Chapter 11
Chapter 11
Why Marry a Pilot?
“Unexpected moments are the best” they say and I think they're wrong because unexpected moments are great. So freaking great it makes my heart want to melt.
My son crying while longing for Yael and Yael showing up just right in time. That is my greatest unexpected moment. I can still feel the fuzzy and warm feeling inside me.
Napangiti ako habang nakatingin ako sa mag-ama ko. Yael was still in his pilot suit while Mikel's lying on top of him. The two of them are peacefully sleeping.
Ang tagal ding umiyak ni Mikel kanina. Sinubukan ko pa nga siyang kunin para patahanin pero ayaw niyang bumitaw kay Yael. He was clinging to his dad like he's clinging for his dear life.
Nang mapatigil na siya ni Yael sa kakaiyak ay inantok siya that's why they end up with that kind of position… which I find cute. I could even stand here for a day just looking at them and never get bored.
Kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa ng shorts ko. I've got a text from my two girls. Jess and Kaye. They were asking for updates and I can't help but to roll my eyes while smiling like an idiot. Sa tingin ba ng mga babaeng ‘to ay isang series sa netflix ang buhay namin ni Yael?
Jess:
So… got any updates? Buntis ka na ba ulit?
Me:
Wtf, Jess?! I've got updates pero hindi ako buntis!
Kaye:
What now? Ano na ang nangyayari diyan? Miss you!
Me:
Ikukwento ko na lang kapag nagkita-kita na tayo. Miss you too!
After replying to all their messages I tap the camera of my phone which is really my initial plan. Kinuha ko lang naman ang phone ko para picturan sina Yael. Okay lang naman ‘di ba? I'm not being creepy, right? Asawa ko naman siya at anak namin si Mikel! A single shot of the won't hurt. I just want to treasure the moment.
Humakbang ako papalapit, inangat ko ang phone ko upang kumuha ng magandang anggulo. Nang makakuha na ako ay saka ko iyon cinapture.
“Oh crap!” Mahina akong napasigaw sabay baba sa phone ko. Pakiramdam ko ay tinakasan ako ng kulay dahil sa biglaang pag flash nito.
Inilapat ko ang tingin ko kay Yael at napaatras ako nang makita kong nakamulat ang mga mata niya at nakatingin siya sa akin.
My eyes widened at him and I was tongue tied!
Umangat ang sulok ng kanyang labi.
“You should've turn your flash off… against the light ‘yan.”
I felt my cheeks burn as my eyes widened.
I cleared my throat and let out a nervous laugh.
“W-what are you talking about?” Maang-maangan ‘kong.
“You know what I'm talking about.”
He glanced at my phone, kaagad ko naman iyong itinago sa likod ko.
“I-I'm not taking a picture of you! I was texting!”
The line from a diary of a whimpy kid was echoing inside my head. Deny, deny, deny.
Kumunot ang noo niya. He still doesn't look convinced that I was just texting though but at least it looks like he's going to let that topic slip off.
“Who are you texting?”
“Kaye and Jess… T-They're missing me.”
His features relaxed. “Why don't you tell them to come over?” Aniya at nagbaba nang tingin kay Mikel na natutulog pa rin.
My face lightened. “R-Really? Pwede?”
“Of course… Sabihan mo na lang sina Linda at Charla na magluto para sa mga kaibigan mo.”
Lalong lumawak ang mga ngiti ko.
“No, no. It's okay. I'll cook!” I couldn't hide the enthusiasm in my voice. Nae-excite ako! Namimiss ko na rin kasi ang dalawa!
I bit my bottom lip. “Basta tawagin mo na lang ako kapag nagising na si Mikel.”
He closed his eyes and hugged Mikel who's still on top of him.
“It's okay. I got him. Just go and enjoy yourself with your friends.” nakapikit niyang sabi.
Medyo nagulat ako doon. Why is he being nice to me?
Ipiniling ko na lamang ang ulo ko. I have to text Kaye and Jess! Paglabas ko ng kwarto ni Mikel ay tinext ko sina Kaye at Jess.
Luckily, kaagad namang nag reply ang dalawa. Ang text ni Jess ang nauna kong nabasa and she's quite frustrated that she can't come. Colton's not home and ayaw namang iwanan ni Jess si Nice-Nice kasama ang mga kasambahay nila.
Ang sabi ko naman ay pwede naman niyang isama ito pero malayo daw ang Manila at mapapagod lang daw si Nice-Nice sa biyahe, kung bakit daw ba kasi dito kami sa Manila inuwi ni Yael. Naiintindihan ko naman, nakakapagod nga talaga ang magbiyahe. Lalo na Nice-Nice's still a baby.
Kaye:
Wow. Hindi ba nakakahiya sa asawa mo?
Me:
Actually siya pa ang nagsabi na papuntahin ko daw kayo dito.
Kaye:
Hmm… guess you followed Jessica's tip. Magaling siguro ang pagkaka indayog mo sa ibabaw niya kaya ka niya pinagbibigyan ngayon.
Halos mabitawan ko ang phone ko matapos kong mabasa ang reply ni Kaye.
Me:
Damn you, Kayeleen Contreras! Walang nangyari samin!
Ugh! Bakit puro na lang ganyan ang pinag-uusapan namin? Palagi nila kaming binabahiran ng kabastusan ni Yael. Ni ayaw nga akong tabihan nung tao sa pagtulog!
--
“Dada!”
Mikel called Yael out while stretching his arms towards his direction. Hindi pa man nakakalayo si Yael ay tinatawag na niya kaagad ito.
“Anak, magpapalit lang si daddy mo.” sabi ko kay Mikel.
“Dada! Dada!”
kaagad siyang tumakbo papalapit kay Yael at nag-angat siya nang tingin dito. Hinarap siya ni Yael at nagbaba nang tingin sa anak habang natatawa.
“Oh sige, sama ka sa'kin magpalit ng damit.” Nakangiting sabi ni Yael saka niya ito binuhat.
Mikel giggled showing his tiny front teeth while clapping his tiny hands.
“Iwanan mo na lang siya dito, Yael. Magpalit ka na lang kaagad kasi… Baka mahulog pa ‘yan sa kama o kaya mauntog! Alam mo namang ang likot-likot niyan.”
Binalingan ko nang tingin si Mikel. “Maiwan ka na lang dito kay mommy ha? Mabilis lang naman si daddy magpapalit. Tara na.”
I stretched my arms towards him pero inilingan niya lang ako.
“No, my-my… Dada…” he tried cooing something and the only words that are clear were his ‘no’, ‘my-my’, and ‘dada’
Yael laughed while looking at Mikel. It was like he's laughing just for him. I’m not gonna lie, I missed the sound of his laugh.
“You coming with me, buddy?” Ani Yael at kiniliti si Mikel sa tiyan. Tawa lang naman nang tawa si Mikel.
I was just watching them nang biglang may kumatok. Si Yael na ang nagbukas ng pintuan gamit ang isa niyang kamay dahil siya naman ang malapit sa pintuan.
“Yes, Linda?”
“Nandiyan na po yung bisita ni ma'am, sir.”
“Okay sige… papasukin niyo na at ipaghanda nang maiinom. Bababa na rin si Beatrix. Salamat.”
Mikel was playing on his daddy's jaw while he was talking to Linda. Mukhang hindi naman iyon inalintana ni Yael dahil patuloy pa rin siya sa pakikipag-usap at hindi binabawalan si Mikel.
“Sige po, sir.”
Muling isinara ni Yael ang pintuan at tiningnan ako.
“Sige na, bumaba ka na.”
“Sige, asan na si Mikel isasama ko na muna siya sa baba.”
He frowned. “It's not like I'm gonna let something bad happen to him. He's my son too, Beatrix. Relax.”
I sighed. “Sige na nga…” sabi ko at humakbang papalapit sa kanila.
“Bababa na si mommy. H'wag kang malikot, anak.” Bilin ko kay Mikel. I leaned forward to give him a kiss on the cheek, sakto namang ibinaling niya ang ulo niya sa kabilang direksyon kaya si Yael ang muntik ko nang mahalikan!
Kaagad akong umatras at pakiramdam ko ay sobrang pula ko na. What the fuck!
“M-Mikel naman…” Kinakabahan kong sabi sabay punas ng pawis ko sa noo.
Tinaasan ako ng kilay ni Yael. Now why is he giving me that kind of look? Parang may ginawa akong masama ah!
“B-bababa na talaga ako. Tawagin mo ako kaagad kapag gutom na si Mikel… kapag umiyak siya o di kaya kapag puno na ang diaper niya. Tapos h'wag mo siyang papabayaang mag-isa sa mga matataas—”
“Dammit, Beatrix, oo na! Sabi nang ako na ang bahala. You’re just going to meet your friend downstairs. Hindi ka mag a-abroad.” Medyo irita niyang sabi.
Aba! Ano bang nakakairita sa sinabi ko para mairita siya? Nakakairita bang magbilin na tawagan ako kapag kailangan ako? Hindi ba mas nakakairita kapag ayokong nagpapaistorbo dahila lang sa kasama ko ang kaibigan ko?
“Aba, sorry naman ano? Halos ako lang po kasi mag-isa ang nag-aalaga kay Mikel kaya pasensya na kung hindi po ako sanay na mag chill at iwanan siya kahit ilang hagdan lang ang pagitan! Sorry ‘no? Sorry!”
Sarcastic kong sabi.
Pinaningkitan niya ako ng mga mata.
“So, was it my fault then?” he challenged.
He was like daring me to blame him and he'll put all the blame on me in the end, which is on point naman. Syempre nga naman, itinago ko kasi ang pagbubuntis ko sa kanya.
“Whatever… Bye, Mikey.” Sabi ko at kinuha ang kamay niya. Iyon na lang ang hinalikan ko bago ako tuluyang bumaba.
Natapos ko na ang lahat bago pa dumating si Kaye. Nakaligo na ako at nakapag bake na rin ako ng lasagna. Naging mabilis anh trabaho ko dahil sa pagtulog sa akin nila Linda at Charla.
“Kayeee!”
“Beatrix!” Excited naming sinalubong nang yakap ang isa't-isa.
“Pasensya na, hindi ako kaagad nakababa. Namiss kita!”
“Namiss din kita!”
“Saan na pala si Mikel?” Tanong niya at
sumipat sa itaas.
“Na kay Yael.”
Bahagya siyang nagulat.
“Really? Gusto na siya ni Mikey?”
I smiled widely at her. “Yes. Ayaw na nga niyang humiwalay. Lalakad lang nang kaunti si Yael tatawagin na siya kaagad ni Mikel.”
Gusto kong idagdag na kanina lang nangyari iyon pero baka mag-iyakan kami dito ni Kaye kapag nagpakwento pa siya kung paano ang mga nangyari.
“Wow, that's good to hear!”
Bumalik siyang muli sa pagkakaupo niya sa sofa at sumunod naman ako sa kanya. Napansin kong may dalawang kulay pulang box sa may coffee table.
“Ano ‘yan? Nag-abala ka pa!”
“Ano ka ba naman… Cassava cakes lang ang mga ‘yan. Iyan na nga lang ang nabili ko, nagmamadali kasi ako. Excited much, e!”
Natawa ako sa gaga. “Salamat, salamat. Oh, kumusta ka naman?”
“Heto medyo stress sa work pero keri lang naman…”
Ngumuso ako. “Bigla ko tuloy namiss… Magdadalawang taon na akong hindi nagta-trabaho.” Medyo malungkot kong sabi.
I missed taking care of my patients, doing infinite charts, and also complaining that I a one year straight off just because I had a very tiring duty.
“Pwede ka namang bumalik lalo na't may katuwang ka na sa pag-aalaga kay Mikel.” Aniya at itinaas baba pa ang kilay niya.
I frowned. “Alam niyo naman ni Jess ang sitwasyon ko at isa pa, gusto kong mas matutukan si Mikel hanggang sa lumaki siya. Tsaka baka mamaya biglang pabalikin si Yael sa trabaho tapos matagal siyang mawala. Sino nang magbabantay sa anak ko?”
“Kunsabagay. May point ka naman… Pero ikaw ba kumusta na?”
“I'm doing just fine.” Sagot ko na totoo naman. Ayos lang naman talaga ako.
“E kayo ba ni Yael kumusta na?” humina ang boses niya.
“Dapat ba talaga kaming kamustahin?” ngumisi ako nang hilaw sa kanya sabay basa ng pang-ibabang labi ko.
“Aba, syempre naman! Kayo ang mag-asawa dito!”
Tumawa ako nang peke.
“Oo, sa papel.” I joked, bitterly.
Inirapan niya ‘ko.
“Sigurado naman ako na may feelings pa sa'yo ‘yan! Hindi naman papayag na matali sa'yo yang si Yael kung mahal niya talaga ‘yung jowa niya.”
“Hindi siguro, Kaye… Ni tabihan nga ako ay ayaw niya. Pero tama ka naman, may feelings pa sa'kin ‘yon. Hatred, Kayeleen. Hatred!”
Natawa naman siya nang bahagya sa biro ko na may katotohanan din.
“Ewan ko na lang talaga, Beatrix… Ako ang nahihirapan sa'yo, e!”
I looked at her ridiculously.
“Chill mo lang… Wala naman din akong pakialam kahit ayaw na niya sa akin. Sanay na rin naman akong wala siya. And I know for a fact that all of these are just temporary,” I paused.
“Lahat nang ito ay mawawala din after a year… including Yael. Si Mikel lang naman ang permanente. Siya lang ang matitira sa akin and that's perfectly fine.”
I guess not really ‘perfectly’ but I'd be just fine.
She looked at me with sadness in her eyes. Kaagad naman akong ngumiti sa kanya at ginawang masigla ang mukha ko.
“Kayo ba ni Matt, kumusta na? Mabuti hindi mo siya kasama?” pang-iiba ko nang topic.
“Nasa trabaho pa. Next week pa ang uwi niya ulit…”
“Oh, magtu-two years na rin kayo ‘di ba? Wala pa bang kasalan diyan?” I teased.
She blushed. “Ano ka ba, wala pa! Porket magtu-two years na kami kasalan na kaagad ang bagsak namin? Malay mo mag break na kami bukas. Joke lang!” kaagad din naman niyang bawi.
Natawa ako sa kanya. Siraulo talaga ang babaeng ito. Kung nandito lang siguro si Matthias at narinig niya ang kalokohan ni Kaye ay baka nagsalubong na ang mga kilay niya.
“Kunsabagay, enjoy your life first! Mag jowa ka na lang muna nang piloto sa ngayon... Tsaka why would you marry a pilot?”
“Why not?”
Sabay kaming napatingin ni Kaye sa kinaroroonan noong nagsalita. We both saw Yael with Mikel's in his arms and he's still in his pilot suit! Bakit ba hindi pa nagbibihis ang isang ‘to? Ang kulit din kasi! Sinabi ko nang ako na muna ang bahala kay Mikel para makapagbihis na siya e!
Tapos ngayon naman ay sumisingit siya sa usapan namin ni Kaye? Tss.
“Oh, hi Yael!” tumayo si Kaye para makipagbeso kay Yael.
“Hi…” He greeted back.
“Cute-cute mo!” Pinanggilan ni Kaye si Mikel bago siya muling bumalik sa pwesto niya. Mikel just frowned and touched his cheek that Kaye just pinched.
Binalingan ako nang tingin ni Yael. “Why does it seems like you're against in marrying a pilot?”
“Baka based on personal experience?” Kaye tried to joke and Yael shot her an unexplainable look.
“Char lang…” She nervously laughed and made a peace sign.
Muling ibinaling ni Yael ang tingin sa akin at tinaasan ako ng dalawang kilay.
“I'm not really against it…” Depensa ko. Pinakasalan nga kita! Duh!
“But you know, marrying a pilot has alot of disadvantages. Hindi mo siya makikita palagi, tapos napapaligiran siya ng mga nag gagandahang flight attendants, tapos malay ba namin kung anong pinaggagawa niyo kapag nasa eroplano na kayo… Nandoon na rin ‘yung pag-aalala kasi baka hindi na siya biglang umuwi.”
Napansin ko ang pagtango-tango ni Kaye.
“Oo nga ‘no?”
“Yeah, right! So why would you want to marry a pilot ‘di ba?”
Umigting ang bagang niya sabay iling. “Alam mo ba kung anong tawag diyan? Overthinking, Beatrix. Hindi naman papatol ‘yan sa mga flight attendants at sa'yo pa rin ang uwi niya kung mahal ka talaga.”
“Iyon na nga, e! Hindi nga kasi ako mahal!”
I heard Kaye's gasp. Maging ako ay gusto ko nang sabunutan ang sarili ko lalo na nang makita ko ang pagkunot ng noo ni Yael at pagtiim nang kanyang bagang.
Fuck, Beatrix! Saan naman kasi galing iyon?!
“I-I mean paano kung hindi naman talaga mahal? ‘Di ba? Ah basta! Bumalik ka na lang dito kapag may maganda ka nang rason na maibibigay!”
“I've got so many reasons why you should marry a pilot, Beatrix…”
Kampanteng-kampante niyang sabi sa akin.
Mikel was still in his arms. Tahimik lang siya doon at nilalaro ang wing pin na nasa uniporme ng daddy niya.
“Sige nga, sample nga Yael.” pagsakay pa nang gaga kong kaibigan!
Yael grinned and fixed his gaze at me.
“Well, we know how to push all the right buttons. We know this four cycles of an engine and those include suck, squeeze, bang, and blow. We have good hand-eye coordination, we can also go on with or without seeing… We make smooth and precise approaches, we know lots of different maneuvers. What else? Hmm… We like to go fast, that’s for sure.”
Ilang beses akong napalunok sa sinabi ni Yael at si Kaye naman na nasa tabi ko ay kanina pa nakatingin sa akin at nagpipigil ng tawa.
What the fuck! Hindi ko kinaya ang mga pinagsasabi ni Yael! Gusto yata niya akong atakihin sa puso! At hindi na siya nahiya dahil karga-karga niya pa si Mikel!
Kaye cleared her throat. “Thank you so much for that, Yael. Bukas na bukas ay aayain ko na si Matthias na pakasalan ako.” may halong pang-aasar ang tono ni Kaye.
Parang sa bandang huli ay sila pa ni Yael ang nagkampihan ah!
“Good for you.” Yael replied.
I gave Yael a sharp look. “Akala ko ba nagbihis ka na? Akin na nga muna si Mikel nang makapag palit ka na.”
“We're still playing, mamaya na ako magpapalit. Babalik na kami sa kwarto… Kaye, kumain ka, ha? Beatrix baked a lasagna.”
“Sige, salamat Yael!” nakangisi pa ring sagot ni Kaye. Muli akong binalingan nang mapang-asar na tingin ni Yael bago siya tuluyang umakyat kamasa si Mikel.
Napatampal ako sa noo ko. “Tumatanda talagang bastos ang lalaking ‘yon!”
Humalkhak nang malakas si Kaye.
“You should've seen your face, Beatrix! You're blushing like hell! Siguro iniimagine mo yung ‘squeeze’ ‘suck’ ‘bang’ and ‘blow’ ano!”
Pinaningkitan ko nang mga mata si Kaye. “Isa ka pa, e! Kanina ka ba talaga kampi?”
“Syempre sa'yo! It's just that your husband is making a good point.”
I looked at her in disbelief.
“Good point?” Baka kabastusan kamo!
“Yes! Don't tell me hindi mo pa na-experience ang skills niya? H'wag kang pa virgin, may anak na kayo!”
My cheeks heated as a bite my lower lip hard. Of course, I did. There's no doubt that Yael is great in bed… and he definitely liked to go fast.
Umiling ako kaagad. Tang ina naman! Ano ba naman ‘tong mga pinag-iisip ko?
It was almost 5 nang umalis na si Kaye. I had a great time talking to her kahit na mas madalas pa ang pang-aasar niya sa akin. Pinuri niya naman ang lasagna na ginawa ko kaya okay na. Akala ko nga walang lasa iyong ginawa ko, mabuti na lang at nagustuhan niya.
Ewan ko na lang mamaya kung si Yael ay masasarapan din sa gawa ko.
“Ma'am ako na po ang maghuhugas niyan baka pagalitan kami ni sir niyan.” Sabi ni Linda.
“Hindi, ako ang bahala sa kanya… Patapos na rin naman ako.”
“Ma'am naman, e… Ako na lang po kasi. Binabayaran kami para diyan.”
Magsasalita pa sana ako nang biglang tumunog ang doorbell.
“Mabuti pa buksan mo na lang ang pintuan kapag nabuksan na ni kuya guard ang gate… May nakalimutan siguro si Kaye.”
Napakamot siya ng ulo. “Sige na nga, ma'am.”
Pag-alis ni Linda ay siya rin namang pagtapos ko sa paghuhugas ng mga plato.
Pinunasan ko ang mga basa kong kamay gamit ang towel saka naglakad papunta sa sala.
“May nakalimutan—”
Natigilan ako nang hindi si Kaye ang makita ko.
“V-Vien?”
Yes, it was definitely Vien. She was standing next to Linda wearing a red tight dress that shows her cleavage. Nakasabit naman sa balikat niya ang kanyang designer bag.
Damn! She's back!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top