Chapter 24

Chapter 24

Grumpy

Pagbukas pa lamang ng mga mata ko ay ang ulo ko na kaagad ang aking ininda dahil sa sobrang sakit nito. The memory of last night is still fresh to me. Napangiti ako nang mapait at parang gusto ko na lang matulog ulit.

I cried the whole night, thinking about what happened. He clearly doesn't want me and I look like a stupid bitch who asked him to fuck me last night.

If I can undo what I did, I will... but unfortunately we can't just touch and go our bad decisions in life.

We always have to face the humiliation alone... or maybe together with a bottle of vodka.

"Trix, wake up!" Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Colton mula sa labas ng kwarto ko.

"Bakit?!" I yelled back so he could hear me. Anong oras ba siyang nakabalik kagabi?

"Gutom na ako!" I rolled my eyes upward. Is he fucking serious? Gigising niya 'ko dahil sa gutom lang siya? Couldn't he cook for himself? Damn!

"Give me five minutes!" I yelled again. Labag man sa loob ko ang bumangon ay babangon na ako. I can't just lock myself inside my room the whole day. I need to divert my attention.

Hindi na siya sumagot at ako naman ay pumasok na sa banyo para gawin ang mga morning rituals ko. Nagpalit na rin ako ng damit bago ako tuluyang lumabas ng kwarto. Nadatnan ko siya na mukhang inip na inip na nakaupo sa sofa.

Nang makita niya ako ay tumayo na siya kaagad at pinaglalaruan ang susi ng pad niya. Kunot noo ko siyang tiningnan. What's with the key tossing?

"Let's go..."

Lalong kumunot ang noo ko.

"I thought you're hungry?"

"I am. That's why we're going nextdoor. Nagpa-deliver ng pagkain si Yael at doon tayo mag-aalmusal."

I was caught off guard when I heard his name. Para iyong isang alarm sa utak ko na biglang ipinaalala ang lahat ng kagagahan ko.

"No... I-I'm fine. Hindi naman ako gutom." Pagdadahilan ko. I'll just have cereal for my breakfast— or I'll just cook for myself. Sa kanila na yung pagkain na ipina-deliver ni Yael.

Siya naman ngayon ang kumunot ang noo. "Sayang 'yon... Bakit ayaw mo?"

"Hindi naman sa ayaw ko," pero ayaw ko talaga. "Sadyang busog lang talaga ako." I added instead.

"No, you're not. You're hungry. Now, c'mon…" He nodded his head sideway.

"Well, maybe I am but that doesn't mean that I have to eat."

"You're hungry, of course you have to eat!" He said, looking at me ridiculously."

"No, just because you're hungry that doesn't mean that you have to eat because our body relies on time for digestion and the related hormone changes are caused by our body clock so, tuwing breakfast, lunch time, meryenda, and dinner we tend to feel hungry even though we really don't need to eat so, no, Colton I. AM. NOT. GOING. WITH. YOU!"

My chest heaved up and down after bursting.

He looked at me, for few seconds. His lips slightly parted but it shut immediately. Umigting ang kanyang panga ngunit ang kanyang mga mata ay nakangiti. Para siyang nagpipigil ng tawa.

"Gutom ka na nga… Tara na." He said, wrapping an arm around me.

Hindi na niya ako binigyan ng pagkakataon para makapagsalita pa. Wala na akong nagawa kung hindi magpatianod para h'wag na lang mapahaba ang usapan at isa pa, nauubusan na ako ng idadahilan.

Pinakawalan niya lang ako nang tuluyan na kaming makalabas ng pad niya at siya na rin ang nag lock ng pintuan.

I was looking at the frontdoor nextdoor while Colton was busy locking our door. Makikikain lang naman ako 'di ba? Tapos pagkatapos no'n ay uuwi na 'ko. I'll just have to pretend that he's not around. Yes, that's what I'm gonna do.

Walang katok-katok ay binuksan niya ang pintuan ng pad ni Yael. Nauna na siyang pumasok at ako naman ay sandaling natigilan. I did a three inhale-exhales. Do I have the courage to face him now? Can I do it? Will I make it?

Damn it! I need vodka!

Isinantabi ko na muna lahat ng nga agam-agam ko at pumasok na sa loob. Pagpasok ko ay nadatnan ko silang dalawa na nasa dining area na. Nakahanda na pala ang pagkain pero hindi pa ito nagagalaw.

Nakahapag sa mesa ang isang bucket ng chickenjoy, may kasama pang fries at coke float. I didn't know that he's a fan of Jollibee.

'Di ko sinasadyang mapatingin sa kanya. He's already looking at me. Mabilis pa ako sa alas kwatrong nag-iwas nang tingin.

"Have a seat, ms. woke-up-on-the-wrong-side-of-the-bed." Colton sarcastically said as he pulls a chair for me. I felt Yael's eyes bore on me and I played nonchalant about it.

I rolled my eyes at Colton, still standing. Mas nauna pa nga siyang naupo kaysa sa'kin because I was too busy throwing daggers look at him. Bakit kailangan niyang sabihin na badtrip ako?

"Sige, kumain ka nang nakatayo." Nang-aasar na nakangising sabi ni Colton sa'kin. Muli ko siyang inirapan bago ako tuluyang umupo sa tabi niya.

Sumunod naman si Yael at naupo siya sa kabilang side ng table, magkaharap sila ni Colton.

Colton seems to enjoy his food dahil nauna na siyang kumain sa'min. Ako naman ay kanina pa nakatingin sa kanin at manok na nasa plato ko pero hindi ko pa rin ginagalaw.

I can sense that Yael keeps on glancing at me. Pinigilan ko ang sarili ko para h'wag siyang tignan pabalik. I know he's waiting for me to look back and sorry to disppoint him but not this time. Not after what happened last night.

In spite of losing my dignity, I still have my pride left... and my virginity of course. Fuck it!

"Beatrix..." My heart skipped a beat when I heard him called my name. Nagpatay malisya ako at kunwaring walang narinig.

Sumubo na lang ako ng pagkain ko para hindi ako magkaroon ng dahilan upang mag-angat pa ng tingin sa kanya.

Hindi na siya muli pang nangahas na tawagin ang pangalan ko at isang malalim na buntong hininga na lang ang narinig ko mula sa kanya.

"Ah, damn. Ano ba 'to? Nagdadasal ba tayo? Tahimik niyong dalawa…" Puna ni Colton. Humigpit ang hawak ako sa kutsara at tinidor at nag-igting ang aking panga.

I know Colton went home the night before after two weeks straight of not coming home... Namiss ko siya dahil doon pero ngayon ay parang gusto ko na siyang kaladkarin pabalik sa airport.

Yael cleared his throat. I'm still not looking at him. Naghihintay ako sa sagot niya pero wala akong narinig. Mukhang hindi kuntento si Colton doon at nagtanong siya ulit.

"Nag-away kayo?" He pressed. His voice is so casual yet serious. Binalingan ko siya ng tingin pero hindi pa rin si Yael.

"Bakit naman kami mag-aaway?" I taunted.

Nagkibit balikat siya. "Bakit nga ba?"

My lips drew a thin line as I glare at him. Talagang ipu-push niya pa? Ngumuso lamang siya bago binalingan nang tingin si Yael.

"Ikaw, Yael, ah! Bakit mo inaaway 'tong kapatid ko?" A teasing laugh is lingering in his voice. Naramdaman ko ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi dahil sa kahihiyan! Damn you, Colton!

"I didn't… meron lang kaming hindi pagkakaintindihan." Depensa naman nito. Napairap ako sa chicken na hinihiwa ko gamit ang kutsara tinidor.

Anong hindi pagkakaintindihan? E pinaintindi niya nga sa'kin na hindi niya 'ko gano'n ka gusto! He rejected me and I felt so cheap!

"Ano ba pinag-awayan niyo?"

Muli akong napairap! Napaka tsismoso!

"Nothing, just a little misunderstanding that I really wanted to solve but I think she's a little grumpy today." Yael said. Tumiim ang aking bagang ngunit patuloy pa rin ako sa pagbibingi-bingian.

"She is… Inaaya ko nga lang mag almusal kanina kung ano-ano pinagsasabi. Dinamay pa buong digestive system."

"Really? Too bad I didn't hear it."

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. I remember how he likes it when I'm talking about stuff like that.

Muli pa sanang sasagot si Colton pero may biglang kumatok sa pintuan ni Yael. Colton raised a brow and grinned at me before pushing his chair backwards.

"I'll get the door." Aniya at hindi na kami binigyan ng pagkakataon pa na magsalita.

Basta-basta na lang siyang tumayo at umalis. Napapikit ako nang mariin at muling nagbaba ng tingin sa pagkain ko. Great, now it's just the two of us.

Pero kahit ganoon ay tatapusin ko pa rin kung ano ang nasimulan ko. Hindi ko pa rin siya tiningnan.

"Beatrix…" Napasinghap ako nang tawagan niya ang pangalan ko ngunit hindi pa rin ako sumagot.

"Why won't you look at me?" I stiffened because of his deep and solid voice. Napakagat ako sa ibabang labi ko ngunit patuloy akong nakipagmatigasan at hindi pa rin siya tinignan.

"I'm not gonna ask if you're mad because I can tell that base on the attitude that you're giving me…"

"But baby, please, look at me?" Biglang humina at lumambot ang boses niya. Napalunok ako nang biglang magharumentado ang puso ko dahil sa sinabi niya. Fuck! Lalong dumiin ang pagkagat ko sa pang-ibabang labi ko.

Ang rason kung bakit ayaw ko siyang tignan ay dahil alam kong sa oras na ginawa ko ay matutunaw ang galit at inis ko sa kanya... sa ganoong banda ay parang pati ang pride na meron na ako ay hinayaan ko na ring tapakan niya.

I was kind of relieved when I heard Colton's voice together with a girl's voice. Alam kong papalapit na sila dito at naaninagan ko na umayos na lamang ng upo si Yael. I cocked my head on the side and I saw a silhouette of a woman behind Colton.

Habang papalapit sila ng papalapit ay napasinghap ako nang makita ko kung sino 'yon. I stiffened from where I am sitting. Ni hindi ko maigalaw ang mga kamay kong nakahawak sa kutsara at tinidor.

Nang magtama ang paningin namin ay natigilan siya sa paglalakad at napasinghap rin nang makita ako. Naramdaman kong muling umupo si Colton sa tabi ko matapos niyang maghapag ng isa pang plato pero hindi pa rin siya umaalis mula sa kinatatayuan niya at gulat na gulat pa ring nakatitig sa akin.

"Magkakilala kayo?" dinig kong sabi ni Yael na naging dahilan para sa wakas ay tignan ko na siya. Napaawang ang bibig ko ngunit walang salitang lumabas.

"Of course..." Si Rhian na ang sumagot at humakbang na papalapit saamin. Sa bawat paghakbang niya ay parang gusto kong umatras. I know this woman holds a grudge for me. Napalunok ako nang maupo na siya. Hindi ko alam kung saan ako ma bo-bother. Sa pag-upo niya sa harapan ko o dahil katabi niya si Yael?

"Nabanggit ni Rhian noon na kaklase mo pala yung kapatid niya dati?" Sabi ni Colton sa akin. Saglit ko siyang tinignan at tinanguan. So that's it? Iyon lang ang sinabi niya kay Colton?

At kailan pa sila naging magkakilala?

"A-Ah, oo… m-magkakilala pala kayo." Nauutal kong sabi.

"Lately lang… pero si Yael at Rhian ay matagal-tagal nang magkakilala."

"O-Oh…" Tanging nasabi ko na lang habang pinaglalaruan ang tinidor ko.

"We attended the same aviation school in Manila kaya kami magkakilala. She's also the co-pilot who took a picture of me... the one you said that it's instagramble." Biglang sabi ni Yael. My eyes widened in shock.

"Aviation school? Co-pilot?" Parang tanga kong tanong kay Yael. Sa kauna-unahang pagkakataon ngayong araw na 'to ay pinansin ko siya.

Bago pa makasagot si Yael ay narinig ko ang pagtawa ni Rhian sa tabi niya. It was kind of trying-to-be-nice laugh.

"You don't really pay attention to your surroundings, do you?" Aniya na naging dahilan upang siya naman ang balingan ko ng tingin.

Muli siyang natawa. "Sabagay... Ang kwento ni Ryan ay medyo mailap ka raw at pinapansin mo lang ang mga gusto mong pagtuunan ng pansin." Malaman niyang pahayag.

"Kaya siguro hindi mo napansin noong nasabi niya na isang piloto ang ate niya..."

Nag-igting ang panga ko sa sinabi niya ngunit hindi ako nakasagot dahil alam kong tama siya. Maybe Ryan did mention me that his sister is a pilot too just like my brother but I didn't pay attention to him.

"Ryan?" Biglang sabi ni Yael habang kunot noong nakatingin kay Rhian. Rhian smiled sweetly at Yael before answering his question.

I flinched.

"Yes, Ryan. My sweet brother." She answered emphasizing the 'sweet brother' to rub on my face how I mistreated a such sweet guy like Ryan Ramirez. Wala akong nagawa kung hindi magtikom ng bibig. I have nothing to do but to accept her wrath. Alam ko namang nagkamali ako.

"Magkaibigan kayo?" Ako naman ngayon ang binalingan ng tingin ni Yael. I don't know what's with the way he look at me. Parang lalong lumalalim at nagdidilim ang mga mata niya.

"Friends?" Rhian taunted before I could even speak. "I think I already mentioned na mailap si Beatrix noon... Kaya siguro kahit pagkakaibigan ay hindi niya naibigay sa kapatid ko." Sinamahan niya pa iyon ng tawa sa dulo.

"Ahh..." Tumatango-tangong sabi ni Yael at muling ibinaling ang atensyon sa akin. Nagbaba na lang ako ng tingin sa pagkain kong hindi ko pa nakakalahati.

"Aww... Sorry to hear that pero si Jessica lang naman kasi ang gustong kaibigan ni Beatrix." Sabi ni Colton na nakikinig pala sa usapan.

Minsan ay mananahimik siya at mukhang walang pakialam pero magugulat ka na lang na alam niya kung saan nagsimula ang usapan at kung saan din ito huminto.

Gusto ko sanang tanungin si Rhian nang banggitin ni Colton si Jess. Gusto ko siyang tanungin kung magkasama ba si Jess at si Ryan ngayon pero alam ko naman na hindi niya ako sasagutin. Ang sabihin nga kung nasaan si Ryan ay ipinagdadamot niya pa... iyon pa kaya.

Isang pekeng tawa lang ang pinakawalan niya at hindi na muling sumagot.

"What brings you here, Rhian?" Rinig kong tanong ni Yael.

"Oh, that." aniya nang maalala na may iba pa siyang sadya dito bukod sa tustahin ako.

"I heard na na-ospital ka raw ilang linggo na ang nakaraan. Kaya naisipan kong kamustahin ka."

Natawa na ng bahagya si Yael.

"As you mentioned, ilang linggo na ang nakaraan kaya maayos na ako."

"Masyado kang huli sa balita, Ramirez." Komento ni Colton. Sinilip ko kung ano ang reaksyon nila.

"Oh shut up you..." Rhian playfully rolled her eyes at my brother.Mukhang malapit naman silang tatlo sa isa't-isa. I didn't know that Rhian is a pilot.

Naging co-pilot din pala siya ni Yael sa isang flight at kinuhanan niya pa ito ng litrato sa kanyang phone. Tapos bago pa iyon ay parehas na sila ang aviation school na pinapasukan.

Ibig sabihin ay mas nauna na siyang nakilala ni Rhian bago ko pa makilala si Yael.

Maybe I don't need a vodka after all because I'm positive that I'm already drunk because of jealousy.

Kahit na masama ang loob ko ka Yael ay hindi ko pa rin maikaila ang selos na nararamdaman ko lalo na ngayong tinitignan ko silang nagku-kwentuhan at nagtatawanan.

Rhian looks classy on her blouse and pencil cut skirt. Actually, kung itatapat mo siya kay Yael ay mukhang bagay sila.

They're both proper, matured, and perfect together. Idagdag mo pa na magkasing edad lang sila.

But look how small world is. Magkakilala pala sila ni Yael at ni Colton. I can tell that they work for the same airline base on their stories. May mga napagku-kwentuhan sila at binabanggit na mga pangalang hindi ko naman kilala.

Si Rhian usually ang nag o-open up ng topic habang ako ay nanahimik na lang dito dahil hindi ako makasunod sa pinag-uusapan nila.

Seems like she feels comfortable now unlike the first time she saw me here. Mukhang gulat na gulat siya at maging ako rin. Mabilis ko ng tinapos ang pagkain ko kahit na wala akong ganang kumain.

I don't want to go without finishing my food because there's a tendency that they'll ask why I didn't finish my food. Ayoko na ng mahabang usapan. I just want to go and be in peace.

"Excuse me, I have to go." I excused myself as I push my chair backwards.

Naputol ang pag-uusap nilang tatlo.

Tumingin si Colton sa wall clock.

"May pasok ka ngayon?" Tanong niya sa akin.

I nodded just nodded my head.

"Anong oras?" Si Yael naman ngayon ang nagtanong. Binalingan ko siya ng malamig na tingin.

"Mamaya." I deadpanned and turned my back. Narinig ko pa ang buntong hininga ni Colton at bumulong pa siya ng 'brat' na narinig ko naman.

Hindi ko na lang iyon pinansin at dumiretso na lang ako ng lakad hanggang sa makalabas na ako ng pad ni Yael. Doon lamang ako nakahinga ng maluwang pero mabigat pa rin ang kalooban ko.

Hindi ko na alam kung anong iisipin ko dahil sabay-sabay ang mga pangyayari. I need to talk to Ryan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top