Chapter 13
Chapter 13
Hindi Na
Ilang beses siyang kumurap at bakas pa rin ang pagtataka sa kanyang mukha.
"Anong ibig mong sabihin?"
Mula sa pagkakaupo ko ay tumayo ako at lumapit sa kanya.
"Hindi naman talaga umalis ng bansa ang mga magulang mo noong araw ng kasal natin! You lied to me!" Mahina ngunit mariin kong sabi.
Tumigas ang kanyang ekpresyon kasabay nang pagtiim ng kanyang bagang.
"This is not the right time to talk about this, Beatrix. Umuwi na muna tayo." Matigas niyang sabi. I even saw his fist clenched!
Nagkibit balikat ako. "You know what? I get it. Hindi naman natin kailangang pag-usapan iyon. I just forced you to marry me, right? Bakit mo nga naman iimbatahin pa ang mga magulang mo..."
I tried to keep my voice as low as possible but I made sure that the sarcasm was there.
Pinaningkitan niya ako ng mga mata saka siya natawa nang pagak.
"And you're jumping into your conclusions again!" Napipikon niyang sabi.
Jumping into my conclusions? Well, damn him! Kung sa una pa lang ay sinabi na niya sa akin ang totoo ay hindi ako mag-iisip ng kung ano-ano!
Isa pa, hindi naman malayo na ganoon nga ang ginawa niya. Na hindi naman talaga niya sinabihan ang mga magulang niya dahil wala naman akong kwenta sa kanya!
"Maybe I'm not jumping into my conclusions, Yael. Maybe what I'm saying is true!"
Napailing siya. "You're always making everything about you! Well, news flash, Beatrix! Everything is not about you! May sarili akong problema at wala ka na doon dahil hindi na sa'yo umiikot ang mundo ko!"
He's not shouting but his words are loud enough to make me deaf. I was taken aback. Napaawang ang bibig ko ngunit walang salitang lumabas mula doon.
He's right. Everything he said was right and he mean it. I can feel it. Ramdam ko iyong galit niya sa akin.
Umayos ako ng tayo, sinubukan kong mag-isip ng ibang bagay para h'wag matuloy ang pag-agos ng mga luha ko.
No, no, no. Hindi ako iiyak sa harapan niya! Hindi! I am not going to give him the satisfaction of seeing me getting hurt.
"Let's go home..." He said quietly.
We should. Gusto ko na ngang umuwi. I want to let this all out because I am so close to breaking down. At gusto ko na ring umuwi sa amin. I miss my mama and my papa. Pero hindi, pinasok ko 'to kaya paninindigan ko.
"My-my, nana!"
I forced myself to give my son the sweetest smile that he deserves.
"Yes, sweetheart. We'll going to get bananas when we got home."
"My-my!" masigla niyang tawag sa akin habang iniistretch ang kamay niya sa akin.
Ngumiti ako at kaagad ko siyang kinuha mula kay Yael. Iningatan kong h'wag magtama ang mga balat namin.
Even his skin screams anger. I might lost it even when his skin brushes on my skin a little.
Tinalikuran ko na siya at ibinaon ko ang mukha ko sa leeg ng anak ko. Damn! My heart is so heavy and it's aching like a bitch!
--
Tahimik lang kami ni Yael buong biyahe pauwi. Tanging si Mikel lang ang gumagawa nang ingay. Nakakandong siya sa akin at parehas kaming nakatingin sa may bintana.
"Oh, Jabee!" he pointed the red fat bee wax sculpture na nasa labas ng isang fastfood chain. Napangiti ako, he's so smart.
"Wooooow." Manghang-manghang sabi niya nang madaanan namin ang isang playground.
Kahit papaano ay sumaya ako at nakalimutan ko ang sagutan namin ni Yael kanina. I chuckled and hugged Mikel tight. Pinaulanan ko siya nang maraming halik sa ibabaw ng kanyang ulo. He's my stress reliever.
"You wanna play there, buddy?"
Hindi ko tiningnan si Yael but I can feel that he's briefly glancing at Mikel. Nawala bigla ang mga ngiti ko at itinuon ko na lang ang atensyon ko sa bintana.
The whole ride home, Mikey's pointing everything that he sees interesting and Yael would talk to him and say that he's so smart and so on. Ako naman ay hindi na nagsalita, napapangiti na lang ako sa anak ko at kung minsan ay kikintalan ko siya ng halik.
Nang makarating kami sa bahay ay binigyan ko ng banana si Mikel habang nakaupo siya sa high chair niya. Hindi na muna kami nagbihis na dalawa dahil pareho lang kaming madudumihan.
Nang maubos niya iyong kalahati banana ay binigyan ko naman siya ng berries. He likes berries too.
"Wow, you finished your berries! You want some more?"
Humagikgik siya. "More! More!"
Ngumisi ako at kinuha ko iyong broccoli na inisteam ko. Inilagay ko iyon sa table ng high chair niya. Nag-angat siya nang tingin sa akin at sinamangutan ako.
"No! Ayaw!" umiiling siya habang nakatingin sa akin. Hindi ko mapigilang hindi matawa. I've been always trying to feed him broccoli pero kahit anong gawin ko ay ayaw niya pa rin talaga.
"Come on, sweetheart. Broccoli is not that bad. See..." sabi ko at kumuha ng isang broccoli saka iyon kinain sa harapan niya.
He shook his harder he looked so darn cute!
"My-my, no..."
"Just try it... It's healthy!"
"Hayaan mo siya kung ayaw niya... hindi naman kasi talaga masarap ang broccoli."
I froze when I heard Yael's voice. I can feel him standing next to me pero hindi ko pa rin siya nilingon.
Tahimik kong inalis ang mga broccoli sa table ni Mikel at binigyan ko na lamang siya ng berries. Baka kasi pati broccoli ay pag-awayan pa namin. I'm so done arguing with him.
Thank God hindi na niya ako kinausap pa. He want to Mikel and played with him habang ako naman ay hinuhugasan na ang mga ginamit ko.
"Si Linda na lang ang utusan mo diyan, magpalit ka na..." I heard him say.
"Ako na." tipid kong sagot. Hindi ko na siya narinig na muli pang nagsalita dahil ang pagtawa nilang mag-ama ang sunod kong narinig.
Palihim ko silang tiningnan. Yael was kneeling para makapantay niya si Mikel and Mikel was stuffing some berries in his daddy's mouth.
"Ayoko na... You go finish your remaining berries." Yael said while chuckling.
Nang matapos kong hugasan ang mga ginamit ko ay nilapitan ko na ang dalawa para painumin ng tubig si Mikel.
"I'll just give him a sponge bath." paalam ko kay Yael nang hindi man lang siya tinitingnan.
"Sige." Tipid niyang sagot at tumayo na mula sa pagkakaluhod niya.
--
I was avoiding Yael the whole day at alam ko na wala siyang pakialam doon. Pero nakaka-frustrate lang dahil gusto ko rin namang makasama si Mikel pero palagi silang naglalaro kaya hindi ako makasingit.
Kaya inilibang ko na lang ang sarili ko sa pagdidilig ng mga halaman sa garden. Habang nagdidilig ako ay hindi ko pa ring maiwasan na hindi sumama ang loob ko dahil patuloy lang na nag e-echo sa utak ko ang lahat ng sinabi ni Yael.
It's like he's saying na wala akong karapatang manghimasok sa buhay niya dahil wala na 'kong kwenta sa kanya.
Alam ko naman 'yon sa umpisa pa lang. Pero nakakasakit pala sa loob kapag isinampal sa'yo nang harap-harapan ano?
I was caught off guard there. I was even embarrassed with myself for acting like that... Alam mo 'yun. Iyong nag e-eksaherada ka't lahat-lahat pero parang isasampal niya sa'yo na wala kang karapatang umasta nang ganoon.
Kunsabagay, ang gaga ko nga naman! Bakit naman kasi nagalit pa ako kung nagsinungaling siya? Dapat nanahimik na lang ako. Dapat hinayaan ko na lang.
Ah basta, sa susunod talaga mag-iingat na 'ko. Hindi ko na siya pakikialaman pa sa gusto niyang gawin sa buhay niya. Hindi ko dapat kalimutan na sa papel lang naman kami mag-asawa dahil sa realidad ay wala naman kaming commitment sa isa't-isa.
Kumbaga nakikitira lang ako sa bahay niya sa legal na paraan. Sa sobrang legal ay ikinasal kami.
"Ma'am, bakit ka umiiyak?"
Naibalik ako sa realidad nang marinig ko ang boses ni Linda.
Kaagad kong kinapa ang mukha ko. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko sa isa kong mata.
"Hindi ako umiiyak ah!" Patay malisya kong sabi at ipinagpatuloy na lamang ang pagdidilig ko ng mga halaman.
"Sus, ma'am. Ano 'yun? Natalsikan ka lang ng tubig dahil sa pandidilig mo?"
Hindi na lang ako kumibo. Bahala ka diyan, Linda.
"Hala si ma'am... LQ kayo siguro ni sir ano?"
I glared at her. "Linda kapag hindi ka pa tumigil ipapasesante kita."
Namilog ang mga mata niya at umawang ang kanyang bibig. "Naku ma'am, h'wag! Mahal ang bigas ngayon at mahirap maghanap ng trabaho ma'am! Baka po sabay-sabay po kaming mamatay ng pamilya ko na dilat ang mata!"
"Joke lang 'yon, Linda." bawi ko at muling ibinalik ang atensyon ko sa mga halaman.
Kakasabi ko lang na hindi na 'ko makikialam sa buhay niya 'di ba? Al though wala naman talaga akong balak na ipasesante si Linda pero baka pagtawanan lang ako ni Yael kung kunwaring hiniling ko sa kanya iyon.
I'm not Vien. Yael won't fire his maid for me just like he did for Vien.
"Haaay, salamat naman ma'am! Kinabahan po ako doon. Akala ko end of the world ko na!"
Napailing na lang ako. She's always hyper. I will surely miss her and Charla kapag natapos na ang lahat ng ito.
"Ma'am, ako na po pala ang magtutuloy niyan. Hinahanap na po kayo ni sir Yael."
Nakuha ni Linda ang atensyon ko.
"Bakit daw?"
"Hindi ko po alam ma'am..."
"Sabihin mo wala ako." Matabang kong sabi. Ano ba ang kailangan niya?
"Si ma'am naman gusto talaga akong masesante. Tinuruan pa akong magsinungaling... Puntahan niyo na po ma'am. Mahal ko pa ang trabaho ko."
Nagpakawala na lamang ako nang marahas na buntong hininga at ipinaubaya na kay Linda ang pagdidilig saka na ako pumasok sa bahay.
Pagpasok ko ay si Yael kaagad na nakakunot noo ang sumalubong sa akin. Nagkunwari akong hindi ko siya nakita at nagpatuloy sa paglalakad.
"Where have you been? Kanina pa kita hinahanap."
Tumigil ako sa paglalakad ngunit hindi ko pa rin siya tinitingnan kahit na magkatapat lang kami.
"Sa garden lang." Matabang kong sagot.
"Anong ginawa mo doon?"
Baka nag-swimming! Gustong-gusto ko talaga siyang sagutin nang sarcastic dahil sa stupid niyang tanong pero kinagat ko na lamang ang dila ko sabay kibit balikat.
Muli akong naglakad para lampasan siya pero naging maagap siya at hinawakan ako sa braso para pigilan ako.
"H'wag na h'wag mo 'kong tinatalikuran, Beatrix! Kinakausap pa kita!"
"Nasagot ko naman lahat ng tanong mo." Malamig kong tugon.
Natawa siya nang pagak. "Stop giving me the cold shoulder! Hindi mo 'ko madadaan sa paganyan-ganyan mo!"
I felt another pang on my chest. Dammit! Pwede bang matapos na lang 'tong araw na 'to? Alam ko namang wala akong kwenta sa kanya pero bakit kailangan pa niyang paulit-ulit na isampal?
"Edi bitawan mo na lang ako! Hindi na kita pakikialaman kaya h'wag mo rin akong pakikialaman!"
Hindi ko alam kung paano ko pa nagawang sigawan siya kahit na konting-konti na lang ay magbe-break down na ako.
"Fine!" Tiim bagang niyang sabi at marahas na binitawan ang braso ko. I glared at him one last time before jogging upstairs.
Dumiretso ako kaagad sa kwarto namin at pabagsak na isinarado ang pintuan.
Nang malaman nang katawan ko na mag-isa na lang ako ay saka na tuloy-tuloy na bumuhos ang mga luha ko.
I can feel my chest tightening. Fuck! He's just so heartless!
Isinubsob ko ang sarili ko sa kama niya at doon umiyak nang tahimik. At least alam kong malaya ako dito kahit na kwarto namin 'to pareho. Hindi naman kasi siya dito natutulog.
I can cry my heart out here. Ayoko naman talagang umiyak pero sobrang bigat na kasi. Wala naman akong mapaglabasan ng sama ng loob.
My friends and family are in Angeles while I'm stuck here in Manila. Si Papa lang naman ang madalas na nandito sa Manila dahil sa trabaho niya pero hinding-hindi ako pwedeng umiyak sa kanya.
Hindi niya iyon magugustuhan. Isa pa, nang kumbinsihin ko sila na payagan akong pakasalan si Yael ay napaka-tapang at sigurado 'ko. Kaya dapat panindigan ko kung ano ang naging desisyon ko.
Kahit alam kong ayaw ni papa ay ginawa ko pa rin... I'm not gonna lie. I miss him so much. Matagal na kaming hindi nag-uusap, simula pa noong ikasal kami ni Yael.
Call me stupid pero wala pa rin akong pagsisising nararamdaman kahit na nagkakanda leche-leche ako ngayon and I hate it! Why can't I just regret marrying him? Why can't I just back out?
Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakahiga sa kama at umiiyak dahil maya-maya ay may biglang kumatok sa pintuan.
My heart began pumping faster.
"Ma'am, kakain na po!" Narinig ko ang boses ni Charla mula sa labas at bigla akong nakaramdam nang pagkadismaya.
Aminin ko man o sa hindi ay nag-expect ako na baka si Yael iyon. Baka kahit konti naman ay kinonsider niya na asawa niya pa rin ako kahit wala lang akong kwenta sa kanya.
"H-hindi ako gutom, Charla!" Paos kong sigaw pabalik ngunit mukhang naintindihan niya naman dahil hindi na siya nagsalita o kumatok pang muli.
Kalahating oras na ang lumipas simula nang kumatok si Charla ay wala nang ibang sumunod pa. Natawa na lang ako nang pagak. Bakit? Sa tingin ko ba ay si Yael ang susunod na kakatok para pilitin akong kumain?
That was close to being impossible! Kahit na maghalo pa ang mga buwan at bitwin ay hindi mangyayari iyon.
Maybe I wasn't worth convincing for.
People need to learn that having high hopes will only disappoint you. And disappointment is not a nice meal for a dinner.
Inayos ko na lang ang higa ko. Ibinalot ko ang sarili ko nang comforter. Maybe I'll just sleep it off. Hindi ko rin naman kasi matatawagan sina Jess at Kaye dahil ayokong maka-abala.
Jess have a family and Kaye's busy on her work.
Gusto ko ring puntahan si Mikel. I want to cry everything out to my son kahit alam kong hindi niya naman ako maiintindihan. It was effective, actually. Dati ay sa anak ko isinusumbong ang mga frustrations ko pero hindi ko naman iyon magawa ngayong gabi dahil hindi sila mapaghiwalay ni Yael.
Ibinaon ko ang mukha ko sa unan nang marinig ko bigla ang pagbukas ng pintuan.
"Charla, I'm not hungry!" sabi ko. Nakakahiya naman. Baka makita pa ni Charla na namumugto ang mga mata ko.
I heard her footsteps. Narinig ko rin ang paglapag ng tray sa may tukador. Hinintay kong muli ang paglabas niya pero laking gulat ko nang imbes na lumabas siya ay naramdaman kong lumubog ang space sa katabing space ng kama na hinihigaan ko.
"Kumain ka na, Beatrix."
I froze and I had goosebumps when I heard Yael's voice. The tone of his voice was unreadable. I can't tell if he's pissed or something but there's one thing that I'm sure of... I'm shocked. Kung kailan hindi na ako umaasa na pupunta siya ay saka naman siya pumunta.
"Come on... Lalamig na ang pagkain."
"B-busog ako." Nang sumagot ako at hindi ko napigilan ang paghikbi at pagsinghot ko. I swear, I want to strangle myself!
The last thing I want to happen is for Yael to see me crying!
I felt his hands on my waist.
"Harap ka nga sakin..." Aniya. Napakagat ako sa ibabang labi ko habang pinapakiramdaman kong lalong sumasakit ang dibdib ko.
"Beatrix..." His voice was soft at lalo lamang akong naiyak. Dammit!
I found myself rolling on my back to face him. Mukha niya kaagad ang sumalubong sa mukha ko. He was just looking at me, inspecting me. Baka mainis nanaman siya. Isipin pa niya nagiinarte ako!
"H-hindi ako nagda-drama... Masakit lang ang ulo ko." Humihikbi kong depensa. It's was kind of lie pero medyo totoo naman dahil masakit talaga ang ulo ko.
I expect him to reply harshly pero nagulat ako nang punasan niya ang mga luha ko gamit ang palad niya.
"Uminom ka na ba ng gamot?"
Umiling ako at lalong naiyak dahil sa inaasta niya. What the fuck!
"A-ayoko..."
He ran his fingers through my hair while looking at me softly.
"Ano bang gusto mo?" He asks, softly.
Lalo akong naiyak habang sunod-sunod na umiling. Why can't I stop sobbing like a kid?
"Come here..." He said under his breath before pulling me closer to him. He snuggled my face on his neck.
I felt his arms around my waist and back.
"I'm sorry..." He whispered in my ear. Napapikit ako nang mariin at niyakap siya nang mahigpit pabalik.
Tang ina. My heart is melting and so as my whole being. Another apology from him might make me cry even harder and I don't want that.
Shit! I've missed this! His warm embrace, the way he talks to me gently, everything! I've missed us. But still, I don't want to hear him apologize.
Why would you apologize for something that you've meant? He was furious and he became brutally honest. That is something that can never be undone. It was already confirmed that for him... I am nothing but a trash.
"I miss my papa..." Sabi ko na lang para kahit papaano ay mailigaw ang usapan.
"We'll visit them tomorrow in Angeles then." aniya habang marahang hinahaplos ang buhok ko. "Damn! You're bathing on your sweat..." komento niya pa na hindi ko na lamang pinansin.
Umiling ako. "Papa's just here in Manila..."
"Okay, pupuntahan natin siya sa kompanya niya bukas. Sounds good?"
I nodded.
Bahagya akong humiwalay sa kanya. I noticed that his neck was wet from all my tears.
"Anong problema?" Tanong niya nang mapansin niyang humiwalay ako nang bahagya.
"Where's Mikel?"
"Tulog na." Sagot niya.
Napasimangot ako. "Really? I didn't even get a good night kiss from him."
"Yeah, because you were too busy avoiding me."
Natigilan ako saglit. He noticed? Akala ko hindi niya napansin dahil wala naman siyang pakialam sa akin.
Hindi na lang ako nagsalita at tumingin na lang ako sa kisame. Damn! I feel so sticky from all the tears and sweat!
"Kumain ka na para makaligo ka na... Ikukuha kita saglit ng gamot sa kusina." Aniya at tuluyan nang humiwalay sa akin. Nakaramdam ako nang kakulangan. I want to pull him back and snuggle closer to him pero pinigilan ko ang sarili ko.
Ano ba itong mga naiisip ko? Hindi pwede ito. Ipiniling ko ang aking ulo at pinilit ang sarili ko na bumangon sa kama at kunin ang tray na may lamang pagkain na idinala niya para sa akin.
Nakakatatlong subo pa lang ako doon ay nabusog na kaagad ako. It's funny how your emotions can affect your appetite.
"Here's your medicine." Kaagad ng nasa harapan ko si Yael. Sinipat niya ang tray na kababalik ko lamang sa ibabaw ng tukador.
"Tapos ka na kaagad?"
Tumango ako at tinanggap iyong gamot na ibinibigay niya sa akin. Kumunot ang noo ko nang siya na ang kumuha noong plato at kinuha ang kutsara. Siya ba ang kakain?
Nasagot ang tanong ko nang itutok niya malapit sa bibig ko ang kutsara na may kanin at ulam.
Heat tinted my cheeks. "A-ayoko na, Yael..."
He wet his bottom lip. "Just three more."
I bit my lower lip. This is embarrassing, alright. Imbes na isubo ko iyong kutsara ay kinuha ko na lamang iyon mula sa kanya.
"A-ako na... kaya ko naman." sabi ko na lamang.
Napansin ko ang bahagya niyang pagkagulat at ang pag-igting ng kanyang bagang bago siya nag-iwas ng tingin.
"Sige, pagkatapos niyan ay maligo ka na." aniya at sumandal sa may tukador at humalukipkip.
Sa tatlong subo ay natagalan pa ako dahil hindi ko mapigilang hindi makaramdam nang ilang. He was watching while I'm eating and I can't help but to wonder how I look. Ano, mukha ba akong patay gutom? Dapat ba mala-ibon akong kumain at tukain ko na lang ang mga kanin sa plato? What?
"Isa pa..." aniya.
Umiling ako. "Hindi ko na kaya talaga. I might throw up."
Bumuntong hininga siya at inilahad ang kamay niya upang kunin sa akin iyong plato. Inabutan niya rin ako ng tubig pagkatapos. Nang pagkatapos kong uminom ng gamot ay sinabihan niya ako na magpahinga muna ng kaunti bago ako maligo tapos siya naman ay lumabas para ibalik ang tray sa kusina at para na rin siguro matulog na sa kwarto ni Mikel.
This night is kind of smooth... nagsisimula na akong magduda. What's next, bitchy life? Are you plotting some kind of bomb ass come back that would make me regret I was born in this world? Ewan ko.
Pumasok na lang ako sa banyo upang maligo na. Isang oras din ang pagligo ko and I noticed na paubos na ang shower gel ko. We've been staying her for two weeks and a few days kaya talagang mauubos ang mga gamit na ipinadala ko galing Angeles.
Lumabas na ako ng banyo upang sa kwarto na magbihis ngunit laking gulat ko nang madatnan ko si Yael an nakasandal ang likod sa headboard ng kama at nanonood ng NBA sa telebisyon.
Lumipat ang tingin niya sa akin at pinasadahan niya ako ng mabilis na tingin mula ulo hanggang paa bago niya muling ibinalik ang atensyon niya sa telebisyon.
Tanging tuwalya lang ang bumabalot sa basa kong katawan! Hindi naman ako nainform na makikinood pala siya dito sa kwarto namin!
Mabilis akong pumasok sa walk in closet niya at doon na lang nagbihis. I slipped into my night gown before going out from his walk in closet.
Umupo ako sa harapan ng tukador at naglagay ng lotion sa katawan ko at moisturizer sa aking mukha. Pati buhok ko ay natapos ko ng i-blow dry pero hindi pa din siya umaalis.
Tumayo ako at naglakas loob na humiga sa kama sa tabi niya. I slipped under the comforter together with him. Ito yata ang unang pagkakataon na humiga ako sa tabi niya sa kama na ito.
I can't help but to stare at his side view. Mas lalo kasing na emphasize ang ilong at panga niya mula dito. Maging iyong shaved niyang eyebrow ay agaw pansin rin. Mabuti at naisipan niyang ipa-shave iyon? Hindi na ba niya iyon ibabalik sa dati?
If you'll ask me, shaved or not he's still hot... I'm not fantasizing or fangirling over him, okay? I'm just stating an obvious fact.
"What?"
Ilang beses akong napakurap dahil ngayon ay sa akin na siya nakatingin.
"Huh?"
"You've been staring at me. May gusto kang sabihin?"
Napalunok ako. "Hmm... G-goodnight." I said frantically at humiga na patalikod sa kanya.
Pumikit ako ng mariin sabay kagat sa aking labi. Damn! What was that?
"Goodnight, Beatrix."
And my heart skipped a beat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top