Chapter 3

Chapter 3

Promise

"Kita ko 'yon! Nangingiti ka po sa akin!"

Nang hindi pa rin ako maka-move on sa nasaksihan kanina ay pinilit ko siyang ulitin iyon. Walang humpay ang tuwa ko dahil doon. Akalain mo, marunong pala siyang gumamit ng ekspresyon maliban sa madalas na blanko lang ang mababasa mo sa kaniyang mukha.

Nanatili kami sa couch kahit tapos nang kumain. Ako nga lang din ang maingay pati si Kitty na ngayon ay nasa kandungan ko na habang nangungulit sa lalaki.

"Alam mo po, kuryoso talaga ako kung sino ka...kaso hindi ka naman nagsasalita," pag-iiba ko na lang ng usapan dahil sa itsura niya ay parang napipikon na siya sa akin.

Marami akong gustong malaman tungkol sa kaniya ngunit hindi ko iyon makamit-kamit dahil hindi naman siya marunong maki-cooperate. Paano ko kaya ito magiging kaibigan?

"Naririnig mo naman po ako, 'di ba?"

Nakumpirma ko namang tama ako nang saglit niya akong nilingon. Hindi siya tumango pero alam kong nakarating sa kaniyang pandinig ang aking tanong.

"Kung ganoon...nahihirapan ka po ba magsalita? Uhm..." I tried to find the right words to ask, being careful not to sound offensive. "May speech disability ka po ba?"

Natigilan siya sa tanong ko. It's as if I hit a sensitive topic that he tried to avoid.

"S-Sorry po kung nangingialam ko. You don't have to answer my--"

He raised his hand in front of me, making me pause in the middle of my apology.

Dahan-dahan niyang binaba ang kamay niya at bumaling sa akin. Tila nahihirapan siyang ipaliwanag sa akin gamit ang kaniyang mga mata. He swallowed hard and just shook his head slowly, as if disappointed at something.

Umawang ang labi ko. Am I being too nosy?

"Pasensya po. H-Hindi na po mauulit..."

His lips moved, as if attempting to speak but no words came out.

Naalala kong may dala akong phone kaya inilahad ko iyon sa kaniya, urging him to take it. "If you want to say something...puwede mo po i-type," alanganin kong sabi.

Bumaba ang tingin niya roon. Napansin kong malalim ang hugot ng kaniyang hininga nang kunin ang aking phone at nagtipa roon.

Tinanggap niya.

Namamangha kong pinanood ang kaniyang mahabang daliri na pumipindot sa screen. I've never seen hands like that before. It's just that I like his hands. They look gentle and soft—yet the visible veins also give them a strong appearance.

Napakurap ako nang bigla niyang inabot pabalik sa akin ang phone sa aking mukha. Hinablot ko iyon sa kaniya at binasa ang nasa screen.

Aren't you afraid of me?

Mangha rin ako nang binasa iyon. Kahit hindi ko pa naman narinig ang kaniyang boses, ngunit dahil sa pangungusap na iyon ay parang...ang ganda't lalim din siguro ng boses niya?

I looked at him and shook my head. "Bakit naman po ako matatakot sa 'yo? You look harmless. Isa pa, noong una kitang nakita rito...kawawa ka nga po tingnan."

I offered him my phone again and he typed his reply.

Tsk.

Ngumuso ako nang mabasa iyon. "Kulang ka po ba sa vocabulary? Sa dami mong puwede i-reply, itinipid mo pa."

I don't feel comfortable around strangers with angelic faces.

"With angelic faces?" I echoed and looked at him, flushed. "You think I have an angelic face?" tanong ko kahit parang kinikiliti na sa saya.

He nodded shortly. He then noticed the playful smirk forming on my lips. Pasuplado niyang iniwas ang tingin doon.

Tinikom ko ang bibig habang masayang hinihintay ang kaniyang sasabihin.

So, what's your name, nosy stranger?

Kanina angelic, ngayon nosy?

But okay, whatever you say, grumpy handsome.

I playfully extended my hand. "My name is Callista Angelu po. You can call me Calli, iyon po madalas tawag sa akin ng friends ko. Iyong Angelu po, family lang madalas. Ikaw po bahala. I'm fine with anything po," paliwanag ko.

Tumango lamang siya at muling nagtipa. Hindi man lang pinansin ang kamay kong nakalahad sa ere!

Binaba ko na lamang iyon.

Okay then, angel.

I smirked when I read it. Bago pa ako makapagsalita ay tumayo na siya at tinalikuran ako. Hindi ko siya nagawang sundan dahil para akong natuod sa inuupuan nang nabasa iyon.

My stomach did a strange twirl.

Hindi ko maintindihan iyong nararamdaman ko... para akong kinakabahan pero masaya. Posible ba iyon?

"Alam mo po ba na hindi magandang tinatalikuran mo ang kausap mo?" biro ko sa likod niya nang makita ko siyang naglalakad-lakad sa loob ng bahay.

Maganda ang bahay kaso madilim at marumi. Sigurado ako na kapag ito ay nalinisan, makagagaan ito ng loob dahil sa kaaliwalasan.

I looked at his back while observing the place at the same time.

Hindi gaya kanina, ngayon ay tila magaan na ang kaniyang timpla. Wala na ang bakas ng masamang panaginip o takot na bumalot sa kaniya kanina.

"How about you? Ano po ang pangalan ninyo?"

Sinubukan kong ibalik sa kaniya ang phone, ngunit sabay kaming napatingin sa screen nang tumunog ito at lumabas ang pangalan ni Mommy—tumatawag siya.

Saglit niyang sinuri iyon bago umalis sa tabi ko at naglakad na naman ulit papalayo.

Napasimangot muna ako sa kaniya saka nawala ang aking atensyon upang sagutin ang tawag ng ina. "Mom--"

"Ilang kilometro na ba ang narating mo, Angelu, at hindi ka pa umuuwi?!"

Nailayo ko sa tainga ang phone nang sumabog ang boses ni Mommy roon. Bigla akong kinabahan. Hindi lang pala ang lalaking ito ang grumpy ngayong umaga, si Mommy rin.

"M-Mommy, pabalik na po ako," kagat-labing tugon ko.

"You better be, young lady. May lakad pa tayo!" she then ended the call.

"Shoot, I'm dead."

Mabilis ang kilos kong nag-ayos ng sarili at nilapitan ang lalaki. Kuryoso niya akong pinagmamasdan nang ituro ko ang pinto.

"Aalis na po ako! Pasensya na at hinahanap na po ako...uhm, see you later po! I'll come back agad! Promise!"

I'm already in a hurry, but I still took my time to wait to for his response just in case but he just coldly nodded and looked away.

Bumagsak ang balikat ko sa naging sagot niya. "Bye po..." malanta ko na lang na paalam at lumisan na.

Kainis naman 'yon. Wala man lang pagkaway o hindi kaya good bye?

Bahala nga siya. Mamaya ko na lang ulit kulitin pagbalik ko at kailangan ko nang umuwi dahil nagagalit na si Mommy. Tumakbo na ulit ako pauwi.

"Bakit ngayon ka lang? Nakakapaso na ang init ng araw sa labas!"

Hinihingal pa nga ako sa pagtakbo ay sinalubong na ako ni Mommy ng sermon. She was wearing her robe, looking fresh from the bath, and her hair wrapped in curlers.

"Sorry, Mom, n-natagalan lang po. Saan ka po pupunta?" lihis ko agad nang makalapit sa kaniya. I kissed her cheek, unable to hug her since I was sweaty.

You're not lying, Angelu. Besides, the guy wasn't dangerous for you to be worried about.

"Sis, it's Tito Earl's birthday! Don't you remember? Babiyahe na tayo mamaya papunta sa kanila kaya bilisan mo na!" sapaw ni Adiel sa likod ni Mommy na may malaking bag nang dala.

"Huh? Really?" Hindi ko kaagad naalala! Ngayon pala iyon?

Mommy just glared at me. "Malayo pa ang biyahe, hija, maligo ka na," she dismissed me and called Tito Arki. "Arki, tama na 'yang ginagawa mo at aalis na tayo mayamaya!"

"Opo, ate ganda! Malapit na po!"

Yumuko ako at mabilis nang umakyat ng kuwarto para makapagbihis. Binilisan ko ang pagligo pagkatapos ay inihanda ang mga dadalhin para sa biyahe.

Tito Earl is my mom and dad's friend. They were friends since college as what my mom told us. Mom and Tito have remained close friends up until now. Dati ay malapit lang ang bahay ni Tito Earl sa amin ngunit nang makapag-asawa ay lumipat din.

Habang nasa biyahe at akma nang ipapasak ang earphones sa tainga ay napatigil ako nang maalala ang lalaking pinangakuan ko na babalikan.

Oh my... what should I do?

Baka mamaya ay maghintay iyon nang matagal sa akin. Nangako ako na babalik kaagad tapos ngayon... hindi ako sisipot?

Sinilip ko si Mommy sa passenger seat at napansing tulog siya. Si Adiel naman sa tabi ko na nagbabasa ng libro.

I bit my lowerlip and leaned my back on the seat defeatedly.

I'm sorry po but I assure you, I will come back.

It was such a long drive. Apat na oras din ang biyahe namin at hindi ako naka-nap nang maayos sa sasakyan dahil sa guilt na naramdaman. I just hoped that we could go home early after this.

I know that it's an important day for Tito Earl and to spend time with us since we just see each other during occasions like this but...

Ipinilig ko ang ulo.

It's fine, Angelu. It's not your fault. You don't even know him, why would you be so bothered about it?

Nag-aagaw dilim na nang magsimula ang birthday ni Tito Earl. Pasamantala kong nakalimutan ang bumabagabag sa akin dahil sa kasiyahan na ginaganap ngayon sa kanilang garden. Bukod kasi sa birthday niya ay wedding anniversary rin nila ng kaniyang asawa.

"Ang sweet nila tingnan, ate," rinig kong sabi ni Tito Arki sa gilid ni Mommy.

"Ganiyan din dapat kami ng kuya mo kaso lang..." Mommy trailed off and chuckled.

Nagkatinginan kami ni Adiel na nasa likurang upuan naman namin. Tipid siyang ngumiti at inabot si Mommy sa tabi ko para halikan sa pisngi.

"You have us, Mommy."

Inakbayan naman ni Tito Arki si Mommy kaya hindi ko napigilan at nakisali na rin sa kanilang yakapan.

"Masaya 'yon si Kuya sa langit, ate, kaya dapat masaya ka rin po."

"Hay naku, kayo talaga! Ang OA n'yo. Joke lang 'yon!" kunwari ay naiiritang sabi ni Mommy sa aming tatlo at pinagkakalas ang aming mga braso na nakapulupot sa kaniya.

"It's okay, Mommy..." I smiled at her.

I admire my mother so much. Naalala ko dati na naikuwento niyang hindi naman talaga niya inasahang mangyayari kami ng kambal. We were unexpected but not unwanted, she said. She went through depression when she and father parted ways especially when she discovered that she was pregnant with us. She was also devastated when discovered that father had already left her years after.

I can't imagine how deep the wound cut her, but I am proud that she still stood brave and healed for us.

Nagpatuloy ang party at kahit ang mga kasama ko kanina ay naroon na sa iba't ibang table para makisalamuha. It was just a simple celebration but what made it extravagant was the smiles and laughters of everyone.

"Hi, Calli! Anak ako ng kapatid ni Tito Earl, si Mama Malessa!"

Nagulat ako sa biglang pagsulpot ng babae. She was wearing a tube dress, and her overall look was daring. She's pretty, I must say.

"H-Hello! What's your name? Nice to meet you!" excited kong sabi sa kaniya.

She looked at me in awe before accepting my hand for a shake. "Ako si Claire. Ang ganda mo sobra!" gigil niya akong niyakap.

Napangiti ako at ibinalik din ang kaniyang yakap. "Thank you..."

Dahil wala naman akong ibang kausap, at salamat dahil nandiyan si Claire para tulungan akong maging occupied at ilagay sa kasalukuyan ang isip.

"College ka na raw ba? Grabe, 'di halata! Mas matured pa ako sa 'yo!" pagdaldal niya sa akin nang maupo kami sa may dulong table--medyo malayo sa nagkakasiyahan sa harapan na sumasayaw at kumakanta.

"Ah, yes. Freshman year. Ikaw ba?"

"Grade 11 pa lang ako, 'no!"

Namilog ang mata ko. "Totoo ba?"

Hindi halata! Mas matanda pala ako sa kaniya ng dalawang taon kung ganoon?

She grinned. "Para na rin akong college?" Ibinalandra niya ang kaniyang kabuuan.

She's right. Some of my schoolmates dress like her. Revealing, sexy, or too daring. They also wear make ups.

"So, saan ang boyfriend mo, Calli? Guwapo?"

Inilingan ko siya. "Wala pa akong nagiging boyfriend."

Ngumiwi siya, tila hindi kumbinsido. "Weh? Sa ganda mong 'yan? Imposible!"

I laughed. Ayaw maniwala nito. "Bakit, ikaw? Mayroon?"

Mayabang siyang tumango. "Oo naman, dalawa pa!"

"D-Dalawa?"

"Iyong isa sa internet, iyong isa sa school namin!"

"Puwede ba iyan?"

"Oo, basta huwag ka pahuhuli."

Ngumuso ako. Hindi alam kung tatawa ba dahil nagbibiro lang siya o baka maalarma dahil ang bata-bata niya pa pero dalawa na ang boyfriend niya.

"Hindi ako makapaniwala sa 'yo. Eh, crush? Mayroon ka? Baka naman artista lang din!"

Umiling ako. "Hindi ko alam."

Wala akong ideya kung kailan at paano ako nagkaka-crush. Hindi ko maipaliwanag siguro kasi hindi ko pa nararanasan.

Humagalpak na siya sa tawa kaya medyo natawa na rin ako dahil nahahawa sa kaniya. Madaldal siya kaya hindi ako naiilang na makipag-usap dahil karga niya ang conversation namin.

"Jusko! Wala ka bang kaibigan na kasama mong mag-pogi hunting?"

"I have friends."

"Best friend?"

"Si Adiel, he's my best friend." Sabay turo ko sa kakambal na ngayon ay pilit na pinapainom ng alak doon sa kabilang table.

"Uh, girl, hindi kasali kapatid mo!"

"Why not?"

Si Adiel naman talaga ang best friend ko. Aside from being a brother to me, he is also a friend to me. Hindi ba 'yon counted?

Umirap siya. "Hay, basta! Sige, ako na nga lang ang best friend mo at feel ko dahil diyan sa pagiging walang alam mo ay wala kang boyfriend!"

Hindi ko alam kung biro ba iyon pero medyo na-offend ako sa sinabi niya. Hinayaan ko na lang din dahil mukhang hindi naman iyon ang ibig niyang iparating.

"Hindi naman ako naghahanap ng boyfriend," giit ko.

"Sus, college ka na dapat marami ka ng experience! Boring mo naman! Come on!"

Kailangan ba 'yon? Hindi nga laging bini-bring up ang ganoong topic sa aming circle kaya hindi ko alam bakit parang hindi kumpleto ang buhay kung walang karelasyon?

Hinila niya ako patayo at may itinuro sa hindi kalayuan. She's pointing at a guy.

"Kita mo 'yan? Crush ko 'yan!"

I side-eyed her, confused. "Crush? Akala ko may boyfriend ka na?"

"Hulaan mo bakit ko 'yan crush?" tanong niya, binalewala ang sinabi ko.

"Kasi mabait?"

"Maliban diyan."

"Generous?"

"Oo rin. Pero sa malapitan, guwapo iyan."

Bumalik ang tingin ko roon sa lalaki habang  inilalarawan niya ang lalaki. She's right. May itsura rin naman iyon.

"Crush na crush ko. Guwapo, matangkad, mabait, tahimik, matalino. Kanina nga, nagkasalubong kami ay nagkatinginan kami! Para tuloy akong hihimatayin!" she shrieked.

Napaubo ako. "What?"

"Huwag mo 'ko i-judge! Ganoon lang talaga ako magka-crush," paliwanag niya.

Bumalik kami sa aming kinauupuan at nagpatuloy sa usapan habang kumakain ng cupcake.

"Gaanon ba magka-crush? Kapag guwapong-guwapo ka?" kuryuso kong tanong, kinakabahan dahil may tao na sumagi sa aking isipan.

"Maraming rason kapag nagkakagusto ka sa tao."

At dahil diyan, tuluyan nang humarap ang buong katawan ko sa kaniyang gawi upang taimtim na makinig. I realized that this is actually an interesting topic right now.

"Una, kapag kinakabahan ka na malapit siya o hindi kaya excited ka. Puwede rin iyong parang ang bilis ng tibok ng puso mo kapag nakikita mo siya. Sunod, kapag sobrang attractive niya sa paningin mo. Like, alam mo 'yong napapansin mo lahat kahit maliliit na bagay. Iyong buhok, kilay, pilikmata, buong mukha, kahit kamay niya, iyong height or kahit ano..."

Napalunok ako habang pinoproseso sa isipan ang kaniyang mga sinasabi.

"At isa pa, kapag tumitingin siya sa mata mo para kang kinakapos sa hangin dahil sa kilig! Iyong pakiramdam na parang ang hirap ipaliwanag ganoon ang level! Naku, girl, kapag ako tinititigan ng guwapo--gusto ko kaagad halikan, eh!" halakhak niya.

Nagulantang ako. "Halikan?"

"Oo, ang sarap kaya ng kiss!" kinikilig niyang kuwento.

Kumunot ang noo ko.

"Normal lang ba halikan ang hindi mo naman karelasyon?"

"Sobrang primitive ng paniniwala mo! Sa panahon ngayon, hindi na uso ang label. Puwede mong halikan kung sino-sino riyan."

Ngumiwi ako.

Listening to Claire, I felt like I was left behind from what's truly happening. But maybe just in this area.

"Are you serious?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kaniya.

"Lagi mo siyang naiisip, halos hindi ka nga makatulog. Gusto mo laging makita at..."

Hindi ko na narinig ang sunod na sinabi niya nang umalingawngaw sa akin ang boses ni Silas nang sabihin niya sa akin ang kaparehong mga salita.

So he has really a crush on me, then?

I also felt some of those signs, too, but I can't really tell. I only want to be a friend of the mysterious guy... I don't have a crush on him.

Or maybe I'm not sure.

I sighed. Whatever. Sumasakit ang ulo ko kaiisip sa mga sinabi ni Claire sa akin ngayong gabi.

"M-Mom, uuwi na po tayo?"

Napaahon ako sa kinauupuan nang makita ang ina na daraan sa gilid namin. She's with Tito Arki and Adiel.

Handa na sana akong magpaalam kay Claire para sumunod sa kanila ngunit tinaas ni Mommy ang kaniyang kamay sa akin.

"Go enjoy your talk with Claire. Bukas pa tayo uuwi."

My lips parted. "Po?"

Dumating si Tito Earl sa puwesto namin para kausapin kami. "Nakahanda na ang dalawang kuwarto sa loob, Alvea. Puwede na kayong magpahinga roon."

"Hindi po tayo uuwi ngayon?" tanong ko ulit kay Mommy nang matapos si Tito sa sinasabi.

"Bukas na, anak."

"Magpahinga muna kayo, Angelu, dahil delikado bumiyahe ngayong gabi lalo na't medyo lasing din itong si Arki," usap ni Tito Earl sa akin.

"Oo nga, Calli! Mag-chika muna tayo!" si Claire sa aking gilid at hinila ako sa braso.

"Pero magsisimba pa po tayo bukas?" I tried again.

"May cathedral naman dito, Angelu. Puwede tayong um-attend ng mass bukas. Alanganin unuwi ngayon," si Adiel.

Paano si...

I sighed and nodded. "Okay po..."

"Puwede sa kuwarto ko na matulog si Calli, Tita?" singit ni Claire.

"Yeah, sure. My daughter would probably love that. Maiwan ko na kayo. Good night, hija." Mommy then kissed my cheek.

Kinuha ko muna ang aking mga gamit sa sasakyan bago tuluyang  magpatianod sa hila ni Claire patungo sa kanilang bahay na tabi lang din ng kanila Tito.

"Thank you for entertaining me tonight," bigkas ko nang nasa kuwarto na kami ni Claire at hinalungkat ko ang aking bag para sa damit nang makapaglinis na ng katawan.

"You're welcome!"

Even though she's a bit weird for me, I still appreciated her company. It's as if I have other friends other than Adiel and his friends.

"Gaganda ng damit mo! May mga skin care product ka pa!" puna niya nang makitang ilatag ko ang mga iyon sa gilid ng kama.

"Ah, hindi naman. You like dresses like these?" tanong ko. I could give her some of these, pero hindi ako sigurado kung type niya ba ang mga ganito. She's more into sexy dresses. Samantalang ang mga dress ko ay may mga sleeve at simple.

"Okay lang sa akin! Bibigyan mo ako?" excited siyang tumabi sa akin at pinagdadampot ang mga dress para suriin. "Itong puff sleeve na yellow dress, gusto ko ito!"

I nodded at her happily. "I think it'll suit your skin color. Bagay! You also like this one?" Sabay lahad ko rin sa isa na puff sleeve dress pero backless.

"Oh my, bait mo naman. Thank you!"

"No problem. Marami pa akong damit sa bahay, and if you want some... you can visit us," offer ko. I want visitors in our house. Gusto ko maraming kaibigan.

"Seryoso? Papupuntahin mo ako sa inyo?"

"Oo naman! Puwede ka magbakasyon sa amin."

After that week, naging busy ako dahil sa requirements namin. Pansamantalang nawala sa isipan ko ang ibang bagay dahil sa sunod-sunod na deadline sa school.

Ilang araw akong hindi nakabisita sa kaniya dahil halos gabi na rin akong umuuwi sa amin dahil sa research paper at case study na inaasikaso sa school. Ganoon din sa aking mga kaibigan; hindi na kami nagsasabay masyado dahil sa iba't ibang responsibilidad bilang estudyante.

Sinubukan kong daanan siya roon nang ilang beses kaso hindi rin naitutuloy dahil sa pagod sa school... at takot na baka galit siya sa akin dahil hindi kaagad ako bumalik noong araw na iyon.

"The best presentation goes to your group, Ms. Costales! Congratulations!" anunsyo ni Ma'am nang ipagtipon lahat ng grupo matapos ang lahat ng case study presentation at ang aming grupo ang nagwagi.

Namilog ang mata ko dahil doon. Nang matauhan ay hinanap ko ang aking mga kagrupo ngunit nauna na silang magtakbuhan sa harapan para tanggapin ang certificate.

Ngumiti ako nang naroon na sa munting podium. "Congratulations, guys!"

Sinubukan kong magpagitna para sa picture taking pero hindi nila ako binigyan ng space kaya sa gilid na lamang ako.

Nang mapansin iyon ni Ma'am pagkatapos ng isang picture ay sinabihan niya ang aking grupo. "Si leader naman ang pahawakin ninyo sa certificate."

Pagkatapos noon ay masaya kong tiningnan ang certificate habang ang iba ay nagliligpit na ng kanilang gamit para umuwi na.

"Celebrate tayo, guys!" rinig kong sabi ni Febb sa gilid.

Napalingon ako roon nang sabihan niya ang ibang kagrupo namin.

Ngumiti ako nang magtama ang aming paningin. "Uuwi ka na, 'di ba, Callista?"

"Ah, hindi pa naman..."

Tumango siya. Naghintay ako sa hudyat na kasama rin akong mag-celebrate pero nagkibit balikat lamang siya at hinarap ang mga kasama.

"Kita na lang tayo sa labas!"

Oh...

"Enjoy kayo. Thank you at congrats ulit!" habol ko.

"Thanks din," tipid na sabi ng isa.

Napanis ang aking ngiti nang talikuran nila ako.

Okay... I guess, I'm not invited to celebrate our achievement.

It's okay.

Uuwi na lang ako para roon mag-celebrate at makapagpahinga pagkatapos...

My lips suddenly quivered.

Huminga ako nang malalim bago tuluyang umalis. It's okay, Angelu. Hindi lang sila sanay sa iyo at hindi naman kayo close para imbitahin ka. Okay lang 'yan.

Thank God our efforts paid off. Tapos na rin. At nagka-award pa kami ng best presentation... I'm happy.

But is it wrong to somehow... feel sad after all these?

I'm happy for the recognition but deep within me... I feel very sad.

Pinilit kong hindi malukot ang aking mukha dahil sa kalungkutan. Gustong-gusto na kumawala ng hikbi sa akong labi.

Nag-iinit ang sulok ng aking mga mata. Hindi ko maintindihan.

Bumili na lamang ako ng isang tub ng ice cream para maibsan ang damdamin.

Natagpuan ko na lamang ang sariling tinatahak ang daan patungo sa abandonadong bahay kung saan naroon ang lalaking pinangakuan kong babalikan ko.

I swallowed hard before going in.

I hope I could share my ice cream with him to celebrate the small achievement.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top