga binti.
"That's not how the business world works... Sometimes being considerate will only cause another problem. Look at me now, I'm getting old and yet I can't still retire dahil wala naman ni isa sa mga anak ko ang sumunod sa yapak ko. If I didn't become so considerate of you two, Colton would end up being a civil engineer or I could've just fixed your marriage to someone who's useful for this company. Either way of the two."
I was caught off guard. Gusto kong isipin na napaka unfair noon para sa amin but the way I see it, it was more unfair on my papa's part because he was left all alone in an industry where math equations and law of physics never ends.
"I'm sorry..." I wish being sorry was enough to cure my papa's disappointment.
"Don't be. I didn't tell you that to make you feel guilty. I was just showing you the cons of being considerate."
I don't know what to say no more so I just gave my papa a sad smile.
Nabalot kami nang katahimikan. Tanging si Mikel lang ang gumagawa ng ingay. He's cooing something while playing with Yael's hands. Nakita ko ang pagsulyap ni papa sa kanyang apo at ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi.
I cleared my throat. "Pero pa, kung gusto mo munang magpahinga sana ay gawin mo... I'm sure you have employees that you can trust the company to."
Nag-aalala din kasi ako sa kanya. He had been working ever since. It's time for him to take a break and breathe for awhile. I'm sure mama will be happy about that. Lalo na't puro sina Manang Sally na lang ang kasama ni mama ngayon sa bahay.
Pareho na kaming may mga asawa ni Colton at hindi na kami nakatira sa bahay nila mama... Well, babalik din naman ako doon matapos ng isang taon. Pero matagal-tagal din ang isang taon.
I heard a chuckle under his throat as if he remembered something... or someone?
"I actually I have the most competent head engineer... and I will think about your suggestion kapag natapos na ang project na gagawin namin."
Nagliwanag ang aking mukha. "That's great, pa!"
"Speaking of my guy... He mentioned that you two knew each other. Brody Benitez. Does his name ring a bell?"
I gasped in amusement. "Oh, siya iyong head engineer mo? We go to the same school back in college!"
I thought he was just a simple employee of papa. Iyon pala mataas ang posisyon niya sa kompanyang 'to.
Tumango si papa. "Yes, he mentioned that too."
Naramdaman ko ang pag-ayos nang upo ni Yael na nasa tabi ko. Sinulyapan ko siya at nakita ko ang pag-igting ng kanyang bagang habang hinahaplos-haplos ang kamay ni Mikel.
"Wow." Iyon na lamang ang tanging nasabi ko. I'm out of words. What a small world.
"I see myself in him..." biglang sabi ni papa.
I smiled quizzically. "Huh?"
"Brody. I see myself in him... He knows what he's doing. Every move he make is calculated and precise."
I can see how my father really adores Brody. The way he talks about him and how passionate he is in what he's doing.
"You must really like him." Nakangiti kong sabi.
Maging siya ay napangiti. "Well, yeah... Naisip ko nga na pwede kayong ikasal na dalawa, that would benefit our company and also you. He's a good man. I also thought that time that you wouldn't have to raise Mikel alone," he paused.
Napaawang ang bibig ko. I was about to say something pero itinuloy lang ni papa ang kanyang sinasabi. "But again, you know me for not being a manipulative person... I let you decide what you want to do with your life."
Sinipatan ko si Yael. Lapat ang kanyang mga labi ngunit kitang-kita ko kung paano umigting ang kanyang bagang. Hindi pa rin siya nagsasalita, kay Mikel pa rin ang atensyon niya pero sigurado naman ako na naririnig niya lahat.
I gave my papa a polite smile. "Hindi ko naman kailangan ng kasama para palakihin si Mikel, pa..."
That's true. Kakayanin ko namang palakihing mag-isa si Mikel. Kahit mahirap ay kakayanin ko pa rin. Lahat ng sakripisyo ay gagawin ko.
"I know but I think you deserve to be happy too. You deserve someone who'd give you the world... someone who'd ask for you to marry him and not the other way around."
Namilog ang mga mata ko kay papa.
"Pa..." I quietly said. I know what he's doing.
"I'm just stating a fact. I didn't raise you just to be neglected. You deserve someone who is willing to give you everything that you deserves... someone who would take care of you. Hindi iyong pinapasakit lang ang loob mo."
Napakagat ako sa ibabang labi ko. I can see Yael's jaw twitching. Naririnig niya lahat, he's just pretending not to but he definitely hears everything what my papa's saying.
"Pa, let's not talk about that... hindi ko naman kailangan ng ganoon. Masyado na akong occupied kay Mikel para maisip pa ang mga ganyan." Awat ko sa kanya.
Magsasalita pa sana siya nang biglang tumunog ang phone ni Yael. Kinapa niya iyon sa bulsa ng kanyang jeans. Hindi ko sinasadyang mapasipat sa screen at nakita ko ang pangalan ni Vien na nakarehistro doon.
Napakagat ako sa ibabang labi ko. Vien nanaman.
"Excuse me... I'm just gonna take this call." he excused himself.
"Akin na si Mikel." Sabi ko.
Umiling siya. "Ako na muna ang bahala sa kanya..." Aniya bago tuluyang tumayo karga-karga si Mikel gamit ang isa niyang kamay.
Pinanood ko sina Yael hanggang sa makalabas sila ng opisina ni papa.
Nang maisarado na ni Yael ang pintuan ay muli kong binalingan nang tingin si papa.
"Pa, what was that?" Hindi ko makapaniwalang sabi.
"What?"
"Pa naman... Dapat ba talaga na sabihin mo ang mga iyon sa harapan pa ni Yael? And you know that he's my husband already and yet you're still talking about me marrying Brody."
I came here to see him because I miss him. Si Yael pa nga ang nagsabi na pupuntahan namin siya ngayon tapos paparinggan lang pala siya ni papa nang ganoon.
"It's not like he'll get affected by it. Ikaw lang naman ang nagpumilit na magpakasal sa kanya hindi ba? At mayroon siyang nobya bago kayo ikasal! Baka nga sang-ayon pa siya sa ideya na magpakasal ka kay Brody... And if he really wanted your marriage to work he could've said something that might change my mind about liking Brody for you. Hindi iyong ipinapakita niya pa na wala talaga siyang pakialam."
"Hindi ko talaga maintindihan kung bakit mo pa siya pinakasalan. We could've just fought for your right! Mas gugustuhin ko pang magkaroon ng disgrasyadang anak kaysa magpakasal siya sa taong wala namang pakialam sa kanya."
Papa's words were enough to wake me up. Maybe he's right but I want to find an excuse inside my brain to make it look like somehow he is wrong... and I wanted him to be wrong.
"Pa, mabuting asawa naman si Yael sa akin."
He's cold and uptight pero hindi naman niya kami pinapabayaan ni Mikel.
"And he's still adapting... If you would just give him the chance to prove himself. Nahihirapan din naman siya sa sitwasyon—"
"At ikaw hindi? You lost Mikel's twin because of him! Sa tingin ba niya hindi mahirap para sa'yo iyon?" He snapped as he massages his temples.
"Hindi ko siya sinisisi doon, pa. Hindi niya naman ginusto iyon." Matigas kong sabi.
May kung ano akong nararamdamang tumutusok sa puso ko. Ang pagbanggit ni papa tungkol sa pagkawala ng baby ko at ang paninisi niya kay Yael ay parang binuksan niya lang iyong sugat kong malapit nang maghilom.
That was both painful for Yael and me... He was currently suffering from his sister's death tapos ay mawawalan pa siya ng isang anak. That's one of the painful reasons kung bakit pinili kong h'wag munang ipaalam kay Yael ang tungkol doon.
Mas lalo lang siyang masasaktan sa mga oras na iyon at sisihin niya lang din ang sarili niya. I don't want him to suffer even more that I chose to suffer in silence.
"God... I'm sorry." Hinging paumanhin ni papa nang mapansin niya ang pamumuo ng mga luha sa gilid ng aking mga mata.
Umiling ako at nginitian siya nang mapait. "I understand you too, pa. I know you just want what's good for me because I am your daughter. Pareho ko kayong naiintindihan ni Yael." Sabi ko at tumayo na mula sa kinauupuan ko.
"I have to go, pa." Paalam ko. Tiningnan niya lamang ako habang nakaawang ang kanyang bibig. May gusto siyang sabihin ngunit hindi niya alam kung ano iyon.
I just smiled at him faintly before making my way out of his office.
Saktong pagkalabas ko ay sina Yael kaagad ang sumalubong sa akin. Mikel was standing beside Yael habang hawak-hawak ng daddy niya ang kamay niya. Looks like they're both walking.
Natigilan si Yael sa paglalakad nang makita ako at dahil hawak niya si Mikel sa kamay ay pati ang anak ko ay napilitang tumigil.
Huminga ako nang malalim. "Let's go?"
Hindi na ako nagsayang pa nang maraming laway dahil kaagad na tumango si Yael bago yumuko upang kargahin na lang si Mikel.
--
Tahimik lang kami sa byahe ni Yael. I know we're always like this pero hindi naman ganoon kabigat kagaya ngayon.
"Dumaan muna tayo ng supermarket para mamili ako ng mga kailangan." Basag ko sa katahimikan.
"Sure." Tipid niyang sagot habang sa daan pa rin ang tingin.
Nagbaba ako ng tingin kay Mikel na kasalukuyang nakasandal sa akin habang hawak-hawak ang feeding bottle niya na may gatas... he's feeding himself while looking at the view from the window.
Huminga ako nang malalim bago muling tiningnan si Yael.
"Sorry sa mga sinabi kanina ni papa."
This time he glance at me pero kaagad din naman niyang ibinalik ang tingin sa daan kasabay nang paghigpit niya sa hawak ng manibela.
"You don't have to apologize... Totoo naman lahat ng mga sinabi niya."
And I felt a thousand knives stabbing my chest. Sa tingin niya ay tama si papa? My father is giving him the idea that marrying him is one of my wrong decisions and he thinks that my father is right with that?
My father is rubbing on his face that I deserve Brody more than him and he thinks that he is right? Wow.
And there I was, thinking that my father is wrong about all of those things that he said.
Hindi na ako muli pang nagsalita.
Okay, fine. Kung ganoon lang naman pala ang iniisip niya, sana ay hindi na siya nag-react ng ganoon nang mag-usap kami ni Brody! Sana hindi na niya ako inangkin bilang kanya kung ipapamigay lang din naman pala ako sa huli.
Nakakagago ka Yael Salcedo.
Tahimik pa rin ako hanggang sa makarating kami sa supermarket na malapit sa bahay namin— niya lang pala. Nakikibahay ako, hindi ko naman bahay.
Mikel was sitting on the cart while Yael's the one who's pushing it. Ako naman ay taga kuha habang abala silang nagkukulitan.
"Oh! Oh!" Mikel exclaimed while pointing at the boxes of Cerelac. Pareho kaming natawa ni Yael dahil sa reaksyon niya.
"Meron ka pa niyan sa bahay, e." natatawa kong sabi sa kanya sabay halik sa tuktok ng ulo niya.
"Sige na, ikuha mo na para kapag naubusan hindi ka na bibili." sabi ni Yael.
"You're spoiling him too much." Puna ko sa kanya kahit na ayaw ko pa rin siyang kausapin.
"Hindi naman... Kailangan niya rin naman iyan." Pagde-deny niya pa.
Nagkibit balikat na lang ako at kumuha na ng tatlong boxes.
"Ikuha na rin natin siya ng gatas. Napansin ko kanina paubos na ang gatas niya."
Hindi na ako umangal sa sinabi niya dahil may point naman siya. Paubos na nga ang gatas ni Mikel.
Tiningnan ko ang cart na pinu-push ni Yael. Halos kumpleto na iyon magsimula sa mga kakailanganin ni Mikel hanggang sa kakailangin sa bahay. Pati iyong mga iba kong kailangan ay nandiyan na pero may kulang pa.
"Ikaw, wala ka na bang kukunin para sa'yo?" Yael suddenly asked when he noticed me staring at the cart.
"Hindi ka pa ba nangangawit?" Tanong ko.
"I'm fine... Saan ba ang mga kailanganin mo pa?" Tanong niya sa akin.
Umigting ang bagang ko at tumalikod na sa kanya nang hindi sinasagot ang tanong niya. Kahit ganoon ay ramdam ko pa rin ang pagsunod nila sa likod ko.
Mikel is saying something that nobody understands but Yael. Napangisi ako habang naglalakad. The bond between them is getting stronger and stronger. Nitong mga nakaraang araw, napapansin ko na mas close na silang mag-ama.
Nang makarating na kami sa section ng mga napkins ay tahimik at patay malisya kong hinanap iyong brand na gamit ko parati.
Nasaan na ba iyon? Hindi ko mahanap dahil kaka madali. Hindi ko rin alam kung bakit nate-tense ako!
"Bakit ganoon, Beatrix? What's the purpose of the sun in this thing? Tapos iyong iba ay may moon pa."
Awtomatiko akong napatingin kay Yael at kasalukuyan niyang hawak-hawak at ini-inspeksyon ang gamit kong brand! What the hell!
Mikel is also trying to reach for it pero inilalayo iyon sa kanya ni Yael habang pinag-mamasdan iyong drawing na sun doon. Seryoso ba siya?
"A-Akin na 'yan." Namumula kong sabi at mabilis na inagaw sa kanya ang hawak niya at inilagay ko iyon sa cart.
Hinarap niya ako at tiningnan sa mukha.
"Ano nga, Beatrix? What's the purpose of those?" Tanong niya.
Tiningnan ko muna ang mukha niya upang malaman kung nanti-trip lang siya but I saw nothing but pure curiosity.
Huminga ako ng malalim. "Kasi iba dapat ang ginagamit sa gabi at sa umaga... pero depende rin." Kasi iyong mga iba naman ay kahit gabi yong day use pa rin ang gamit nila.
Kumunot ang noo niya. "Bakit kailangang iba? Bakit depende?"
Gusto kong matawa at pisilin ang mga pisngi niya. Nakakunot pa talaga ang noo niya at parang eager na eager siyang malaman ang dahilan. Hay nako!
I bit my lower lip sabay kamot sa gilid ng kilay ko. Paano ko ba ie-explain ito?
"Ganito kasi 'yan... yung pad ng day use ay mas maiksi kaysa sa night use. Bakit mas mahaba 'yung sa night use? P-para h'wag t-tagusan..." Inexplain ko na rin sa kanya kung bakit ko nasabing "depende".
Nakakaloka naman itong si Yael. Mago-open na lang ng topic na pag-uusapan gusto yung napkin pa.
"Ahh..."
Napangiti ako habang nakatingin sa kanya. Mukhang naiintindihan naman nga niya kahit papaano ang mga sinabi ko.
His forehead ceased and his ears turned red.
"S-Stop looking at me like that!" Saway niya sa akin at nag-iwas nang tingin.
Hindi ko maiwasang hindi mapahagikgik nang palihim.
Hindi na niya ako pinansin at nagtulak na lang ulit siya ng cart. Ako naman ngayon ang nakasunod sa likod nila pero natigilan ako nang may makita akong pamilyar na lalaki sa may mga fruit and vegetables section.
May kasama siyang babae na nakatingin lang sa kanya habang namimili siya ng mga prutas.
"Beatrix!" Awtomatiko akong napatingin kina Yael. Malayo-layo na sila. Nasa push cart pa rin ang nga kamay ni Yael ngunit nakalingon siya sa akin habang kunot ang kanyang noo.
Kaagad akong tumakbo papalapit sa kanila at lalo lamang kumunot ang noo ni Yael nang makalapit ako.
"Ano ba ang tinitingnan mo doon? Akala ko nasa likod pa rin kita, naiwan ka na pala." May inis sa kanyang tono.
"Yael, I think I saw Matt." Hinihingal kong sabi habang nanlalaki ang aking mga mata.
Tinaasan niya ako ng kilay. "What's so interesting about Abrigo at nakuha mo pang matulala doon?"
"He's with a girl! At hindi si Kaye iyong babae!" My eyes narrowed at him even more.
"So, what are you trying to say?"
Nagbuga ako nang malalim na hininga sabay irap sa kawalan. Damn! Boys are so fucking stupid when it comes to these kind of stuff!
"Duh! Bakit ba siya magsasama ng ibang babae sa isang supermarket kung may girlfriend naman siya!"
"You think Matt is cheating with your friend?"
"Exactly, Yael!" I exclaimed thanking the Gods above for giving Yael the wisdom to understand what I was trying to make him understand.
He chuckled while looking at me ridiculously.
"Ahh, girls and their logic."
Kunot noo ko siyang tiningnan at pinaningkitan niya naman ako ng mga mata.
"Pasadong-pasado siguro kayong mga babae sa long jump test ano? You girls are so great at jumping into your conclusions."
Sinimangutan ko siya. "Masyado lang kasi kayong ignoranteng mga lalaki! You guys are even insensitive to our feelings!"
"Will you calm down? Baka naman pinsan niya iyong kasama niya o kaya kaibigan. And you think about it first before you spill this to Kaye. Baka mamaya mali ka lang pala nang hinala, pinag-away mo pa yung dalawa."
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Baka naman gusto mo lang pagtakpan yang kagaguhan ng kaibigan mo kaya dinadaan mo ako diyan sa mga nakakapikon mong linyahan."
"I told you, I don't tolerate that. Isa pa, I'm still pissed at that asshole kaya pati ako ay hindi mo na kailangang pagdudahan."
Bahagya akong nagulat. "Nag-away ba kayo?" Hindi ko mapigilang tanong.
Umigting ang kanyang panga bago umiling. "No. It just happened that he's one of those people who made fool out of me." malamig niyang tugon sabay talikod na sa aakin para itulak na ulit ang push cart
Napakagat ako sa ibabang labi ko. I get him. I know what he's trying to say. This is about Matthias not telling him about Mikel.
I sigh sadly before following them again.
What Yael felt was a solid betrayal. Pakiramdam niya siguro ay tinraydor siya lahat ng mga tao sa paligid niya sa hindi nila pagsabi tungkol sa anak namin. His bestfriend who happened to be my brother didn't tell him and even Matthis who's one of those few people he trusted.
At syempre ako. The woman he loved with all his heart, body, and soul.
Alam ko naman na masakit, that happened to me before. Kaya hindi ko rin masisi kung bakit nagbago na lang si Yael.
We went to the counter para ipa-check na ang mga pinamili namin. I was just standing there beside Yael who's now carrying Mikel while waiting for the total.
"A total of 5,789 pesos po." The cashier said.
I smiled. "Oh, okay." Sabi ko at binuksan ang bag na dala ko upang kunin ang wallet ko. I may be jobless but I still have my savings.
"Here,"
Awtomatiko akong napatingin kay Yael. Kakabigay lamang niya ng credit card niya doon sa cashier.
"Yael, may pera naman ako." Nakasimangot kong sabi sa kanya. Ayokong umasa sa kanya kung kaya ko naman at isa pa pera niya ang mga iyon. Okay lang kung si Mikel lang ang gagastusan niya pero h'wag na niya akong isali.
Kaya malakas ang loob kong mag-aya dito ay kasi alam ko na ako ang magbabayad.
Tiningnan niya ako sa mga mata.
"Kaya ko rin namang ibigay lahat ng mga kailangan mo."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top