Chapter 25

Chapter 25

Denim Jacket thing that You Like

Paglabas ko ng kwarto ko ay nadatnan ko si Colton na nasa sala na at abala sa pagte-text sa kanyang phone.

Napa-arko ang isa kong kilay.

Dumdalas na ngayon ang pagti-text niya. Hmm...

Lately, I noticed that he often check his phone na para bang may nagmamahal sa kanya. He's always occupied, parang parati siyang may inaantay na ewan.

Kung minsan ay nandito nga siya pero parang ang isip niya ay nasa iba. Hindi ko alam kung may girlfriend na ba siya ulit o ano.

At kung meron man ay hindi naman niya kailangang itago iyon sa'kin dahil hindi naman bago sa'kin 'yon.

He had a plenty of girlfriends way back when he was in highschool. Kung magpalit siya ng nobya noon ay parang nagpalit lang siya ng damit niya.

Natigil lang noong graduating na siya. I don't know what pushed him to stop from jumping one woman to another but I'm glad that he stopped.

Halata naman kasi sa kanya na hindi siya seryoso sa mga nagiging girlfriend niya. Most of them are just bimbos. Ganda lang ng mukha at ganda lang ng katawan ang puhunan.

"Bakit nandito ka na?" Tanong ko bigla. Nagitla naman siya mula sa kinauupuan niya at kaagad na pinatay ang ilaw ng phone niya.

Ang sandali niyang pamumutla ay hindi nakatakas sa aking mga mata. Umarko ang isa kong kilay and I know that he knows that I'm giving him a suspicious look but he just shrugged it off.

"Nagpaalam na ako sa kanila. Ang sabi mo kasi ay may duty ka."

Umigting ang aking bagang. Kanila? Ibig sabihin...

"Nando'n pa si Rhian?" Hindi ko mapigilang tanong.

He licked his lower lip. "Yeah... I guess. Nando'n pa siya nung umalis ako, e." Kibit balikat niyang sabi. Nag-iwas ako nang tingin at kunwaring tumingin sa wrist watch ko para itago ang pagkadismaya.

"Alis na ako." Paalam ko.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya at isinuksok ang phone niya sa likod ng bulsa niya.

"Ihahatid na kita..." Presinta niya. Sinundan ko ng tingin ang phone niya bago ko siya muling binalingan ng tingin sa mukha.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Sino nga pala 'yang katext mo?"

"Bakit nga pala nag-away kayo ni Yael?" Ganti niya sa akin at hindi sinagot ang tanong ko. Of course, he knows my weakest point at this moment.

I cleared my throat and laughed ridiculously. "A-Ano ba'ng pinagsasabi mo diyan!"

He gave me a boyish grin.

"Fair enough." Aniya at tinalikuran na ako habang pinaglalaruan ang susi ng kanyang Infiniti FX sa kanyang mga daliri.

"Yeah, fair enough." bulong ko sa sarili ko bago siya sinundan. Wala siyang balak sabihin sa akin kung sino ang katext niya at wala rin naman akong balak umamin sa kanya kung ano talaga ang nangyari sa amin ni Yael. Fair enough, brother.

Isa pa, gigilitan niya ako sa leeg kapag nalaman niya kung ano ang ginawa ko noong gabing tinanggihan ako ni Yael. I flinched at the memory.

Gusto kong sabunutan ang sarili ko! Where is your dignity, Beatrix? Napaka cheap mo!

Pagpasok ko ng ospital ay saktong palabas naman si Nick kaya nagkasalubong kaming dalawa.

"Shocks, lalo kang pumangit ngayon." Nakangiwi niyang sabi saakin habang nakatingin sa mga mata ko. I know he's looking at my eyebags.

I crinkled my nose and rolled my eyes at him. Hindi ko na lang pinatulan ang panga-alaska niya ngayon.

"Beatrix!" Tawag niya sa akin. Hindi pa man ako masyadong nakakalayo kaya tumigil ako at hinarap ko siya.

He's looking at me with amusement.

"May problema ka?" Tanong niya.

I smiled slightly at him. "Nope... Just craving for vodka." I grinned.

Napanganga siya at natawa.

"Fine! Mamayang out niyo ni Kaye magwalwal tayo." Amusement is still visible in his face.

"Sure." I smirked. Nginisian niya lang ako pabalik bago niya ako tinalikuran. Dumiretso ako sa ER dahil may isang pasyente na nahulog sa hagdan. She got some bruises on her thigh and an open wound on the side of her arm that needed a suturing. Sa tansta ko ay nasa labing siyam taong gulang na siya.

"What is your name, ma'am?" I asked while cleaning the wound. Hindi siya sumagot. Tulala lamang siyang nakatingin sa kawalan.

"Ma'am, did you hit your head when you accidentally fell on the stairs?"

"No..." Sa wakas ay nagsalita na siya.

"Are you sure, ma'am? Because we'll have to perform CT scan baka po kasi-"

"I said no!" Sigaw niya sa'kin na naging dahilan upang pagtinginan kami ng mga ibang pasyente sa ER. Some of the nurses and doctors recovered quickly dahil sanay na kami sa mga ganito.

I smiled warmly at her. Guess we really have to perform a CT scan to make sure. "Ma'am, we'll have to surture your wound. Masyado kasi itong malalim..." sabi ko. Hindi niya ako muling sinagot. Nag-iwas lamang siya nang tingin. I took that as a go sign. I injected anesthesia before suturing the wound.

"Medyo masakit ito, ma'am pero tiisin mo lang..." sabi ko at sinumulan nang tahiin ang kanyang sugat. Bigla siyang napatingin sa akin ang nakangiwi. I didn't let myself be distracted by her pain, dahil kapag pinairal ko ang puso at damdamin ko ay matataranta ako at titigil sa ginagawa ko.

Performing medical treatment that includes a needle digging in your patient's skin requires you to have a brave and strong heart.

Nakahinga ako nang maluwang nang natapos ko na ang pagtatahi sa sugat niya. Nilagyan ko ito kaagad ng gasa at pagkatapos no'n ay nakangiti ko siyang tiningnan.

"There you go... All done. But you have to come back after two weeks para matanggal 'yung sinulid." Her nose flare at nagbaba siya nang tingin sa sugat niya na may gasa na.

"And ma'am, I suggest you take a CT scan dahil baka nauntog ang ulo niyo somewhere when you accidentally fell off the stairs but you weren't aware of it."

Muli siyang nag-angat nang tingin sa akin. Ang kanyang bibig ay naka-awang habang ang kanyang mga matang punong-puno nang takot ay nangungusap.

"Ma'am?" Untag ko.

"I... I didn't a-accidentally fell. S-Sinandya ko 'yon. Sinandya ko talagang magpahulog sa hagdan." Tears began falling from her eyes with her sudden confession.

Napaawang ang bibig ko at bahagyang lumawak ang aking mga mata. Hinawakan ko siya sa balikat upang ipaalam sa kanya na may pakialam ako.

Umiling siya at lumunok. "I-I'm not suicidal, okay? Hindi ko ginawa 'yon para magpakamatay ako. I... I did that to get rid of this d-damn baby inside my tummy pero wala pa rin!" Mahina at nanginginig niyang sabi. Patuloy pa rin ang kanyang mga mata sa pagluha.

I was statued for split seconds. Para akong binuhusan nang malamig na tubig sa aking narinig.

"My..." She swallowed. "My name's Gwyneth, I'm 18 and I'm currently studying here in Pampanga- Sa HAU. M-My parents are in Tarlac... Nagdo-dorm ako dito at... at hindi nila alam ang tungkol dito. Hindi ko naman alam na magiging ganito. Hindi ko alam na may mabubuo... I-I thought condoms were safe..." She said, sobbing.

"Gwyneth, condoms alone aren't one hundred percent safe... may posibilidad pa rin na may mabubuo." Marahan kong page-explain sa kanya.

Hinawakan niya ako nang mahigpit ang isa kong braso at nagmamakaawa akong tiningnan sa mga mata.

"Please, help me... Help me get rid of this baby. Hindi ba nurse ka? I-I'm sure may alam kang paraan kung paano."

I looked at her sadly in the eyes. I gently touched her face. "I'm sorry, Gwyneth... I'm a nurse and I save lives, hindi kasama sa sinumpaan ko ang kumitil ng isang inosenteng buhay." I whispered while looking at her sadly.

It must be hard for her to deal with this kind situation in her life but the kind of help that she's asking me is something that I cannot give. It is against the law and against my belief.

"Anong hindi?! B-Bakit dati? 'Yung tita ko noong na ospital siya dito okay lang na i-abort 'yung baby niya sa tiyan!" Desperation is invading her voice.

"Gwyneth, iba naman iyon. There are really some instances that our doctors needs to perform an abortion for some health risk factors... if both life are in danger, there are some instances na papipiliin kung sinong buhay ang isasalba sa dalawa."

"But I badly want to get rid of this baby! What if sabihin kong parehas kami ng case ng tita ko? Na kailangan ng i-abort ang baby na 'to para mabuhay ako. Will you get rid the baby?" Desperada niyang sabi.

I wet my lips, looking at her softly. "I'm sorry but that's not how it works... You will have to undergo some tests and ultrasound first para makompirma kung parehas nga kayo ng kaso ng tita mo." I explained.

Napasabunot siya sa kanyang buhok. "Parang awa mo na... Tanggalin mo na 'to sa'kin! I never wanted this! Masisira ang buhay ko!"

I let out a deep sigh, looking at her with full concern. "Getting rid of the baby might just put your life at risk. Hindi gano'n kadali iyon... Sure, you will graduate on time, your life won't be ruined, you'd be spare from all the morning sickness and the pain of giving child birth but there are some factors that we have to consider when it comes to getting rid of the baby... There are advantages that you could get pero may mga disadvantages pa rin. It will not just put your health at risk but as well as your mental health." Paliwanag ko.

"What is wrong with you guys? What about the women's rights? Hindi niyo ba kayang suportahan iyon?"

"Gwyneth, we do support women's right as long as it doesn't involve killing an innocent life... If you are fighting for women's right then I am, too. I am fighting for those unborn women's right... 50 percent of unborn babies are girls. So, one out of two abortions lead to taking away a woman's right... her right to live, her right to choose and rule her own body." I explained.

"D-Don't talk about this thing as if it's already a human. This is just a blob of a cell tissue! Bakit kasi hindi mo na lang ako tulungan? What if I beg one of the doctors here?"

I looked at her in the eyes. "Gwyneth, biologically speaking, the baby inside you isn't just a blob of tissue. What is the basic unit of life? Hindi ba't cell?"

She just looked at me and I sighed.

"Okay, I'll explain it properly... When a sperm successfully fertilizes an egg a new cell, called zygote will be generated by their union. And the zygote represents the first stage in life of a human being. The zygote inside you has already a DNA and a body that distinguished from you and the father. The unborn inside you has a human genetic signature and he or she will grow by reproducing cells and so on and so forth... what I'm saying is life has already began the moment a sperm fuses with an egg as they form a single cell which is the zygote. And life is continuous kaya patuloy siyang made-develop sa loob mo."

She remained silent, looking more confused and lost.

"Just to make it clear to you, I am not trying to control you regarding to what decision that you're going to make in the future... Sinasabi ko lang ang natutunan ko and I'm just providing you the disclosure. I've already stated the side effects of having your baby aborted, pero na sa'yo pa rin ang desisyon."

She bit her bottom lip hard while crying hard. "T-Then what do I do? What do I do? Hindi ko na alam kung anong gagawin ko." She cried while shaking my arms.

"Oh, Gwyneth..." My voice broke as I pull her into a hug. She burried her cheek on my stomach while painfully sobbing.

Speaking up for my belief in this generation nowadays is not easy but I'm not scared anymore. I'd rather be condemn by the world than to let it control my perspective.

Sometimes, being different is scary but I wasn't born to blend with the world. I was born to conquer it. I was born to speak up for what I believe.

"I don't know what to do... I don't know what to do..." She keeps on chanting between her sobs. Ramdam ko ang pagtitig sa akin ng mga pasyente at mga staff dito sa loob ng ER ngunit hindi ko inalintana.

Dr. Sison catched my eyes tipid ko lamang siyang nginitian at bago muling ibinalik ang atensyon ko kay Gwyneth.

"Gwyneth, I know that this is hard for you and I understand that you are too young for this kind of trial but God will never give you a circumstance that you will never overcome... I'm not speaking this way for religion because honestly, I am not a religious person, not a perfect christian either but you know, I believe in Him and despite my imperfections He has still never forsaken me and I know that He will also never forsake you. Not in this kind of situation. Not ever."

"How can you say that he will never forsake me? Hinayaan nga niya na mabuntis ako! Masisira ang buhay ko! I'm just 18!"

I gently caressed her hair. "Gwyneth, you can't blame God for the mistakes that you've made... and with everything that has happened today, I know that you will rise again carrying the lesson that you've learn from your downfall."

"P-Paano kung ipalaglag ko ang bata? Will he still never forsake me?"

"Yes because God is not like us... He doesn't hold grudge and He won't use your mistakes against you, instead, He will use them to turn you into a better person that you'll ever be. Gwyneth, if you decided to get rid of the baby I am not in the place to judge you, that's one of the patient's right, to decide for herself."

"I-I don't understand you. A-Ayaw mo ng abortion p-pero hahayaan mo pa rin ako na... na mag pa abort?"

"That's one of you rights, Gwyneth... We all have our free will and as a nurse, yes, I'm am against abortion, but I can't force my patients to make a decision because it's in favor of my belief. Nasa'yo pa rin ang desisyon and in spite of my beliefs, I have to respect that."

--

"Hoy, tulala ka diyan? Baklang 'to! Iniisip mo na naman yata si Yael..." Nakairap na sabi ni Nick habang pababa kami ng sasakyan niya.

Umiling ako. "Hindi na nga si Yael ang iniisip ko... Pinaalala mo pa."

"Sino ba'ng iniisip mo?" Gatong ni Kayeleen habang inaayos ang buhok niya gamit ang bintana ng sasakyan ni Nick.

"Yung pasyente ko kanina... Si Gwyneth." I said. Sadness rushed through me when I remembered how she cried and how frustrated she was. Inaalala ko na baka kung ano pang gawin niya sa sarili niya.

"She'll be fine, gurl... Babalik naman 'yon para ipatanggal ang pagkakatahi ng sugat niya. Bakit daw ba kasi siya nahulog sa hagdan?" Kaye asked.

My mouth parted and I swallowed the lump of my throat after. "Uh... Alam mo na, accident. 'Di naman natin maiiwasan 'yan."

Sabi ko na lamang. Hiniling kasi sa'kin ni Gwyneth na sa amin na lang dalawa ang napag-usapan namin and as a nurse it is also my duty to protect my patient's privacy and confidentiality.

Nagkibit balikat siya. "Kunsabagay. Hay nako tara na nga mga bakla! Pumasok na tayo!" Excited na sabi ni Kaye.

I sigh. Bahala na... sana gawin na lang niya kung ano sa tingin niya ang tama.

Papasok pa lang naming tatlo ay usok na kaagad ang sumalubong sa amin. Hindi pa naman gaanong maingay at wala pang nagsasayawan dahil hindi pa happy hour. Umupo kaming tatlo doon sa bakanteng couch.

Kaye's looking like an ass bomb with her fitted dress that emphasized her perfect curve. May slit din ito kaya pati ang mahahaba niyang legs ay na emphasized rin. Inilugay niya rin ang kanyang kinulot

na buhok.

Nick's looking so handsome with his simple black shirt and tattered denim jeans. Kanina pa nga siya inaasar ni Kaye sa sasakyan at diring-diri naman ang bruha.

I turned my hair into a messy bun. I'm just wearing a tube fitted black dress tapos ay pinatungan ko iyon ng denim jacket. The denim jacket thing that he likes. It's a good thing that our paths didn't cross when I went to Colton's pad to change.

"So, what's the plan?" Kaye asked while the waiter is serving our drinks.

Nagkibit balikat lang ako at kinuha yung vodka na para sa akin. Kaagad ko iyong ininom at sinabayan ng pagsipsip sa lime. Naramdaman kong gumuhit iyon sa aking lalamunan. Napangisi ako. Hello, my old friend. We meet again.

"Tsk, tsk. A pregnant woman will crave for mango while a broken girl will crave for vodka. Hmm..." Pagpaparinig ni Nick at pinagkrus ang kanyang binti saka sumandal sa couch. Tikom pa rin kasi ang bibig ko simula kanina. Tinaasan ko lang siya ng kilay at inirapan.

"Not me..." tumatawang sabad ni Kaye. "You can get me preggo and I'd still crave for vodka." Aniya sabay inom.

Nick frowned. "That's bad for the baby you crackpot!"

"I said I'd crave for it! I didn't say that I'll drink it while the baby's inside my tummy!" Depensa ni Kaye. Napailing na lang ako at hinayaan silang mag-away.

Nagbatuhan pa sila ng mga scientific words kung saan involved ang pagbubuntis. Sa kalagitnaan ng pagbabangayan nila ay biglang nag vibrate ang phone ko mula sa aking purse. Kaagad kong tiningnan iyon. My heart stopped for a nano-second.

Another text from Yael.

Yael:

It's almost midnight. Bakit hindi ka pa umuuwi?

I saw another ellipsis appeared on the screen.

I was tempted to reply pero pinatay ko na lang ang phone ko bago pa siya muling makapag-text at muling isinuksok sa purse ko.

Kaninang kasama niya si Rhian ay maghapon silang nagkulong sa pad niya at hindi man lang ako nakareceive ni isang text mula sa kanya tapos ngayon nangungulit siya?

Ang sabi ni Colton kaninang umuwi ako saglit para magpalit ay mga bandang alas kwatro na nang umalis si Rhian.

I just took a sip of my vodka silently while roaming my eyes around the place. Sa table na kaharapan namin ay may napansin akong isang lalaking may kasamang isang babae.

Hindi ko siya masyadong maaninagan dahil malayo-layo siya nang kaunti at idagdag mo pa ang dim na ilaw, pero sa kabila no'n ay halatang may hitsura siya.

The girl's kissing his neck while he's talking to someone on the phone but he still managed to give his girl an attention the she needs by caressing her bare shoulder even though he's talking to someone over the phone.

Biglang siyang tumingin sa direksyon ko kaya nagtama ang mga tingin namin. Nag-iwas ako kaagad nang tingin ngunit hindi nakatakas sa akin ang pagngisi niya nang magkakatinginan kami. Patay malisya na lang akong uminom ulit ng vodka.

Ngunit may kung anong nagtulak sa akin para tignan siyang muli at napansin kong nakatapat sa gawi namin ang kanyang phone.

Looks like he's taking a picture of us! I was about to yell at him but the lights suddenly went wild. Pati ang mga tao ay naging wild na rin at nagsipunta na sa dancefloor kaya hindi ko na nagawang i-approach 'yung lalaki.

"Tara sayaw tayo!" Pag-aaya ni Kaye at inilapag ulit sa mesa ang kanyang vodka.

"Someone took a picture of us..." I said, ignoring what she said.

"Oh, wow. Celebrities!" she said, flipping her hair. "Tara na kasi sayaw na tayo!" sabi pa niya, parang wala siyang pakialam na kinuhanan kami ng litrato.

Tipid akong ngumiti. "Susunod ako!" sabi ko na lamang. Nilakasan ko na ang boses ko para marinig niya ako.

She rolled her eyes. "KJ! Magsama kayo ni Nickolas!" Tumatawa niyang sabi at iniwan na kaming dalawa ni Nick dito para magpunta na sa dancefloor. Kaagad namang may lumapit na lalaki sa kanya.

I glanced at Nick and he's just shook his head before sipping on his vodka.

Mayroon pa ring espasyo sa gitna namin ni Nick at hindi na namin pinunahan iyon. Mukhang wala rin namang planong makipag kwentuhan si Nick sa akin.

As I've mentioned, we're not that close. Si Kayeleen talaga ang ka close ng isang ito.

Tahimik ko na lamang pinanuod ang mga tao sa dancefloor. Hinanap ng paningin ko si Kaye at nakita ko siyang kasayaw yung isang lalaking naka maroon. They're both dancing in a flirty way.

"You go girl!" I cheered for her even though I know that she won't hear me. Habang natatawa ako ay napa-diretso ako ng tingin.

Unti-unting naglaho ang mga ngiti ko sa labi at biglang nagwala ang aking puso nang makita ko kung sino ang lalaking naglalakad papunta sa gawi ko.

His eyes are burning hole and he's looking at me like he's about to eat me alive! Tiim ang kanyang bagang habang humahakbang papalapit dito.

"Holy shit!" Narinig kong mura ni Nick. Alam ko na nakita na niya kung sino ang paparating.

Tumigil si Yael sa harapan ko at nakipagsukatan ng titig sa akin. How the hell did he knew that I'm here?! Naputol ang marahas naming titigan nang lapitan siya nung lalaking nasa kabilang table kanina.

"Yael my boy!" Nag fist bump ang dalawa. And for the second time, I was shocked. So, they know each other?

Saglit kong tiningnan si Nick at nagtataka niya akong tiningnan. Nagkibit balikat lamang ako dahil parehas lang kaming walang kaide-ideya sa nangyayari. Muli kong binalingan nang tingin sina Yael.

"Siya ba?" Napalakas ang boses nung lalaki at inginuso rin niya ako habang kausap si Yael kaya alam kong ako ang pinag-uusapan nila.

Tumango si Yael. "Yeah... Thanks, Matt." Lalong kumunot ang noo ko. What? Why the fuck is he thanking this guy?

Muli akong binalingan nang tingin nung Matt bago muling tiningnan si Yael.

"No problem, Captain Salcedo." Tinapik niya ito sa balikat at umalis na para bumalik sa table niya kanina.

Now Yael's attention is all on me again. Sinulyapan niya si Nick at muling sumeryoso ang kanyang mukha at bahagyang umiling bago niya inokupa ang espasyo sa gitna namin ni Nick.

Para akong napaso nang magtama ang mga braso namin. I'm wearing a denim jacket but I still felt electrified. Damn Yael Salcedo!

Umusog ako palayo sa kanya at lalo naman siyang lumapit saakin at ipinatanong niya ang kanyang braso sa couch na sinasandalan ko. I shivered when I felt his warm breath on my ear.

Tinulak ko siya sa dibdib kaya napaharap ako sa kanya. Saka ko lang pinagsisihan ang ginawa ko nang magsalubong na ang mga mukha namin. I was cornered at wala na akong iuusog pa para makalayo sakanya kaya ang ginawa ko ay iniwas ko na lang ang mukha ko at casual na uminom ng vodka.

My hand is shaking while holding the drinking glass but I tried my best not to show him.

Muntik pa akong maubo nang muli kong maramdaman ang mainit niyang hininga sa tenga ko. Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa batok. Damn!

Naka messy bun pa naman ako kaya damang-dama ko ang mainit niyang hininga pati sa may leeg ko. Ang dami kong gustong itanong.

Lalo na kung paano niya ako nahanap. May ideya na ako pero gusto ko pa rin iyong makompirma galing sa kanya. Pero paano ako makakapagtanong kung ganito ang asal niya?

"I've been texting you..." bulong niya sa tenga ko. I grit my teeth. Oo, noong mga bandang alas kwatro na dahil umalis na si Rhian no'n! Gusto kong sabihin iyan sa kanya pero itinikom ko na lang ang bibig ko.

"I've been looking for you..." muli niyang bulong sa tenga ko at kinintalan ako ng halik sa gilid ng aking leeg. This time ay para akong napaso at biglang napatayo mula sa kinauupuan ko.

He looked up at me. Walang emosyon ang kanyang mukha at hindi man siya nagreact sa bigla-bigla kong pagtayo.

Binalingan ko na lang nang tingin si Nick na mukhang kanina pa naiilang dahil sa ginagawa ni Yael saakin.

Humakbang ako palapit sa kanya at hinila siya. Nagulat siya sa ginawa ko pero naging maagap siya at kaagad na ipinatong ang vodka na hawak niya sa mesa sa gitna namin bago tumayo.

He looked at me questioningly nang makatayo na siya. I can see through my peripheral vision that Yael was looking at us. Caught off guard.

"Let's dance!" Sabi ko at mabilis na hinila si Nick papunta sa dancefloor.

Hindi nakatakas ang matalim na titig na ipinukol ni Yael saamin pero hindi ko iyon pinansin.

Nang makapunta na kami sa dancefloor ay kaagad kong ipinatong ang mga braso ko sa balikat ni Nick at pikit matang sumayaw sa musika. I'm not drunk but I do crazy things too when I'm hella mad.

"What are you doing?! Mukhang papatayin na ako ng jowa mo kanina pa!" Nick hissed but he didn't push me away. Iminulat ko ang mga mata ko para tingan lamang siya ng matalim.

"Hindi ko siya boyfriend!" Mariin kong sabi. Napairap na lang siya at umiling-iling pero nagpatuloy naman siya sa pakikipagsayaw sa akin.

Napangisi ako. He's not KJ after all. The DJ played 'Let me hold you' by Cheat codes.

Sa kalagitnaan nang pagsasayaw namin ni Nick ay napatili ako nang bigla-bigla na lang may nanghila sa akin. Nick raised both of his hands saka umatras. Unti-unti ng nawala si Nick saaking paningin.

He possessively wrapped his arms around my waist. Gusto ko mang tumigil sa pagsasayaw ay hindi ko magawa dahil siya mismo ang kumukontrol saakin mula sa likod.

Let me hold you, girl, caress my body

You got me going crazy, you

Turn me on, turn me on

Let me jam you, girl whip all around me

You got me going crazy, you

Turn me on, turn me on

Sa amoy pa lang niya ay alam na alam kong si Yael ito kahit hindi ko siya tingnan. My back is against his broad and hot chest. His crotch is brushing on my butt but I didn't care.

Kahit na kanina pa tumatayo ang mga balahibo ko ay nagpatuloy parin ako sa pagsasayaw. I know I'm not drunk pero sadyang nakakalasing yata talaga ang mga haplos niya kaya ako nagkakaganito.

Muli ko nanamang naramdaman ang mainit niyang hininga sa tenga ko.

"Ang sabi mo ay wala akong dapat na ikaselos, Beatrix... Pero bakit selos na selos ako ngayon?" Mariin niyang bulong sa tenga ko at napaungol ako sa gulat nang bigla na lamang niya itong kinagatan.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at nagpatuloy lang ako sa pag-indak. I just want to dance and get drunk with his touch while it lasts.

Nang wala siyang matanggap na sagot saakin ay pinihit niya ako paharap sa kanya at ipinagdikit ang mga noo namin. His arms are still wrapped around my waist.

"Damn! You're wearing that denim jacket again." Nanggigigil niyang sabi at halos magdikit na ang mga bibig namin.

I grinned. "Dapat pala ay isinuot ko 'to kagabi para hindi mo ako tinanggihan." I half joked at sinamahan pa iyon ng tawa. Natigilan siya at bahagyang inilayo ang mukha sa akin para matignan ako ng maayos sa mga mata.

Tumigil rin siya sa pagsasayaw kaya wala akong nagawa kung hindi tumigil rin.

"God! Take a joke!" Pang-aasar ko sa kanya at tumatawang inirapan siya.Although what I've said isn't a joke.

"Hindi mo kasi naiintindihan." Muli nanamang nangtangis ang bagang niya.

"Bukod sa halatang ayaw mo sa akin ay ano pa doon ang hindi ko naiintindihan?" Mapait kong sabi.

Pumikit siya nang mariin. "Umuwi na tayo." Matigas niyang sabi at nang muli niyang buksan ang mga mata niya ay hinawakan niya ako agad sa pulso para hilain paalis.

"Ayoko! Bakit ako uuwi kasama ka?!" Tanggi ko at pilit na inaagaw ang kamay ko sa kanya pero nagbingi-bingian siya at patuloy pa rin sa pagkaladkad saakin.

Pilit akong nakipag matigasan at nang mapikon na siya ay muli akong napatili nang bigla niya akong buhatin.

"Damn you!" Wala akong nagawa kung hindi murahin na lang siya. Hindi talaga ako mananalo sa kanya. Palagi na lang.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top