Chapter 2

Chapter 2

Breakfast

Who are you, really?

Iyan ang bumabagabag na tanong sa aking isipan nang magising kinabukasan. It was still 4 a.m., and as part of my weekend routine, I jog around the corner until the sun comes up.

Hindi lang dapat mental health ang pinagtutuunan ng pansin at inaalagaan kundi pati na rin ang pisikal na kalusugan. Mental health is just as important as physical health, as well as emotional and spiritual health.

Because if you're not mentally stable, it would also affect the other areas—say, you won't physically function well because your mind is in a mess. You get drained; thus, you won't also be productive. You get stressed; you will have no appetite to eat, or you will tend to overeat. And if you're physically unwell, it could also affect your thinking and emotions. You will feel sad and frustrated because you will not be able to do your daily routines, and vice versa.

We should give equal importance to every area of our well-being so that we can live a productive, fulfilling life with purpose.

I did some stretching first and cleaned my room a bit before preparing for my routine this morning.

Nagsuot ako ng manipis na t-shirt at leggings pagkatapos ay sinuot ang aking pink running shoes. I fixed my hair in a ponytail. Kumuha rin ako ng open jacket sa cabinet bago tuluyang lumabas ng kuwarto.

Dumaan ako sa kusina upang uminom muna saglit ng gatas. Habang nakaupo sa highchair ay napatingin ako sa mga stock ng pagkain na naka-display sa ibabaw ng sink namin.

An idea surged in my mind and before I knew it, nahanap ko na lamang ang sarili na may hawak nang bag at nilagyan iyon ng iba't ibang klase ng pagkain. Snacks, mga prutas, mga bottled water.

Naghanda rin ako ng dalawang container para sa kanin at nag-init ng ulam para... sabay kaming mag-agahan mamaya.

Namula ako sa sariling naisip. "What are you even doing, Angelu?" nawe-weirduhan kong saway sa sarili.

Hindi ko rin alam basta ay gusto ko ang ginagawa ko...at gusto kong bumalik doon!

Dahil nasa ikalawang palapag ang mga kuwarto ay malaya kong pinuslit ang mga dala lalo na't alam kong mahimbing pa ang mga tulog noon. Alam naman nilang nag-eexercise talaga ako tuwing weekend kaya hindi ko na kailangang magpaalam.

Kaso kung makita man ako ngayon, talagang magdududa na naman iyon dahil... ito ang unang beses na magja-jogging ako na parang galing sa grocery store!

Tuluyan na akong umalis at nag-jog habang may bitbit na mabigat sa isang kamay. Kahit nakakangalay sa braso ay nagpatuloy pa rin ako. Hiningal ako kalaunan at huminto nang dumating sa may intersection.

Napalabi ako nang nilingon ang ang kaliwang daanan. Unlike my usual route, lumihis ako ng ibang daan at doon nagpatuloy. Siyempre dahil... nandoon ang daan patungo sa kaniya.

Malamig pa ang simoy ng hangin at unti-unting nagkakaliwanag ang kalangitan pero hindi pa tuluyang sumisikat ang araw.

"Finally!" humahangos kong sambit nang makarating sa property ng Cervelos at walang pag-aalinlangang pinasok iyon.

The surroundings were in deep silence, if not for the birds chirping, the whispers of the wind, and the crisp sound of dried leaves under my feet.

I found myself smiling and embracing the gentle breeze that brushed my face. For a moment, I felt satisfied as I walked toward the house.

At ngayong pangalawang beses ko nang napunta rito, tinahak ko ang ibang daanan papasok ng bahay. Sa likod ako dumaan noon dahilan upang dirty kitchen ang bumungad sa akin. At dahil medyo pamilyar na ako sa lugar ay sinubukan ko namang doon dumaan sa main door.

Malaking gawa sa acacia na double doors ang tumambad sa akin. Pinihit ko ang doorknob at kailangan ko pa iyong puwersahin para tuluyang bumukas. It wasn't locked then.

Sa bukana pa lamang ay nakita ko na ang kabuuan ng bahay. Nasa bandang kaliwa ang hagdanan patungo sa ikalawang palapag. From here, I could tell that the hallway in front of me will lead me to the living room—where the guy and I stayed.

Pahakbang na sana ako patungo sa hallway na iyon kung hindi lang ako natigilan dahil sa mumunting ingay na narinig. I looked down and was surprised to see a ginger kitten.

"Meow..."

"Oh my, ang cute mo naman..." bigkas ko at dinampot iyong kuting sa sahig.

Mukhang naligaw ito sa loob at hindi alam ang daan papalabas kaya sinama ko siya sa pupuntahan ko.

My eyes wandered in the living room. Gaya kahapon, huminto ang aking paningin sa isang sulok at natigilan sa nakita.

He was lying on the cold floor in a curled-up position, walang sapin o kumot.

Nalungkot ako nang makita ang kalagayan niya. Ako roon sa mansion ay komportable at mahimbing na nakakatulog, samantalang ito naman ay sa sahig at wala pang kumot.

Naguluhan din ako. May couch naman, ah. Bakit kaya ayaw niya roon matulog?

Dinaluhan ko siya roon at saglit na nilapag ang kuting sa tabi pati na rin ang bag na dala. I took off my jacket and was about to cover his body with it when I noticed his shoulders were slightly shaking.

My head tilted in confusion.

Mas lumapit ako sa kaniya upang mas makumpirma ang nangyayari.

Bahagyang kumirot ang aking dibdib nang natantong tahimik siyang humihikbi. There were no sounds, yes, but the scene screamed pain and torment. Mabilis ang paggalaw ng kaniyang mga mata kahit nakapikit siya, at sa pagkakunot ng kaniyang noo tila ay may masama siyang panaginip.

Dahan-dahan ay hinawakan ko siya sa isang balikat at sinubukang patahanin siya sa paghaplos. Tinabon ko sa kaniya ang aking jacket habang patuloy pa rin ang mahinang pagtapik sa kaniyang balikat. There were sweats formed in his forehead, and I tried to wipe it off using my bare hand. Malamig ang kaniyang pawis kaya mas inayos ko ang jacket sa kaniyang katawan.

His trembling suddenly slowed down. Napahinga ako nang malalim nang nakitang unti-unti na siyang kumakalma. Even his breathing slowly returned to its normal pace.

Ilang minuto akong nanatili roon at dahil mahimbing na ulit ang kaniyang tulog ay hinayaan ko na muna siya.

Dahil sobrang aga pa naman ay naupo na lang ako sa gilid ng natutulog na lalaki. Sinandal ko ang likod sa pader habang winiwili ang bagong kaibigan. I'll name her Kitty.

I smiled while caressing her head. "Naligaw ka rin, huh? Hindi ka ba hahanapin ng mama mo?" kausap ko roon. She responded a meow in return.

"Dito ka na lang kaya at samahan mo itong lalaki? Kawawa naman siya, araw-gabi na walang kasama... Ang lungkot kaya noon. Tapos nananaginip pa siya, walang magbabantay," patuloy ko.

Sumulyap ako sa lalaki at nahuli siyang gumalaw. Mayamaya pa ay agaran siyang bumangon, tila gulat sa tela na nakapatong sa kaniyang katawan. He suddenly looked very afraid.

I cleared my throat. Akala niya siguro ay may multo na nagbigay ng jacket sa kaniya?

At sa wakas, dumapo na ang kaniyang mata sa akin.

Napanguso ako, nagpipigil ng ngiti. Despite his miserable state earlier, he still looked so attractive early in the morning! With the messy hair he had, he looked at me heavily. Confusion was written on his face.

Using the cat's paw, I waved at him. "Good morning po...pasensya na kung naistorbo ko po ang tulog mo," maliit na boses na bati ko, nagpipigil pa rin ng ngiti. I've never seen someone this attractive waking up. Parang may kung anong kiliti sa tiyan ko.

Well, I haven't really seen anyone else fresh out of sleep aside from family, anyway.

It looked like he hadn't recovered yet from what he saw. Patuloy pa rin niya akong pinagmamasdan gamit ang parehong ekspresyon.

"Meow..." bigla na lamang kumawala ang kuting sa aking braso kaya napunta ang atensyon ko roon.

"Kitty, where are you going?" tawag ko rito. Sinundan ko ang mabagal na lakad ng kuting at nakitang patungo iyon sa paanan ng lalaki.

I was surprised when she began rubbing her head against his bare foot, as if she understood what he was feeling inside and was trying to comfort him. Uminit ang aking puso sa tanawin.

That's right, Kitty. Comfort him because I think that's what he needs the most right now.

Tila tatagos na ang kaniyang tingin sa akin sa sobrang talim nito.

Hoping to ease the crease on his forehead, I smiled at him gently. "Good morning po! Nag-jog ako galing tapos dumaan po rito," paliwanag ko.

Ipapaalam ko na sana sa kaniya na may dala akong pagkain, nang mapadako ang tingin ko sa kabilang bahagi ng sahig at makita roon ang supot ng pagkaing dinala ko kahapon.

Nilapitan ko iyon at sinilip ang loob at napansing... hindi niya iyon ginalaw man lang. Lumihis ang tingin ko sa bottled water. Halos kalahati na lang ang natira sa tubig na iniinom niya. At least uminom siya kahit papaano!

"Hindi ka po ba kumakain ng adobo?" kuryoso kong tanong. Baka ayaw niya kaya hindi kinain?

I slapped my forehead mentally. You should've asked him first, Angelu, what his food preferences are so--eh, hindi nga siya nagsasalita, kaya paano ko pa iyon gagawin?

Just as I expected, I didn't get any response from him. Pinagmamasdan niya lamang ako.

Binalingan ko na lang ulit ang pagkain at inamoy iyon. Hindi pa naman iyon amoy panis, pero ayaw ko naman siyang pakainin nang hindi mainit kaya kinarga ko ang kuting na naglalambing sa paanan niya at dinala sa kabilang sulok para pakainin.

Luminga-linga ako sa paligid at naghanap ng komportableng lugar kung saan ko puwede ilatag ang mga pagkain na dala para rin makakain na siya. Sigurado akong gutom na siya. It's been two days since I saw him here.

"I brought you a lot of food to eat po! Nagdala rin ako ng agahan, at sasamahan po kita kumain!" masaya kong balita sa kaniya kahit na medyo nahihiya na rin ako dahil sa nakakabinging katahimikan. I'm trying to lighten his mood, okay? Ang lungkot niya kasing pagmasdan...he looked lonely.

I sighed.

Para tuloy akong laging may monologo kapag siya ang kausap ko. 

It's okay, Angelu. Maybe he's just listening to your nonstop blabbering. After all, passive communication is still communication. That's already a step toward building a strong foundation for the friendship you want to build once he agrees.

Naputol ang aking iniisip nang bigla siyang tumayo. Muntikan pa siyang natumba ngunit nakahawak kaagad ang kamay niya sa pader, preventing himself from completely falling.

Kahit ako ay handa na siyang saluhin kung sakali man! Buti na lang at nakahanap kaagad siya ng suporta dahil naisip ko na baka madurog ako sakaling matumba nga siya sa akin!

Hawak ang jacket ko sa isang kamay ay nilahad niya iyon sa akin. I looked up at him, eyes widening. Parehong gulat at naguguluhan. Hindi pa nga ako nakaka-recover na muntikan na siyang matumba tapos...tapos...

He's acknowledging my presence! He knew I'm existing! Finally?!

Kabado akong tumawa. Gulat na gulat kaya biglang nataranta. "A-Ah, sa 'yo po muna 'yan! Baka lamigin ka!" Sabay tulak ko noon pabalik sa kaniya. 

Hindi siya nakipagtalo at nilapag lang ang jacket ko sa aking tabi. Awang ang labi kong sinundan siya ng tingin nang tumalikod at maglakad sa kung saan. I noticed him trying to maintain his balance as he walked.

Mabilis akong tumayo, bitbit ang jacket at bag. Saglit kong sinulyapan ang kuting at tila wala naman iyong pakialam sa mundo basta may pagkain kaya nagpatuloy ako.

I followed the guy and saw him walking aimlessly. Nag-eexercise rin ba siya? Naglalakad-lakad, eh... okay na kaya siya? Baka nahihilo na siya sa gutom.

Pinanood ko ang kaniyang likod at naalalang hindi na parehong t-shirt ang suot niya kahapon. Nagbihis siya. Ibig sabihin ba ay may damit siya rito?

Pero paano naman ang pagkain?

I looked around, and judging by the state of the kitchen, there's no way he could find anything to eat there--unless he goes out to buy food himself, which I highly doubt.

Dahil matagal siyang nakatayo at tila nililipad ang isipan sa kung saan ay hindi ko na muna siya pinakialaman at naghanap na lang ng mesang matutungtungan ng dala.

Hinawi ko ang puting tela ng isang coffee table sa tapat ng may nakatabon ding tela na couch. Pinagpagan ko iyon saglit bago nilapag ang bag.

Now that the sun was slowly coming up, the sun rays also started to shed light inside the house through holes and gaps in the walls.

I'm really curious about the guy, and as eager as I am to ask him a lot of questions, I guess I have to be patient until he's ready to talk to me. It's understandable that he's distant and wary of me because I am a stranger to him. But I'm kind! Though, he does not know that yet.

Ako naman, I won't grow distant from him because I don't really sense any negative energy from him. Isa pa, I want to make friends, and maybe, if he permits, he will agree to be my friend. I'll promise him that I will be a great friend to him! I'll always be by his side, as a true friend should be.

Kaya sana nga ay pansinin niya na ako.

But it's okay, I'm patient anyway.

Nothing good happens if we're in a hurry waiting for it. Patience is a virtue. Let's just let things happen naturally. I'm sure things will come to us when the time is right.

Pinuntahan ko siya sa kaniyang puwesto at kinalabit. "I have prepared us breakfast po. I know it's too early in the morning, pero kumain na po tayo dahil hindi po ako puwede magtagal dito..." At para makakain ka na rin.

He looked down at me, then at the table behind me. His Adam's apple moved as he swallowed.

He seemed hesitant to move his feet, so I took the initiative to touch his arm and pull him toward the table. Nagpatianod naman siya.

Nagulat man ay mas hinila ko siya, determinadong mapasunod siya. Ang laking tao kaya kailangan ng puwersa.

I pursed my lips. Progress, huh?

"This is nice!" basag ko sa katahimikan habang hinahaplos ang lambot ng sofa. Nasa gilid ko siya, nakaupo na at nakatingin sa coffee table kung saan ko inihanda ang mga pagkain.

I clapped my hands excitedly. Iniharap ko sa kaniya ang katawan para ibigay sa kaniya ang buong atensyon. "This is all for you po! But before we dig in, let's take our time first to thank the Almighty God for the blessings."

Hinintay kong sumagot siya kung sakali pero sumulyap lang siya sa akin. Napakamot ako ng ulo. Okay then...

Ayan na naman ang malakas na kabog ng dibdib ko na parang umaalingawngaw sa buong bahay.

Pumikit na lamang ako at nagsimula nang magdasal.

"I pray, God, that this food You have given will give us strength... Thank You for giving us another day to live, to hope, and to fulfill what needs to be done..."

I continued praying, and when I finished, I glanced at him again--just to see him looking at me seriously. The way he looks at me is as if he's psychoanalyzing me--trying to figure out what made me become the person I am today.

Nang nahuli ko siyang nakatingin sa akin ay mabilis din siyang umiwas at tumingin sa ibang direksyon. Hmm...

I tried to stifle a smile.

"Bakit ka po tingin nang tingin sa akin?" kalabit ko sa kaniya.

Mas lumayo pa siya sa akin at umusog na roon sa pinakadulong bahagi ng couch.

Sumimangot ako. "Okay, fine..." Hinayaan ko na lang siya at tinulak ang container na may kanin, ulam, at prutas. "Shall we eat?" aya ko sa kaniya.

Tila tinitimbang niya ang aking galaw at intensyon. Pabalik-balik ang tingin niya sa aking mukha at sa pagkain. Nagdududa yata siya...

"Wala po iyang lason, ah?"

Wanting to prove a point, kinuha ko ang sariling kutsara at kumuha ng kaonting ulam sa kaniyang lalagyan at kinain iyon. I was chewing it while raising a brow at me. Mayabang akong nagkibit-balikat pagkatapos lunukin iyon.

"See? Hindi naman po ako bumulagta?" I smirked.

He sighed as if frustrated with my presence. Akala niya siguro hindi ko iyon nararamdaman? Gusto ko lang naman makipagkaibigan sa kaniya. Am I too annoying for him? Hmm, hindi naman siguro? Sana hindi.

Kung ayaw niyang makipagkaibigan dahil pakiramdam niya ay nakakainis akong tao...edi he's being judgmental? Hindi pa naman niya ako nakikilala nang lubos. At paano niya rin ako makikilala kung ayaw niya naman akong pansinin?

Napahinto ako saglit.

Totoo nga ba ang asar ng mga kaklase sa akin na kulang ako sa pansin?

Hindi naman, eh. Gusto ko lang naman makipagkaibigan.

Iwinaksi ko na lamang iyon sa isipan dahil baka mawalan pa ako ng timpla dahil lang doon.

Umayos na ako ng upo at kinuha ang aking pagkain para magsimula ng kumain.

May naisip akong kalokohan at iyon ay ang asarin ang lalaki. Boring, eh.

"Kaya siguro mukha kang suplado dahil baka naapektuhan ka na po ng gutom? Alam mo ba na maraming psychological effects ang pagpapalipas ng gutom?"

Susubukan ko lang naman siyang asarin at hamunin baka sakaling gumana...

At mukhang gumana nga?!

Oh my...

Awang ang labi ko nang panoorin siyang kunin ang pagkain at dahan-dahang sumubo roon. Marahan niyang nginuya ang pagkain at muling sumubo pa ng isang kutsara!

Tama pa ba 'tong nakikita ko?

Tuluyan nang nalaglag ang panga ko. Alam ko namang kagustuhan kong kumain siya pero ngayong ginagawa niya na nga tila ba hindi ako makapaniwala sa nakikita!

Nagpakurap-kurap ako, hindi pa rin nakakabawi sa gulat sa kadahilanang kumain na siya!

Sumulyap siya sa akin at suplado akong tiningnan. Ngayon ay kinuha niya na ang bote ng tubig, binuksan ang takip noon at tinungga iyon.

Our eyes stayed locked while he gulped his water. My jaw literally dropped as I openly watched him.

Nang matapos siyang uminom ay bumaba ang tingin niya sa aking labing nakaawang. Narinig ko ang kalam ng aking sikmura kaya kaagad ko ring tinikom ang bibig.

His brows furrowed at the sound before he lifted his eyes to meet mine.

A faint smile tugged at the corner of his lips as his gaze left me and focused on his food...throughout breakfast.

Did he just...smile?

He did, right? 

Oh, my heavenly bodies...he finally smiled!

There's a surge of dopamine being released in my system right now. Para akong ginawaran ng pinakamagandang regalo sa saya nang masaksihan iyon!

You freaking mysterious, pasuplado guy! What have you done to me?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top