CHAPTER 3


choose

I woke up feeling a little bit better than what I have felt days ago.

Manhid ang kanang braso ko at nang tingnan ko iyon ay mayroon palang nakakabit na dextrose. Ngayon ay alam ko na kung nasaan ako.

Hospital. Bigla na naman akong dinagsa ng lungkot, kaba at takot. Am I going to be one of those patients na nakaupo sa wheelchair habang may suot na wigs? Oh, silly me! Of course! I will experience it too since I'm good for a bald and limp now.

Bakit naman kasi pinuntahan pa nila ako sa condo ko? Dapat hindi nalang sila nag-abalang hanapin ako at alalahanin ako. Dapat hinayaan nalang nila akong mawala kasi iiwan ko rin naman sila, eh. Mas mainam pa nga na hindi na nila mamalayan ang pagkawala ko kaysa naman araw-araw kong makita na naaawa sila sa akin, na tinitingnan nila akong parang wala na akong kuwenta—na pabigat nalang ako sa kanila.

"Gising ka na pala, gutom ka ba? Gusto mong uminom ng tubig?"

Paos pa ang boses at halatang kagigising lang. Pinagmasdan ko ang makisig niyang mukha. Ang unfair ng mundo, kahit halata na ang eyebags niya dahil sa puyat ay ang guwapo pa rin niya. Bakit sa akin mo pa siya ibinigay, Lord? Kung hindi mo rin hahayaang maging kami hanggang sa tumanda kami, bakit? Parusa mo ba 'to sa akin?

"Inumin mo muna itong tubig," I can't help but to cry. I'll miss him more than anyone.

"Iwan mo na ako, Gino..." sambit kong sakto lang para marinig niya. Gusto ko pa sanang dugtungan pero hindi ko na yata kakayanin ang magsalita pa.

"Why? I'm here to take care of you," masuyong sambit niya at lumapit pa sa akin.

Iniwas ko naman ang paningin ko sa kaniya at umiling bago mariing pumikit.

"I don't need your pity...p-puwede ka nang umalis."

"I don't pity you. I care for you!"

"No! You care for me because...you pity me, kaawa-awa ako ngayon, 'di ba? I'm dying, wala na akong kuwenta. Bakit ka pa mananatili sa akin? Iiwan din naman kita..."

It consume me a lot of energy to say that loud to him. Hinihingal na nga ako habang nagsasalita.

"I care for you because I love you and I will stay by your side until our hair turns gray, until we can't walk anymore. I'll be forever by your side, through the highs and the lows, through the light and in the dark. Magsawa ka man sa mukha ko hindi ako aalis sa tabi mo. Dito lang ako, palagi...pars sa'yo."

"Mas matigas talaga ang ulo mo kaysa sa akin, noh?" natatawa kong sambit kahit pa umiiyak pa rin ako.

"Saang ulo? Sa taas o sa baba?" he jokingly asked.

I just laugh with him a little then went silent again.

"What's wrong? May masakit pa ba sa'yo?" he asked.

Umiling ako bilang tugon at kusang gumalaw ang kanang kamay ko para abutin ang kamay niyang malapit sa akin.

"I'm giving you the time to mourn early and the free will to choose a girl who you will spend your lifetime with. Kunin mo na ang puso mo sa akin at ibigay mo sa mas karapatdapat at kaya kang alagaan. Hindi ako makapananatili sa'yo hanggang sa pumuti ang buhok natin dahil bago pa pumuti ang mga buhok ko ay tiyak na ubos na sila..." mahina at mabagal na sambit ko.

"Then we'll be together until your last hair strands fall."

"You will not be happy with me kasi iiwan din kita. Naiintindihan mo ba ako?"

"I'm happy with you. There will be no dull moments when I'm with you. I understand what you are trying to say...and everytime you'll say it, I feel like my heart is going to stop beating. Please, don't make me go. Hilingin mo na ang lahat, huwag lang ang iwan kita kasi I don't want to disappoint you dahil hindi kita iiwan. Gusto mo samahan pa kita hanggang kabilang buhay, eh."

My eyes widened with the last line he said. Wtf? Is he serious? Although I wanted to spend my lifetime with him, hindi naman ako papayag na paagahin niya ang buhay niya para lang maging magkasama kami sa kabilang buhay. Ayokong masayang ang panahong mayroon pa siya.

"I'll choose to be with you until my last breath but promise me that you're not going to end your life after mine. Promise me," I said with finality.

Hindi pa rin siya sumasagot. Seryoso ba talaga siya? Anong klaseng utak ba ang mayroon itong lalaking ito? He will end his own life para lang kasama ako? Kahit saang banda ko tingnan ay hindi iyon tama para sa akin kaya tututol talaga ako hanggang sa mangako siya.

"Gino? You don't want me to be mad at you, right?"

Doon ay tila nabuhay ang mga mata niya at agad na umiling sa akin bilang sagot.

"No. I don't want you to be mad at me. Papayag ka bang sumama sa akin at ubusin ang natitira mong oras kasama ako?" wika niya.

I want to spend my last month, weeks, days, hours, minutes and even my seconds to him.

"Mangako ka munang hindi ka susunod sa kabilang buhay at magpapatuloy ka sa buhay mo rito ng wala ako."

"I... promise," aniya at saka tumulo ang luhang alam kong kanina niya pa pinipigilan. "Pero hindi ako nangangakong mamumuhay akong wala ka dahil mawala man ang katawan mo maging ang kaluluwa mo sa mundong ito, mananatili ka pa ring buhay at kasama ko...sa puso ko."

I cried with him then ushered him to come close to me and hug me. Niyakap niya naman ako ng mahigpit ngunit hindi nakakasakal. Sakto lang para bigyan ng init ang katawan kong nanlalamig na.

"Ma, gising na si ate!"

Agad kaming napahiwalay sa isa't isa dahil sa pagdating nina mama at ng kapatid ko.

"Anak ko!" ani mama at sumugod ng yakap sa akin kasunod ng dalawa ko pang kapatid.

"Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba? Gutom ka na ba? Ang payat mo na. Kung hindi pa siguro nagpumilit sa pang-apat na pagkakataon ang nobyo mo maging ang kaibigan mo na pumasok sa apartment mo ay hindi ka na namin makikita ng buhay baka kalansay na ang abutan namin!" sentimyento ng kaniya ina.

The number rapper in her life.

"Ma, okay na po. Nandito na po ako ngayon sa harap ninyo at buhay pa," biro niya sa ina dahilan para manahimik ito.

Unti-unti na naman siyang kinakain ng lungkot. 'Alam na nila,' aniya sa isip niya.

"Ate, bakit nagkulong ka? Bakit hindi mo ako kinausap? Baka naagapan sana natin..."

"Hindi na 'to maaagapan. Alam kong nasabi na sa inyo ng doktor at kahit ibalik pa natin sa nakaraan ang lahat ay magiging ganoon pa rin ang resulta at hindi ko pa rin agad na malalamang may sakit ako..." At bumuhos muli ang sagana kong luha na bahagyang tumigil kanina dahil sa naging usapan namin ni Gino.

"Anong plano mo ngayon? Sa bahay ka nalang ba? O dito nalang sa hospital? Dapat ay nasa komportable kang lugar para kahit papaano ay maging maayos naman ang pakiramdam mo...at para mapatagal pa ang buhay mo ng kaunti," pumiyok ng kaunti ang boses ng ina.

Hindi pa sumasagot si Roxanne ay nagpaalam na ang kaniyang ina na lalabas muna.

"Ate, sa bahay ka nalang para mas makasama ka pa namin," suhestiyon ng lalaki niyang kapatid.

Tumango siya, "uuwi muna ako sa bahay para magkaroon tayo ng pagkakataong magsaya kahit papaano. Susulitin na natin ang huling sandaling mayroon tayo," ani Roxanne at saka dumapo ang paningin sa kanyang nobya na kahit nakangiti sa kaniya ay bakas pa rin ang lungkot at panghihinayang sa mga mata.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top