Chapter 16

Chapter 16

Assurance

"Tattered jeans. Pinag-usapan niyo?" Panunukso ni Eli nang mapansin niyang pareho kaming naka tattered jeans ni Yael. Actually, kami nga lang dalawa ang naka tattered jeans dito.

"Siraulo..." Mahina kong sabi ngunit sinadya ko talagang iparinig sa kanya. Tumawa lang siya at hindi na muli pang nanukso.

Laking pasalamat ko naman dahil hindi na nakitukso ang iba ko pang mga pinsan at hindi pinansin ang pagpuna ni Eli sa amin ni Yael.

I mean, hindi naman talaga namin pinag-usapan ni Yael na pareho kami ng susuotin pero kapag kasi inumpisahan ng isa ang panunukso ay susunod na ang iba.

Papunta kami ngayon sa lanai pool area dahil nag-aya sina Philip na doon kami uminom. The last time we went here ay noong graduation ko pa at wala si Yael noon... pero ngayon ay kasama na namin siya.

I can't believe that's almost a year. Bakit ba ang bilis ng panahon?

"Hindi ko alam na may ganito pala kayo dito." Dinig kong sabi ni Yael kay Colton at inilibot pa ang paningin sa paligid.

"Oo, madalang na lang kasi kami kung tumambay rito." Sagot ni Colton at nag kanya-kanya na kami nang upo. May umupo doon may loungers meron din naman sa may round table. Yung mga lalaki ay nasa may table, kami naman nila Aya ay nasa loungers.

Ang pwesto ni Yael ay nakaharap dito sa pwesto ko kaya nakikita ko siya.

"So, Yael... How did you and Colton meet?" Tanong ni Philip kay Yael at inabutan ng beer. Nginisian ni Yael si Philip matapos niyang tanggapin ang beer.

"He once became my co-pilot in a flight... We've clicked immediately." Pagkukwento niya at tiningnan si Colton na ngayon ay nakangisi.

"Must be cool to be a pilot, huh?" Kiel said.

"Of course..." Mabilis niyang sagot. I want something like that. Gusto ko iyong sigurado at walang kasamang "pero". I want someone who'd love me unconditionally. I want someone like Yael... Or I just simply want him.

"Must be cool to have those beautiful flight attendants as your crew... Damn!" Biglang sabat ni Eli na ikinainis ko naman. This guy bangs everything that moves! Hindi na ako magtataka kung mabalitaan ko na meron na pala siyang AIDS.

Tiningnan ko kung ano ang reaksyon ni Yael. Natawa siya nang bahagya at tinignan ako saglit.

"It was okay..." simple niyang sagot. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng sagot niyang 'yon.

"Okay? That's more than okay! I'd kill to be in your place..."

"And papa would kill you, too Eliott..." Kiel said before taking a sip of his bottle. Humalkhak lang naman si Eli saka nagkibit balikat.

"Eli, man, you're in a good place... H'wag mo nang pangarapin pa na maging isang piloto. Have mercy on those flight stewardess!" Biglang nagsalita si Colton na naging dahilan upang magtawanan sila.

"True." Pabulong na sabi ni Brielle dito sa tabi ko na mukhang nakikinig din sa usapan nila. Tiningnan ko siya.

"What?" she said defensively. "Totoo naman... I even saw those sexts that he send to his hoes." Napangiwi pa siya at maging ako ay napangiwi rin dahil naimagine ko yung mga talong na emoji na sinesend niya kung sakali.

"Yuck!" napangiwi ako at yumakap pa sa sarili ko at biglang kinilabutan sa mga naiisip ko.

"I know right!" Brielle agrees and rolled her eyes upward. I unconsciously glanced at Yael and he's already looking at me. May kung ano na naman akong naramdaman sa tiyan ko but I didn't look away... I was waiting for him to look away.

I want to know if he can stand the palpable tension between the two of us.

Nag-iwas lang siya nang tingin nang kausapin siya ng kanyang katabi na si Kiel.

"Aya, buhay ka pa diyan?" Sabi ni Brielle sa katabi na umiinom nanaman ng dutch mill. Kami naman ni Brielle ay hindi uminom ngayon. Hindi ko alam kung ano ang dahilan niya pero ako kasi ay may duty bukas kaya pass muna ako ngayon.

"Oo naman..." tipid niyang sagot habang nakaayos ng higa at nakatingin sa mga bitwin sa langit.

"Swimming tayo mamaya? Nagdala na ako ng damit!" Sabi ni Brielle.

"Wala akong dala." sagot ni Aya.

Ngumuso naman si Brielle at siniko ako. "May mga natira ka pa bang damit sa kwarto mo?" Tanong niya saakin.

Tumango ako at inangat ang likod ko para tignan si Aya. "Papahiramin ulit kita." Sabi ko. Parang gusto ko nga ring mag swimming ngayon.

"Ayun pala e!" Si Brielle na gustong kumbinsihin si Aya.

"Ikaw ba magsu-swimming rin?" Tanong ni Aya saakin at tinignan ako. Tumango lang ako.

"Okay." iyon lang ang sanabi niya at ibinalik ulit ang tingin sa taas.

"Tara na!" Excited na sabi ni Brielle at tumayo na. Nauna na siyang lumusong sa pool at sumunod naman si Aya matapos niyang ubusin yung iniinom niya.

"Tss. Si Brielle na naman ang nagpasimuno diyan." Side comment ni Eli nang mapansin nilang nasa tubig na ang dalawa.

"Sasali ka rin naman niyan mamaya." Pambabara ni Kiel at inulan ng tukso si Eli kaya wala na saaming tatlo ang atensyon.

"Akala ko mag su-swimming ka?"Sabi ni Brielle na lumangoy papalapit sa kinaroroonan ko.

"Oo nga." Sabi ko at hinubad ang denim jacket ko pati yung tattered jeans at iniwan ko sa lounger. So basically, I'm just wearing my undies and a spaghetti strap top.

Damn! Good thing my undewear is Victoria's Secret. Worth showing.

Nang tumayo na ako para sumulong sa tubig ay hindi ko na naman sinasadyang mapatingin kay Yael at sakto naman siyang tumingin din sa akin sa kalagitnaan ng pag-inom niya ng beer.

Bigla siyang nasamid at kaagad siyang tinapik ni Colton sa likod habang tinatawanan.

"Man, you okay? What the fuck!" Natatawa pa ring sabi ni Colton.

Namumula akong nag-iwas nang tingin at sinamahan na sina Aya sa pool. Pinigilan ko talaga ang sarili ko sa pagsulyap sa kanya. Dang... Bakit ba kasi hindi ko mapigilan? It's like my eyes can't stand not seeing him even just for a millisecond.

"Akala ko hindi ka na pupunta dito, e." Sabi ni Brielle.

"Ang hassle kaya mag swimming ng naka jeans, buti pa kayo naka shorts na." Pangangatwiran ko at lumangoy para mabasa ang buhok ko. Ang sarap sa balat ng tubig.

Kalahating oras na kami dito at hindi pa sila tumitigil sa pag-inom doon. Halos lasing na nga sila doon at kung ano-ano na ang mga pinagsasabi. Tinignan ko si Yael na medyo namumula na at nakikitawa sa mga walang kwentang sinasabi ni Eli.

"Brielle!" Tawag ni Kiel sa kapatid. Nagkatinginan silang dalawa bago nila tinignan si Eli at nagtanguan sa isa't isa. Siblings language.

"Aahon na ako... Iuuwi na namin si Eli." paalam ni Brielle saamin.

"Ako rin. Inaantok na ako." Sabi ni Aya. Tinignan ako ni Brielle.

"Ikaw Trix?" tanong niya. Umiling ako. Gusto ko pa dito. Ang tagal ko ng hindi nakakapag swimming. Tinanguan lang ako ng dalawa bago umahon. Nakasabay pa nila Aya at Brielle sina Kiel at Philip na umaalalay kay Eli paalis.

"Weak shit!" Panunuya ni Colton kay Eli at bumagsak na rin sa mesa. Silang dalawa na lang ni Yael doon. Saglit akong tinignan ni Yael bago tumayo at inalalayan si Colton paalis. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa mawala na sila.

Ako na lang pala ang mag-isa dito.

Nag floating na lang ako at tiningan ang mga bitwin sa langit.

They're beautiful, calming, and relaxing. Kaya pala palagi silang tinitignan ni Aya.

If I can compare Yael to something I would compare him to the sky that is bursting with million stars... He's so beautiful yet so out of reach. 

"Hindi ka pa aahon?" Muntik na akong lumubog sa tubig dahil sa gulat.

Umayos ako nang tayo at binalingan nang tingin yung bigla-bigla na lang nagsalita.

Umawang ang aking bibig sa gulat nang makita ko si Yael na nakaupo sa paanan ng lounger at may puting towel na nakapatong sa isang hita niya.

"Y-Yael?" Sabi ko nang makabawi ako sa gulat.

The corner of his lips slightly lifted. "Yeah, it's me, Trix..." He whispered and I freeze. His smoky whisper. The way he calls me Trix like every letter of it is his tongue's religion.

"Ayaw mo pang umahon?" Iyan yata ang tanong niya kanina na hindi ko nasagot because I was too damn mesmerized by him.

"I'll stay here for a little longer..." Sabi ko at tipid siyang nginitian.

"Okay." Iyon lang ang sinabi niya ngunit hindi naman siya umalis mula sa kanyang pagkakaupo.

Kumunot ang noo ko at mukhang naiintindihan niya naman kung bakit ganoon ang reaksyon ko.

"Hihintayin kita dito..." Sabi niya at tiningnan yung jeans at denim jacket na nakakalat doon sa katabi ng lounger na inuupuan niya.

"Huh? Hindi na kailangan, Yael. Baka mainip ka lang..."

"Bagay mo."

Lalo lang kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Tiningnan niya ako at nagtama ang mga mata namin.

"Yung denim jacket. Bagay mo." Ulit niya. Lumawak ang mga mata ko at napaawang ang bibig ko. Pakiramdam ko ay kasing pula ko na siya ngayon. Siya ay namumula dahil sa alak, ako naman ay namumula dahil sa mga pinagsasabi niya.

"Lasing ka ba, Yael?" Tanging nasabi ko na lang at sinamahan ko pa iyon ng awkward na tawa. Ngayon lang niya kasi ako binigyan ng isang compliment.

Umiling siya. "Inubos ko lang yung isang bote na bigay ni Phil." aniya.

Napangiti naman ako at lumangoy papunta doon sa gawi niya. We're just few steps away from each other. Siya ay nasa paanan ng lounger, ako naman ay nasa gilid ng pool.

I rested my arms on the side of the pool at nginitian siya.

"It's nice to see that you're getting along with my cousins." Hindi pa rin matanggal ang mga ngiti ko sa mga labi.

Ngumuso siya at nagkibit balikat."They're easy and fun to be with."

I just smiled at him once more and I was quite taken aback when he did, too. I bit the inside of my cheek.

When I saw him smile, I saw fireworks kissing the night sky.

"I like it..."

Kumunot ang noo niya nung una saka niya ako tinaasan ng isang kilay.

"I like it when you smile... looks good on you. Hindi ka na mukhang grumpy." Pag-amin ko sabay kagat sa aking pang-ibabang labi.

A chuckle was trap in his chest but didn't pass through his lips. But I'm sure that's a sexy one...

"Just continue swimming, Beatrix..." He said and I did, with a wide smile plastered on my face.

Ilang sandali pa kami doon bago ko naisipang umahon na. Ayoko pa sana dahil nag e-enjoy ako na kasama siya.

Mukhang hindi naman siya naiinip kahit na nakaupo lang siya doon at pinapanuod akong lumangoy-langoy. Naisip ko lang na baka inaantok na siya at gusto na niyang umuwi kaya umahon na ako.

Nagwala ang puso ko nang ilagay niya sa balikat ko yung towel tapos at siya na rin ang nagbitbit ng mga pinaghubaran ko. Inayos ko ang towel sa katawan ko at sabay na kaming bumalik sa loob ng bahay.

Nakasalubong pa namin sina Manang Sally na naglilinis at nagliligpit ng mga pinagkainan at kalat.

"Manang, nasaan po si Mama?" Tanong ko.

"Tulog na sa taas. Mukhang napagod." Sabi niya.

"Kayo rin po, manang. Magpahinga na kayo. Hayaan niyo na sila diyan." Sabi ko.

"Naku, saglit na lang naman at matatapos na rin 'to. Sige na, umakyat na kayo sa taas at baka lamigin ka pa." sabi niya.

Nang makarating na kami sa tapat ng pintuan ko ay kinuha ko sakanya ang mga damit ko at nagpasalamat.

"Matulog ka na muna doon sa dati mong kwarto." Sabi ko sakanya.

Natawa siya at umuling. "Hindi na. Puno ang mga guest rooms niyo." Aniya.

"Natulog silang lahat dito?" Gulat kong sabi. Natawa ulit siya at tumango. Akala ko ay umuwi na ang mga iyon. Sabagay, pare-pareho silang lasing pwera lang kina Aya at Brielle. Tumalikod ako sakanya at binuksan ang pintuan ng kwarto ko saka siya muling hinarap.

Tumaas ang dalawa niyang kilay.

"Dito ka na." Sabi ko.

Sinamaan niya ako ng tingin. "Tsk. Stop." Mariin niyang tanggi.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Saan mo gusto? Hindi ka naman pwede sa sala dahil naglilinis sila doon." May bahid ng inis sa tono ko. Anong akala niya? Gagapangin ko siya? Kahit naman gustong-gusto ko siya ay hindi ko naman gagawin 'yon.

"Hindi naman kasi ako inaantok." Pangangatwiran niya.

"Sige, bahala ka." Malamig kong sabi at tinalikuran siya. Hindi pa man ako nakakapasok ay hinila na niya ako sa siko at pinaharap sa kanya.

"Naiinis ka?"

Nag-iwas ako nang tingin. "Hindi."

"Bakit ka naiinis?" Tanong niya sa akin.

"Hindi ako naiinis!" Naiinis kong sabi at sinubukang agawin ang siko ko mula sa pagkakahawak niya pero ayaw niya akong bitawan.

Hinuhuli niya pa ang mga mata ko at sa tuwing nahuhuli niya ang mga iyon ay masamang titig lang ang ipupukol ko sakanya bago muling titingin sa ibang direksyon.

"Bitawan mo na ako. Maliligo na ako." I groaned.

"Bakit ka muna naiinis?" Malambing niyang sabi na naging dahilan upang tignan ko siya.

"Hmm?" Ulit niya. Those soft brown eyes bore into mine. Dahil doon ay para akong nagising sa katotohanan at nahiya pa sa sarili ko.

Oh my God? What was that? Bakit ganoon na lamang ang inasta ko? Pero hindi ko ikakaila. I liked the way he reacted to it.

Nagustuhan ko yung paglalambing niya. It's strange because I don't usually like it when the guy I like starts to get clingy.

I shake my head and smiled apologetically at him. "Sorry for acting like that... I-It's just that malapit na kasi ang..."

He sighed and nodded his head. Naiintindihan niya kung ano ang gusto kong sabihin.

"Sige na, maligo ka na. Hintayin na lang kita sa baba." Sabi niya. Tumango naman ako at pumasok na sa loob. Mabilis lang akong naligo at nagpatuyo ng buhok bago ako bumaba at nadatnan sina Papa at Yael na nag-uusap.

Binalingan ako ng tingin ni Papa. "Ayan na pala." Sabi niya kay Yael nang makita ako.

"Opo, mauna na po kami?" Patanong na sabi ni Yael sa Papa ko.

"Sigurado ka bang kaya mong magmaneho, Yael?"

"Opo, tito."

Tumango si Papa. "Osya sige. Kung wala lang kayong trabaho pareho bukas ay dito ko na lang kayo pinatulog." Sabi pa ni Papa. Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Aalis nanaman bukas si Yael?

"Oo nga po, tito."

"Mag-iingat kayong dalawa." Bilin ni Papa.

"Hindi sasama si Colton?" Tanong ko kay Papa.

"Hayaan mo na muna siyang magpahinga. Bagsak na bagsak e. Isa pa, wala naman siyang trabaho bukas." Sabi ni Papa.

"Osige Pa..." sabi ko na lang. "Mauna na kami." paalam ko at hinalikan siya sa pisngi at niyakap ng mahigpit.

"Pakisabi na lang kay Mama..."

"Anong oras ang alis mo bukas?" Tanong ko kay Yael sa kalagitnaan ng biyahe.

"Ikaw, anong oras ang duty mo bukas?" Tanong niya.

"9 ng umaga." Sabi ko.

"Ayun, pagtakatapos kitang ihatid." Sagot niya. Maga-ala una na ng madaling araw. Sana ay mabilis kaming makarating para makapagpahinga na siya kaagad.

"Magaganda ba ang mga flight attendants na nakakasama mo?" I asked out of the blue. Bigla ko kasing naisip yung sinabi ni Eli. Narinig ko pa kanina na sabi ni Philip madalas daw makatuluyan ng mga piloto ay yung mga flight attendants.

"May mga lalaki." Sagot niya na malayo sa tanong ko.

"E yung mga babae?" Tanong ko.

Sinulyapan niya muna ako bago sumagot. "Syempre. Kailangan nilang maging presentable."

"Ang goals siguro kapag may mag bf-gf na piloto at stewardess, 'no?"

"Hindi rin... Hindi naman sila madalas magkasama lalo na kung magkaiba sila ng airline." Aniya habang tutok ang mga mata sa daan.

"Parehas kayo ng airline ni Honey?" Tanong ko at napakagat sa ibabang labi ko.

"Yeah." Sagot niya habang sa daan parin ang tingin. Umayos na lang ako ng upo at tumingin sa may binatana.

"Ahh... Okay." Iyon na lang ang sinabi ko habang pinapanuod ang mga puno na nadadaanan namin. May mga lights na nakabalot sa katawan ng puno kaya kahit gabi ay visible sila.

"Hindi ko siya gusto. Ayoko ring magkaroon ng girlfriend na stewardess." bigla niyang sabi na naging dahilan upang muli kong ibaling ang atensyon ko sakanya.

"T-talaga?" Hindi ko maitago ang sigla sa boses ko. Binalingan niya ako ng tingin at nginisian.

"Talaga." He assured.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top