Chapter 17

Chapter 17

What The Fuck

"Uhm, kailan pala ang balik mo?" I asked while unfastening my seatbelt.

"Sa sunday pa." Sagot niya. Lihim akong napangiti. Day off ko sa linggo.

"Oh... usually mga anong oras ka nakakarating sa airport kapag umuuwi ka na?" Pasimple kong tanong sabay kagat sa aking pang-ibabang labi. Dang. You're doing good, Trix.

"I don't actually have a usual time for that... pero siguro sa Sunday mga bandang alas siyete ay nasa airport na ako. Bakit?"

Ngumiti ako sa kanya sabay iling. "I'm just curious... hindi ko kasi alam since hindi naman kami madalas magkasama ni Colton." Pagdadahilan ko na lamang.

"Uh, sige na... papasok na ako. Mag-iingat ka!" Nakangiti kong sabi sa kanya.

Tumango siya. "You too." Aniya. Napakagat ako sa ibabang labi ko para pigilan ang ngiti ko habang pababa ako ng Vios niya.

"Ang saya mo ah!" Puna ni Nick sa akin.

Mas lalong lumawak ang ngiti ko. "Syempre... May nalaman ako!" Sabi ko.

Maarte siyang nagulat kunwari. "Ano? Break na ba yung fafa mo tsaka yung jowa niya?" Aniya.

Mabilis akong umiling na may kasamang ngiwi. "Hindi, walang ibe-break dahil hindi naman naging sila! OMG bakla!" Masaya kong balita.

Kumunot ang noo niya. "Huh? E bakit sabi mo dati may girlfriend 'yang fafa mo..."

"E, akala ko rin dahil tawag niya sa babae 'Honey' ngayon pala ay pangalan lang pala no'ng babae 'yon." Pagkukwento ko.

"Hay nako. Estupida talaga..." Gigil niyang bulong habang hinihilot ang kanyang sentido.

Sumimangot ako. "Aray, Nick ha?" Kunwari ay nasaktan pa ang damdamin ko.

Inirapan niya naman ako. "Edi congrats na lang." Sarcastic niyang sabi.

Ngumiti naman ako nang matamis kahit na sarcastic ang pagkasabi niya.

"Thank you, Nickolas!" Sabi ko. Muli niya na naman akong inirapan.

Hindi ko alam pero bakit tila ba nakapabagal ngayon ng araw. Ang bagal matapos ng biyernes. Kung pwede nga lang na linggo na kaagad bukas e.

Excited na akong mag sunday dahil gusto kong sunduin si Yael sa airport. Gusto kong makita kung ano ang hitsura niya kapag naglalakad siya sa airport suot ang uniporme niya.

Nang mag sunday na ay tila parang ang oras naman ang bumagal. Ang tagal mag alas siyete! Nalinis ko na ang buong unit ni Colton at napa laundry ko na rin ang mga damit.

I even bought a box of doughnuts in Krispy Kreme para kainin namin mamaya ni Yael pero parang ang bagal pa rin talaga ng oras.

Pero sa tuwing nandiyan naman siya ay tila ba bumibilis ang oras. Iyong tipong parang gusto mo na lamang hatakin pabalik ang mga bawat minutong lumilipas ngunit hindi mo magawa.

That's way too impossible. Siguro ito 'yung hindi nabibili ng pera—oras. Kahit anong gawin mo kapag nangyari na ay hindi mo na maibabalik kahit lumuha ka pa ng dugo.

5:30 na nang maligo ako at mag-ayos. High waist denim shorts lang ang suot ko at isang halter top. Saktong 7 nang makarating ako Clark International Airport. Hindi ko alam kung saan ako mag-aabang, pero pinili ko na lang pumasok. Tumayo ako doon sa gilid at inabangan ang mga dumarating.

Mga 7:30 na nang may makita akong mga flight attendants na may dala-dalang maleta. They're working in the same airline as Yael and Colton. I can't deny the fact that men flight attendants are good looking too pero nakakapanibago lang dahil hindi ako nakaramdam ng atraksyon kagaya ng dati.

Yeah, I still get the fact that they look good and that's how it is... Masyado kasi akong lunod kay Yael. Sa mga mata ko ay siya parati ang pinaka gwapo.

Patuloy ako sa pag-aabang at paghahanap sa pamilyar na tikas ng katawan ni Yael.

Parang tambol na kinalabog ang puso at napaayos ako ng tayo nang makita ko kung sino ang paparating.

Si Yael na may dalang itim na maleta at suot-suot pa ang kanyang cap. May dalawang nagtatangkarang stewardess na nakasuot ng kulay pula ang nakasunod sa kanyang likod.

He's so tall and fine as hell! Ang seryoso ng kanyang mukha at napaka propesyunal ng kanyang dating. The stubbles on his jaw makes him look more attractive.

Habang naglalakad siya ay parang biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo. Maging mga naghihintay ng flight at nagsusundo ay napasinghap dahil sa pagdating niya. Damn! Palagi bang ganito ang eksena sa tuwing pauwi siya?

I kind of want to wrap Yael into bubbles to protect him and keep him away from the drooling girls around him. Kung pwede lang... Kung pwede lang talaga!

Nang biglang tumama ang tingin niya sa aking direksyon ay bigla akong natuod sa kinatatayuan ko. He was surprised when he saw me but smiled eventually!

Hindi niya tinanggal ang tingin saakin at sa direksyon ko na ngayon ang punta niya. My selfish thoughts of wrapping him in bubbles suddenly faded away because he's now looking at me like I'm the only person in this damn airport!

Tumigil siya sa harapan ko. Tinignan ko ang mga stewardess na nakasunod kanina sa likod niya na ngayon ay nagtatakang nakatingin sa aming dalawa ni Yael, namukhaan ko pa yung isa! Si Honey na hindi maipinta ang mukha.

Pati yung mga ibang babaeng nakuhanan ni Yael ng atensyon sa simpleng paglalakad niya ay nagtataka ring napatingin dito, pero ang iba ay patay malisya na lang na nag-iwas ng tingin.

"What are you doing here? Mag-isa ka lang?" Pagkuha niya sa atensyon ko kaya muli akong tumingin sa kanya.

Ngumiti ako at tumango. "Yes. Gusto ko kasing makita kung anong hitsura mo kapag nasa airport ka na..."

Natawa siya nang bahagya. "Kung ganoon ano ang hitsura ko?" Tanong niya.

"Well, drooling girls around you says it all. Lumalakad ka pa lang no'n ah!" Sabi ko.

"Hindi ko sila tiningnan." Sabi niya na naging dahilan para lumawak ang mga ngiti ko. I swear I tried so hard to prevent myself from smiling pero hindi pa rin kinaya. Napansin niya iyon kaya napangisi siya.

"Bakit hindi? Ang ganda no'ng isa." Biro ko pa at 'di pa rin mapigil-pigilan ang pagngiti ko.

Umiling siya at bahagyang ngumisi. "I'm not interested in other girls, Beatrix."

Natigilan ako doon. Kung gano'n kanino pala siya interisado? Shit. My heart is banging so hard on my chest. It secretly wishes na sana ako na lang... Sana ako 'yung babaeng pagiinterisan ni Yael.

"Come on, let's go home..." He said and I melted again. Damn his words! Bakit ba kapag siya ang nagsasabi ay parang may dating lagi sa'kin?

Sabay na kaming lumabas ng airport papunta doon sa Vios niya. Nang nasa loob na kami ng Vios niya ay inalis niya ang kanyang cap at marahang inihagis sa backseat. Pinasadahan niya ang buhok niya gamit ang mga daliri niya para ayusin ang buhok niya bago niya inistart ang engine.

"I didn't expect that you'd be here." Aniya at iniliko ang sasakyan para makalabas kami.

I didn't expect that one day, I'll be here waiting for the man that I like to arrive after his long flight. Si Colton nga na kapatid ko ay hindi ko pa hinintay sa airport.

"Well... Surprise!" I giggled.

"Indeed, I am surprised." Iling-iling niyang sabi.

"Gutom ka ba?" Pag-iiba ko. Hindi kasi ako nakapagluto. Hindi ko na din alam kung ano ang lulutuin ko dahil sa sobrang excitement e.

"Hindi naman. Ikaw? May gusto ka bang kainin?" aniya.

Umiling ako kaagad kahit na nakatutok pa rin siya sa daan.

"I bought some doughnuts, iniwan ko sa pad ni Colton."

"Sige, 'yon na lang ang kainin natin." Sabi niya. I pressed my lips together. Nagiging malapit na kami at hindi ko maipaliwanag kung gaano iyon kasaya sa pakiramdam.

Nang makarating kami sa HTO building ay dumiretso siya kaagad sa pad ni Colton. Hindi man lang siya dumaan sa sarili niyang unit. Umupo siya sa sofa at niluwagan ang necktie niya. Napalunok ako sa ginawa niya kaya kaagad na akong nag-iwas ng tingin at nagtungo sa kusina para kunin sa ref yung box ng doughnuts.

Inilapag ko iyon sa center table at bumalik ulit sa kusina para kumuha ng baso at malamig na tubig. Sa kaligitnaan ng paglalapag ko ng mga bitbit ko sa mesa ay bigla siyang nagsalita.

"Boys are looking at you too, you know? Nakatayo ka pa lang no'n ah."

Awtomatiko akong napatingin sa kanya. Pinasadahan niya nang tingin ang suot ko at nag-igting ang kanyang bagang. Nag-init ang magkabila kong pisngi at nang mailapag ko na ang mga baso at yung pitsel ng ice cold water ay umupo ako sa tabi niya.

"Pangit ba ang suot ko?" Tanong ko sa kanya habang binunuksan yung box.

"Looks good on you... but I don't like it." Aniya kaya napatingin ako sakanya at bahagyang natawa.

"Bakit naman?"

"Too short." Tipid niyang sagot at nagsalin ng malamig na tubig sa baso niya. I don't know what to feel. Hindi ko din alam kung ano ang gagawin ko dahil sa sinabi niyang hindi niya gusto ang suot ko. Ano, magpapalit na ba ako? Pero ang sabi niya bagay ko naman.

"So, bawal na akong magsuot ng ganito?" Hindi ko siguradong tanong. Hindi ko kasi alam kung anong gusto niyang mangyari.

"Bibigyan mo ba ako ng karapatan na pagbawalan ka?" He asked, looking jn my eyes.

Napalunok ako. "H-Huh?"

Umiling siya. "Nothing..."

I bit my bottom lip. "Kumain na lang tayo."

Inabot ko na lang sa kanya yung box para kumuha siya ng doughnut. Pinili niya iyong plain.

Sinindian ko ang telebisyon at naghanap ng pwedeng panuorin sa cable ni Colton. Sinulyapan ko siya at nakita kong abala siya sa kanyang phone. Mukhang may katext siya pero hindi ko na lang pinansin.

Baka 'yung kapatid niya.

"Trix... Pupunta lang ako sa kabila." Paalam niya sa akin habang sinusuksok ang phone niya sa bulsa niya.

"May problema?" Tanong ko.

Tipid siyang ngumiti at umiling. "May titingan lang ako." Aniya.

"Okay." Sabi ko at muling itinuon ang atensyon sa telebisyon. Tumayo naman siya at sunod kong narinig ay ang pagbukas at pagsara ng pinto. Halos kalahating oras rin ang itinagal niya bago siya bumalik at umupo sa tabi ko.

"Sorry natagalan ako." He apologies kahit naman hindi na kailangan.

"Ano ka ba, ayos lang." Sabi ko at muling kumuha ng doughnut sa box. Inalukan ko siya pero ngumiti lang siya at umiling.

Muli kong itinutok ang atensyon sa telebisyon para maghanap naman ng channel na gusto niyang panuorin. Ilang minuto kaming hindi nagsasalita. Hindi ko naman siya malingon dahil tutok ako sa telebisyon.

"Do you watch basketball?" tanong ko sa kanya dahil hindi ko alam kung anong gusto niyang panuorin. Hindi siya sumagot kaya hinarap ko siya.

Nakatulog na pala siya habang nakasandal ang likod sa sofa. I smiled sadly while looking at him. He looks exhausted and hot at the same time. Paano niya nagagawa iyon?

Pagod lang siya pero napakaganda niya pa ring tingnan sa paningin ko. Tumayo ako at pumasok sa kwarto ko para kumuha ng unan at kumot.

I slightly budge his shoulder. Nagising siya at binuka ng kaunti ang mga mata.

"Babalik na ako sa kabila..." Aniya pero hindi pa rin siya tumatayo at muling ipinikit ang mga mata.

I chuckled softly. "Sure, Yael. Sure."

Mukhang narinig niya ako at ngumisi saka binuksan ang mapupungay niyang mga mata.

"Can I just stay?" Mahina niyang sabi.

"Of course." Mabilis kong sagot. Tipid lang siyang ngumisi at tuluyan ng humiga sa sofa kaya hindi na ako nahirapan. Tinanggal ko na ng tuluyan ang necktie niyang maluwag na ang pagkakakabit. Sunod ang mga sapatos niya saka ko siya kinumutan.

"Goodnight..." Malambing kong bulong sa kanya at this time ay mukhang tulog na talaga siya. Sinamantala ko iyon para kintalan siya ng halik sa noo at saka muling pinagmasdan ang mukha niyang mahimbing ng natutulog.

Lapat ang mamula-mula niyang mga labi. I kind of envy his long and thick eyelashes because they don't need mascara and curler.

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras akong nakatitig sakanya bago ko naisipang matulog na rin sa kwarto ko.

"Hindi na muna ako makakauwi diyan this week." pahayag ni Colton mula sa kabilang linya. Kumunot ang noo ko at hininaan ang apoy sa stove.

"Nasaan ka ba?" Tanong ko.

"Nasa Kalibo." aniya.

"Huh? Diyan ka mag s-stay ng ilang araw?" tanong ko pa.

"Hindi... Basta, Trix. H'wag mo na lang muna akong hintayin ngayong linggo." Aniya. Confusion is written all over my face. Bakit all of a sudden ay hindi siya uuwi dahil sa kadahilanang "basta"?

"Bakit nga kasi? May nangyari ba diyan, Colton?"

"Wala, Trix. Don't be paranoid. May importante lang akong aasikasuhin. Sige na, sige na! I have to go..." Aniya at ibinaba ang tawag.

"Tsk!" Napapalatak na lang ako dahil sa inasta ni Colton. Hindi ko alam kung anong meron at parang tumatanda iyon ng paurong! Para siyang teenager na naglilihim sa magulang niya tungkol sa party na pupuntahan nila ng barkada niya.

Nagpakawala ako ng malamim na buntong hininga at itinuloy ang pagluluto ko. Pagkatapos kong magluto ay hinugasan ko ang mga ginamit ko saka naisipang puntahan si Yael sa kabila para ayain siyang dito na lang magtanghalian. Paggising ko kasi ay wala na siya sa sala at nakatupi pa iyong kumot na ginamit niya.

Paglabas ko ay saktong namang bumukas ang pintuan ni Yael. Napangiti ako dahil parati siyang nasa timing tuwing lumalabas ako pero nawala bigla ang mga ngiti ko nang makita ko kung sino ang lumabas sa unit niya.

Si Honey. Nakasunod si Yael sa likod niya. Bumaling ang tingin saakin ni Honey at tinaasan niya ako ng kilay nang makita niya ako. She's wearing a sando and black leggings. Napaisip ako kung bakit ganoon ang suot niya.

"Beatrix..." nasabi ni Yael nang makita niya ako. I noticed that he's not wearing his uniform anymore. Naka cargo shorts na siya at dark blue na shirt. Halata ang gulat sa mukha niya. I forced a smile to him at tinignan si Honey na ngayon ay nakahalukipkip at mukhang hindi masaya na makita ako... Pwes, mas lalong hindi ako natutuwa na makita siya!

"Thanks for letting me stay for the night, Cap. Magte-take out lang ako ng breakfast natin. I'll be back." Aniya at malanding nginitian si Yael. Para akong binuhusan nang malamig na tubig saaking narinig.

What the fuck?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top