Chapter 15
Chapter 15
Mas Gusto
Mamayang alas onse na naman ang shift ko at hindi ako kaagad na bumangon sa kama. Madaling araw na nang makatulog ako kagabi dahil sa kakaisip sa naging sagutan namin ni Yael sa loob ng kanyang Vios.
Hanggang ngayon ay tandang-tanda ko pa bawat mga salitang binitawan niya. Those shits that messed with my head even more.
My phone vibrated. I stretched my hand to reach for it. It was a text from Colton.
Colton:
Kailan ang day off mo?
Kaagad akong nag type ng reply.
Me:
Bukas. Bakit?
Colton:
Good. Uuwi ako bukas.
Me:
Dapat lang, Colton. Birthday kaya ni Mama bukas.
Colton:
Yeah, yeah. See you! Don't forget to invite Yael.
My heart skipped a beat when I saw Yael's name on the screen. What the fuck.
Me:
Ikaw na lang. May number ka naman niya.
Colton:
Ikaw na! Ikaw ang mas malapit. Tsaka walang signal sa itaas.
Napakagat ako sa ibabang labi ko. I don't even know how to face Yael. After what happened last night? I don't think so.
I don't know where to find a courage to face him. Hanggang ngayon ay curious pa rin ako kung sino ba talaga yung babaeng nanggaling sa pad niya kahapon. Pero isa lang ang alam ko, hindi siya girlfriend ni Yael!
Masaya ako nang malaman ko iyon. Pero hindi ko alam kung bakit may parte pa rin ng utak ko na mayroong pagdududa.
Dahil hindi ba ako nabigyan ng sapat na eksplenasyon kung bakit "Hon" ang itinawag niya doon sa babae? And I don't even deserve an explanation for pete's sake so bakit ako nag-iinarte?
Imbes na lunurin ko ang sarili ko sa kakaisip ay muli akong nag type ng message kay Colton.
Me:
Okay ako na ang magsasabi. Sana lang ay wala na 'yong bisita niya.
I bit the inside of my cheek as I hit send. Napaka play safe ng reply ko, I know.
Colton:
Bisita? Sino?
Kumalabog ang puso ko dahil sa reply ni Colton. Kumagat siya.
Nanginginig ang mga daliri ko habang nagta-type ako ng panibagong message.
Me:
Don't know. Babae, e. Tinawag niyang 'Honey' girlfriend niya ata, e.
Shit, Beatrix. You're doing good, honey- no, scratch that- you're doing good, darling.
Ilang minuto bago nag reply si Colton kaya halos bumaligtad na ako rito kakahintay sa reply niya. I don't want to double text, halatang-halata na eager ako kapag ginawa ko iyon.
Muling bumalik ang abnormal na pagtibok nang puso ko nang muli siyang magreply.
Colton:
Ahh si Honey! Hindi yun girlfriend ni Yael. Pare-pareho kami ng airline. Minsan ay nakakasama siya ni Yael sa mga flights niya.
Napatakip ako sa bibig ko. Oh my God! They work for the same airline! Kaya siguro may contact sila sa isa't-isa. Honey lang pala talaga ang pangalan niya! So this means... Yael is single!
Me:
Oh. Ganoon pala.
Masaya akong umalis para ibili ng regalo si Mama. It's her birthday tomorrow at alam ko naman na naibibigay ni Papa ang mga kailangan niya pero gusto ko pa rin siyang bigyan ng regalo bilang pasasalamat sa sakripisyo niya.
Alam ko naman na palagi kong napapasakit ang ulo niya lalo na tuwing umaalis ako sa kalagitnaan ng gabi para lang pumarty.
Mga alas tres siguro nang makauwi ako. Matagal akong nakatitig sa pintuan ni Yael at nagdadalawang isip kung kakatok ba ako o hindi. The way he slammed the his car door last night? Hindi ko alam kung paano ko siya ia-approach. In the end, pumasok na lang ako sa loob ng pad ni Colton bitbit ang mga pinamili ko.
Mga 10:30 na ng gabi nung muli akong lumabas sa pad ni Colton para naman pumasok sa trabaho. Yael wasn't on the frontdoor. Hindi katulad noon na pagbukas ko ng pintuan para pumasok sa trabaho ay siya kaagad ang bubungad para ihatid ako sa trabaho. Kumuha ako ng sticky note sa bag ko at nagsulat doon gamit ang green ink kong ballpen. Hindi ko alam kung ilang sticky notes ang nasayang ko dahil sa pagco-compose ng tamang mga salitang pwedeng isulat.
Tumingin ako sa paanan ko at punong-puno iyon ng crumpled sticky notes.
And what's worst is I don't have enough time to clean my mess because I'm running late! Sa bandang huli ay ito na lang ang isinulat ko:
'Hi! Colton wants to invite you. Birthday kasi ni Mama bukas. Hope you can come.
-Beatrix'
I was about to stick it on his door when it suddenly opened! I stiffened from where I'm standing.
Kunot niya akong tinignan tapos ay nagbaba siya ng tingin sa kamay ko na naka-akma pang ididikit ang sticky note sa kanyang pintuan.
Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon para itago iyon nang bigla niyang agawin mula sa kamay ko.
Kunot noo pa rin siya habang binabasa niya ito. After reading it, he folded it into four and shoves it inside his pocket. My eyes narrowed at what he did. Why keep a trash inside your pocket?
"Tell him I'll come." Walang gana niyang sabi at tuluyan ng lumabas saka ako nilampasan. Hinabol ko naman siya ng tingin at napaawang ang aking bibig. Bumagsak pa ang aking balikat habang pinapanuod siyang maglakad papunta doon sa may elevator. Pinindot niya ito at hinintay na magbukas.
Tinignan niya ang wrist watch niya at napasinghap ako nang bigla niya akong lingunin. Ang mga mata niyang tamad kung tumingin ay tumama saakin.
"Don't just stand there! Male-late ka na." Aniya sa may di kalayuan.
My eyes narrowed. "Ihahatid mo ako?" Gulat kong tanong at hindi pa rin umaalis sa pwesto ko kahit na bumukas na iyong elevator.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Bago ba 'yon sa'yo?" Medyo iritado niyang sabi at muling pinindot ang buton para pigilan ito sa muling pagsara.
Bigla akong nabuhayan kaya bagamat na naiinis siya ay nginitian ko siya at umiling ako bago mabilis na naglakad palapit sakanya.
"Tss." Umiling siya bago siya sumunod saakin sa loob ng elevator.
Buong biyahe ay hindi pa rin kami nag-usap pero hindi pa rin matanggal ang mga ngiti ko sa aking mga labi. Siguro ngayon ay iniisip niya na nababaliw na ako pero wala akong pakialam. Kung kabaliwan ang magustuhan siya nang sobra, sige, tawagin na niya akong baliw.
"Thanks for the ride." Nakangiti kong sabi sakanya.
"You're late." Iyon lang ang sinabi niya at halos kaladkarin na niya ako palabas pero bago pa niya magawa iyon ay lumabas na ako ng kotse niya. I waved at him once more bago tuluyang tumalikod para pumasok na.
--
"Beatrix! Matagal ka pa diyan?" Sunod-sundo ang pagkatok ni Colton sa pintuan ko.
"Give me a minute!" Sigaw ko at inayos ang buhok ko. Pinasadahan ko ng tingin ang sarili ko sa salamin. I think I'm good. I'm wearing a spaghetti strap top na pinatungan ko nung denim jacket na suot ko nang unang beses kong makita si Yael. Tinernuhan ko ito ng high waist tattered jeans at puting converse.
Pagkalabas ko ay ang balisang si Colton ang bumungad saakin. Tinitignan niya kung may naiwan pa ba siya na kailangang dalhin. He's wearing a dark blue polo and maong pants.
"Ang tagal mo. Naghihintay na si Yael." Aniya nang mapansin niyang nakatingin ako sakanya. Lumabas na kami at ini-lock ng mabuti ang pinto.
Ang Vios ni Yael ang ginamit namin at naiwan ang FX ni Colton. Ayon kay Colton ay nagpresinta si Yael na siya na lang ang magmamaneho dahil iniintindi niya rin na pagod si Colton.
Sa frontseat sumakay ang dalawa habang ako naman ay mag-isa sa backseat. Yael is wearing a white v-neck shirt and tattered jeans too! Parehas kaming dalawa.
"Binisita ka pala ulit ni Honey, pre." Biglang sabi ni Colton sa kalagitnaan ng biyahe. Kumunot ang noo ko dito mula dito sa likod. Ulit? Ibig sabihin ay madalas siya nitong bisitahin?
"Sinong nagsabi?" Biglang tanong ni Yael at tinignan ako mula sa rearview mirror. Na para bang alam niya na ako ang nagsabi ngunit gusto niyang makumpirma.
Nag-iwas ako kaagad at kunwari'y may kinakalikot sa phone ko.
"Si Beatrix. Akala niya girlfriend mo." Sabi ni Colton na para bang wala ako sa likod nila. Siguro ay iniisip niya na naka earphones na naman ako at hindi sila naririnig.
Tumingin ako sa rearview mirror at pinamulahan ako nang magtama ang tingin namin ni Yael doon. Eyes on the road! Gusto ko iyong isigaw sakanya.
Tumawa ng bahagya si Yael pero hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin mula sa salamin. "Kung gusto niyang malaman ay sana sa akin niya itinanong." sabi niya at mas lalong lumalim ang mga titig niya saakin. Napalunok ako at muli nanamang nag-iwas. Umusog ako sa may bintana at tumingin na lang sa labas.
"Baka nahihiya..." Dinig kong sagot ni Colton at naghikab pa.
He shrugged. "She could've asked instead of jumping into conclusions."
"Masanay ka na. Ganyan talaga si Beatrix." I wrinkled my nose at Colton's response.
"I can see that..."
Naningkit ang mga mata ko sa sagot ni Yael. Seeing Honey's name flashed on the screen saying, 'H'wag mong damihan ang inom.' Ano sa tingin niya ang iisipin ko doon? She sounded like a girlfriend so they can't blame me kung inisip ko mang may relasyon silang dalawa.
"Ano ba kasi ang ginawa doon ni Honey?" Tanong pa ni Colton. Saglit akong napatingin sa gawi nila dahil maging ako ay gusto ko ring malaman.
"Wala naman... Dinalhan lang ako ng pagkain na tinake-out niya." Kaswal na sagot ni Yael.
Si Colton naman ngayon ang humalakhak. "Ano, nakuha ka naman ba niya doon? Hindi ka naman siguro manhid..." Makahulugang sabi ni Colton.
Napakagat ako ng mariin sa ibabang labi ko. I want to know that too! Sa tono ng pananalita ni Colton ay mukhang patay na patay rin si Honey kay Yael.
"I appreciate her as a friend pero hanggang doon lang 'yon... tsaka mas gusto ko yung ipinagluluto ako."
Biglang nagwala ang libo-libong mga paru-paro sa tiyan ko dahil sa isinagot ni Yael. My heart is even beating like crazy!
Bakit ganoon? Ako mismo ay ayokong bigyan ng kulay ang sinabi niya pero katawan ko mismo ang naglalabas ng ganitong reaksyon. Posible pa lang maglaban ang gusto ng utak sa reaksyon ng katawan.
"Paano kung natutong magluto si Honey? Bibigay ka na?" I really want to wring Colton's neck dahil sa mga pinagtatanong niya! Bakit tila ba botong-boto siya doon kay Honey bee? Damn!
"I don't easily fall for that... it's not the skills that I'm attracted to, it's the person who got the skills."
I swallowed the lump in my throat as I try to process the things that Yael have said. Damn! Why is this man so hard to figure? It's as if there's a mystery that needed to be solved in every word that he says.
"Ewan ko sa'yo..."
Ilang sandali pa ay nanahimik na lang si Colton at hindi na inasar ulit si Yael kay Honey. Wala ng imikan hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay. Kanya-kanya kaming baba ng kotse. Binuksan ni Yael ang compartment at kinuha ang cake at ice cream na dala namin. Sa labas pa lang ay sinalubong na kami nila Mama at Papa.
"Happy Birthday, Ma!" Colton and I greeted her at sinamahan pa namin ng yakap.
"Happy birthday, tita." Si Yael naman ang bumati.
Matamis ang ngiti na ibinigay saamin ni Mama. "Naku, salamat, salamat!"
"Mabuti naman at nakarating ka Yael." Sabi ni Papa.
"Opo, tito. Sinabihan lang ako ni Beatrix." Aniya at saglit kaming nagkatinginan pero ako ang unang nag-iwas. I don't know. I feel so uneasy. Parang parati na lang gustong kumawala ng puso ko sa tuwing nagkakatinginan kami.
"Mabuti. Tara na, pumasok na tayo sa loob at kumain." Papa invited us to go inside. Pagpasok namin ay sinalubong kami kaagad ng mga pinsan namin. There's some strange look on their faces when they saw Yael. Si Cole lang ang masayang sumalubong dito.
Colton introduced Yael to our cousins at kaagad naman niyang nakasundo ang mga ito bagamat nandoon pa yung awkwardness. My cousins are nice and they didn't let Yael feel out of place.
"We went to the airport yesterday. Hinatid kasi namin si Papa." Pagkukwento ni Cole kay Yael. Magkatabi silang dalawa at sabay na kumakain.
"Really?" Ngumiti si Yael sa bata.
"Yes! May mga eroplano akong nakita!" Masayang kwento ni Cole sakanya. Napangiti ako habang pinapanuod sila sa may di kalayuan.
"He's cute." Ani Brielle na bigla-bigla na lamang sumusulpot sa likod ko. Nilingon ko siya at di sinisadyang nagtaas ng kilay.
"Woah," She backed off. "Hindi ko naman siya gusto. I prefer the bad ones." Natatawa niyang sabi para i-justify ang komento niya kanina.
Hindi ako nagsalita at tinignan lamang siya ng ilan pang sandali bago muling ibinalik ang tingin ko kay Yael na nakangiti habang nakikinig sa pagkukwento ni Cole.
"Mahilig ka talaga sa mga maiilap ano?" sabi niya pa.
"He's different." Sagot ko ng hindi man lang siya tinitignan.
"Pagsasawaan mo rin naman. Ano pa ang kaibahan niya sa iba?"
I grit my teeth and faced her in annoyance. Alam ko naman na hindi niya ako bini-bwisit pero hindi ko mapigilang hindi mapikon.
"Hindi ko siya pagsasawaan, Brielle. Hindi na ako ganoon." Matigas kong sabi sakanya para tumigil na siya.
"Kalma, Trix. Bakit ka ba napipikon?" Kunot noo niyang sabi. Bigla namang lumambot ang ekspresyon ko. She's just trying to talk to me. Bilang pinsan ko siya ay gusto niya lang na makipag socialize saakin pero naging ganoon pa ako.
"Sorry. It's the just the hormones talking." Pagpapakumbaba ko.
"Ooh, period?" Tumatango-tango niyang sabi.
"Malapit na." Sabi ko.
"Nakatulog na pala... Ang daldal kasi at ang likot pa. Pasensya na ha?" Natatawang sabi ni Tita Mathilda kay Yael habang karga-karga si Cole.
"Ayos lang po iyon." Nakangiting sagot ni Yael.
"Mamaya pa yata ang sundo niyo, Tita?" Sabi ko.
Tumango siya saakin. Hinarap ko si Yael. "Patulugin mo na muna sa kwarto ko..." Sabi ko.
Tumango siya at tipid na nginitian si Tita Mathilda bago tumalikod. Tinanguan ko naman si Tita bago sumunod kina Yael. Ako na ang nagbukas ng pinto at sumunod ako sa loob saka pinanood si Yael habang maingat na inilalapag si Cole sa kama ko.
Sinindi ko ang aircon habang tinatanggal ni Yael ang sapatos ni Cole. Ang galing niyang mag-alaga ng bata. Paano kaya kung sa anak niya pa?
"Gustong-gusto ka talaga ni Cole." Nakangiti kong sabi habang pinagmamasdan ang natutulog kong pinsan.
"I can see that..." Natawa siya ng bahagya.
"How can you do that?" Tanong ko at ngayon sakanya naman ako nakatingin.
"Do what?" Tinignan niya ako pabalik.
"Yung magustuhan ka kaagad ng isang tao kahit na unang beses ka pa lang niyang nakita." Kasi ako gano'n. Unang kita ko pa lang sakanya ay gustong-gusto ko na siya kaagad.
Ngumisi siya at nagkibit balikat. Muli niyang ibinalik ang tingin kay Cole. Ako naman ay inilibot ang mga mata ko sa kwarto ko. It's still the same.
"Namiss ko rito..." nasabi ko na lang.
Muli akong tinignan ni Yael. "Gusto mo nang bumalik?" Tanong niya at binasa ang ibabang labi niya gamit ang kanyang dila.
I bit the inside of my cheek as I shake my head. "Hindi... Ayaw ko pa." Sagot ko.
Napangisi siya at tumango bago nag-iwas ng tingin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top