CHAPTER 5

MANGO FESTIVAL

"You need to take a rest too. Uuwi muna tayo sa bahay ninyo at magkakaroon ka pa ng check-up. 'Di bale na at mag-road trip naman tayo sa susunod all the way to Zambales. You love mangoes, right?" Gino asked and I giggled excitedly.

Oh my gosh! Mangoes we'll see each other soon!

"I'll offer you the sweetest mangoes in the world. Just like how I offered you my endless and bountiful love."

"Ang sweet mo...baka hanapin ko 'yan sa langit," biro ko sa kaniya.

"Huwag mo na akong hanapin. Susundan naman kita," pagsakay niya sa biro ko pero iba ang naging dating no'n sa akin kaya tumalim ang tingin ko sa kaniya.

"Ikaw ang nagsimula," depensa niya kaagad sa sarili.

Sumimangot lang ako bilang sagot. Natatawa naman siyang lumapit sa akin at hinalikan ako sa noo ko.

"Huwag ka ng sumimangot. Papanget ka niyan, sige ka," pananakot niya pa sa akin na nginiwian ko lang.

Ano pang saysay ng pagngiti kung papanget na rin naman talaga ako?

"Kahit naman bente kuwarto oras akong nakangiti o kaya tumawa ay papanget pa rin ako."

"Sinong nagsabing panget ka?" kunot-noong tanong niya sa akin.

"Ako. Hindi mo ba naririnig?" pambabara ko sa kaniya.

"Hindi ka panget at hindi ka papanget, okay?"

Alam kong pilit niya lang na pinagagaan ang kalooban ko pero walang epekto sa akin ang kahit anong sabihin niya kasi alam ko naman ang totoo sa sarili ko na papanget na talaga ako.

"Papanget ako, Gino! Kahit anong sabihin mo. Papanget ako kasi mawawala lahat itong buhok ko, puputla ako ng higit pa rito," itunuro ko pa ang mga braso habang nagsasalita, "papanget ako kasi hindi na rin ako makalakad ng maayos. Marami ng mas magagandang babae diyan na haharot sa'yo. Hindi na ako maganda, hindi mo na ako pipiliin no'n," umiiyak kong sambit sa kaniya.

"Baby...look, you are not ugly and you will never  be. Mawala man lahat ng buhok mo, nakasakay ka man sa wheelchair o kahit rumampa pa sa harapan ko si Catriona Gray, ikaw pa rin ang pinakamagandang babae sa mga mata ko at sa'yo lang ako palaging titingin, titig at hahanga ng husto."

Hindi ko mapigilang umiyak pa ng husto. Bakit ba ang lambing niya? Bakit niya ba ako minahal ng husto?

Parang kakainin ko yata ang sinabi ko kanina na kahit anong sabihin niya ay naniniwala akong papanget pa rin ako. Kasi konti nalang naniniwala na ako sa kaniyang ang ganda-ganda ko pa rin.

"Your physical appearance doesn't define how beautiful, pretty and gorgeous you are. Hindi naman kita minahal ng dahil sa maganda ka o matalino ka o mabait ka. Minahal kita kasi mahal kita. Hindi ko naman inutusan ang puso kong tumibok para mahalin ka. Kusa lang 'yon at iyon ang pinakamaganda at masayang pangyayari sa buhay ko...na hindi ko pagsisisihan."

Days passed by. Nagpahinga muna ako kahit tapos na ang check up ko. Natutuwa ang doctor ng malamang nag-eenjoy pa rin ako sa kabila ng ganitong sitwasyon ko. Nakakalungkot man na malamang wala na talagang pag-asang gumaling ako ay masaya pa rin ako dahil sa mga naiisip kong paraan para kahit papaano ay tumagal at maging makabuluhan ang huling mga araw ko.

One week or more have passed and I was not able to travel again, agad-agad, dahil nagkalagnat ako at tatlong araw na in-admit sa hospital.

I was indeed sad since Gino and I really planned to go to Zambales for the mangoes tapos naudlot pa.

After a two days straight complete bed rest and healthy eating and doing some exercises ay naibalik ng kaunti ang lakas ko.

Mas lalo pa akong sumaya ng ibalita ni Gino na makakapunta na kami sa Zambales at magkakaroon pa ng tiyansa na makalahok sa piyesta nila.

I've done my research about their way of celebrating a fiesta and I was really fascinated. I can't wait to join Dinamulag Festival and also known as Mango Festival!

Ang sabi rin sa research ko ay tumatagal daw ng halos isang Linggo ang selebrasyon nila. Natuwa talaga ako no'n pero nang makita ko ang dates ng celebration ay nalungkot ako ng kaunti. Dalawang araw nalang at matatapos na ang celebration nila.

Ayos pa rin naman siya para sa akin dahil maaabutan pa pa rin namin ang espesyal nilang gawain at iyon ay ang street dancing mula sa labintatlong munisipalidad ng buong Zambales.

Inabot kami ng mahigit siyam na oras na biyahe mula sa amin papuntang Iba, Zambales at sa mga oras na iyon ay natutulog lang ako, nakikinig ng mga tugtugin at madalas ay kinakausap si Gino na abala sa pagpapakain sa akin.

Ika-29 ng Abril, taong 2022. Alas-dos ng hapon ay nakarating kami sa Iba, Zambales. Sinalubong kami ng makikislap na mga banderitas na naging pananggalang na rin sa init ng panahon. Kulay berde at dilaw ang nakapalibot sa amin. Samu't saring mga uri ng mangga ang siyang tunay na nakapukaw sa aking atensiyon.

Tiyak na mabubusog ako ng mangga sa araw na ito!

Todo turo ako kay Gino kung saan ko gustong pumunta at talagang nalilito siya sa pupuntahan namin dahil kaliwa't kanan ang mga itinuturo ko.

Napagpasiyahan niyang nagsimula na lang kami sa unahan ng pila-pilang mga bilihan ng mangga at iba pang mga pagkain at palamuti.

Nagpabili ako ng tig-iisang kilong iba't ibang klase ng nga mangga. Halos manlaki ang aking mga mata at talagang natuwa ako sa laki at tamis ng mga mangga nila. Walang duda na dapat itong maipagmalaki.

Naubos ang halos tatlong oras namin sa pamimili. Ang cute pa nga ng nabili kong keychain bilang souvenir. Mayroon kaming couple bracelet ni Gino na gawa sa kahoy at mayroong pinasadyang nakaukit na mga pangalan namin. Mayroon din itong maliit na super cute na mini-mangga design.

Umupa kami saglit sa isang maliit na hotel dito para magpalit bago pumunta sa pagdadausan nila ng mga gawain para sa araw na ito.

Hindi mabilang ang mga taong narito. Mayroong mga Pinoy at tiyak na ang iba ay taga-rito ngunit ang iba ay mga dayo rin katulad namin ni Gino. May mga nakita rin akong mga turista na nakikisaya sa selebrasyon.

Bago mag-alas siete ay naroon na kami sa lugar na pagdadausan ng sikat nilang street dance competition.

Kamangha-mangha ang mga gawa nilang costume na halos lahat ay biodegradable ang gamit na mga materyales. Mula sa mga basyo ng zesto na kulay green at yellow ang mga kulay.

Nakakatuwa rin ang mga ayos nila. Hindi sila katulad ng ibang mga mananayaw na nakakoloreteng maigi ang mukha para gumanda katulad ng mga matatangos ang ilong, mestiza at mga meztizo na mayroong mga tuwid na buhok.

Tampok sa mga ayos nila ang kilalang mga katutubo rito sa Pilipinas. Ang mga Aeta. Grabe ang palakpak at hiyawan ng mga manonood dahil sa indak ng mga tugtugin at sa bawat indak at formation nila. Natutuwa ako sa mga kulot nilang buhok. Gusto ko rin ng ganoon!

Bigla kong naalala ang buhok ko. Napahawak ako sa bonet ko at bahagyang nawala ang masayang ngiti. Eksaktong napatingin sa akin si Gino kaya ngumiti ako ng malawak at inalis ang kamay ko na nakahawak sa bonet ko at masayang nanood ulit.

Matapos ng mga palabas nila ay sobrang natuwa ako sa napagpasiyahan nilang manalo dahil iyon din talaga ang bet ko! Hindi nila tinipid ang mga manonood sa kanilang representasyon. Mula sa props, costumes at sa kanilang pagsasayaw. Napakaraming formation ang ginawa nila na talagang nakakabilib dahil nakayanan nila iyon kahit pa ang dami nila. Sa tantiya ko pa naman ay nasa trenta yata sila.

Medyo mabagal nang itinutulak ni Gino ang wheelchair para makasakay na kami sa kotse at ng makapagpahinga na nang masabi kong gusto ko ng kulot na buhok.

"Gusto mo talaga?" tanong niya.

Tumango ako at maliit na ngumiti, "gusto pero alam kong imposible."

Ngumiti siya sa akin at nagpaalam na may kukunin lang. Nakasakay na ako no'n sa kotse at inabala nalang ang sarili mula sa pagtingin ng mga litrato namin kanina.

Naghahanap na ako ng mga tugtog sa cellphone ko nang biglang dumating si Gino at pawis na pawis pero nakangising masaya sa akin.

"Sana ka galing? Bakit pawis ka?"

Bago pa ako makapag-isip ng kung anong paghihinala at overthinkings ay nagulat ako nang mabilis niyang isinuot sa akin ang...wig na kulot.

Natahimik ako sandali dahil sa sobrang gulat.

"Ayaw mo ba? Natupad ko na ang wish mo sa araw na ito," alanganin niyang tanong.

I didn't answered but I immediately hug him tight.

"Hindi 'yan libre," biro niya habang yakap rin ako at medyo natatawa pa.

"Anong wish mo?" ani ko at hinarap siya.

"I wish to be with you until end of our lifetimes."

Umiling ako sa kaniya at ngumuso, "iba nalang."

"Sige, ito nalang. I wish...a gorgeous woman would kiss me..." I didn't let him finished and urgently kiss him. Smack lang.

I was beyond happy with this day nang biglang habang nagsasalita siya ay parang lumabo ang pandinig maging ang mga mata ko. Naramdaman ko ang mainit na likidong tumulo mula sa ilong ko, wala naman akong sipon. Pinunasan ko at nakita kong dugo na naman pala.

Mahina ko nalang na nabanggit ang pangalan ni Gino at saka ko naramdaman ang hilo na parang isinasayaw ako. Hindi ko na talaga alam ang nangyayari sa paligid ko hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng ulirat at tuluyan ng lamunin ng kadiliman.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top