Chapter 19
Chapter 19
Denim Jacket
Napahawak ako sa labi ko habang pumapatak ang butil-butil na tubig na nagmumula sa shower. Kanina, iyon ang ikalawang beses na hinalikan niya ako. Napangiti ako at ipiniling ang ulo ko.
Binilisan ko na ang pagligo dahil alam kong naghihintay siya sa sala. Siya na nga rin ang naghugas ng mga pinagkainan namin para daw makaligo na ako.
Matapos kong magbihis sa banyo ay lumabas ako na may towel na nakapaikot sa ulo ko. Pinuntahan ko siya sa sala habang nanonood siya ng telebisyon. Nang maramdaman niya ang paglapit ko ay inilipat niya ang tingin sa akin at nginisian ako. I grin back and sat beside him.
"Anong oras duty mo bukas?" Tanong niya bigla at muling ibinalik ang tingin sa screen.
"Gabi pa. Ikaw, kailan ulit ang alis mo?" Tanong ko pabalik.
Ngumisi siya. "Kakarating ko lang pinapaalis mo na ako kaagad." biro niya.
Napanguso ako. "Hindi naman! Nagtatanong lang naman ako." Depensa ko. Kung pwede nga lang na h'wag na siyang umalis.
Natawa naman siya sa reaksyon ko. Pinagpatuloy niya na lang ang panonood niya sa basketball na kanina niya pa pinapanood at ako naman ay naisipang mag tingan ang phone ko na nakapatong sa center table.
I have four messages with some random guys that has been texting me for awhile. Some of them were my schoolmates before. Yon ang pakilala nila. Hindi ko naman sila nire-replyan at hindi ko nga alam kung saan nila nakuha ang number ko.
"Sino yan?" Hindi ko alam na nakatingin na rin pala si Yael sa screen ng phone ko habang nakakunot ang noo.
Nagkibit balikat ako. "Hindi ko alam. Hindi ko naman nirereplyan." Sagot ko. Bigla niyang inagaw ang phone sa kamay ko.
"Yael!" Saway ko sa kanya at akmang kukunin ulit yung phone pero isinangga niya ang braso niya mula sa akin at binasa ang mga text messages.
Natagalan din bago niya muling ibinalik ang phone ko sa'kin.
"Anong ginawa mo?" Kunot noo kong tanong sa kanya at iniscroll ang inbox ko. Wala na yung text messages nila.
"I blocked them." Casual niyang sagot. Pinanlakihan ko siya ng mga mata.
"O bakit parang ayaw mo?" Tinaasan niya ako ng kilay.
"Hindi ko naman sila nirereplyan ah. Hindi katulad mo." Depensa ko kaagad.
Kumunot ang noo niya. "Bakit? Sino ba'ng nirereplyan ko?"
"Si Honey!" Hindi ko mapigilang sabi. Tandang-tanda ko pa noong nag stay siya sa bahay namin ng tatlong araw. Palaging may text sa kanya si Honey. Akala ba niya nakakalimutan ko 'yon?
May kung ano siyang kinuha sa bulsa niya. Yung phone niya. Iniabot niya sa akin iyon.
"Block mo rin." Walang halong pagbibiro sa tono niya. Namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.
He placed his phone on my lap.
"Do it. Alam mo naman ang password ko." Kaswal niyang sabi at muling ibinalik ang atensyon sa TV. Nagpakawala ako ng marahas na buntong hininga habang nakatingin sa phone niya na nakapatong sa lap ko. May kung anong nagtulak sa akin para kunin ang phone niya at tignan iyon.
Pinindot ko ang apat na zero para sa kanyang password at nagbukas naman ito. So he hasn't change his password yet and I haven't forgetten about it either. His homescreen is a view on the cockpit of the plane. May mga buttons at may iba't-ibang kulay ang ilaw sa picture.
I guess those were the controls. Ang phone niya ay walang gaanong social media apps. Puro ito apps na may eroplano at hindi ko maintindihan kung ano.
Skype lang ang meron niya.
"Wala kang facebook?" Hindi ko mapigilang tanong. Tiningnan niya ang phone niya na hawak ko at sunod naman ang mukha ko. I didn't even see a hint of uneasiness on him. Looks like he doesn't mind that I'm exploring his phone.
"Binura ko." Sagot niya.
Natawa ako ng bahagya. "Bakit naman?"
"It's irritating. After every flight may mga nag a-add." Bakas ang iritasyon sa mukha niya nang ipaalala ko kung bakit niya binura ang facebook niya.
Well, that's true though. Ganoon din ang nangyari kay Colton. Kapag kasi malapit ng mag landing ang eroplano ay iaanunsiyo kung ano ang pangalan ng piloto at ang mga crew doon sa loob ng eroplano. Colton didn't deleted his facebook though. What a manwhore.
Natawa naman ako at nagpunta sa gallery niya. Majority of his photos are just the view in the cockpit. Iba't-iba ang anggulo ng mga ito. Nag scroll pa ako at nakita ko ang isang candid pic niya na naka cargo shorts siya at puting v-neck shirt, may suot rin siyang shades. The view is beautiful, mukhang nasa siyudad siya pero hindi ko sigurado kung saan.
"This is instagramable." I said out loud. Umusog pa siya papalapit sa akin at nakitingin na rin sa screen ng phone niya. Our arms are already touching. My heart raged because of that but I played it cool.
"I don't have instagram." Aniya.
"I know. Who took this?" tanong ko habang sinusuri ang phone niya.
"Iyong naging co-pilot ko sa isang flight." Sagot niya. Napa 'ahh' naman ako at in-exit na ang gallery niya. I clicked the camera at bumungad kaagad sa screen ang mukha namin.
It's visible on the screen how close we are. His mouth is almost touching the side of my head. Nakita ko ang pag-ngisi niya mula sa screen.
"You blocked her already?" tanong niya. Umiling ako at pinindot ang bilog na puting buton. The camera captured our faces. Saglit siyang napatingin doon pero muli niyang ibinalik ang tingin saakin.
"Why not?" Kumunot ang noo niya. This time ay hinarap ko na siya at sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't-isa.
"Just don't reply." I said, my breath is fanning his mouth. I'm going to be honest, ayokong i-block si Honey dahil kahit papaano ay parehas sila ng airline na pinagta-trabahuan.
Honey is nice to Yael,too no matter what her reasons are, she's still nice to Yael so it's not a good idea to block her just like that. Pero ayoko rin naman na magka-text sila ni Yael.
Lumawak ang ngisi niya. I smirked at him too and my eyes landed on his lips.
Oh my God. Biglang bumigat ang paghinga ko. My inner hoe starts to come alive.
Napaawang ang bibig ko at gustong-gusto ko ng ilapat ang mga labi ko sa labi niya pero pinigilan ko ang sarili ko at iniwas ang mukha ko sa kanya at ibinalik na lang ang atensyon ko sa phone niya. I felt the tip of his nose on the side of my head.
I saw through the front cam that he's inhaling the scent of my hair. I smiled widely and tap the white button again to capture our lovely moment.
"You. Smell. Good." He said between his sniffs. Thousands of shivers went through my spine.
"Yeah?"
"Yeah..." He whispered as his fingers touched the strands of my hair. "And it's curly... I like it."
Napahagikgik ako sa sinabi niya. Shit.
Is he giving me a compliment or he's just flirting with me? Oh well, who cares. I still love every second of this moment.
"Alam mo ba gustong kong magkaroon ng straight na buhok no'n? Iyong katulad kay Jess."
"Maganda naman ang buhok mo. You should learn to appreciate the things that you have."
I looked at him defensively. "I do appreciate my hair and I like it but it's just that I love my best friend so much. Gusto ko parati kaming parehas, pati nga iyong nunal niya noon ay gusto ko magkaroon din ako."
Ngumisi siya habang pinaglalaruan ang ilang hibla ng aking buhok.
"Kailan iyan?" Tanong niya.
"Hmm... Mga junior high."
A low chuckle rose from his throat. "That's very cute."
Ilang saglit ko siyang tiningnan nang malapad ang mga ngiti. Dang! This guy never failed to amuse me... Sa tingin niya cute iyon?
"You want something to eat? I'll cook." Bigla kong sabi. He shakes his head while before drawing the some strand of my hair in front of his nose.
Hindi ko alam pero parang nakikiliti ako na nakukuryente sa tuwing binibigyan niya ako ng ganyang klaseng atensyon.
"Then what do you want?" I asked trying to keep my cool. God, bakit ang lakas ng epekto niya sa akin?
"Your number." Aniya. Kunot noo at natatawa kong ibinaling ang tingin ko sa kanya.
"What?"
"Your number, Beatrix. I want it." seryoso niyang sabi at itinuro ang phone niya. I bit my lower lip to prevent myself from smiling but failed to do so.
"If the Captain wants it then he will get it." Sabi ko at isinave ang number ko sa phone niya. Nang maisave ko iyon ay kinuha niya ang phone niya sa akin at nag missed call siya sa number ko.
My phone on the center table vibrated and his number was registered on the screen.
"That's my number. Save it." aniya at inginuso ang phone ko na nasa center table. Kaagad ko naman siyang sinunod. The thought of Yael and I already exchanged numbers excites me.
After that, we spend an hour watching the television. After watching the game nagpaalam na siya na babalik na siya sa kabila. Gusto ko sanang mag protesta pero nahiya ako at baka gusto niya na ring magpahinga kaya tumango na lang ako. Bumalik siya noong oras na ng hapunan at sinaluhan akong kumain.
That became our routine for the remaining days that he has before going back to the airport. Susunduin niya ako at sabay kaming kakain ng almusal o di kaya'y kakain muna kami ng dinner bago niya ako ihahatid kapag pang-gabi ako.
My phone vibrated while I'm walking with Kaye. I checked it without stopping from walking. My heart skipped a beat when I saw Yael's name on the screen. Ito ang kauna-unahang beses na tinext niya ako simula nang magpalitan kami ng contact number.
I thought he'll never text me! Siguro ay naisipan niyang ngayon mag text dahil malayo na siya. Matapos niya akong ihatid ngayong umaga ay dumiretso na siya sa airport.
Yael:
Hi! The plane just landed here in Puerto Princesa.
Mahina akong napahagikgik sa text niya. What the hell, Yael? Para lang siyang nagtext ng advisory na malapit ng ma expire ang load ko ah.
Kaagad akong nag type ng reply.
Me:
How's your flight, Captain?
Pagkatapos kong isend iyon ay muli ko ng isinuksok ang phone ko sa bulsa ko. Awtomatiko akong napatingin kay Kaye nang maramdaman kong kanina pa pala siya nakatingin.
"Yung piloto ba yan?" Ngumisi siya.
I bit the inside of my cheek and nodded my head. Lalong lumawak ang ngiti ni Kaye at mahina pang tumili. Pero kaagad din namang kaming umayos nang mapansin namin pareho na pinagtitinginan na kami ng mga ibang nurses. Sumakay na kami ng elevator ni Kaye at nauna siyang lumabas dahil sa 4th floor lang ang pasyente niya. Muling tumigil ang elevator sa 5th floor at bumukas ito.
Napaatras ako mula sa kinatatayuan ko nang makita ko kung sino ang babaeng papasok. She was surprised when she saw me too but in the end she just ignored me. Tuluyan na siyang pumasok at pinindot ang floor niya. In my case, I just can't ignore her. Marami akong gustong itanong sakanya.
"Rhian..." Tawag ko sakanya. Hindi niya ako pinansin at nagkunwaring walang naririnig.
"I know you can hear me... I... I just want to ask about R-Ryan." I stuttered. Pinaghalong kaba at gulat ang nararamdaman ko ngayon. Buong rahas niya akong tinignan nang banggitin ko ang pangalan ng kanyang kapatid.
"H'wag mo ng guluhin ang kapatid ko!" She hissed.
"H-hindi ko naman siya guguluhin... Gusto ko lang siyang makausap. Nandito ba siya?"
I have so many questions to ask him and I want to apologize from treating him like a total shit.
"No, he's not here. At h'wag ka ng magbalak na kausapin siya. Don't confuse my brother's feelings! Okay na siya ngayon." Maawtoridad niyang sabi at nauna ng lumabas sa elevator. I want to go after her but I think this is not the right time. Wala rin naman akong mapapala kay Rhian.
She doesn't like me ever since. She doesn't like the way I dress, the way I am. She doesn't like the thought of someone like me- who's a party girl- is crushing on her brother. Then she hated me even more when her brother liked me back and I started treating him like a total shit.
Wala akong pakialam noon. I didn't care if she loathes me. Ano naman ang magagawa niya kung ayaw ko talaga sa kapatid niya hindi ba? Kaya sa tuwing gumagawa kami ng group projects sa bahay nila Ryan at sobrang sama ng tingin niya saakin ay hindi ko pinapansin.
Iniisip ko pa nga, why would she meddle in his brother's business? Bakit hindi na lang ang trabaho niya ang pakialaman niya imbes na maki sawsaw siya saaming college nursing students?
Pero ngayon ay naiintindihan ko na. I was the one who's wrong. She just simply cares for her brother and she doesn't want Ryan to be a fool for someone like me... Someone like me who can't even appreciate him and his efforts.
Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi na ako nakausap ng matino kanina ni Kaye. Nabasa ko na lang din yung text messages ni Yael nang makarating na ako sa condo.
Yael:
It's fine. Wala naman naging problema. How 'bout you? How's your duty?
Yael:
Guess you're busy... I'm with Colton, by the way.
Napangiti ako kaagad nang mabasa ko ang dalawang texts ni Yael.
Me:
Sorry, hindi kita nareplyan kaagad. Kakauwi ko lang din. Oh, how's Colton? Kasama mo pa?
Isinandal ko ang ulo ko sa sofa at sandaling ipinikit ang mga mata ko. Napabalikwas ako nang marinig kong tumunog ang phone na hawak ko. Muli akong napangiti dahil sa bilis ng pagre-reply niya.
Yael:
No, pumasok na siya sa hotel room niya and he's doing fine.
Me:
Ikaw, kamusta?
Yael:
Gusto ko nang umuwi.
I smiled widely and bit my lower lip after reading his reply. I even felt my cheeks blushed. Tangina!
Me:
Uwi ka na.
Pabiro kong pagpu-push sakanya.
Yael:
Kung pwede lang.
Me:
Just enjoy the view there. Maganda naman diyan e.
Yael:
Ilang beses na akong nakapunta dito. Wala namang nagbago.
Me:
Edi yung view ng mga chicks yung enjoyin mo diyan. I'm sure bagong mukha nanaman ang mga nandiyan. Haha!
Gusto ko pang sabunutan ang sarili ko nang mabasa ko ang reply ko sakanya. What the fuck! Did I just pushed him to check the other girls out?
Yael:
Mas maganda yung chick na nakita ko sa Boracay.
Naningkit naman ang mga mata ko sa reply niya. Ang alam ko galing din siyang Boracay last week e! Sino nanaman ang nakita niya doon?
Me:
Talaga maganda? Baka hipon lang yan.
Yael:
Nope. She's far from that.
Me:
O tapos?
Tamad kong reply sakanya. Nakakainis naman 'to!
Yael:
Tapos she's really gorgeous... It's the way her skin glows when the sunlight hits her. Her freckles are like the stars in the sky and her smile? Damn! Could bring a sunlight into the universe.
Umigting ang aking bagang. At talagang detalyado pa? Ang kapal ng mukha mo, Yael Salcedo!
Me:
Tapos? Masaya ka naman?
Yael:
Yes, I'm happy... Ang kaso lang, no'ng nakita ko siya sa bar. Malakas pa siya uminom kaysa sa'kin.
Shit! Nag bar pa pala e. Wala na, bwisit na bwisit na talaga ako. At ang kapal nang mukha niya para ikwento 'tong mga 'to sa'kin? Anong akala niya?!
Me:
Ba't di mo nilapitan? Sinabayan mo sana! Para masaya 'di ba?
Yael:
Wala, kasama na yung Australiano e.
Australiano? Bar? Malakas uminom? Freckles?
Realization began hitting me all at once... I'm the one he's talking about!
Ako iyon! I have freckles... Nag bar ako at medyo naparami nga ang inom ko no'n at kasama ko 'yung si Aussie guy.
So, he really noticed me no'ng nasa Bora pa? But why did he treat me like a freaking air that time?
Me:
Ewan ko sa'yo. Mga kalokohan mo, Yael. Akala ko naman kung sino
Yael:
Who else do you think I'm talking about?
"Shit! Umuwi ka na nga dito!" Hindi ko mapigilang sabi habang nakatingin sa conversation namin.
Sa kabila ng kilig na nararamdaman ko ay nakapag type pa ako ng reply.
Me:
So you did notice me in Bora?
Yael:
Yep. Really liked the denim jacket.
_______________________________________
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top