Chapter 16
Chapter 16
Good
Mga alas dos na nang hapon nang makauwi kami. Buong ingat kong inilapag ang natutulog na si Mikel sa kama kung saan madalas matulog si Yael.
Sigurado ako na mamaya pa ito magigising dahil pagod siya biyahe at busog rin siya dahil dumaan kami kanina ni Yael sa isang food chain bago kami umuwi.
I was actually pissed at Yael because he kept on feeding Mikel a sundae that he ordered. Okay lang naman kung kaunti lang sana pero hindi, halos naghati na nga sila sa sundae. I can't believe him, his son is just one! Masyado niyang ini-ispoil si Mikel.
Tiningnan ko si Yael na kakatapos lang isindi ang AC. He was just standing there while cracking his neck. Nang mapansin niyang nakatingin ako ay nag-angat siya nang tingin sa akin at tinaasan ako ng kilay.
"Make sure you look after Mikel baka mahulog siya. Ako na lang ang kukuha ng mga damit mong pampalit."
Tumango lang siya at humakbang papalapit doon sa kama niya. I can even hear his footsteps, his feet are bare. I just eyed him until he carefully lay on the bed beside Mikel, he was lying on his stomach.
He even wrapped his arm on Mikel's side to prevent him from falling off the bed. Bumuntong hininga ako at nilapitan sila. Kinuha ko ang isa pang unan na nandoon at inilagay sa pa rin sa side ni Mikel. I just wanna make sure.
"Yael..." tawag ko sa kanya. His eyes are still open. Nakatulala lang siya sa headboard ng kama.
"Hmm?"
"W-What do you want for dinner? I'll cook." I bit my bottom lip.
It took a few seconds before he replied.
"I've missed your caldereta." He quietly said. I gulped when I felt my heart skipped a beat. The hell is wrong with me?! Caldereta ang namiss, hindi ikaw Beatrix!
"O-Okay..."
I glanced at them one more time before making my way out of Mikel's room. Nagtungo ako sa kwarto namin ni Yael at mabilis na nagpalit. I slipped into a green loose shirt and satin shorts before preparing Yael's clothes.
Nang matapos kong ihanda ang mga susuotin niya ay muli akong nagpunta sa kwarto ni Mikel. Nadatnan ko silang dalawa sa ganoon pa ring posisyon.
I carefully walked towards them. Sinilip ko si Yael at maging siya ay nakatulog na rin, inilapag ko na lamang ang mga damit niya sa paanan ng kama.
I waved my hand towards Yael's face to check if he's really sleeping it was confirmed that he really is sleeping because he didn't even flinch. I got to see his long lashes and his slightly parted lips because his head was tilted to my direction.
Ang ilang hibla ng kanyang buhok ay natatakpan ang nakakunot niyang noo. Hanggang sa pagtulog niya ay seryoso pa rin siya, parang malalim pa rin ang iniisip niya.
Napangisi ako.
You have to lighten up, Yael Salcedo. Parang pasan mo lagi ang mundo.
And you should get a grip, Beatrix Ponce de Leon— Salcedo. I shouldn't be checking him like this while he's sleeping. I should keep my distance from him; I should be hating him. Pero bakit hindi ko magawa?
Why do I suddenly feel so eager to know what's inside his head? Why do I suddenly want to know about his pain? And why do I want his troubles to be my troubles too?
Bakit ba gustong-gusto kong maging involve kahit pa hindi naman dapat dahil wala na akong puwang sa kanya?
Maingat kong inilapit ang mukha ko sa mukha niya para mas mapagmasdan pa siya.
"You're the reason behind the chaos in my head, Yael Salcedo..." I whispered before pecking a soft kiss on his ceased forehead. The moment my lips touched the warmth of his skin I felt electrified.
Umayos na ako ng tayo at sinilip si Mikel na mahimbing pa ring natutulog.
"I love you, Mikey..." nakangiti kong bulong at hinalikan rin siya sa noo.
--
"Wow, ma'am! Ang sarap mo naman nito!" Puri ni Linda sa niluto kong caldereta.
I bit my bottom lip. "Talaga? Sa tingin mo?" I said, unsure. Baka kasi may kulang o may sumobra na sangkap.
"Opo ma'am! H'wag po kayong mag-alala dahil magugustuhan po nito ni sir Yael!" Nakangiti niyang sabi.
"Ha? Sino ba'ng nagsabing siya ang inaalala ko sa lasa ng inuluto ko?" Depensa ko.
Humagikgik siya. "Ma'am naman, hindi naman po siguro si Mikel ang aalahanin niyo sa lasa ng niluto niyo 'di ba?"
"Oo, tama ka! Si Mikel nga! H-hindi pwede sa kanya ang maanghang."
Kahit kasi paunti-unti ay pinapakain ko na rin ng kanin si Mikel pero tantiyado ko ang mga ipinapakain ko sa kanya at sinisigurado ko talaga na pwede na niyang kainin ang mga iyon.
"Kaya nga po ma'am ipinagluto niyo siya ng sabaw 'di ba? Kasi alam niyong hindi niya kakainin ang caldereta na niluto mo."
Napasimangot na lang ako sa sinabi ni Linda. Ang daldal talaga nito! Ako na lang ang sumasakit ang ulo sa tuwing nag-uusap kaming dalawa.
"Linda! Kinukulit mo nanaman ba si ma'am Beatrix?" Puna ni Charla na kakapasok lang. Dala-dala niya ang isang basket na ang laman ay ang mga damit namin na nakatupi.
Napanguso si Linda. "Hindi naman, ate Charla! Pinupuri ko ang luto ni ma'am..."
"Ewan ko sa'yo, Linda. Hindi na talaga ako magtataka kung sumunod ka sa yapak ni Pipay."
Nanlaki ang mga mata ni Linda. "Excuse me, ate Charla? Mabait si ma'am Beatrix kumpara kay ma'am Vien! Hindi niya naman ako ipapasesante kay sir."
Natigilan ako sa pagbanggit ni Linda kay Vien. Ganoon ba talaga kagaspang ang ugali ni Vien? Pero bakit nakakaya siyang pagtiisan ni Yael?
At isa pa, hindi naman basta magsesesante si Yael ng ganoon dahil sa hiling ng isang babae. Maghahanap muna siya ng valid reason para gawin iyon.
Napabuntong hininga ako. Ganoon niya talaga siguro kamahal si Vien.
I felt my heart twitched and I frowned mentally. Goddammit, heart! What is wrong with you?
"Diyos ko, Linda! 'Yang bibig mo talaga!" Charla narrowed his eyes at Linda.
"Ma'am pagpasensyahan niyo na po si Linda."
I smiled at her. "Okay lang... Mas dapat tayong ma-alarma kapag naging tahimik si Linda. Osya, sisilipin ko muna ang mag-ama." Paalam ko sa dalawa at umakyat na.
Mabilis akong umakyat upang tingnan kung gising na ba sila. Hindi pa man ako tuluyang nakakapunta sa pangalawang palapag ay naririnig ko na ang tawanan nila.
Napangisi ako at mas lalong binilisan ang mga hakbang ko para puntahan sila. Tumigil ako sa tapat ng kwarto ni Mikel at binuksan ang pintuan para tingnan kung anong ginagawa nila.
Yael was sitting on the floor with his legs wide opened and Mikel was standing in between while pinching his daddy's nose.
"Now I can breathe..." Yael chukled. Bagamat napapangiti ako ay hindi ko maiwasang hindi mapakunot ang noo dahil hindi ko maintindihan kung anong ginagawa nila.
Bigla akong napaayos nang dumako ang mga mata sa akin ni Yael pero kaagad din naman niyang ibinalik ang tingin kay Mikel.
"Mommy's over there... look." aniya at itinuro pa ako.
I love how he always informs Mikel everytime that I am here. Pakiramdam ko tuloy ay ayaw niya akong ma left out kay Mikel lalo na sa tuwing nagbo-bonding sila.
"My-my!" Mikey smiled and his eyes smiled too. Natawa ako at tuluyan nang naglakad papasok ng kwarto.
"What are you two doing?" Nagpalipat-lipat ako nang tingin kay Yael at Mikel.
Yael grinned before scooping Mikel as he stands up. Lumapit siya sa akin habang karga-karga si Mikel.
"Now you remove mommy's nose." Nakangising sabi ni Yael.
Mikel did what his daddy told him. He caught my nose between his thumb and index finger and then he pulled it.
Napahawak ako sa ilong ko habang tumatawa. Gosh, my son is so adorable!
"Oh no, mommy can't breathe!"
I fakingly choked. "I-I can't breathe... I'm g-going to di—"
"Ahh! My-my! Noooo!" Naiiyak na sabi ni Mikel as he tried his best to reach for me. I just continued my acting at mas lalo pa siyang na-alarma.
Tinulungan na siya ni Yael na mailapit sa akin. Ang ilong ko kaagad ang hinawakan niya para kunwaring ibalik ang ilong ko na kinuha niya kanina.
I exhaled. "There... I can breathe now." Sabi ko upang h'wag siyang tuluyang maiyak pero lalo lang siyang ngumuso at pilit na gustong magpakuha sa akin.
Natawa ako at kinuha ko siya mula kay Yael. Kaagad siyang yumakap sa leeg ko at hindi ko mapigilang hindi mapangiti nang malawak.
He's sorry because he thought he hurt me. Naalala niya siguro ang sinabi ni Yael sa kanya noon na h'wag niya dapat akong sinasaktan.
Nagkatinginan kami ni Yael at nang magtama ang mga mata namin ay unti-unting naglaho ang mga ngisi niya sa labi. Nag-iwas na lang ako nang tingin upang at mag-isa na lang akong ngumiti. Seems like he doesn't want to share smiles with me.
"Sarap naman nang yakap na 'yan..." Sabi ako at pinanggigilan din nang yakap si Mikel.
"Are you hungry? Let's go. Mommy's going to feed you."
Naglakad na ako para lumabas ng kwarto at nang madaanan ko si Yael ay tumigil ako saglit.
"Kumain ka na rin nagluto ako ng caldereta." Sabi ko bago tuluyan nang lumabas.
Hindi nagtagal ay naramdaman ko rin ang pagsunod niya sa likod ko. We quietly went to the dining area. I reached for Mikel's high chair using my other hand, hindi na ako nahirapan dahil naging maagap si Yael at siya na ang nag-abot noon para sa akin.
Tinulungan niya pa akong maiupo si Mikel doon. Hindi ko na kailangang sabihan si Yale para bantayan si Mikel habang naghahanda ako ng pagkain niya dahil siya na mismo ang gumawa.
He played with Mikel while I was busy preparing their food.
"Sige na, kumain ka na..." Sabi ko at inginuso ang pagkain na hinanda ko para sa kanya na nasa mesa.
"Ikaw, hindi ka pa ba kakain?" Tanong niya at umaatras nang bahagya para mabigyan ako ng space para mapakain ko nang maayos si Mikel.
Umiling ako. "Mamaya na. I'll have to feed Mikel first, give him sponge bath and make him fall asleep."
"Kung ganoon mamaya na lang ako kakain." Sabi niya. Natigilan ako sa pagsubo kay Mikel at nilingon siya.
"Kumain ka na baka lumamig pa ang pagkain."
He wet his bottom lip. "Sasabay ako sa'yo."
Nagulat ako doon pero hindi ko na lamang ipinahalata. Muli kong ibinaling ang atensyon ko kay Mikel bago siya sinagot.
"Ikaw ang bahala..."
Seryoso nga siya sa sinabi niya na sumabay sa akin. Tinulungan niya pa ako na i-sponge bath si Mikel at siya na rin ang nagpatulog sa anak namin. Nang makatulog na si Mikel ay maingat niya itong inihiga sa crib niya. Pagkatapos no'n ay sabay na kaming bumaba para mag dinner sa dining area.
Tahimik pa rin kaming dalawa habang kumakain. This is so awkward but we're both trying not to look awkward even though we're both feeling awkward.
"Colton texted me." I broke the silence.
Tinigil niya ang paghihiwa ng karne saka nag-angat nang tingin sa akin upang taasan ako ng kilay.
"Sa sabado daw ay 10 months-old na si Nice-Nice gusto niyang magpunta tayo sa bahay nila."
Tahimik pa rin siya habang nakatingin sa akin. Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. I know he's still pissed at Colton. Meddling with Colton is probably the last thing that Yael wanted to do right now.
"P-pero okay lang kung ayaw mo—"
"Gusto mo bang magpunta?" He cut me off.
Napakurap ako ng ilang beses. Baka mag-isa niya akong papapuntahin? Ah, h'wag na lang kung ako lang mag-isa. I'm not going to leave Mikel here. Ipapadala ko na lang ang regalo ko sa pamangkin ko at mag s-skype na lang kami ni Jess o di kaya'y FaceTime.
"H'wag na, ipapadala ko na lang iyong regalo ko kay Nice-Nice."
"That's not the right answer to my question, Beatrix. I'm asking you kung gusto mo bang magpunta o hindi."
"S-syempre gusto ko pero kung—"
"Then we will go. Ganoon kasimple."
Namilog ang mga mata ko sa kanya. "Sasama ka?" Hindi ko makapaniwalang tanong.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Ayaw mo?"
"G-Gusto!"
What the fuck? Gusto?! Baka mamaya maisip niya na atat akong makasama siya!
Mas lalo akong nahiya nang makita ko ang pag-ngisi niya bago ipinagpatuloy ang pagkain niya. Shit naman!
Muli nanaman kaming nabalot nang katahimikan at tanging mga ingay lang ng kutsara't tinidor na humahalik sa plato ang maririnig mo.
I can't even eat properly! Not when he's seated in front of me. Pasimple ko pa siyang sinusulyapan para tingnan kung anong reaksyon niya sa kinakain niya pero wala. He's still maintaining that poker face.
"What is it?" He stopped eating and then he eyed me.
Halos mapatalon sa gulat mula sa kinauupuan ko.
"Huh?" Bakit ba parati niya akong nahuhuli sa tuwing tinitingnan ko siya?!
"You keep on glancing at me. If you want to say something, say it."
Hindi ko napigilan ang sarili ko na magtaas ng kilay.
"Does that make you uncomfortable? Sorry ah? H'wag kang mag-alala, hindi na kita titingnan." Sarcastic kong sagot sa kanya.
He licked his lower lip in frustration? At siya pa ang frustrated?
"Why do you always find something bad in everything I say? Nagtatanong lang naman ako kung anong gusto mong sabihin." He sighed.
"Because you sound so... so cocky! Kung ayaw mong tinitingnan kita then fine! Mabubuhay naman ako nang hindi kita sinusulyapan!"
He dropped his spoon and fork as he brushed his hair through his finger in frustration.
"Wala akong sinabing ayaw ko na tinitingnan mo 'ko, Beatrix," he gritted his teeth.
"I just want to know if you want to say something because I'm not a goddamn fortune teller that can interpret what's running into your mind! What is wrong with that?" Mariin niyang sabi.
I bit my bottom lip. Did I just ruin our dinner? Tang ina kasi! Bakit ba kapag nag-aaway kami ay ang dami-dami naming nasasabi pero kapag hindi naman ay kulang na lang ay h'wag na kaming magsalita? Pero kahit na gaanon ay ayoko na munang makipag-away.
"Sorry na." I sincerely say. Siguro ako lang talaga ang nag i-interpret ng masama sa mga sinasabi niya.
Napaawang ang bibig niya at unti-unting nag relax ang features niya.
He let out a deep sigh pero maya-maya ay napailing siya sabay ngisi.
"I want to wrap my hands around your neck, Beatrix. No offense meant." He gritted his teeth but he can't conrol himself from grinning.
Ngumisi ako. "Oh yeah? Well, I want to strangle you, like right now. No offense meant." I chuckled.
"At least let me finish my food first before you do so."
Natigilan ako saglit. "Really? Nagustuhan mo ba 'yung caldereta?" Iyan lang naman ang gusto kong itanong kanina kung bakit panay ang sulyap ko sa kanya.
What are we doing seriously? Why do we have to fight first to comfortably spill whatever we wanted to say to each other?
Hindi niya ako kaagad na sinagot. Kinuha niyang muli ang kanyang kutsara't tinidor.
"I've been craving for this." Aniya na naging sapat na upang maintindihan kong nagustuhan nga niya.
--
Mga alas kwatro na nang makarating kami sa Angeles. The party started at 3:30 PM. It's not actually a big party, just a simple lunch with the family. Nabanggit sa akin ni Jess through text na 12 dapat ang simula pero si Colton kasi ay alas tres pa ang balik galing airport.
The guards opened the massive gate for us. Ipinasok ni Yael ang kanyang silver Chevy at ipinark katabi ang isang burnt orange Ford. That was King Philip's car.
Kaagad na kinalas ni Yael ang seatbelt niya para makalabas na ng sasakyan. Umikot siya para pagbuksan kami ng pintuan ni Mikel na kakagising lang kani-kanina.
Bumaba na kami ni Mikel at hinintay namin si Yael na makuha lahat ng gamit na dala namin bago tuluyang pumasok. Ang pool kaagad ang napansin ko pagpasok namin. Jess told me to bring swuimsuit for me and swimming trunks for my boys dahil magsu-swimming daw kami mamaya.
May dalawang maids na sumalubong sa amin para kunin ang mga gamit na bitbit ni Yael kasunod no'n ay ang pagsalubong sa amin ni Jess at Colton. Colton was holding Nice-Nice. Nginitian ko ang dalawa sabay lapit upang bumeso. Pumislit pa nang halik si Jess sa pisngi ni Mikel na kasalukuyan kong hawak.
"Long time no see, buddy..." ani Colton kay Mikel. Lumipat ang tingin niya kay Yael at nagtanguan lang ang dalawa.
Ibinigay na ni Yael ang gift naming para kay Nice-Nice kay Jess.
Abot tenga naman ang ngiti ni Jess. "Wow, nag-abala pa talaga kayo."
"Mabuti at nakasama ka... wala ka yatang flights?" kaswal na sabi ni Colton kay Yael.
"I'm still on a break." Yael replied curtly.
Nagkatinginan kami ni Jess sabay kibit balikat. Look at us. We're like those perfect couples that you can see in a movie. Jess and I are best friends and so as Yael and Colton. Parang ganoon lang kasimple pero ngayon ay may lamat na sa pagitan nila Yael at Colton. And somehow, I know that I'm the one to blame.
Pero alam ko naman na magkaka-ayos din sila, minsan nang nangyari saamin ito ni Jess and look at us now.
"Kumain na ba kayo? Nasa kusina si mama at kanina pa kayo hinihintay." Sabi ni Jess.
"Let's go..." sabi ni Colton sa amin at nagpatiuna na silang dalawang mag-asawa. Sumunod naman kami nila Yael sa mag-asawa. They led us to their dining area. Nadatnan naming doon si mama at manang Sally na nag-uusap maging ang iba pa naming mga pinsan ay nandito na rin.
"Oh my gosh! Mikeeel!" excited na sabi ni Brielle at mabilis na tumayo sa kinauupuan niya at iniwan si Aya para lumapit sa amin.
"Hi mr. and mrs. Salcedo..." nakangisi niyang sabi sa amin.
I just rolled my eyes at the brat.
"Hey..." tipid na bati ni Yael pabalik.
"Hi baby Mikel..." Brielle tried to get Mikel from me pero tumalikod lang siya kay Brielle at yumakap sa akin. Napanguso naman si Brielle at pilit na kinukumbinsi si Mikel na sumama sa kanya.
"Oh, nandito na pala ang best friend ko..." sabi ni Eli. Nakisali pa talaga siya kay Brielle e kung ayaw ni Mikel si Brielle ay mas ayaw niya si Eli.
"Where's Kiel and Phil?" tanong ko kay Eli na kasalakuyang hinahaplos ang likod ni Mikel para kunin ang atensyon nito. Sila na lang yata ang kulang bukod kina Kaye at Nick.
Maaga na daw kasi ang punta ni Kaye at Nick kanina dahil may duty sila ngayon. Nakakainis iyong Nick na 'yon ang tagal-tagal ko na siyang hindi nakikita!
"Kiel had and urgent meeting to attend to and Phil was still talking to his client... pero susunod daw sila." Eli said. Napatango-tango na lamang ako.
Ilang sandali pa ay si mama naman ang lumapit sa amin.
"Hi ma..." nakangiti kong sabi saka bumeso sa kanya bumeso rin siya sa akin saka kinuha si Mikel. Sumama naman ang anak ko.
"Magandang hapon po tita..." Yael greeted my mama.
Natawa si mama. "Tita? Hindi ba't asawa mo na ang anak ko? Mama na rin ang itawag mo sa akin."
Yael let out an awkward chuckle. "S-Sige po..." he replied then he scratched the back of his neck.
"Sige na ako na muna ang bahala sa apo ko nang makakain na kayo."
Our lunch went well. Halos tapos na kasi silang lahat na kumain kaya kami na lang ni Yael ang kumain habang ang mga pinsan ko ay pinagpapasa-pasahan si Mikel at Nice-Nice. Nang patapos na kaming kumain ni Yael ay saka naman dumating sina Phil at Kiel.
Tahimik lang si Yael at halos ako lang ang nagsasalita sa tuwing nagkukwentuhan kami nila Colton at Jess. Kung hindi siya tatanungin ay hindi siya magsasalita.
I don't know if he's pissed off with my family for keeping my secret from him o baka naa-awkward lang siya.
Lumapit ako nang kaunti sa kanya.
"Are you alright?" I whispered.
Tiningnan niya 'ko bago siya sumagot. "Yeah." tipid niyang sagot.
Nagkibit balikat na lang ako at muling hinarap sina Jess at Colton.
"Galing na ba kanina dito si Papa?" Tanong ko sa dalawa.
Umiling si Colton habang nginu-nguya iyong brownies na kinuha niya sa platito ni Jess.
"Maya-maya pa ang dating ni papa." sagot ni Colton.
Kumunot ang noo ko. "Bakit?"
"Meeting with the investors and shit." Kibit balikat niyang sabi sabay kagat uli doon sa brownies.
Napanguso na lang ako saka nagbaba ng tingin sa cake na nilalaro-laro ko gamit ang tinidor. Nakakalahati ko pa lang iyon.
Napaawang ang bibig ko nang biglang may kamay na naglagay ng brownies sa platito ko. Nag-angat ako nang tingin kay Yael at kaagad na pala siyang nakatingin sa akin.
"It tastes good, try it." Aniya sabay iwas nang tingin.
"Ayiee! Ang cute niyo!" Jess squeals.
I snapped my head towards her direction then I narrowed my eyes at her. She just grinned at me.
Napangisi na lang din si Colton sabay iling sa pinaggagawa ni Jess.
"Oh, andiyan na pala si papa."
Sabay-sabay kaming napatingin kung sa direksyon na tinitiningnan ni Colton. Namilog ang mga mata ko nang mapansin kong hindi mag-isa si papa dahil kasama niya si Brody!
"Oh my God, Trix! Is that Brody?" Mahinang sabi sa akin ni Jess at mukhang hindi ito makapaniwala. Napatango na lamang ako.
Bakit kasama niya si Brody?
"Nandito pala ang dalawa kong apo!" Masayang sabi ni papa at sina Nice-Nice at Mikel ang una niyang kinausap at nilaro-laro.
"Brody, these are my grandchildren. This is Nice-Nice, anak ng panganay kong si Colton at ito naman si Mikel anak ni Beatrix."
"Yes, tito. I already met him the other day." Sabi ni Brody saka nilaro ang kamay ni Mikel. Halos manigas ako sa kinauupuan ko nang dumako ang tingin sa akin ni Brody saka niya ako tipid na nginitian.
Nginitian ko rin naman siya pabalik at bigla kong naramdaman ang mga mabibigat na titig sa akin nitong katabi ko pero hindi ko na lang pinansin.
Ayan nanaman siya, e. Iisipin nanaman niya ay nakikipag flirt sa akin si Brody!
"Sige na, kumain na kayo mamaya na iyan." Sabi ni mama.
"And how could I forget? This is my beautiful wife, Brody."
"Come on, Ronan. H'wag mo na akong bolahin at kumain na kayo nitong bisita mong si Brody..."
"Hindi ba't iyan yung civil engineering student na nagustuhan mo noon?" Puna ni Colton.
I just glared at him. "Pwede ba, Colton?"
"Oh, oh! Dapat kapag wala ng feelings h'wag nang mainis. May feelings ka pa ba?" Gatong pa ni Jess. Ang sarap talagang pag-untugin ng mag-asawang 'to!
Naramdaman ko ang lalong pagtitig sa akin ni Yael na para bang pati siya ay naghihintay ng sagot ko.
"Hey, Trix! Looks like your guy from the past came back." Sabi ng kadadating lamang na si Eli habang sinusulyap-sulyapan si Brody na abala sa pakikipag-usap kay mama at papa.
"Go on, asshole. Keep adding fuel to the fire." Sarcastic na sabi ni Colton sabay sulyap kay Yael.
"Bakit? Totoo naman. Baliw na baliw kaya iyang kapatid mo kay Brody noon." Eli said nonchalantly. Napatampal na lamang si Kiel sa kanyang noo. Bagamat tahimik lang silang kumakain doon ni Phil ay naririnig pa rin nila ang mga sinasabi ni Eli.
I saw Phil's jaw clenched to control himself from laughing. Uminom na lamang siya ng tubig.
Ako naman ay napapikit na lamang nang mariin. Tang ina talaga nitong si Eli! Kahit naman hindi dahil sa pag-ibig kaya kami nagpakasal ni Yael ay dapat marealize niya na asawa ko pa rin siya at nandito lang siya sa tabi ko!
"True, true, Eli! Saksi ako diyan!" Jess said. What the fuck! Gusto ko talagang manapak!
"See? I told you. No offense, Yael. Iyo na rin naman si Beatrix. Brody was just a guy from the past. Isa pa, sigurado ako na may girlfriend na si Brody."
"I heard my name." Pare-pareho kaming napatingin kay Brody na kasalukuyang may dalang plato.
"At least napatunayan mong hindi ka bingi." Nakangising sagot ni Eli.
Brody chuckled. "It's been a long time, Eli." aniya at hindi pinansin ang walang kwentang sagot ni Eli.
"I know. We've got a lot to catch up."
"Yeah. I guess."
Eli grinned. "So, let's start with your girlfriend."
"Wala pa akong girlfriend, next." Sabi ni Brody saka ako tiningnan.
"Is this seat taken?" Tukoy niya sa bakanteng upuan sa tabi ko.
"Um, no."
"Can I?"
Kumurap ako. "Y-Yeah. Sure."
I heard Yael's cough. Hindi ko siya tiningnan.
Sunod kong naramdaman ang braso niyang pumulupot sa bewang ko kaya napatingin ako sa kanya dahil sa gulat.
"We should change." Kaswal niyang sabi sa akin.
"Why?" Kunot noo kong tanong.
"Swimming." He replied before squeezing my waist.
"Come on..." He whispered, urging me to stand up. Wala naman akong nagawa kung hindi tumayo na lang. Napahagikgik naman si Jess nang mahina sabay hawak sa balikat ni Colton.
"Excuse us, magpapalit lang kami ng damit." Paalam ni Yael at hindi pa rin talaga inaalis ang braso niyang nakapulupot sa bewang ko. Narinig ko naman ang pagsipol ni Eli. I know what this guy's thinking!
"Excuse us." namumula kong sabi sa kanila, especially kay Brody. He just smiled and nodded his head.
I greeted my papa and gave him a kiss on the cheek nang madaanan namin siya ni Yael.
"Good afternoon, sir." Bati ni Yael. Tumango lang ang papa ko.
"Saan kayo pupunta?"
"Magpapalit lang, pa. Nakita mo ba si Mikel?"
"Nakita kong hawak ni Aya kasama si Brielle." Sagot niya.
"Ah sige, salamat."
"Colton, we should change too. Gusto ko na ring mag-swimming!" dinig kong sabi ni Jess sumagot pa si Colton hanggang sa sumali na rin ang mga kasama namin sa table sa usapin nila.
Hindi ko naman maintindihan dahil patuloy pa rin kami sa paglalakad ni Yael. He remained silent and so was his arm on my waist. Damn it! Mainit ang braso niya at parang kakapusin na ako nang hininga!
Pag-akyat namin ni Yael ay pumasok kami kaagad doon sa guestroom kung saan inilagay noong maid ang mga gamit namin.
Pagpasok namin ay kaagad na humiga si Yael sa kama at ipinikit pa ang kanyang mga mata.
"Mauna ka nang magbihis, Yael. Ihahanda ko na ang mga susuotin mo." Sabi ko sa kanya habang at ipinatong sa paanan ng kama ang bag na bag na dala namin at binuksan iyon para hanapin ang dark blue niyang swimming trunks.
"Hindi ako pa ako magbibihis..." Nakapikit at tinatamad niyang sagot.
My eyes widened. Ano bang pinagsasabi nitong hindi siya magbibihis? Kaya nga kami umakyat dito para magbihis!
"E, anong gagawin mo?" Nakapamewang kong tanong sa kanya.
"I'm sleepy..."
"Yael!"
"What?" Kumunot ang noo niya habang nakapikit pa rin.
"Umalis-alis pa tayo doon tapos hindi naman pala tayo magbibihis?! Ano ba ang trip mo sa buhay mo?" Hindi ko makapaniwalang sabi sa kanya. He's so unbelievable!
He rolled on his back before opening his eyes just to raise a brow at me.
"Why? You wanna stay there because of that boy?" May pagbabanta sa tono niya. What the fuck? Boy? Tingin niya yata kay Brody ay six years-old!
Inis ko siyang tiningnan. "What the hell are you talking about, Yael?"
"Just answer my damn question! Hindi ako mahirap kausap. If you want to go back there to chitchat with that boy then I will let you." His tone is contradicting his words. He was giving me the free will and he's also restraining me at the same time.
"Ano? Gusto mong bumalik doon?" Puno nang pagbabanta ang kanyang mga tingin. Parang isang maling sagot ko lang ay lalamunin niya na ako nang buhay.
I want to say yes. Dahil gusto ko naman talagang bumalik doon dahil sa kina Jess at hindi dahil sa ibinibintang niya sa akin. At isa pa, bakit ba niya ginagawang big deal si Brody? That guy did nothing but breathe and yet Yael is acting as if Brody's offending his ancestors!
Umiling ako. "Hindi." I replied while looking at him sharply.
"Good. If you don't wanna go back there then at least take a nap with me." Aniya at muling umayos nang higa at pumikit. Umusog pa siya para bigyan ako ng space.
__________________________________
Classes will resume on monday. I can't promise for quick updates. :(
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top