Chapter 18
Chapter 18
Hindi Madali
I watched Honey as she walks away with a triumphant smile on her face. Hindi ko na kailangang magtanong at mag-analyze dahil malinaw pa sa sikat ng araw na natulog si Honey sa pad ni Yael.
Why does that Honey has to always appear just to ruin my moment? I hope she'll get stung by bees. Kagabi lang ay ang saya ko pero ngayon naman ay sirang-sira na ang araw ko.
"Beatrix..." Yael called me softly. Tiningnan ko siya at binigyan ng pilit na ngiti.
"Siya pala yung tiningnan mo kagabi?" I let out a forced laugh to make it sound casual. Kaya pala halos kahalating oras din siyang nawala dahil pinuntahan niya ito.
Hindi ko itatanggi ang inis at pagkainsulto na nararamdaman ko ngayon pero wala naman akong karapatan na maramdaman ang mga iyon, diba?
"Trix, I-I..." The fact that he didn't know what to say answers my question. Sinubukan niya akong lapitan nang wala siyang masabi pero kaagad akong umatras.
Naiisip ko pa lang na ganoon ang suot ni Honey nang matulog siya sa pad ni Yael ay parang gusto ko ng magwala dahil sa sobrang iritasyon. Saan ba siya natulog? Sa kwarto ba ni Yael? Lalo akong nairita sa naisip ko.
"Sige na, babalik na ako sa loob." I can't hide the coldness in my voice.
"Sandali lang..." Pigil niya sa'kin at hinawakan ako sa pulso. Hinarap ko siya at ng may paniningkit sa mga mata saka ko hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa pulso ko para alisin iyon sa pagkakahawak niya saakin.
Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa'kin at inilapit pa ang katawan niya sa'kin saka pilit na hinuhuli ang aking mga tingin.
Hindi naman ako nagpatalo sa kanya dahil sa tuwing nahuhuli niya ang mga tingin ko ay mag-iiwas ako. Bakit ba kasi hindi na lang niya ako hayaang pumasok sa loob?
"I had no choice, Trix..."
You do have a choice! Iyan ang gusto kong isigaw sakanya pero sino ba naman ako para sabihin iyon? I'm not even his girlfriend.
Napaka ironic din dahil naiinis ako dahil doon... kahit hindi niya ako girlfriend. Kahit walang kami. Kahit wala akong karapatan ay naiinis pa rin ako.
"Yes, I let her stay for the night... Kaagad din akong umalis kaninang umaga para tingnan siya—"
That's what I just have to hear.
"Okay." kaagad ko nang sabi. I can't bear to hear his explanations. Pilit ko pa ring inaalis ang pulso ko mula sa pagkakahawak niya at ngayon ay matagumpay kong nagawa iyon. I ran inside Colton's pad the moment I freed from his grip.
Dapat ay isasara ko na ang pintuan pero mabilis niyang naiharang ang matipuno niyang katawan at pumasok sa loob saka itinulak ang pintuan para masara ito habang nakaharap pa rin siya saakin.
"Ano ba!" Naiinis ko ng sigaw sa kanya at pinukulan siya ng masamang titig.
"Just listen to me first, Goddammit!"
Matigas niyang sabi.
Hindi! Ayoko!
I shot him a ridiculous stare. "Why are you explaining? Hindi ko naman iyon hinihingi! Bumalik ka na nga sa pad mo!" Taboy ko sa kanya. Nag-igting ang bagang niya pero hindi pa rin siya umaalis mula sa kinatatayuan niya.
"Don't give me that attitude, Beatrix." Pinaningkitan niya ako ng mga mata.
"If you don't want me giving you this kind of attitude, bumalik ka na sa kabila at baka nando'n na si Honey tsaka niyo kainin yung almusal na—"
Naputol ang sasabihin ko nang bigla niya akong hinila sa pulso para hapitin papalapit sa kanya saka niya ako siniil ng halik sa mga labi.
I gasped.
My heart began to throb rapidly while I'm feeling his lips touching mine. He gently touched my face as his lips began to move. He's now kissing me gently... so breathtakingly gentle.
Ibang-iba ito sa halik na ginawa niya sa'kin noon. His kisses now are so light... so heart melting. Lahat ng inis ko ay nakalimutan ko na.
I even forgot the reason why we're arguing. All I know is he's kissing me. Damn, this man is good at making my head spin. Napapikit ako sa ginagawa niya at sinundan ang paggalaw ng mga labi niya.
He stops for a moment and I felt him smiled on my lips then afterwards, he started kissing me again. Napaawang ang bibig ko at bahagya ko pang hinabol ang labi niya nang paghiwalayin niya ang mga labi namin.
Natawa siya ng bahagya dahil sa reaksyon ko habang ang magkabila kong pisngi ay nag-init dahil sa kahihiyan. I can still feel his warm mint breath on my face. Ang palad niya ay nasa pisngi ko pa rin at marahan niya akong hinaplos gamit ang kanyang hinlalaki.
"Matigas talaga ang ulo mo, Beatrix. I already told you that I don't like Honey, hindi ka nakikinig sa'kin..." Aniya at muling nag-igting ang bagang niya.
Hindi ako nakasagot. Naalala ko nga na sinabi niya iyon sa'kin no'ng gabing pauwi kami galing sa birthday ni Mama.
Pero sino ba namang hindi magugulat kung makikita mo siya na kakalabas lang sa pad ni Yael tapos mababalitaan mo na lang na doon pala siya nagpalipas ng gabi.
"Last night she texted me... nakikiusap siya kung pwede muna siyang tumuloy sa unit ko. I want to say no pero wala na akong nagawa dahil nasa tapat na siya ng pintuan ko."
"Kaya nga natulog ako dito, kasi alam kong mag-iisip ka ng mga bagay-bagay kapag nakita mo kami... pero wala pa rin. You still reacted that way. You didn't even want to listen to me."
I was quiet the whole time, listening to his explanations. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan niya pa akong bigyan ng eksplenasyon. I'm not asking for it... but I liked it. I like the way he makes me feel like my opinion matters to him.
"I'm sorry..." Iyon lang ang tanging lumabas sa bibig ko at nagbaba ng tingin.
"Papaalisin ko na siya." Bigla niyang sabi. I looked at him with wide eyes.
"What? No... Hindi mo na kailangang gawin iyon Yael." Kaagad kong sabi sakanya. Hindi niya ako sinagot at lumayo lang siya saakin. Binuksan niya ang pintuan at lumabas.
"Yael!" Tawag ko sa pangalan niya para pigilan siya pero siya naman ngayon ang hindi nakinig saakin. Mabilis ko siyang sinundan sa labas.
"Yael..." Hinawakan ko siya sa braso para pigilan siya. I had to use both of my hands to stop him because his arms are bulky and strong. Hinarap niya ako at tinaas ang mga kilay niya saakin.
Umiling ako sakanya. "H'wag mong gawin." Pakiusap ko sakanya. I'm not dense. Nahahalata ko na patay na patay si Honey kay Yael at sigurado ako na masasaktan ang damdamin ni Honey kung papaalisin siya ni Yael. Kahit na naiinis ako sa kanya ay alam ko ang pakiramdam ng hindi ka gusto ng taong gusto mo.
Just like what I felt for Yael. He was so cold to me back then. He was my holy grail. I want him so much but he's just so hard to get.
"Yael?" Sabay kaming napatingin kay Honey na kakarating lang. Nabitawan ko ang pagkakahawak ko sa braso ni Yael at hinarap siya. She's holding a paper bag na mukhang ang laman ay iyong tinake out niya. Lumipat ang tingin niya saakin at tinaasan ako ng kilay.
"Handa na ba ang mga gamit mo?" Tanong bigla ni Yael sa kanya. Pinanlakihan ko ng mga mata si Yael pero hindi niya ako pinansin.
"What? Why?" Nagtatakang tanong ni Honey kay Yael.
"Ihahatid na kita." casual niyang sabi. Mariin akong napapikit at napakagat sa labi ko. My God!
"Pero paano to?" she whined and raised the paper bag.
"Dalhin mo na lang or just eat it inside the car." Pinal na sabi ni Yael. Nasapo ako saaking noo lalo na nang makita kong nagngitngit ang mga ngipin ni Honey.
"So you want me to leave this instant?" she sounds offended.
"Yes." Diretsahan sagot ni Yael na naging dahilan upang manlaki ang aking mga mata.
"Yael..." I narrowed my eyes at him ngunit hindi niya 'ko pinansin.
"Why?" Nando'n ang hinanakit sa boses ni Honey.
"Kakauwi ko lang kagabi, I want to spend time with Beatrix... alone."
Napatanga ako nang tingin kay Yael na saglit akong sinulyapan bago muling ibinalik ang tingin kay Honey. Walang ka emo-emosyon sa kanyang mukha.
Napakagat ako sa aking labi habang dinadama ang pagtambol ng aking dibdib at ang mga paru-paro sa aking tiyan. Fuck! His words are just so powerful they can take away my sanity.
"Fine!" She said in gritted teeth and shot me a glare. "Madali naman akong kausap." There's bitterness in her voice. Inirapan niya pa ako bago siya humakbang papasok sa unit ni Yael. Hindi ko na lang ginantihan pa dahil alam ko na masakit ang loob niya.
"Sinabi ko naman na hindi mo kailangang gawin yon..." sabi ko kay Yael nang makapasok na si Honey sa loob.
Tinaasan niya ako ng kilay. "She should spend her free time with her family instead of being here." He retorted, trying to justify his actions. Bago pa man ako nakasagot ay isang padabog na pagbukas ng pintuan ang narinig namin.
"Bakit ikaw? You should spend your time with your family in Manila, too!"
Ipinasok niya ang kanyang mga kamay sa kanyang bulsa bago ako binalingan nang tingin.
"Nariyan ka... Sa'yo ko na lang aaksayahin ang panahon ko." Ngumisi siya.
"A-Anong..."
Nasira ang pag-uusap namin ni Yael nang bigla kaming makarinig na marahas na pagtama ng gulong sa tiles.
Bumungad sa amin ni Honey na puno ng iritasyon ang mukha habang hawak-hawak ang kanyang maleta at yung itinake out niya. Sobrang sama nang tingin niya sa'kin. Kung nakakamatay lang ang titig ay kanina pa ako bumulagta dito.
"Let's go." sabi ni Yael at biglang hinawakan ang pulso ko. Nagpo-protesta ko siyang tinignan.
"Sasama ka sa'kin." Pinal niyang sabi at nagsimula na siyang maglakad habang hawak pa rin ang pulso ko. Nagpatianod naman ako dahil wala na akong magawa.
Narinig ko ang maingay na tunog ng gulong ng maleta ni Honey at ang padabog na yabag ng kanyang mga paa mula sa likod namin. Lilingunin ko na dapat siya pero biglang pinadausdos ni Yael ang hawak niya mula sa pulso ko pababa sa kamay ko at pinagsalikop ang mga iyon.
My heart skipped a beat as I automatically stared at him. Diretso lang ang tingin niya at casual na casual na naglalakad habang binabaliw niya naman ako dito.
Mas lalong nagdabog ang babae saaming likod kaya binawi ko ang kamay ko mula sa kanya pero hindi niya ako hinayaan dahil hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko na para bang ayaw niya na akong pakawalan.
Nang makarating kami sa tapat ng itim niyang Vios ay doon niya pa lang ako binitawan upang kunin ang maleta ni Honey para ilagay sa compartment ng kanyang sasakyan. Honey shot me a ridiculous look.
Sa ekspresyon ng kanyang mukha ay para ko siyang inagawan ng boyfriend. The hatred is visible on her face. Hindi ko na lang iyon pinansin at nag-iwas nang tingin.
Kung tutuusin ay dapat pa akong matuwa dahil siya naman ngayon ang namamatay sa selos dahil ako? Ilang beses na akong namatay sa selos noon dahil sa kanya.
But I have to understand her side, right? The feeling of not being liked back is... torture.
And God! I don't know why Yael is doing all of this! At iyong mga pinagsasabi niya kanina? Shit! Hindi ko alam kung aasa ba ako o hindi.
Why does he have to explain himself? Bakit kailangan niya akong isama dito at hawakan ang kamay ko kahit na alam niyang nakikita ni Honey?
Tapos... Tapos ay hinalikan niya pa ako. Naghalikan kami!
Para na naman akong aatakihin sa puso sa tuwing rumerehistro iyon sa aking utak.
Naputol ang tensyon nang bumalik si Yael at binuksan ang pintuan sa backseat. Akmang papasok na ako doon pero pinigilan niya ako.
"Sa harap ka." Sabi niya sa'kin at bago pa ako makapag-protesta ay hinarap na niya si Honey na maasim pa rin ang mukha.
"Sumakay ka na." He said nicely. Wala namang nagawa si Honey kung hindi sumakay sa backseat dala-dala ang paper bag na may laman no'ng tinake out niya. After that, Yael opened the frontseat door for me and I had no choice but to hop in.
Hindi ako makapaniwala na isinama niya ako sa paghatid kay Honey na ganito lang ang suot ko. Ni hindi pa nga ako nakakaligo!
"Diyan na lang ako." Ani Honey. Huminto ang sasakyan sa tapat ng isang village. Si Honey na ang nagbukas ng kanyang pintuan at kaagad siyang bumaba.
"Sandali lang." Paalam sa'kin ni Yael at bumaba na rin siya ng sasakyan, hindi na niya pinatay ang makina. Umikot siya para buksan ang compartment at ibinaba ang mga gamit ni Honey.
I jerked my head watching them through the tinted window. Hindi ko sila naririnig pero sa pagkakabasa ko sa galaw ng mga labi ni Honey ay nagpapasalamat siya kay Yael.
May sinabi pa siya kay Yael na hindi ko na naintindihan. Sumagot siya Yael pero tipid lamang iyon. Huminga ako ng malalim at umayos ng upo. Bakit ko ba sila pinapanood na mag-usap?
Maya-maya pa ay muling bumukas ang pintuan sa driver's seat at muling pumasok si Yael.
"Tahimik ka." Puna ni Yael sa kalagitnaan ng pagmamaneho niya pabalik sa building namin. Tipid na ngiti lang ang naisagot ko sakanya dahil sa totoo lang ay wala rin naman akong alam na sabihin. Hindi na niya ako kinulit pa at hindi na rin siya nagsalita hanggang sa makarating na kami.
Akmang papasok na siya sa pad niya pero tinawag ko siya at kaagad naman niya akong hinarap.
"Nagluto ako..." Sabi ko. Nginisian niya ako at muling isinara ang pinto niya. Ang mga simpleng kilos niyang iyon ay sapat na para malaman kong sasama siya saakin sa loob at sasaluhan niya ako sa pagkain.
At ganoon nga ang nangyari. He helped me prepare the table. Tapos no'n ay sabay na kaming kumain. We were still silent but I can feel that he's stealing glances from me. I can't stand this awkwardness between us.
"Yael..." I finally find the courage to break the silence. Nag-angat siya ng tingin saakin at itinaas ang dalawa niyang kilay.
Bahagya akong napangiti dahil doon. That mannerism of him is his way of asking "what?" kahit kailan ay hindi niya pa ako sinagot ng direktang "ano?" sa tuwing tinatawag ko siya. He'll just look at me and raise his brows, waiting for me to say what I wanna say.
"Yael..." Muli kong tawag sa kanya. Mas lalo niyang itinaas ang kanyang dalawang kilay. Dahil doon ay tuluyan na akong napangiti. Kumunot naman ang noo niya na naging dahilan upang matawa ako nang bahagya.
"Why are you always like that?" Tanong ko sakanya at hindi pa rin nawawala ang pagkamangha at ngiti sa aking mukha.
Lalong kumunot ang noo niya. "Like what?"
"Always raising your brows everytime I call your name. Ganoon ka ba talaga katamad na magsalita?"
Napa 'tss' na lang siya pero may kaunting ngiti sa mga labi niya. Umiling-iling siya at muling ipinagpatuloy ang pagkain.
"Labag na labag siguro sa loob sa tuwing kailangan mong magsalita para impormahin ang mga pasahero mo sa tuwing mag te-take off na."
Ngumisi siya. "Hindi naman." Sagot niya. My eyes narrowed.
"Really? Hindi ba paulit-ulit lang ang sinasabi niyo kapag ganoon?" I asked in amusement.
Gusto kong marinig si Yael kapag nag aanunsiyo bago mag take off o bago maglanding.
Tumango siya habang ngumunguya.
"Hindi ka nagsasawa?" tanong ko pa sa kanya.
He wet his lips. His deep soft brown eyes locked in mine as one corner of his lips lifted up. "Hindi ako madaling magsawa, Beatrix."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top