Chapter 14
Chapter 14
Mine
Paggising ko ay pasimple kong kinapa ang space sa tabi ng kama just to find out that it's empty. Nakaramdam ako ng pagkadismaya pero kaagad ko na lang itinulak palayo dahil ayokong malungkot ngayong umaga.
At least he took care of me last night. He even pulled me closer to him and it felt heart warming. I felt safe. It feels like home and I wanted to us to stay that way forever kahit na alam ko namang bawal. Kahit may Vien na.
Oh my God! What am I thinking? Siguro napupudpod na ang utak ko sa sobrang inip dito. I can't want more of him... Yael's forehead was already marked with "TEMPORARY" in red ink.
Tiningnan ko ang orasan. Alas siyete na pala. Dati ay kailangan kong gumising ng maaga para palitan ang diapers ni Mikel o di kaya'y padedehin siya. Now, I don't have to anymore. Kasi nandiyan na si Yael.
Kung noon ay sobrang pagod ko sa pag-aalaga kay Mikel at halos wala na akong tulog pero ngayon ay kahit papaano ay naging madali na dahil katulong ko si Yael.
Bumangon na ako para sana makapagluto ng almusal. I walk towards the bathroom to do my morning rituals pero nakaramdam ako nang pagtataka nang marinig ko ang lagaslas ng tubig mula sa shower at hindi lang iyon, I even heard some giggles and deep sexy chuckles.
Binuksan ko ang pintuan at bahagya pa akong nagulat dahil hindi iyon naka-lock. Pagbukas na pagbukas ng pintuan ay sina Yael at Mikel ang tumambad sa akin sa may shower.
And the clear glasswall isn't helping dahil kitang-kita ko ang katawan ng mag-ama ko mula dito! Karga-karga ni Yael si Mikel at pinipatay sindi niya ang shower dahilan upang humagikgik si Mikel.
They're both naked... Yes, pati si Yael ay hubo't hubat. Napalunok ako at inipon ko ang lahat ng lakas ko upang h'wag pasadahan ng tingin ang katawa niya pababa.
I gasped when Yael's gaze went to my direction.
"There's mommy! Say hi to mommy!"
Sa pandinig ko ay hindi iyon masyadong maayos dahil sa glasswall na nakapalibot sa kanila pero sapat na para maintindihan ko sa galaw ng bibig ni Yael.
Hindi pa rin tumitingin si Mikel sa direksyon ko kaya kinailangan pa itong ulitin ni Yael... bandang huli ay tumingin rin sa direksyon ko si Mikel at nang makita niya ako ay pumalakpak siya at humagikgik nanaman.
Napangiti ako sabay hinga ng malalim. At kahit ayaw ko ay napilitan akong maglakad papalapit sa kanila. Kinatok ko ang glasswall at tuluyan nang pinatay ni Yael ang shower.
Tinaasan niya ako ng dalawang kilay na para bang tinatanong niya kung anong kailangan ko. Same old Yael. He still know how to use those thick perfect brows in communicating.
I wet my lower lip before opening the glass door.
"Dada!" Mikel was jumpy-jumpy in his daddy's arms while pointing at the shower.
Yael let out a sexy chuckle and he was about to turn the shower on again pero kaagad na akong nagsalita dahilan upang mapigil siya. This asshole, kapag sinindi niya iyon ay pati ako ay mababasa!
"Alright, time's up, boys... Bath time is over for you, little guy. Come here."
I stretched my arms towards Mikel. Hindi niya ako pinansin.
"Dada! More!" Aniya at itinuro pa ulit ang shower.
Tiningnan ako ni Yael at nginisian. "He wants more." He said, trying to convince me to let them have more.
"No." I firmly said. "Now, come on, Mikel. Bibihisan na kita."
"Just five minutes more." Ani Yael at akmang bubuksan ulit ang shower ngunit pinaningkitan ko siya ng mga mata.
"Yael! Uubuhin na 'yang anak mo!"
He's not even supposed to be bathing in the shower!
"We just got here... Why don't you join us? It's fun." He said while grinning at me like crazy.
Heat tinted my cheeks and I know he noticed it! Lalo pa kasing napangisi ang gago!
He pressed his lips together and raises a brow at me, waiting for my response. I know he's just messing with me and how dare he mess with me!
Inirapan ko siya. "Bahala ka nga! Kapag si Mikel talaga inubo h'wag ka nang magpapakita sakin!" Naiinis kong sabi.
"More! More!"
"Mommy said no... We'll just take a shower again tomorrow, okay? Sama ka na kay mommy." He coaxed. Hindi na nagpumilit pa si Mikel kagaya kanina.
I can sense favouritism here. Bakit kapag ako ang nagbabawal ay hindi nakikinig si Mikel? Pero kapag ang daddy niya ay isang sabi lang titigil na siya kaagad?
Mabilis ko namang kinuha ang towel ni Mikel na may mga ducks pa na design at ibinalot ko kaagad si Mikel doon. Ngayon ay mas kitang-kita na ang katawan ni Yael dahil hindi na niya hawak si Mikel.
The water's dripping from his hair down to his abs. I unconsciously followed the path that these droplets of water are taking and I found myself gasping when I saw that line and... and his huge thing!
"Eyes up here, woman"
Kaagad naman akong nag-angat ng tingin sa kanya.
"I-I'm not checking your body out!" I said, while feeling the heat rising up my cheeks.
He chuckled. "Defensive?"
"H-hindi 'no! Para napatingin lang, e! Sino ba kasing nagsabing dumisplay ka nang ganyan?"
Tinaasan niya ako ng kilay."Beatrix, I am taking a shower. Ikaw ang pumasok dito at ngayon parang kasalanan ko pa na tinitingan mo ang katawan ko?"
"Hindi ko nga tinitingnan sabi! Nakita ko lang!"
"You're unbelievable..." iling-iling niyang sabi bago niya ako tinalikuran at isinindi ang shower. Ngayon ay likod niya naman ang ine-expose niya sa akin? Good Lord!
I watch him ran his hands over his wet hair while the shower is pouring over him.
I nearly jumped from where I was standing when he suddenly looked at me over his broad shoulder.
"Maligo ka na pagkatapos mong bihisan si Mikel..." Aniya.
Kumunot ang noo ko. "Aalis tayo?"
"I thought you miss your papa?" Oh yeah, pinag-usapan pa nga pala namin ito kagabi. So it was real? It felt like dream kasi.
Napangiti ako. "Alright..." Sabi ko at nagsimula nang maglakad. I'm so excited to see my papa!
"Bye-bye, dada!" Mikel waved at his daddy while we're taking our steps out of Yael's luxurious bathroom.
Sinipat ko si Yael, side view naman ngayon ang view niya banda dito sa kinaroroonan namin ni Mikel. He's waving to Mikel with a wide grin on his face while the water from the shower is pouring over him.
Nag-iwas na lang ako kaagad nang tingin at mabilis na naglakad palabas. Damn! Did I marry a god? Bakit ganoon? He looks so damn good just breathing! Every inch of his body screams perfection and it's so frustrating!
Pagpasok namin sa kwarto ni Mikel ay tumambad na sa akin ang nakahanda niyang susuotin sa kama kung saan natutulog si Yael.
Napangiti ako. Having Yael makes everything easy when it comes to taking care of our son. Maybe it's because he wasn't been with Mikel from the very first day that he was born that is why he's being so extra in taking care of him.
Or maybe he's just a good father.
Inilapag ko muna si Mikel sa crib niya at sinindi ang telebisyon. Kaagad iyong nasa BabyTV. Mikel stood up on his crib and fixed his attention on the television.
"If your happy and you know it, clap your hands."
Then he clapped. Napangiti ako. He had memorized all of these. Araw-araw ba naman ay palaging ganito. At syempre, maging ako ay nakuha ko nang makabisa ang lahat ng mga nursery rhymes ni Mikel.
Aside from Mikey's outfit of the day, inihanda ko na ang mga gamit niya sa kama such as his diapers, baby powder, lotion, cologne and everything that he needed.
Muli kong kinuha si Mikel mula sa crib niya at inilapag siya sa bed ni Yael. Doon ko na siya binihisan at lahat-lahat. I gave him his pacifier bago ko siya muling kinarga at isinama palabas.
Tapos na kayang maligo si Yael? Muli akong pumasok karga-karga si Mikel sa kwarto namin ni Yael. Halos mahulog ang panga ko nang makita ko ang suot niya.
He's wearing a fitted grey sweater, faded pants, and white lowcut converse... My jaw nearly dropped not just because he looks like a goddamn snack but also because Mikel is also wearing the same thing!
"Wow, my baby looks handsome."
Naningkit ang mga mata ko. "Now he really looks like a mini version of you." Sabi ko.
Ngumisi siya. "I know."
"That's not a compliment!" I scowl.
"It's unfair you know? Kamukha mo na nga siya tapos palagi pa kayong match ng suot. Ano ba yan? Ikaw lang ba ang gumawa sa kanya?" I continued with a frown. Kasi naman xerox copy na xerox copy ni Yael! Wala man lang bakas ko!
Ako ang nagluwal sa kanya pero ang dating parang kay Yael lang siya anak ah. Hindi naman sa ayaw ko na kamukha ni Mikel si Yael, sa katunayan nga ay nagpapasalamat ako dahil ang gwapo ng anak ko!
Gusto ko lang talagang mag rant.
He shrugged. "At least he got your lips." aniya at kinuha sa akin si Mikel at kinintalan niya pa ito ng halik.
Napailing ako. "My lips? That's all? Ang laking contribution naman nang nagawa ng egg cell ko!" Hindi ko mapigilang sabi. The size of his sperm cell was nothing compared to my egg cell! Pero bakit ganito?
"I like your lips."
My world stopped at his reply. Tinitigan ko siya at kaswal niya lang na nilaro si Mikel na para bang wala siyang sinabi na naging dahilan upang magwala ang mga libo-libong paru-paro sa tiyan ko.
I was waiting for him to look at me or justify his comment about 'liking' my lips but I've got nothing. Si Mikel pa rin ang inaasikaso niya.
I sigh. "Maliligo na ako... H'wag mo muna siyang patulugin." Bilin ko. Gusto ko kasi na sa biyahe na siya matulog para pagdating namin sa opisina ni papa ay gising siya.
--
Nasa tapat na kami ngayon ng building ng kompanya ni papa. Yael was holding Mikel habang ako naman ay nasa tabi nila. I was just wearing a white off shoulder blouse, black jeans, and nude pair of wedge.
The guard opened the door for us. Nagpunta kami sa may front desk at sinalubong kami ng ngiti ng isang babaeng chinita.
"Hi, we're here for engr. Ronan Ponce de Leon." Sabi ko.
"May appointment po ba kayo sa kanya?" Nakangiti at malumanay nitong tanong. Hindi naman kasi kami palaging nagpupunta dito nila Colton. Siguro noong mga nasa elementary ako ay dinadalaw-dalaw namin si papa dito kasama si mama.
At isa pa, sa palagay ko ay mga nasa dalawa o tatlong taon pa lamang ang tagal nang pagta-trabaho nitong babae na ito dito kaya hindi niya alam na anak ako ng boss niya.
I smiled back. "No, but I'm his daughter... Beatrix Ponce de Leon."
"Salcedo." Yael added.
Nagpalipat-lipat sa amin nang tingin iyong babae habang nakangiti.
"Salcedo." I confirmed before giving her an awkward smile.
"Ahh..." Tumango-tango ito habang nakatingin kay Yael. "I remember you, sir. Ikaw iyong nagpunta dito 2 years ago... Bakit ko ba nakalimutan?" Aniya na para bang ang laking krimen nang nagawa niya.
Kumunot ang noo ko at nanghihingi nang eksplenasyon kong tiningnan si Yael.
Tumango siya. "Yeah, I went here before." Kaswal niyang pag-amin.
"Bakit?" Tanong ko. H'wag niyang sabihing dahil dito kay chinita?
"I was still courting you back then." Tipid niyang sagot na naging sapat na upang mapagtanto kong nagpaalam lamang siya sa papa ko noon na ligawan ako kaya siya nagpunta dito.
My cheeks heated as nostalgia swept over me. Those were the good old days... when he was still head over heels with me and now he's not anymore. Iyon ang mga panahon na sa akin pa umiikot ang mundo niya pero ngayon ay hindi na.
"Wow, at ngayon ay ikinasal na kayo at may anak. Guess hard work pays off..." Aniya kay Yael.
Gusto kong matawa. Sa mata ng iba ay parang napakasimple lang ng mga nangyari. Pero kung alam lang nila kung paano at bakit kami humantong sa ganito ay sa palagay ko ay hindi na siya makakaramdam nang pagkamangha.
She cleared her throat, transferring back to reality.
"Okay po mr and mrs. Salcedo, nasa 20th floor po ang opisina ni engr. Ronan Ponce de Leon."
The "mrs. Salcedo" made my heart skipped a beat. Dang! I still can't believe that I'm a Salcedo now.
We're about to take the elevator when I remembered something.
"Yael, 'yung ibinibigay natin kay papa?"
"Oo nga pala. Naiwan yata sa sasakyan." Aniya. We bought something for papa at Clyde's.
"Sige, balikan ko na lang." Sabi ko.
"No, ako na. Just wait for us here."
"Isasama mo si Mikel?"
He nodded. "Alam mo namang hindi hihiwalay sa akin ito." Aniya. Napanguso na lang ako at tumango.
It's not that Mikel doesn't like me anymore. Gusto pa din sa akin ng anak ko at hindi naman siya umiiyak sa tuwing kinukuha ko siya. Pero naging paborito niya lang kasama ang daddy niya dahil lahat ng gusto niya ay ibinibigay ni Yael at hindi lang 'yon, Yael knows how to handle him very well that is why they are getting along.
I watch them as they walk away. Paglabas nila ay siya namang pagbukas ng elevator na nasa tapat ko.
Nang magbukas ito ay isang pamilyar na lalaki ang tumambad sa akin. He was alone inside the elevator. Nagtama pa ang mga mata namin at maging siya ay mukhang nagulat nang makita ako. Hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya. It was like he's trying to absorb who's this person standing in front of him.
Nang magsara na ang elevator ay pareho na kaming nahimasmasan. Kaagad niyang pinindot ang isang isang buton sa elevator upang magbukas itong muli tapos ay tuluyan na siyang lumabas. Napaatras pa ako just to give him way.
He smiled at me. His hair is now clean cut and he's wearing a dark blue colored suit and tie. Can't deny that he looks good in those. Ang laki na nang ipinagbago niya ngayon.
Well, he looks handsome even before but now he's ten times better. Siguro ay mas lalo pang nadagdagan ang mga humahabol na babae sa kanya ngayon. Now that he's already an engineer who knows how to rock a suit and tie? Walang kaduda-duda na mas lalo nga silang dumami.
"Long time no see..." Aniya at ngumiti nang bahagya. Medyo nandoon pa rin sa aura niya ang pagiging tahimik at suplado. That's what I liked about him, actually.
"Yeah. Long time no see, Brody."
There was an awkward silence between us. Pero hindi naman iyon nagtagal dahil kaagad siyang tumikhin.
"So, you're visiting engr. Ronan, hmm?"
I wet my lips. "Yeah... And I guess you're working here or... nah?" Malay ko ba na may nag meeting lang pala siya dito?
He chuckled. "Yeah, I work here."
"Oh."
"Should I call you 'ma'am'? Anak ka kasi ng boss ko." Akala ko ay matatapos na doon ang pag-uusap namin nang bigla siyang magsalita ulit.
Nahihiya akong natawa. "No, no. It's not really necessary to call me that. Ang papa ko lang ang boss mo at hindi naman ako." I replied.
Tumawa siya nang bahagya bago saka nagbaba ng tingin sa wrist watch niya.
"Right... So, it was nice seeing you again, ms. Beatrix Ponce de Leon."
"Mrs, actually." I corrected him.
He looked surprised. Napa-awang ang kanyang bibig ngunit walang salitang lumabas mula doon.
He wet his lips. "So, who's wife are you?" Tanong niya habang bahagyang nakangiti.
"Mine."
Hindi na ako nakasagot dahil may sumagot na para sa akin. Pareho kaming napatingin ni Brody kay Yael na dalawa na ngayon ang hawak. Si Mikel at ang paper bag na galing Clyde's.
"She's my wife." Ulit niya pa na para bang hindi nakuha ni Brody nang sabihin niyang 'mine'.
I smiled at Brody. "Yeah... H-He's my husband."
Ngumuso si Brody. "Well... Engr. Brody Benitez." Naglahad siya nang kamay kay Yael.
Tiningnan lang ni Yael ang kamay ni Brody.
"Capt. Yael Salcedo." And the asshole still had the audacity to introduce himself despite of declining's Brody's handshake. He even gave an emphasis to the "Captain".
Binawi na lang ni Brody ang kamay niya at ipinasok sa bulsa ng kanyang slacks. Ako na ang nakaramdam ng hiya kaya tiningnan ko nang masama si Yael. Hindi niya naman ako pinansin. He just maintained his intimidating aura that I want to knock off of his presence!
Wala namang ginagawa si Brody pero parang gusto niya itong murahin sa mga titig pa lang niya. Ano nanaman ba ang problema nito?
I looked at Brody apologetically. "May anak ka na rin pala." Aniya.
"Yes, we do have a son already."
I snapped at his direction. Bakit ba sabat siya nang sabat? Okay lang sana na sumabat siya kung hindi matalim ang tono na gamit niya pero hindi, e. Parang nanghahamon lang siya.
Tinaasan niya ako ng kilay na para bang kinukwestiyon niya ako kung bakit ganito ko na lamang siya titigan.
"Come on, baka naghihintay na ang papa mo."
Napairap naman ako. Paanong maghihintay e hindi nga niya alam na pupunta kami dito?
Muli kong tiningnan si Brody.
He just smiled at me to make sure that he's fine. "Sige na, mauna na rin ako. May construction site pa akong pupuntahan. It was nice to see you." Paalam niya sa akin.
"Okay..." tanging nasabi ko na lang habang nanghihingi nang paumanhin na nakatingin sa kanya. He smiled at me once more before walking away. He even nodded at Yael.
"Are we still going to your father's office o panonoorin mo na lang siya hanggang sa makalabas siya ng building na ito?" Sarcastic niyang sabi. Inilapat ko naman ang tingin ko kay Yael upang titigan lamang siya ng masama.
"You're an asshole." Sabi ko na lang at pinindot ang elevator. Kaagad naman itong bumukas.
"And what made you think that I am?" Nanghahamon niyang sabi habang papasok kami ng elevator.
"It's because that you really are!" I hissed at mariin na pinindot ang 20th floor. Nakakahiya naman doon sa tao. Siya na nga itong nakikipagkilala ng maayos ay binastos pa siya ni Yael!
"Why are so pissed at me? Wala naman akong ginagawa sa'yo."
"Anong wala? Binastos mo si Brody! Nagpakilala nang maayos yung tao!"
Tinawanan niya ako nang pagak. "At anong koneksyon no'n sa'yo, Beatrix?" He challenged.
Hindi ako kaagad na nakasagot. Natameme nanaman ako! Diyan siya magaling! He's so great at throwing questions that can shut me up kaya mas lalo akong naiirita sa kanya!
Tiningnan ko si Mikel na nanahimik lang at walang pakialam. He's just doing his own thing. He was trying to reach for the paper bag that Yael was holding.
"You know what? Just accept the fact that you're wrong and I'm right! Tama bang tratuhin mo siya nang ganoon kahit wala namang ginagawa yung tao?"
"Anong wala? He's flirting with my wife, Beatrix!"
Natigilan ako saglit at namula.
"H-He is not!"
Hindi naman talaga! Ano ba ang pumasok sa kokote niya at naisipan niyang nakikipag flirt sa akin si Brody? Mabait naman talaga siya noon pa!
"You are so dense!"
"No, I am not dense. You're just overreacting. Tapos ngayon ikaw pa ang naiinis!"
"Bakit? Ano bang gusto mo? Matuwa ako na may hayop na ngumiti-ngiti sa asawa ko?"
Hinarap ko siya at pinaningkitan ng mga mata.
"Nagseselos ka ba, Yael?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top