CHAPTER 4

PALAY FESTIVAL

Halo-halong emosyon ang naramdaman ko habang papasok kami sa bahay. Nakaka-miss rin pala talaga ito. Simula kasi nang makakuha ako ng pagkakataong bumukod, mabibilang na lang sa daliri ang araw na pumupunta ako rito. Back when I was a child, I thought that I will find the freedom that I've been seeking when I learn how to live alone, how to be independent. Pero ngayon, ramdam kong iba pa rin talaga ang matatawag mong tahanan.

Napahawak ako sa dibdib dahil sa gulat nang may kung anong pumutok pagkapasok namin sa bahay. My family—aside from my mother and sister who picked me from the hospital—welcome me with smile, but still, I can see the hint of sadness in their eyes.

I can see pity in their eyes that I really hate.

“Welcome home, Roxanne!” bati nila.

Pinilit kong iniangat ang magkabilang sulok ng labi ko para ngumiti. “Thank you po.”

Nagsimula ang munting salu-salo na masaya. Kainan, kwentuhan, tawanan na para bang walang problema. I should also thank them for not bringing up the topic about my condition. That will surely ruin the mood.

“Ano ba nagustuhan mo diyan, Gino? Eh mahilig iyang makipagbardagulan sa mga lalaki dati,” pabirong tanong ni Kuya Jack, pinsan ko.

“I just love everything about her, even the silliest thing she did.” And that makes my heart skipped a beat.

Hindi ko alam kung bakit pa Niya sa akin ibinigay ang lalaking ito kung sa huli ay masasaktan ko lang din pala. He doesn't deserve to be hurt by me.

“Oh tama na ang kilig, Anne. Ito kumain ka nang kumain,” sabi ni Mama habang nilalagyan ng pagkain ang plato ko.

Nang mapagod ako ay nagpahatid na ako kila Mama sa kwarto ko. Si Gino kasi ay sinamahan sila Kuya Jack na bumili ng dagdag na pagkain. Nagkantiyawan kasi sila kanina at biktima ang boyfriend ko.

Lumapit ako sa gawing bintana kung saan nahagip ko ang maliit notebook sa ibabaw ng bedside table ko na malapit lang din sa bintana. I opened it and flipped some page before a list caught my attention. It was a list of the things that I want to do before I d*e. And I think, this is the best time to fullfil it. Gusto kong matupad ang kahit alin dito sa loob ng mga nalalabing araw ko.

“Sabi ni Tita, nandito ka.” Napalingon ako sa gawing pintuan kung saan pumasok si Gino. Nakauwi na pala sila. “Hindi pa tapos ang kasiyahan sa baba. May masakit ba sa iyo?” tanong niya na bakas ang pag-aalala.

Agad akong umiling at tipid na ngumiti. Dahan-dahan kong iniangat ang braso para palapitin siya na agad niya namang sinunod.

“What is that?” tukoy niya sa notebook na hawak ko.

“This... This notebook contains my bucket list.”

“Bucket list?”

I nodded. “My time gets shorter and shorter everyday, Gino.”

“Iba na lang pag-usapan na—”

“No,” I cut his words, “I wanna talk about it. If it's okay, I want you to give me a favor?”

He sighed in defeat. “Sure.”

“Can we complete my bucket list?” I asked full of hope. “Or at least five of it? Or maybe at least the first one?”

I gave him my bucket list and disagreement immediately etched on his face. He says that I can't travel because of my condition.

“I can, Gino! Katawan ko ito, kaya alam kong kaya ko. Saka, hindi mo naman na ako kailangang ingatan tulad ng dati.” Nag-iwas ako ng tingin mula sa kaniya. “Kahit ingatan mo pa ako, maiksing oras na lang talaga ang ilalagi ko rito.”

Sa huli, napapayag ko rin siyang gawin ang gusto ko. Tinulungan din niya akong kumbinsihin ang mga magulang ko na ayaw rin sanang pumayag. Pero sinabi kong gusto kong sumaya. I want to be happy before I finally leave them.

“Anong festival ang pupuntahan natin?” I excitedly asked Gino.

“Palay festival, sa Rizal,” nakangiti niyang sagot.

The first thing in my bucket list is attending a festival. I've been in festivals before, but not with Gino. Gusto ko, iyong festival na huli kong pupuntahan bago ako umalis ay kasama ko ang taong pinangarap kong makasama sa hinaharap.

Nakaramdam ako ng pag-uga sa balikat ko, dahilan para magising ako. Agad kong inilibot ang paningin ko kasabay ng pagkarinig ko sa maingay na tugtugan.

“We‘re here,” Gino announced.

Lumabas siya at kinuha ang wheeled chair sa backseat bago binuksan ang pinto sa gawi ko. I was hesitant at first, I'm afraid of what people will say when they saw me. But then, why would I be embarrassed? Mawawala na rin naman ako sa mundong ito, ano pa ang dapat kong ikahiya?

Ramdam ko ang titig ng mga tao sa akin habang hinahanapan ako ni Gino ng magandang pwesto para mapanood ang parada. Medyo naiilang ako pero agad ding nawala nang magsimula na.

Pinangunahan ng mga member ng drum and lyre ang parada. Then followed by the float parade design with harvested rice. There are also some muses and escorts wearing attire that is also inspired from harvested rice. Everyone seems enjoying the event, it can be seen on their faces. Hindi ko tuloy maiwasang ngumiti rin.

I smile as if I am not in a battle, as if I won't bid my goodbye soon.

Napahawak ako sa braso ni Gino nang idala niya ako sa pila ng mga sasakay sa ferris wheel. Isa ito sa mga nasa bucket list ko pero hindi ko naman alam na pwede pa lang matupad ngayon.

“Gino, a-ayos lang ba talagang sumakay diyan?” nag-aalangan kong tanong.

“Of course. Nandito naman ako, hindi ko hahayaang mapahamak ka. Saka, ngayon ka pa ba matatakot?”

Iginawi ko ang tingin sa mataas na ferris wheel. “Oo nga, bakit pa ba ako matatakot? Kaunting panahon na lang pala ang mayroon ako.”

“That‘s not what I mean.”

Hindi na ako sumagot dahil kami na ang nasa harapan ng pila. Iniwan namin ang wheeled chair sa operator habang binuhat naman ako ni Gino pasakay sa ferris wheel. Mayamaya pa ay nagsimula na itong umandar. Ang sabi sa akin, mag-inhale raw ako kapag pataas at mag-exhale kapag pababa. And so I did, but I still feel a bit dizzy.

“Ayaw mo ba talagang magpa-chemo? Malay mo may milagrong mangyari, tapos gumaling ka,” pangungumbinsi ni Gino na ilang beses na rin niyang tinanong sa akin.

Tumingala ako at agad tumambad sa akin ang asul na kalangitan. Mabuti na lang at makulimlim ang panahon, hindi na namin kailangang sumilong dahil sa init.

“Bakit pa? Wala pa ngang chemo, naglalagas na agad ang buhok ko. Isa pa, kung may milagro talagang mangyayari, kahit hindi ako magpagamot, gagaling ako.”

“But you still need to fight, Roxanne. You're a fighter, right?”

Sunod-sunod akong napailing. “Fighting has no use. Everyone are meant to die. Siguro, nauna lang ako.”

Hinintay kong magsalita siya pero wala akong narinig na kahit anong salita. Lumingon tuloy ako sa kaniya. I saw his eyes glistened in tears.

“Hey, umiiyak ka ba?” Sinubukan kong tumawa para alisin ang mabigat na pakiramdam sa dibdib ko. I hate seeing him cry, especially if it's because of me.

“Hindi, ah,” maagap niyang sagot at tumingin sa malayo. Ibinaling niya ang ulo sa pwestong hindi ko makikita ang mukha niya.

I reached for his hand ang gently caressed the back of it. “Promise me, Gino,” usal ko dahilan para lumingon siya sa akin at makita ko ang pagtakas ng luha sa mata niya. Agad ko iyong pinunasan ng hinlalaki ko. “Please, don't be stuck with me. When I'm gone or even today, find a girl that won't dare to make you cry. Find someone who will not hurt you, unlike me. Find someone who is not like me. Sabihin mo, mumultuhin ko siya kapag sinaktan ka niya,” pabiro ko pang sabi sa huli kahit puno na ng mga luha ang pisngi ko.

“Shh, I am sure that I can't find anyone like you. You're my one and only Roxanne.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top