Chapter 1
Chapter 1
Piercing
"Another morning, another hope. Thank You always, Papa God..." My eyes fluttered open as I finished my morning prayer.
Akmang babangon na sana ako nang mapahawak sa ulo dahil sa pagkirot noon. "Wala akong maayos na tulog," I groaned to myself but still forcefully got up. I have a class!
Hinawi ko ang kurtina sa bintana ng aking kuwarto at napapikit saglit nang tumama ang sinag ng haring araw sa aking mukha.
Suddenly, a scene popped in my mind. Tuluyan ko nang binuksan ang malaking bintana dahilan upang salubungin naman ako ng sariwang hangin. "Shoot... was that a dream or?" I asked myself; a particular vivid scene was still playing inside my mind.
An abandoned house. Darkness. Silence. A guy whose eyes are like the rays of the sun.
Wait.
A... guy?
Abandoned property. A place full of acacia and balete trees. A dirty kitchen.
Naantala ako sa pagtatagpi-tagpi ng mga alaala dahil sa sunod-sunod na katok sa aking pinto.
"Angelu, mag-aagahan na raw sabi ni Mommy! You're gonna be late!" boses iyon ni Adiel.
"Y-Yes, coming!" sagot ko naman pabalik galing sa loob.
Nag-ayos muna ako ng higaan at hitsura bago tuluyang bumaba upang daluhan sila sa agahan sa hapag-kainan.
"Saan ka galing kagabi at hindi naman daw kayo magkasama nila Carleigh?"
Nabitin ang pag-inom ko ng gatas dahil sa biglaang tanong na iyon ni Adiel.
Naibaba ko iyon at napatingin sa kanila.
Medyo masakit din ang ulo ko dahil hindi nakatulog nang maayos. At dahil iyon sa kaiisip sa nakita ko!
So... totoo nga talagang nangyari iyon!
Mommy looked at me and raised a brow. Kahit si Tito Arki ay may pagdududa sa mga mata.
I cleared my throat and looked at Adiel. "Sa tabi-tabi," maikling sagot ko.
Now that I've confirmed that the scene in my mind really happened, a shudder ran through me. My heart raced with a mix of thrill and... excitement.
Sigurado na ako na hindi panaginip iyon. There was really a guy in that house. It wasn't a ghost just like what my friends believed.
"Saan naman 'yan kung ganoon?" usisa pa ni Tito Arki, my dad's youngest sibling.
I understand why they made a big deal out of me coming home late because to be honest, this only happens when academic commitments demand it. At ngayong hindi naman ako nagpaalam tungkol doon, talagang magtatanong sila sa ganap ko sa mga oras na iyon.
Tumikhim ako. Paano ko ba sasabihin? Coz I don't feel like telling them about what I saw yesterday. I just felt the need to keep it to myself. A little secret.
Should I... lie?
But it's morally wrong...
"N-Nawili lang po sa nadaanan kong lugar kaya natagalan..."
That's fine, right? Hindi naman ako nagsinungaling dahil totoo naman talagang may pinuntahan ako at kalaunan...nawili?
Nawili nga ba?
Basta hindi naman iyon harmful. It wasn't really a lie—I just chose not to tell them the whole truth... so omission doesn't count, right?
Adiel sighed. "Come on. You're still sulking from yesterday, sis?"
Oh, boy, now that you mentioned that...
I scoffed. "Dunno."
"What happened, Angelu?" tanong ni Mommy at nagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa.
Omission without lying and lying by omission are different from each other. The former is about leaving something out unintentionally because, for a person, the information seems irrelevant. On the other hand, lying by omission means deliberately leaving out information to hide the truth.
In my case, I omitted that particular detail because I didn't want them to know where I went. It was an abandoned place, and technically I was trespassing. Ayaw ko silang mag-alala dahil lang sa sarili kong kuryosidad.
A protective lie is still a lie, Angelu.
Sumuko na ako kalaunan pagkatapos makipagtalo sa sarili.
I can't do it. It may seem a gray area because my intention in keeping a certain truth is not to deceive, but still, I'm not being completely honest. And I'm sure, my conscience won't let me sleep peacefully at night.
"Uhm... pumunta ako roon sa haunted house na sinasabi nila Ross at Eli..." Sabay iwas ko ng tingin at kagat sa mansanas.
"What?" iritadong sabi ni Adiel.
Sinipat ko siya. "Oh, bakit? Hindi n'yo ako inaya, edi gumala ako mag-isa!" tanggol ko pa sa sarili. Parang kasalanan ko pa na nagtampo ako, eh sila naman 'tong nagsekreto sa akin!
Humalakhak si Tito Arki. "At sige nga, Angelu, may nakita kang multo?"
Natigilan naman ako sa tanong niya.
Multo...
I smirked meaningfully. "Wala nga, eh..." I shrugged. Pero may tao... guwapo.
Nang natapos ang pang-uusisa nila sa akin sa hapag ay sa wakas pinakawalan na nila ako upang makapaghanda na para sa klase.
Silas: Nagtatampo ka pa rin ba? Sabay tayo umuwi mamaya. I'll treat you to your favorite chicken place.
Napanguso ako. Alam talaga kung paano hulihin ang kiliti ko, 'no?
Me: Sabi mo 'yan, ah.
"Do you think personality is influenced more by nature or by nurture?" asked by our instructor.
Nakatingin lang ako sa presentation na nasa flatscreen habang sinasagot ang tanong na iyon sa isip ko. Ayaw kong magtaas ng kamay dahil sasabihan na naman ako ng ibang klase ng bida-bida o kaya naman ay papansin.
But sometimes, circumstances challenge us.
"Ikaw, Costales, may binubulong ka ba riyan? Care to share?"
Napatingin ako sa kaniya. Nagkukunwari pa naman akong nagbabasa sa harap tapos ako pa ang tinawag?
Tumayo na lang ako at diretsang sumagot sa tanong ng instructor. "Para sa akin po, both the genetics and environment influenced the personality. Let's take intelligence po as an example. Ang intelligence po ng tao ay maaaring namana po sa kaniyang mga magulang, but we cannot tell na ang intelligence ng tao ay dahil lang sa inheritance, but nature also contributes to it. Intelligence can also be influenced by the factors around us, like access to education, proper nutrition that supports brain growth, or experiences we gain."
"Very good," puri ng ginang at nilibot ang tingin sa klase. "Anybody who still wants to answer?"
I smiled a little and went back to my seat.
"May tanong ako, Ma'am!"
"Yes, dear?"
I glanced at Jannah when she laughed before speaking, "Ang pagiging papansin ba ng tao ay maaaring dahil din sa kakulangan ng pansin noong bata pa siya at nadala hanggang sa pagtanda?"
I don't know why, but for some reason, I felt like the question was meant to mock me. Hindi naman ako natamaan sa pasaring niya dahil una sa lahat hindi naman ako papansin, at sunod, pinalaki ako nang maayos at puno ng pagmamahal kaya walang kulang. Ngunit dahil alam kong iyon naman madalas ang asar sa akin ay baka nga para iyon sa akin.
Tila naman sineryoso iyon ng instructor.
"That's for another discussion, Jamison, but to answer that question, yes. There are people who experienced emotional neglect during childhood, and as a result, they may develop attention-seeking behaviors to satisfy their unmet emotional needs. These behaviors can continue into adulthood as a way of seeking validation and connection. This kind of people want to feel accepted and form meaningful relationships with people around them."
Nagtanguan ang mga kaklase sa paliwanag na iyon ni Ma'am.
"But remember, class, it's not always a bad thing. We should try to understand people who have the tendency to seek attention because it's their way of meeting emotional needs. Sometimes, it's how they express themselves—to feel seen, included, and valued."
She smiled at us and continued, "However, note that too much of anything can also be harmful. If the desire to seek attention becomes too much—to the point of being disrespectful or always needing to be the center of everything—it should not be tolerated. In such cases, as future mental health professionals, we must respond with empathy and compassion. You can support the person in becoming aware of their behavior and help them develop healthier ways to cope."
The class ended with our instructor leaving us inspired and motivated to do more and better in the future. Ni hindi ko na dinibdib pa ang kung ano ang puno't dulo noong kung bakit napadpad kami sa sagot na iyon dahil sa huli, naisip ko na hindi naman iyon mahalaga para pagtuunan pa ng pansin.
"Ang babait n'yo, ah?" satinig ko nang makarating kami sa Chicken House at may dala pati isang tub ng strawberry ice cream sina Ross at Eli.
"Nagkasala kasi, ayan, mahal pa naman suyuin itong bunso," sabi ni Caliah at niyakap ako sa gilid.
Malaki ang ngising iginawad ko sa kanilang lahat. "Thank you, guys, I appreciate this!" excited kong wika habang nagniningning ang mga matang nakatingin sa mga pagkaing nakahanda sa mesa.
Silas chuckled in front of me. "Ang cute mo, gusto tuloy ulit kita ilibre bukas."
Naghiyawan ang mga kaibigan.
My eyes widened. "Talaga?"
Mas natawa pa siya. "Yeah, sure, Calli, whatever you want," mahina niyang sabi at nagsimula nang ayusin ang aming mga kubyertos.
"Kapag siya, cute? Kapag ako, buraot?" simangot ni Adiel na nasa kabilang side.
"Tigil mo 'yang kabaduyan mo," si Silas.
Natawa ako.
Puno ng tawanan at asaran ang lamesa namin habang kumakain. Hindi na rin nagtagal sina Silas, Ross, at Eli dahil may klase pa sila ng alas sais sa hapon.
Umuwi na rin sina Caliah at Carleigh samantalang hinihintay naman namin ni Adiel ang sundo.
I looked at the sky and noticed the slowly changing hues turning to a gilded yellow.
Warm. Glowing. Piercing.
Oh...shoot!
Tumingin ako kay Adiel na nakaupo sa gilid at naabutan siyang busy sa kaniyang phone habang naghihintay.
Paano ba 'to?
Hindi naman ako puwedeng magsinungaling.
Pero paano ako pupunta roon?
I just wanna check if the mysterious guy is still there!
"Adi..."
"Hmm?" he responded without glancing at me, still busy fidgeting with his phone.
"Puwede mauna ka na umuwi? May bibilhin pa pala ako." That was partly true, though.
"Ano? Samahan na kita, wala pa naman 'yong sundo." Tumingala siya sa akin at galing sa pagkakaupo ay tumayo na. Ibinulsa niya na rin ang kaniyang phone.
I sighed. "Akala ko ba tutulong ka sa pag-ani ng mga niyog at gusto mo namang matuto noon."
His eyes widened a bit when he remembered. I grinned. Perfect.
Hindi pa siya nakakapagsalita ay tumunog ang phone niya sa bulsa kaya pareho namin iyong binalingan. Kinuha niya iyon at may binasa sa screen. "Na-flat daw iyong gulong patungo rito. Mag-commute na lang tayo."
Nice!
Kunwari ay busy kong kinuha ang wallet ko sa bag at sinilip siya. "Ah, oo. Mauna ka na at may bibilhin pa ako." I tiptoed a bit and kissed him on the cheek. "Take care, boy. Uuwi rin ako!"
"Angelu, umayos ka, ah?" he warned.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Oo nga, alis na!"
Ilang beses pa kaming nagtulakan doon bago siya sumuko at nauna na ngang umuwi.
Naalala ko kasi...sayang naman kung hindi ko tingnan ulit. Malay mo nandoon pa ang lalaki at makapag-usap na kami!
The thought brought excitement to me, so I hurriedly bought a to-go meal from the nearby food court and rode a tricycle to the Cervelos' property.
"Titingin lang naman..." bulong ko sa sarili nang maitulak nang tuluyan ang kalawanging gate sa labas.
Dala-dala ang paper bag ay kalmado ko lamang tinahak ang daanan. Nagdadala pa rin naman ng kaonting kilabot ang paligid sa akin ngunit pinapaalala ko na lamang sa sarili na sarili ko lang din mismo ang nananakot sa akin kaya ang isip ko dapat ang kontrolin.
The dilapidated door creaked open when I pushed it. Ngayong nasa loob na ulit ako, nilukob na naman ako saglit ng takot. Ganitong-ganito kasi talaga 'yong mga haunted house na nasa palabas. Maalikabok, madilim--ang tanging liwanag lamang ay sa mga iilang siwang ng bahay, mga muwebles na nakatabon at iilang mga antigong gamit na naka-display.
Ngayong nakabalik ako rito mas pinag-igihan kong suyurin ang bawat sulok ng bahay. The urge to clean was so palpable that my hands itched to grab cleaning materials.
"Naku, kapag nakabalik ulit ako rito, talagang lilinisin--ahh!" Napasigaw ako nang biglang may humila sa aking braso galing sa gilid. Sobrang lakas ng kalabog ng puso ko na halos umabot ang tunog na iyon sa mga tainga ko.
Mariin ang pikit ko sa aking mga mata at sa paper bag na hawak habang sinusubukang makiramdam sa paligid sa kabila ng nakakabinging tambol ng aking dibdib.
My heartbeat slowly went back to its regular rhythm when I realized something.
Unti-unti kong binuksan ang mga mata at una iyong dumapo sa kamay na mahigpit na nakahawak sa aking braso. Then slowly...my line of vision followed to see whose hand it was.
His brows were furrowed, his eyes throwing deadly daggers at me.
Hindi ko alam ngunit nakahinga ako nang maluwag kahit papaano nang makita ko siya sa harap ko.
Huh?
"Oh, my goodness..." Napatakip ang libre kong kamay sa aking bibig nang maproseso ng utak ko kung ano ang nangyayari at kung sino ang taong nasa harap ko.
His jaw clenched tightly while still looking at me intensely.
I gulped and slowly lowered my hand. Bigla akong kinabahan.
Nag-aalangan akong ngumiti sa kaniya at binaba ang mata sa kamay niyang mahigpit pa rin ang hawak sa aking braso. "Uh-hmm...hindi po ako masamang tao," sambit ko.
Sinilip ko siya at nasurpresa nang maabutan siyang bumaba rin ang tingin sa kaniyang hawak at dahan-dahang...binitiwan iyon. He blinked twice. As if he'd just realized what he had done.
My lips parted. "T-Thank you po!"
Kunot ang kaniyang noo nang pagmasdan ang kabuuan ko. Nagkaroon tuloy ako ng pagkakataon na pagmasdan din siya nang buo lalo na't hindi ko iyon nagawa kahapon.
"Oh...cool," I uttered in amazement when I realized how tall he is now that he's standing in front of me. Kung tama ang pagsukat ko ay nasa 6 feet tall siya at, hanggang leeg niya lamang ako. I took a step forward to prove my assumption, but he immediately stepped backward.
Napatingin ako sa kaniya at biglang umiling. "Sorry po, m-magsusukat lang po sana ng...uh...height." Ngumiti ako sa kaniya. "I like your height!" puri ko para bawasan ang awkwardness sa aming pagitan.
Hindi man lang siya kumurap at talagang nakatingin lang sa akin.
I noticed how thick and long his eyelashes were. A few strands of his hair had fallen on his forehead. It was disheveled. I wanted to fix it—to touch his hair—remembering how soft it felt, pero pinigilan ko ang sarili dahil baka mabigla ulit siya.
Ngayong mas napagmasdan ko na siya... guwapo pala talaga.
Stop gawking at him, Callista Angelu!
Nang maalala ang dala ko ay masaya ko iyong inangat at pinakita sa kaniya. "Surprise!"
Lumikot ang kaniyang mata at napabaling sa dala ko.
"Naalala ko na baka narito ka pa rin at nagtatago ay naisipan ko po na magdala ng pagkain sakaling gutom ka na. Masarap po ito! Steamed rice, pork adobo, vegetable salad po para healthy, at tubig..." Napatigil ako sa mahabang litanya nang mapansing hindi na siya roon nakatingin.
His piercing eyes... softened at me.
Napalunok ako nang magsimula na namang tumibok ang aking puso sa hindi maintindihang ritmo.
And in just a blink, he looked away. Hindi niya pinansin ang dala ko at tumalikod na lamang. Nagulat ako nang maglakad siya paalis kaya kaagad ko siyang sinundan.
"Hey, wait lang!"
Hindi niya man lang ako nilingon at nagpatuloy sa paglalakad.
"Bawal kaya tanggihan ang grasya!" sigaw ko ulit.
Wala pa rin.
Huminto na lamang siya nang maabot niya ang isang sulok at doon naupo. He leaned his body on the wall and closed his eyes. Nakatingala siya at hindi man magkalapit ay ramdam ko ang banayad na pagtaas-baba ng kaniyang dibdib. His knees were folded, and his hands were resting on them.
Dahan-dahan akong naglakad patungo roon.
Hindi gaya kahapon na nasa malapit na pinto siya nakatago, ngayon ay nasa kabilang sulok na siya ng sala--malayo sa bukana na pinanggalingan ko.
"Dito ka ba nakatira?" subok ko ulit. Umupo ako sa gilid niya at nilapag ang pagkain sa harap naming dalawa.
My head was tilted in his direction, watching every movement he made—his eye movements, the rise and fall of his chest, the slight clenching of his jaw... and the subtle trembling of his hands.
Nag-aalala ko iyong dinaluhan at hinawakan dahilan upang siya ay magmulat at diretso na namang tumingin sa akin. His eyes were bloodshot while maintaining eye contact with me.
"Are you okay?" I whispered while stroking his hands, trying to bring comfort.
Mapungay ang kaniyang mga mata na nakatanaw sa akin. His lips were even parted.
Kung hindi lang siya nagbitiw ng tingin ay hindi ko pa mapapansin ang distansya naming dalawa. Masyado na pala akong malapit sa kaniya, at sa kahihiyan pati ang paghaplos ko sa kaniyang kamay ay aking itinigil at lumayo. My cheeks reddened.
Nakakahiya ka naman, Angelu!
Tumikhim ako at bumalik sa aking puwesto.
"Your hands weren't trembling anymore. You should eat baka po dahil lang 'yan sa gutom," sabi ko sa kaniya nang hindi tumitingin.
Minutes passed yet no one moved.
Napatingin ako sa wristwatch at naalalang baka pagdudahan na naman ako kung magtatagal.
Sinilip ko siya at naabutan ang kaniyang tingin sa kawalan. His side profile was to die for... They were defined. Kita gaano kakurba ang kaniyang pilikmata, katangos ang ilong at...maganda rin ang kaniyang labi.
Mabilis akong napaiwas ng tingin nang muntikan na niya akong maabutang nakatitig sa kaniya.
Tumayo na ako nang tuluyan dahil kahit gusto ko pa man manatili para samahan siya ay kinakailangan ko na rin talagang umuwi upang hindi mapagalitan.
Sinundan niya ako ng tingin habang inaayos ko ang gusot ng aking uniporme.
I smiled at him. "Uuwi na po ako dahil baka mapagalitan. Kumain ka na rin po..."
Nakatingala siya sa akin at sa paraan ng kaniyang pagtitig tila may nais siyang iparating na mensahe.
But then he looked away and never looked back in my direction again, not even when I finally decided to leave.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top