Chapter 12
Chapter 12
Let Me
There are some choices that we’ve made that we wished we have never made. Those were the bad choices that make us wish that there was a time machine.
I once read something about the quantum theory. Ang sabi doon, sa bawat choices na ginagawa natin ay nahahati ang universe sa maraming piraso at sa bawat universe na nahati ay iba-iba ang choices na ginawa natin.
For example, in this universe I made a choice to force Yael into marrying me. Sa ibang universe naman ay hinayaan ko lang silang maging masaya ni Vien at pumayag ako sa gusto niya na tumira muna si Mikel sa kanya ng isang taon.
Out of all these theories and wishing for time machines to exist, I still have no regrets in marrying Yael. I may sound cruel but that’s what I feel right now. Hindi pa rin ako nagsisisi kahit na punong-puno nang pandidiri ang mga tingin na ibinibigay sa akin ni Vien.
She’s staring at me like I’m some woman with a disgusting and contagious disease.
“Linda, don’t just stand there. This is the time where you should be going upstairs to call Yael and tell him that I am here.” She ordered with a sense of familiarity.
Para bang madalas niyang gawin ito; para bang palagi siyang nandito which is true. Dahil noong wala pa ako ay palagi naman talaga siya dito. She stepped her feet inside this house before I did, she met Linda and Charla before I did, and she even happened to meet the other made that I wasn’t able to meet.
“Ay opo ma’am… pasensya na po.” Hinging paumanhin ni Linda at aligagang umakyat sa taas.
Nang kami na lang dalawa ang nandito ay tinaasan niya ako ng kilay.
“Gusto mo ba ng maiinom?” I offered despite the way she’s been treating me.
I guess she didn’t like the way I asked her. Umigting ang kanyang bagang at parang mas lalo pa siyang nakaramdam ng iritasyon.
“No, thanks.” Matabang niyang sabi.
Tumango na lamang ako. “Sige… Maupo ka na lang muna habang hinihintay mo si Yael na makababa.”
Sarcastic niya akong nginitian. “Don’t try to tell me what to do as if you’ve been living in this house for so many years. If I’m not mistaken, two weeks ka pa lang dito.”
It’s clear as the day that she’s trying to put me in a place where I should be by rubbing in my face that she’s been here longer that I’ve ever been.
H’wag siyang mag-alala dahil aware naman ako doon. I even know my place so there’s no need to be rude.
I forced myself to flash a sweet smile at her. “Okay, do whatever you please then.” Sabi ko at tinalikuran na siya para bumalik sa kusina.
I’ll just steam some veggies for my Mikey imbes na subukan ko pang makipag-usap sa kanya.
“Vien…”
Kasalukuyan kong nasa entrada ng kusina nang marinig ko ang boses ni Yael. Maingat akong umikot paharap sa direksyon nila.
“Hi,” Vien greeted with a sweet-sweet smile on her face. Pero parang kanina lang ay maasip pa siya sa sinigang na sampalok.
“Hey. Um… what brings you here?” tanong ni Yael. He looks quite surprised.
I bet he wanted to pull Vien and hug her tight pero hindi niya magawa dahil hawak-hawak niya si Mikel.
“I’m here to give your wrist watch… Hindi ba na misplaced ko kaya iyong coat mo lang yung nakuha mo nang puntahan mo ‘ko sa condo ko?”
Her voice was loud enough for me to hear her statement.
Wow. So pumupunta pa rin pala si Yael sa condo niya. Wala lang, nagulat lang naman ako. Pero hindi naman ako tutol, no hard feelings. Wala rin akong pakialam.
I don’t care if they have been fucking behind my back or they have been cheating—well, people are gonna call it “cheating” since Yael and I are still married. Pero ano naman ngayon?! Doon sila masaya!
They could have sex anytime they want for all I care! Hindi naman sa marumi ako mag-isip, pero ano pa ba ang gagawin ni Yael sa condo ni Vien? They’ve been together for a year and counting! Sa tagal ng relasyon nila alanganamang nag jack en poy lang sila.
“Oh, thank you. Nag-abala ka pa. Sana tinawagan mo na lang ako para ako na lang ang kumuha.”
Syempre naman ‘di ba? Sana nga naman Vien ay tinawagan mo na lang siya nang naka score naman siya.
“It’s not really a big deal. Anyway, it’s in my purse. Ibibigay ko na lang sa’yo mamaya kapag… you know.”
Inginuso ni Vien si Mikel and I didn’t like that. My son is not some puppy that she couldn’t acknowledge properly!
Yael looked at Mikel. “Ah, sige…”
“Anyway, you look good in your uniform... as always.” She flashed her sweetest smile. Translation: I can’t wait to see what’s underneath that uniform.
Yael chuckled. “Thanks… my son and I have been playing. I’m the pilot and he’s my co-pilot.”
I just noticed that Yael’s so nice with Vien. Tapos kapag sa akin ay palaging naka kunot ang kanyang noo o di kaya’y salubong ang kilay.
What do I expect? Si Vien ang girlfriend, siya ang mahal e. I’m just his wife that he agreed to marry because of our son.
Why am I watching and eavesdropping anyway?
“I see you’re getting along with… your son.” Her last words sounded bitter in my ears. I noticed that, kahit na pagtakpan niya pa iyon sa mga matatamis niyang mga ngiti.
Yael smiled. “Yeah, it’s quite tough to gain his trust.” He answered as he run his fingers through our son’s wet hair.
“Dada, plane!” Mikey said.
“Yes, buddy. We’ll continue playing later… Say hi to tita Vien first.”
Umiling si Mikel at sinubo ang kanyang daliri. “No.” aniya.
“Mukhang hindi niya ako gusto.”
“Told you, it’s quite tough to gain his trust but we can work on that.”
I pressed my lips together. May kung anong pagtutol akong naramdaman sa loob ko. The thought of Mikel liking Vien, pakiramdam ko mawawalan ako ng papel sa buhay ng sarili kong anak.
I mean, that was really the plan, right? Yael’s plan actually. He never really told me about this but I think matapos na mapawalang bisa ang kasal namin he’ll get his happy ending with Vien tapos syempre they’ll get married eventually.
And of course, you know how it’s gonna end. Mikel will end up trusting Vien or he might end up liking her too… and I’m not ready for that. Si Mikel lang ang meron ako na sigurado ako.
“Dada… milk.”
“Aww, he’s so cute!” Vien exclaimed. Her enthusiasm was as fake as those iPhone with dual sim.
“Oh right, we’ll going to get you your milk… Sandali lang, Vien.”
I guess this is my cue to come into the scene. I let out a deep sigh before stepping in.
“My-my!” Mikel immediately stretched his arms towards my direction the moment he saw me.
Sabay na napatingin ang dalawa sa gawi ko.
“Akin na muna si Mikel.” I said quietly.
“He’s hungry.” Yael informed habang ibinibigay niya sa akin si Mikel.
Tumango lamang ako nang hindi man siya tinitingnan. Sa mukha lang ni Mikel ang focus ko.
“Aww my baby’s hungry!” I said playfully at Mikel habang kinukuha ko siya kay Yael.
Nang makuha ko na si Mikel ay hindi na ako nag-paalam sa dalawa, kaagad ko na silang nilampasan para iakyat na ang anak ko.
“My-my, milk!” while we’re on our way upstairs, Mikel’s kind of losing his temper. Baka kanina pa siya gutom. Laro kasi nang laro!
“Yes, sweetheart, mommy’s gonna feed you.” I coaxed.
Pagpasok namin sa kwarto niya sa umupo ako sa gilid ng kama kung saan madalas natutulog si Yael. I tugged my shirt upwards, enough to expose my right breast for Mikel to latch on.
Kaagad naman na nag-latch si Mikel dahil sa gutom niya. And again, just like the old times, he started playing with my necklace again.
“You’re just going to drink milk, okay? Hindi ka pa pwedeng matulog. I still have to change your clothes.” Bilin ko sa kanya.
Ilang minuto pa lang ang nakalipas mula sa pagbe-breastfeed ko kay Mikel ay bigla na lamang bumukas ang pintuan. I was stunned when I saw Yael and I’m positive that he was stunned too when he saw me in this kind of state.
I noticed that his ears turned red and so as my cheeks. Dammit! What is he doing here? Akala ko naman ay magtatagal pa sila ni Vien sa baba!
“W-what are you doing?”
I wet my lips. “I don’t know, Yael. Swimming, I guess.” I retorted sarcastically to his stupid question just to cover up my embarrassment.
And what the hell is embarrassing in breastfeeding my son?
“That’s funny, Beatrix.” He replied dryly.
“Bakit, ano ba kasi sa tingin mo ang—Aww! God!” I yanked Mikel out of my breast.
“What happened?” kaagad na lumapit si Yael sa amin.
“He bit me!” daing ko. Damn, it fucking hurts! Gusto kong manapak sa sobrang sakit!
“Maybe it’s his way to stop you from being sarcastic…”
I glared at Yael habang maluha-luha na ang mga mata ko. He was taken aback when he saw my teary eyes.
“I’m serious, Yael! It really hurts!” I hissed. I’ve got no time for his sassy remarks.
Tang ina! Kulang na lang matanggal na yung nipple ko!
“Let me see…” he leaned down to lift my shirt up pero kaagad ko siyang pinigilan.
“What? No!”
He looked at me dead serious. “Titingan ko lang, Beatrix.”
Umiling ako. “No!” I said, sounding like Mikel. Maluha-luha pa rin ako dahil kumikirot pa rin iyon sa sakit.
But there’s no way I’ m showing my nipple to him!
“It’s not like I haven’t seen that before!” pagmamatigas niya. Yael throwing our past activities back makes me caught off guard.
Sinamantala niya iyon upang tuluyang maitas ang shirt ko. I can feel my cheeks warming up. Maging ang mga balahibo ko ay nagsisitayuan na! He’s not touching me but I can feel his dark eyes staring at my nip!
Hindi ko alam kung ilang beses akong napalunok.
“It’s quite swollen.” Aniya at muli nang ibinaba ang shirt ko. Doon lamang ako nakahinga nang maluwang.
Nagbaba siya nang tingin kay Mikel na kasalukuyang pinapanood kami.
“That was not a nice thing to do, Mikel.”
Maging ako ay nagbaba nang tingin kay Mikel. He pouted while looking at Yael who’s still not smiling at him.
“Hindi mo dapat sinasaktan ang mommy mo. Next time don’t do it again, okay?”
I felt a fuzzy warm inside me. He sounded so concern and it’s so freaking beautiful.
Lalong humaba ang nguso ni Mikel at bigla na lamang siyang umiyak.
“Dada…” he called his daddy painfully while sobbing.
Biglang napangiti si Yael at maging ako ay napangiti rin. Oh my God! My son is so attached with Yael!
“Hey, hey, don’t cry…” natatawang pagtatahan ni Yael. His voice was filled with amusement and happiness.
Kinuha siya ni Yael mula sa akin at kaagad namang yumakap si Mikel sa daddy niya. Idinantay niya pa ang ulo niya sa balikat ni Yael habang nagpapa-awa. Gusto kong matawa, our son is really something.
“Daddy’s not angry at you, no, hinding-hindi ako magagalit sa’yo.” Pagtatahan ni Yael.
“Pero hindi pa rin tama iyong ginawa mo… you should apologize to your mommy.”
“Ano ka ba, Yael. He’s just a kid. He doesn’t know what he’s doing.” I said, still feeling overwhelmed.
“No, it shouldn’t be like that. Dapat nga habang bata siya ay nalalaman niya na kung tama o mali ba ang ginagawa niya. Hindi siya matututo kung gagawin mong excuse ang edad niya… mas maganda nga iyong tuturaan na natin siya habang bata pa lang para hindi na sumakit ang ulo natin kapag naging teenager na siya.”
I bit my bottom lip. He used the ‘natin’ word again. Sa tuwing sinasabi niya iyan ay hindi ko mapigilang hindi mapaisip na included ako sa mga plano niya. It was like we’re both in this together. Para kaming team.
Sinaba niya rin na para hindi na sumakit ang ulo namin kapag naging teenager na si Mikel. Gusto kong umasa doon; gusto kong isipan na magkasama pa rin kami kapag naging teenager na si Mikel, pero hindi e. I should wake up.
“Come on, buddy. Apologize to mommy… say sorry mommy.” Yael urged. Umalis si Mikel mula sa pagkakadantay niya sa balikat ng daddy niya at hinarap ako.
His eyes are still sparkling because they’re covered in tears, I felt bad for my baby. Damn! Pati sa anak namin ay ganito ang epekto ni Yael.
“My-my… sowy…” nakanguso niyang sabi sabay gusot sa mata niya. My heart was touched at maging ako ay napanguso rin.
“Aww, it’s okay, baby.”
Tumayo ako mula sa kinauupuan ko saka ko siya kinintalan ng halik sa sentido.
“I guess he’s still hungry… does it still hurts?”
“Like a bish.” I replied. Parang na trauma na yata ako. I guess it’s time for my son to stop latching on my breast.
"Magpa-pump na lang ako... I'll be back."
Nag-pump na lang ako ng gatas at inilagay iyon sa bote para iyon ang ibigay ko kay Mikel. I didn't take too long, sinadya ko na ring bilisan dahil ayaw gutom na ang anak ko.
"So... What did Vien say?" I asked while feeding Mikel. He's standing in front of us and his arms are crossed on his chest while watching us.
"Bakit itinatanong mo pa, narinig mo naman lahat."
Napalunok ako at pakiramdam ko ay tinakasan ako ng kulay.
"H-ha? A-ano bang pinagsasabi mo diyan?"
Kinakabahan akong natawa. Shit!
Tinaasan niya ako ng kilay. "You think I didn't see you? You were eavesdropping..."
"I-I am not! Isa pa, w-wala naman akong narinig! At ang kapal naman! Hindi ako interisado sa mga usapan niyo!"
"Yeah, sure, whatever." Matabang niyang sabi habang may kung anong kinakapa sa bulsa niya.
"Damn... Hindi niya naibigay sa akin ang watch ko." He said under his breath.
He's more like talking to himself but I heard him so yeah.
I bet it's just his excuse para puntahan ulit si Vien sa condo niya! This jerk! Can't he live without sex?!
I sneered. "Bakit hindi mo puntahan ulit sa condo niya? Just like what you did when you get your coat from her."
I couldn't hide the sarcasm in my voice.
Tumawa siya nang pagak. "At wala raw siyang narinig... Oh, it's here."
May kung ano siyang kinuha sa back pocket niya at inaangat niya iyon malapit sa mukha ko.
"Next time if you want to join the conversation, just do it... Hindi naman kita pagbabawalan. No need to eavesdrop." Nakangisi niyang sabi sabay talikod sa akin.
"Ugh!" I groaned pagkasara ng pintuan at kumuha ng isang unan para ibato doon.
--
I woke up with the strong smell of a man’s perfume filling my nostrils. Dahan-dahan kong imunulat ang mga mata ko at laking gulat ko nang makita ko si Yael na kasalukuyang binu-button ang shirt niya.
Aalis ba siya? Makikipagkita ba siya kay Vien? Bigla siyang tumingin sa direksyon ko kaya nagtama ang mga mata namin.
“Gising ka na pala… maya-maya ay maligo ka na dahil aalis tayo.”
“Tayo? Aalis? Saan tayo pupunta?”
Tumango siya at muling bumalik sa pagbu-button ng shirt niya.
“At my parents’ house.”
Napakagat ako sa labi ko. Pupuntahan namin mamaya sina tita Yngrid at tito Viktor? Sabi ni Yael ay dapat daw gawin namin ang normal na ginagawa ng mag-asawa sa tuwing kaharap namin ang pamilya niya.
And I don’t understand why.
“Si Mikel?” tanong ko na lamang.
“Nakay Linda… Nakabihis na rin siya dahil pinaliguan ko na kanina.” aniya habang itinutupi ang sleeves ng shirt niya hanggang ilalim ng siko.
Napamura ako sa isipan ko. Really, Beatrix? Ganyan lang ay napapamura ka na?
“Marunong ka?” tanong ko na lang.
“Yeah, thanks to google.”
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para itago ang mga ngiti ko. He really is passionate about being a father. Talagang ginoogle niya pa ang pagpapaligo kay Mikel.
I slipped under the covers saka na ako bumangon. Napansin ko ang bahagyang pag nga-nga ni Yael saka ng pagtaas ng isa niyang kilay habang nakatingin sa akin.
Kinunotan ko siya ng noo, he just rolled his eyes saka nag-iwas nang tingin.
What the hell is his problem now?
Maging ako ay napairap na lang at nagsimula nang maglakad papasok sa banyo pero natigilan ako nang mapadaan ako sa salamin ni Yael dito sa kwarto.
Tsk, tsk. I’m wearing the goddamn lingerie that Jessica gave me. Malakas naman kasi ang loob ko na magsuot ng ganito dahil hindi naman kami magkatabi na natutulog ni Yael. He’s always on Mikel’s room.
Pero ano ba ang rason niya para irapan ako? Hindi naman sa pagmamayabang but I think I look good on these! Naiinis ba siya dahil gusto niya na si Vien lang ang nakikita niyang naka-ganito?
Ha! Bahala sila, I will wear whatever I want to wear. It’s not like he’s going to… to bang me! Loyal siya sa Vien niya!
Dumiretso na lang ako sa banyo at pabagsak na isinara ang pintuan. Hindi ko alam kung bakit umagang-umaga ay naiinis ako.
--
"Come here..." He snaked his free arm around my waist at para akong nakintal doon. Napasinghap pa ako!
Nandito na kasi kami sa harapan ng mansyon nila! Nakalimutan ko, dapat pala ay para kaming nagmamahalan kapag ang mga magulang niya ang kaharap namin.
Hindi ko man nakikita ang repleksyon naming tatlo but I can say that we look perfect. Karga-karga niya si Mikel gamit ang isa niyang kamay, habang ang isa naman ay nasa bewang ko.
I can feel the warmth of his palm. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa tight ang dress na suot ko o sadyang mainit lang talaga ang palad niya.
Everyone greeted us nang pagpasok namin sa loob. I roamed my eyes around the place.
It's still the same as I saw it from the first time. Pero hindi ko alam kung bakit parang may nag-iba kahit wala naman talaga.
"Sir, may ipapakuha ho kayo sa loob ng sasakyan?"
I remember her. Siya rin iyong maid na sumalubong sa amin noon ni Yael.
"Yes, paki kuha na lang 'yung cake doon. It's not locked. Salamat." Utos ni Yael.
"Ah sige po, sir."
Wala naman sana kaming dadalhin pa but I insisted to buy something kahit cake man lang sana. Nakakahiya naman sa mga magulang ni Yael kung wala kaming dala.
"Sir, tumawag po si sir Viktor... Mga mamayang alas tres pa daw po siya makakauwi dahil may urgent meeting." Sabi noong isa na may dala-dalang isang pitsel ng orange juice.
Nagpa-palit-palit ang tingin niya sa aming dalawa ni Mikel. Parang gustong niyang magtanong ngunit pinigilan na lang niya ang sarili niya at nginitian ako.
I smiled back at her.
Tipid na ngumiti si Yael. "It's okay... Maghihintay na lang kami."
Humiwalay lamang ang braso ni Yael na nakapalupot sa bewang ko nang umupo na kami sa sofa. At ngayon ay pwede na akong huminga.
"Um... nasaan nga pala si..." He paused.
"Ang mama niyo po, sir? Nasa kwarto po. Natutulog pa yata." Sagot nito habang nagsasalin ng juice sa baso na nasa coffee table.
Tiningnan ko siya Yael. Umigting ang kanyang bagang sabay tango.
Kumunot ang noo ko. I don't know what's going on. Bakit ganito? Bakit parang iba?
Yael cocked his head towards my direction kaya napilitan akong mag-ayos ng mukha.
"Could you hold Mikel for a minute?"
Kaagad akong tumango. "Of course." sagot ko at ako na ang kumuha kay Mikel.
He stood up and he leaned his head down on Mikel to kiss his forehead.
"I'll be back." Aniya. Hindi ko alam kung kay Mikel niya iyon sinabi dahil sa akin siya nakatingin.
Hindi ako tumango o ano. Baka mamaya hindi naman niya pala sa akin sinasabi, isipin niya pa ay assuming ako.
Nang tumalikod na si Yael ay pinood ko siya habang paakyat ng hagdanan.
"Dada..."
"Ikaw naman miss mo kaagad ang daddy mo. Nagseselos na 'ko ah." Biro ko saka ko siya pinaulanan ng halik.
Ang gwapo pa naman ng anak ko sa suot niya ngayon. He's wearing the same color of buttoned shirt as Yael. Ang kaibahan nga lang ay long sleeves ang kay Yael na itinupi niya hanggang ilalim ng siko habang ang kay Mikel naman ay short sleeves.
Halatang si Yael nga ang nagpaligo at nagbihis sa kanya dahil matchy-matchy sila!
"Ma'am, totoo nga po pala... may anak na kayo ni sir Yael."
Mukhang hindi na niya napigilan ang sarili niya.
I smiled nicely and nodded my head.
"Kamukhang-kamukha po ni sir Yael."
Natawa ako nang bahagya. "Trust me, hindi lang ikaw ang nagsasabi niyan."
"Sigurado pong matutuwa sina sir Viktor kapag nakita nila ang apo nila."
"I hope so..." I said as I holds Mikel firmly. Gusto kasi niyang bumaba mula sa pagkakakandong sa akin.
"Mikel, no. Baka mamaya makabasag ka pa." Saway ko sa kanya.
"Naku ma'am, kapag nakabasag ang anak niyo ay baka palakpakan pa siya nina sir Viktor. Sigurado ako na sabik sila sa kanya dahil ngayon lang nila siya makikita."
Natawa na lamang ako at medyo relieved na rin dahil hindi na siya nagtanong pa.
"Siya nga pala, kailan pa nakabalik sina tito Viktor galing ibang bansa?"
Kumunot ang noo niya. "Po? Hindi naman po sila lumabas ng bansa."
Saglit akong natigilan. Pero ang sabi ni Yael ay kaya hindi sila naka-attend noong kasal namin ay dahil nasa ibang bansa sila?
I let out a forced laugh. "Ahh... Baka nagkamali lang ako ng dinig." Sabi ko na lang pero kanina pa ako napapaisip.
The maid excused herself and I was left here with my own thoughts.
Why would Yael lie to me about that? At bakit hindi pumunta ang mga magulang niya noong kasal namin?
I felt a pang on my chest. Baka hindi na sinabi ni Yael sa kanila dahil pinilit ko lang naman siya na pakasalan ako. Maybe to him our marriage is not something worth telling his parents.
Baka nga kahapon niya lang sinabi na ikinasal na pala kami at may anak na kaya nandito kami ngayon sa bahay nila.
Ano nga ba naman ang big deal doon? I'm just Beatrix. His desperate ex who's now his wife.
"Dada!" Mikel exclaimed at nagpumilit siyang kumawala sa akin. I'm in my deep thoughts kaya nabitawan ko siya at tumakbo siya papalapit kay Yael.
"Hey, buddy..." Bati ni Yael kay Mikel saka siya yumuko upang kargahin siya. He kissed Mikel's cheek bago sila lumapit sa kinauupuan ko.
Tiningnan niya ako.
"Umuwi na tayo."
Namilog ang mga mata ko ngunit napalitan din naman iyon kaagad nang pagkunot ng noo ko.
"But we just got here."
"Mamaya pang alas tres ang uwi ni papa, dalawang oras pa ang hihintayin natin kaya umuwi na lang tayo."
"I don't mind waiting." Pagmamatigas ko. What happened to him?
"I do, now let's go." Liar! You don't mind waiting, Yael! In fact you are so good at that!
"Tita Yngrid's here, hindi lang naman si tito Viktor ang pinunta natin dito."
Umigting ang kanyang bagang at sinamaan ako ng tingin.
"Bakit ba ang tigas ng ulo mo, Beatrix?"
"Bakit ba kailangan mong magsinungaling sa akin, Yael?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top