Chapter 14
Chapter 14
Sino
Tanghali na nang magising ako and then I suddenly craved for coffee and doughnuts. Malapit na sigurong dumating ang monthly period ko. Nagpahinga ako ng kaunti bago bumangon para maligo. I'm wearing a tattered shorts and a black shirt that has 'reputation' printed on it. Inilugay ko lang ang natural kong kulot na buhok.
Before leaving, hinanap ko ang sticky notes ko sa bag ko at sinulatan ito.
'I went out to buy some doughnuts.
-Beatrix'
Matapos kong i-lock ang pintuan ay idinikit ko ito sa pintuan bago tuluyang umalis. I don't know why I felt obligated to inform Yael that I went out... Baka kasi may kailanganin at kumatok siya tapos walang sumagot. Wala rin naman akong number niya kaya hindi ko siya masasabihan na umalis ako saglit.
I went to the nearest shop to buy doughnuts and coffee. Pagpasok ko ay nagulat ako nang makita ko ang pamilyar na likod ng isang babae na may kasamang lalaki sa may table. They're both wearing their school uniforms. Sa hitsura pa lang no'ng lalaki ay mukhang hindi niya hilig ang sumunod sa mga school rules. He has a lip piercing and his hair is quiff.
I tried to ignore them pero sa paglapit ko sa may counter ay mas lalo kong namumukhaan yung babaeng kasama niya.
"Brielle?" I was shocked when I saw my cousin! Tumigil ako sa harapan nila at sabay silang napatingin saakin. Nang makita ako ni Brielle ay para siyang tinakasan ng dugo sa katawan dahil sa pamumutla.
"T-trix..." She stammered.
"You know her?" Dinig kong tanong nung lalaking kasama niya pero pareho naming hindi pinansin ni Brielle.
"You should be in class, Brielle." Sabi ko sakanya.
"Can we talk? Privately." Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Nando'n pa rin ang kaba at putla sakanyang mukha nang tanungin niya ako kung pwede ba kaming mag-usap ng pribado.
Bumuntong hininga muna ako at sinulyapan ang lalaking kasama niya na mukhang walang kaalam-alam sa nangyayari bago ko ibinalik ang tingin ko kay Brielle at tipid siyang tinanguan. Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya. Pinasadahan ko siya ng tingin. My God, she's still on her uniform for crying out loud! The both of them aren't wearing their IDs pero alam na alam mo pa rin kung saang school sila dahil sa patch nila sakanilang uniporme.
"Where are you going, Brielle?" The guys asks. Brielle looked at him sharply.
"I'll be back, Sandro. Just wait there!" Brielle said in gritted teeth at tuluyan na niya itong tinalikuran. I glanced at the guy named Sandro once more before I went out of the shop. The Sandro guy looks pissed because of Brielle's reaction awhile ago.
"What was that, Brielle?" tanong ko sakanya nang makalabas kami.
"Trix... Please don't tell Kiel... and even Eli! My God, not Eli." Pakiusap niya at hindi nanaman pinansin ang sinabi ko.
"Is that your boyfriend?" tanong ko sakanya at hindi rin pinansin ang pakiusap niya.
"No!" Mabilis niyang sagot.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Then he's just a friend?"
"Hindi rin..." Sagot niya at tinignan ang kuko niya na may nail polish pa! Damn Brielle! What the heck is she planning to do with her life?
"E ano?"
"Fling." she answered and I swear I almost lost it. I'm not trying to be Beatrix the goody-goody two shoes here but Brielle is too young to engage in this kind of relationship. She's just in Grade 10! Hindi rin tama yung nag ka-cutting siya para lang makipag date!
"My God, Brielle!" That's what I managed to say due to my frustration. Hindi matutuwa si Kiel kapag nalaman niya ito at sigurado ako na kapag si Eli ang nakaalam nito ay magsusumbong siya kay tito Ezekiel.
At kung hindi nagustuhan ng dalawang Kuya ni Brielle ang ginawa niya, mas lalo naman si tito Ezekiel.
"Trix, h'wag mong sasabihin sa kanila. Please." Pakiusap niya ulit.
"Bumalik ka na sa klase mo, Brielle." Matigas kong sabi sakanya.
"Mangako ka muna..." She said, almost pleading.
"Fine! Hindi ko ako magsusumbong." I sighs.
I saw relief on her face. "Thank you, Trix. Thank you." Sabi niya. Tumango lang ako at mabilis na siyang pumasok sa loob at nang lumabas na siya ulit ay kasama na niya si Sandro.
"The fuck, Brielle? You should at least let me finish my coffee!" I heard Sandro groaned in protest.
"Shut the fuck up, Sandro!" Singhal ni Brielle sa kasama niya habang pilit itong kinakaladkad palayo. Hindi ako pumasok ng shop hangga't hindi sila nawawala sa paningin ko. Dang. Hindi ako good girl pero nasisiguro ko na mas malala saakin si Brielle.
Bumuntong hininga ako bago muling pumasok sa shop. I won't tell Eli and Kiel about this but I'm sure they'll find out soon. Lalo na kung dadalasan ni Brielle ang ganyan niyang gawain. And I'm sure as hell that they won't like Sandro for Brielle.
I bought a box of doughnuts and two frappes (in case Yael wants some). Hindi nagtagal ay nakabalik na ako. Tinignan ko yung note yung pintuan and it's still there. Hindi ko alam kung nakita na ba iyon ni Yael o hindi pa. Nagkibit balikat na lang ako at binuksan ang pintuan kahit na nahihirapan ako dahil sa mga hawak ko.
I went inside and placed the box and frappes on the center table. Dumiretso ako sa kwarto ko at tinignan ang sarili ko sa salamin. Hindi na masama, pwede naman akong humarap kay Yael.
Bago ako lumabas ay nagdadalawang isip ako kung dadalhin ko na ba yung mga binili ko or maybe I should ask him first if he wants some? In the end, hindi ko na muna binitbit ang mga binili ko dahil masyado akong mukhang eager.
Ni-reherse ko muna sa utak ko kung ano ang appropriate na sabihin kay Yael para mamayang kaharap ko na siya ay h'wag mablanko ang utak ko kagaya ng parating nangyayari.
I opened the door pero hindi pa man tuluyang nabubukas iyon ay kitang-kita ko na si Yael mula sa labas ng kanyang unit kasama ang pamilyar na babae. Napahigpit ang hawak ko sa doorknob at napakagat ako sa ibabang labi ko.
Yael with his flight attendant girlfriend.
Parang iyong bombang sumabog at gumising sa huwisyo ko.
"Kainin mo yung mga dinala ko ha?" Malambing na sabi nung girlfriend niya.
Ngumiti si Yael at tumango dito. His smile is so warm. "I will, thank you, Honey."
My eyes stung. Gusto kong tawanan ang sarili ko ngayon. You are so pathetic, Beatrix Hayle.
Lumawak ang ngiti nung babae. "You're always welcome," sabi niya at napakagat pa sa ibabang labi niya.
Yael just smiled nicely while looking at her. They were looking at each other! Unti-unting gumuho ang mundo ko nang tumikyad iyong babae at bago ko pa tuluyang makita ang pagdampi ng mga labi nila sa isa't-isa ay tahimik kong isinara ang pintuan ko.
Parang binuhusan ng asido ang tiyan ko at piniga ang puso ko. Kaagad kong pinunasan ang luha ko na nag-uunahan sa pagtulo.
What the fuck! This is the first time that I cried over a guy. At ang masama pa ay yung iniiyakan ko ay taken na. Ini-lock ko ang pinto at umupo na lang sa sofa. Tinignan ko yung mga binili ko. Guess I'll just eat these alone.
"Estupida!" Nick said bluntly.
"Yang bibig mo, Nickolas!" suway ni Kaye sakanya. Tipid lang akong ngumiti. Totoo naman ang sinasabi ni Nick. I'm stupid.
"Totoo naman ang sinasabi ko... Magkakagusto na lang yang gaga mong kaibigan sa may jowa pa!"
"Stop being too harsh! Nasaktan na nga si Beatrix ginaganyan mo pa!" Suway ni Kaye sa kanyang kaibigan. I actually like how harsh Nick's words are. Iyon lang naman ang kailangan ko ngayon para magising na ako ng tuluyan.
"Hay nako, anong gusto mong sabihin ko? 'Good job, Beatrix! Napakaganda ng ginagawa mong yan! Ipagpatuloy mo lang. H'wag kang titigil hangga't hindi ka nakakasira ng relasyon ha?' Ganoon ba, Kayeleen!?" Sarcastic na sabi ni Nick. Bigla akong nalunod sa guilt dahil sa sinabi niya. May punto siya. Paano na lang kung nagtuloy-tuloy pa?
What I'm doing is not right. Makakasira ako ng relasyon kapag nagpatuloy ako sa pakikisama kay Yael. Aware naman ako sa nararamdaman ko para sa kanya, alam kong gusto ko siya kahit na may nobya na siya ngunit bakit hindi ko pa rin siya iniiwasan?
"Bakit? Ganyan ang uso ngayon! Agawan ng jowa. Minsan nga kung sino pa 'yung third party sila pa yung mas masarap."
"My God, Kayeleen! Simula ngayong araw ayokong lumalapit ka kay Beatrix! Wala kang magandang dulot, masamang espirito ka!"
At pinanindigan nga ni Nick ang sinabi niya. Halos isako na niya si Kaye sa tuwing lumalapit siya saakin at kulang na lang itape pa niya ang bibig nito para h'wag magsalita dahil baka polusyonin daw ni Kaye ang utak ko.
Nick doesn't have to do that though, hindi naman ako magpapaka third party. But I'm grateful for the both of them though. Kahit na medyo hindi ako gusto nitong si Nick ay ramdam ko naman ang concern niya dahil kaibigan ako ng bestfriend niya.
"Bye, Beatrix." Paalam ni Kaye saakin at akmang yayakapin ako pero mabilis akong inilayo ni Nick sa kanya. Inilagay ako ni Nick sa gilid niya at mahigpit na inakbayan.
"Lumayas ka, Lucifer!" mariing sabi ni Nick. Humalukipkip lang si Kaye at sinamaan ng tingin si Nick. Nagulat naman ako nang tignan ako ni Nick sabay baba ng bibig niya sa may tenga ko.
"H'wag mo nang lapitan si Kaye simula ngayon. May ketong siya." Bulong niya sa tenga ko na naging dahilan para matawa ako. Kahit kailan talaga ay punong-puno nang kalokohan itong si Nick.
"Oh my God, Trix!" Napasinghap bigla si Kaye at parang nakakita siya ng multo. May inginuso siya at sabay kaming napatingin ni Nick doon. I was stunned when I saw Yael. His arms are crossed on his chest habang nakasandal siya sa hood ng kotse niya.
Malamig ang titig na ipinukol niya sa akin.
"Fuck! Ang gwapo naman pala niyan!" Bulong pa ni Nick sa tenga ko. Hindi ko na iyon napansin dahil ang mukha lang ni Yael at ang mga mata niyang sinlamig ng yelo kung tumingin ang aking napapansin.
"Nick..." Tawag ko sa kanya at tinignan niya. Alam niya kung ano ang ibig sabihin ng titig na ibinigay ko sa kanya.
"Ano, pupuntahan mo?" Kinunotan niya ako ng noo pero hindi pa rin inaalis ang pagka-akbay sa akin. Wala rin namang mangyayari kung aalis na lang ako basta at magkunwaring hindi ko siya nakita.
That would just make things complicated. At isa pa, wala rin naman akong karapatan na umasta ng ganoon. I'm just the sister of his bestfriend.
"Ako na ang bahala, Nick." Sabi ko na lang. Pumalatak naman siya at naiirita niya akong tinignan.
"Ewan ko sa inyo. Pag-untugin ko kayo ni Kaye e." Bwisit niyang sabi at binitawan na ako tapos ay naglakad na siya paalis. Tinignan ko si Kaye at tinanguan niya ako para sundan na si Nick.
Muli kong ibinaling ang tingin kay Yael at seryosong nakatingin saakin.
Kahit na parang aatakihin na ako sa puso dahil sa kaba ay humakbang pa rin ako papalapit sakanya.
"Tara na?" Casual kong sabi.
"Tss." Iyon lang ang sinabi niya at pumasok na sa loob ng Vios niya. Ni hindi man lang niya ako pinagbuksan ng pinto. Napapikit ako nang mariin bago pumasok sa loob ng sasakyan niya.
Buong biyahe ay wala kaming imikan. Bakit pa? Ano ba ang dapat kong sabihin? Na nakita ko sila ng girlfriend niya at sobrang goals nila? Pasikreto ko siyang sinulyapan at nakakunot lang ang noo niya habang diretso ang tingin sa daan. Tumigil ang kotse niya sa may parking. Walang nanghas na bumaba saamin.
Parehong diretso ang tingin namin at walang imikan. I don't even know why he looks pissed.
Dahil ba maaga akong umalis kanina at hindi sumabay sa kanya? Nainsulto ba siya dahil nagmukha siyang tanga dahil akala niya nasa loob pa ako pero ang totoo umalis na pala ako? I don't know.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. "Salamat sa pagsundo, Yael... Pero hindi mo na kailangan gawin 'to simula ngayon." Sabi ko nang hindi man lang siya binabalingan ng tingin.
Natawa siya nang pagak na naging dahilan upang tingnan ko siya.
He's already looking, his soft brown eyes turning fierce while trying to catch my gaze.
"Bakit? Kasi nagseselos iyong bago mo?" Maanghang niyang pahayag. I don't understand what he's saying but there's one thing I know... Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya.
Bago ko? Iniisip niya ba na may bago akong gusto? Na katulad pa rin ako ng dati na madaling magsawa? Tangina!
"Goodnight, Yael." Malamig kong sabi at hindi pinansin ang sinabi niya. I unlocked the door and tried to open it pero may pinindot siya na naging dahilan upang maglock ang pintuan at hindi ko mabuksan. I tried to unlock it again pero ayaw pa ring bumukas.
Inis ko siyang sinulyapan pero wrong move yata dahil sinalubong ako ng nag-aalab niyang mga mata.
"Ano, pinagsawaan mo na rin ba ako, Beatrix? Pinagsawaan mo na rin ba ako tulad no'ng Civil Engineering student noon?" Nanghahamon niyang sabi at nag-igting ang kanyang bagang. For the second time I was insulted by him again.
So, ganoon pa rin ang tingin niya sa'kin. Childish. Madaling magsawa.
"Nagsawa ka na sa piloto at nurse naman ngayon ang gusto mo?" Pang-iinsulto niya. Nag-igting ang bagang ko. Now he's accusing me that I like Nick? Inaakusahan niya ako na ipinalit ko si Nick sakanya? Damn him!
Tumawa ako nang pagak. "Ano ngayon kung pagsawaan kita, Yael? Hindi ka naman kawalan. May girlfriend ka naman na hindi magsasawa sa'yo." I fired back.
Tumawa siya ng pagak pero nandon pa rin yung... galit?
"Sino?" Nanghahamon niyang tanong.
Mas lalo lang nagsalubong ang kilay ko at hindi siya nasagot. What does he mean 'who'!?
"Sino, Beatrix? Sino ang girlfriend ko?" He's demanding for an answer and his voice is so sarcastic.
I grit my teeth. "The flight attendant, Yael! Nakita ko kayong dalawa! You two were kissing!" Sigaw ko sakanya at pakiramdam ko ay namumula na ang buong mukha ko dahil sa iritasyon na aking nararamdaman.
Namilog ang mga mata niya pero kaagad din namang bumalik ang alab sa mga iyon.
"Did we?" Tanong niya pa.
Bumagal ang dibdib ko mula sa pagtaas baba at hindi nakasagot. The truth is, I'm not sure if they really kissed. Bago ko pa man kasi tuluyang makita ay sinara ko na ang pintuan.
"I'm asking you Beatrix Hayle Ponce de Leon! Did. We. Kiss!?" He growled. Mas lalong nagwala ang puso ko nang banggitin niya ang buo kong pangalan.
"I don't know! Hindi ko nakita! But I'm positive that you both did! She's your girlfriend, of course you would kiss her back!" I yelled.
Tumawa siya sarcastic at binasa ang ibabang labi niya gamit ang dila niya.
"See! Ni hindi mo nga nakita... At girlfriend? Hindi ko alam na may girlfriend pala ako, Beatrix."
Kumunot ang noo ko. "A-anong ibig mong sabihin?"
"Kung may girlfriend ako ay hindi kita hahayaang tumungtong sa kwarto ko, Beatrix. But I did. I even let you sleep on my bed..." Malamig niyang sabi at iniwan na ako dito sa loob ng kotse niya. He even slammed the door before leaving.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top