Chapter 4

Emotional pain is real, whether you're a man or a woman—you're still human.

Happy Men's Mental Health Month!
#MENtalHealthAwareness 💚

Chapter 4

Sorry

Have you ever had someone look at you very fondly? Eyes so soft, so gentle, so full of raw emotion, looking at you directly as if they wanted to deliver a message about how you mean the world to them.

My mom looked at me that way, especially when we were still kids.

How about... eyes that tell you the opposite? The kind of eyes that's burning with anger. So mad, hostile, and defensive. Full of hatred, betrayal, and hurt. As if they were telling you to leave and just vanish from the face of the world.

I only see those emotions in movies—when someone gets cheated on by their lover, when two lovers have broken up because they can't be together, when someone mourns the loss of her loved ones, or when someone gets their heart broken by the person they trusted the most.

I know that look, but never did someone look at me that way until... him.

I'm not exaggerating when I say that he's exactly looking at me like that.

He's looking at me as if I had killed him many times. As if I had betrayed him many times, and just when he decided to trust me one more time, I broke it again.

He looked at me so intense, it made my feet take a step backward.

"W-What's wrong po?" nanginginig ang labi kong tanong sa kaniya.

I was looking for him around the house just to find him under the staircase, shaking.

Nang makita niyang may taong papalapit ay mabilis siyang tumayo sa kabila ng panginginig at halos sugurin ako.

He halted midway when he recognized me after seconds and proceeded to give me those eyes.

"Meow."

Napakurap ako saglit at tiningnan ang kuting na nasa bandang paanan niya, kagat-kagat ang plastic ng biscuit na mukhang iyong dala ko pa noong nakaraan.

Napalunok ako at muli siyang tiningnan. It is still afternoon that's why I could still see him clearly.

"Ano po ang nangyari sa 'yo?" my voice laced with worry when I recognized what's on his body and face.

May mga sugat at pasa siya sa katawan at kahit ang mukha niya ay may mga kalmot. Mas payat siya ngayon kaysa sa huli naming pagkikita. He looked so lifeless and I felt like it was partly my fault.

My chest tightened. "S-Sino po gumawa sa inyo nito?"

Nilapitan ko siya at sinubukang hawakan ngunit laking gulat ko nang malakas niya akong itulak dahilan para matumba ako pati na ang bitbit na bag at supot ng ice cream.

My eyes widened, and tears suddenly formed in the corners of my eyes.

"Sorry po kung hindi ko kayo kaagad binalikan," napapaos kong sabi at muling bumangon para lapitan siya.

He glared at me with his bloodshot eyes. Basa na ang kaniyang buhok dahil sa pawis habang umaatras, natatakot sa paglapit ko.

Inilingan ko siya. "Hindi po ako masamang tao. Ako po si Angelu..."

Umatras pa siya kaya mas lalo ko siyang nilapitan. Hindi ko kayang isipin niya na masama ang intensyon ko sa kaniya.

Gusto kong humingi ng tawad dahil hindi ko kaagad siya binalikan at gustong ipaliwanag bakit ako natagalan.

"Please po, kausapin ninyo po ako," pakiusap ko.

My eyes widened when he suddenly attacked me making me lose my balance once again but this time, my back hit a cabinet. Dahil doon, natamaan ako sa ulo sa mga iilang gamit na nahulog dahil sa pagkakatulak sa akin.

Napahawak ako sa aking noo nang malaglagan ng vase. Gulat at takot ko iyong tinanaw na nabasag sa sahig.

Nilingon ko siya. Wala man lang nagbago sa kaniyang ekspresyon.

Sumikip ang dibdib ko dahil sa sakit. I went here to finally see him again after days, and to celebrate my school achievement because my groupmates do not want to celebrate with me.

Tuluyan na akong napahikbi habang hinahaplos ang parte ng aking noo na natamaan ng vase.

"H-Hindi naman po ako masamang tao..." I sobbed. I looked at him helplessly, trying to convince him that I am the girl who visits him.

Why did he suddenly turn into someone like this?

"May nanakit po ba sa inyo?" tanong ko habang tuloy-tuloy ang agos ng luha ko.

Sumulyap siya sa kamay kong nasa noo ko at napakurap. Mabilis ang paghinga niya.

Pinanood ko siyang maging balisa, tila hindi mapakali sa kinatatayuan. He was pinching his skin so hard I think it was starting to bleed.

Mas lalo akong napahikbi nang matantong baka siya mismo ang nanakit sa kaniyang sarili.

Nanginginig ang balikat kong sinubukan ulit siyang lapitan. "Sinasaktan mo po ang sarili mo?"

He was stunned by my question. Napatingin kaming dalawa sa sahig nang muntikan ko nang maapakan ang bubog.

I was still crying when I reached him. He flinched.

"I-I'm sorry po..."

God, I do not want to lose him. He's already a friend to me. I'm sorry if I failed to take care of him as what a true friend should do. I'm sorry. I'll do better.

Unti-unti nang nawala ang galit sa kaniyang mga mata, pero hindi pa rin iyon kumakalma. He extended his hand shakily at me.

I looked at his hand and wanted to hold it to help him stop it from shaking, but I resisted. He's mad at me, and I don't want him to feel he's unsafe by crossing his boundary.

Dahan-dahan kong kinuha ang phone ko sa bulsa nang maintindihan ang gusto niyang mangyari at inabot iyon sa kaniya.

He typed on the screen shakily. I sniffed while wiping my own tears. Tila gatilyo ang pagtulak niya sa akin kanina para bumuhos na nang tuluyan ang matatabang luha na kanina ko pa pinipigilan.

He handed it back to me.

Leave. I don't want you here.

Nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko dahil sa sinabi niya. I refused to speak because I know it'll come out shaky, so just like what he's doing, I replied.

Bakit po?  Hindi po ako masamang tao. Let me talk to you po. Please : (

Inabot ko sa kaniya ang phone. Nagdadalawang-isip pa siya ngunit iniwas niya na ang tingin sa akin para magtipa.

I hate liars. Leave before I end up killing you.

My lips parted. I looked at him in fear. What does he mean by that?

He looked so satisfied with what he saw on my face. Wala na iyong titig niya sa akin na kahit hindi ko mabasa, hindi naman iyon nagbibigay ng masamang kahulugan sa akin. Ibang-iba ang paraan ng kaniyang tingin ngayon. It was full of negativity.

"It's wrong po... and I am not a liar," maliit na boses kong sa sabi sa kaniya. I was getting scared little by little, but I wanted to prove something to him.

Lying and killing are both wrong. What makes lying different?

"Hindi po ako sinungaling!" halos isigaw ko na iyon sa kaniya.

Go find someone to annoy, kid. I hate fucking around with liars.

I gritted my teeth after reading it. "I don't like you anymore! Ang sama-sama mo po!" akusa ko sa kaniya.

Tinulak ko siya sa dibdib dahil sa galit ko. Hindi siya pumalag at hinayaan lang ako.

Tumingala ako sa kaniya para ipakita kung gaano ko hindi nagustuhan ang kaniyang sinabi. He just looked at me blankly.

"Hindi na po ako babalik dito! Ayaw na kitang maging kaibigan!" I shouted at him painfully and walked past him.

Umalis akong umiiyak habang haplos ang noo. Tiningnan ko ang kamay at napansin pa ang dugo roon.

Naiwan ang bag ko sa loob ngunit wala na akong kagustuhan na bumalik pa ulit doon kaya naglakad ako pauwi. Hindi na rin ako nagpasundo dahil ayaw kong makita akong nasa ganitong kalagayan.

I felt relieved when there was no one around when I arrived. They were probably busy with their own business—just as I was with mine. But not anymore.

Naglinis ako ng katawan pagdating sa kuwarto at nang matapos ay humiga sa kama at doon umiyak nang umiyak.

Sobra akong nasaktan sa mga pangyayari ngayong araw kaya hindi kaagad maubos-ubos ang aking luha.

My groupmates... Hindi ko alam kung ano ang masamang ginawa ko sa kanila gayong ako naman halos gumawa ng paper namin dahil hindi naman sila tumutulong.

Hindi ko alam bakit ayaw nila sa akin... Hindi ako nagreklamo. Mataas pa ang marka nila sa akin sa peer evaluation kahit ang totoo ay dapat kabaliktaran noon.

Gusto nilang mataas ang marka nila sa akin kaya sinunod ko sila dahil gusto kong magkaroon ng kaibigan sa block namin. Kaso ayaw nila...

Tapos siya naman!

Naging mabait ako sa kaniya. Nilagay ko pa roon si Kitty para kapag wala ako ay may kasama pa rin siya. Gusto ko siyang alagaan, pero bakit niya ako sinaktan?

Bakit ayaw nila sa akin?

Mas lalo akong napahagulgol.

Tinulak niya ako tapos nasugat ang noo ko dahil natamaan. Galit siya sa akin at inakusahan akong sinungaling. At annoying kid pa raw ako! Malapit na akong mag-twenty! Ang sama-sama niya talaga!

Hindi nga siya nakakapagsalita pero masakit pa rin ang mga salitang isinulat niya. Matalas ang tabas ng kaniyang dila.

And he might end up killing me? Napakasama!

Hindi ko maintindihan bakit siya naging ganito.

Dahil ba 'yon sa hindi ko na siya binalikan?

"Hindi ko naman sinasadya iyon..." I wailed to myself. Oo, kasalanan ko pero babawi naman ako.

Nanghingi na ako sa kaniya ng tawad pero matigas ang puso niya. At ayaw niya na akong pabalikin...

I cried hard that night. Hindi rin ako sumabay sa kanilang mag-dinner dahil pagod na pagod ako sa araw na iyon.

"What happened to your forehead, hija?" nag-aalalang tanong ni Mommy kinabukasan nang makitang may band-aid ang aking noo.

"Natamaan po ng vase," tipid kong sagot.

"Bakit namumugto ang mata mo?" segunda ni Tito Arki.

"Did someone bully you?" naalarmang  tanong din ni Adiel.

"Wala, Adiel." Tahimik kong ininom ang aking gatas bago nagpatuloy. "Umiyak po ako dahil natamaan ng vase ang noo ko sa cabinet doon sa school. Aksidente po ang nangyari."

I looked away.

Maybe he's right. I am really a liar.

But right now, I don't want to explain further, so it's better to keep some things to myself to avoid more questions.

"Mag-beach naman tayo sa bakasyon!"

"Palawan? Game! Excited na ako!"

Nangingiti lang ako sa mga plano ng kaibigan nang magsabay kaming mag-lunch. Medyo maluwag na ang schedule namin dahil tapos na sa mga requirement. At isang linggo na lang ay bakasyon na.

"Una na kami, Calli! Ihanda mo na 'yang mga outfit mo para sa beach!" tuwang-tuwa na paalam ni Carleigh.

Nang umalis sila para sa next subject ay tumambay muna ako sa library para magpalipas ng oras dahil mamaya pa naman ang next schedule ko para sa isang subject.

"Calli, are you okay?"

Napaangat ako ng tingin nang tumambad ang nag-aalalang mukha ni Silas. Hinihingal siya na tila nagmamadali pang pumunta rito.

"H-Hello, Silas. I am. Bakit?" naguguluhan kong tanong habang pinagmamasdan siya.

Bumagsak ang kaniyang balikat at naupo sa bakanteng upuan sa tapat ko.

"Nakuwento ni Caliah na namumugto raw ang mata mo at may sugat ka..."

Pagak akong natawa. "It's nothing! But thank you for checking on me," I smiled.

I really appreciate how caring Silas is to me. Mukhang tumakbo pa siya rito para hanapin ako at kumustahin.

"Wala ka bang klase?"

Umiling siya. "All's done. I'm free now. Ikaw?"

"May meeting pa kami mamaya."

Tumango siya. He then looked at my forehead worriedly. "Sobrang sakit ba?"

Mapang-asar ko siyang nginisihan. "Alalang-alala naman 'yan..."

He playfully rolled his eyes. "Sinong hindi?"

Napalabi ako. Si ano...

Ewan. I don't even know his name.

"Callista..."

"Yes, Silas?"

"Puwede ka bukas? Let's stroll around."

Napaisip ako. "I'm not sure bukas. How about the day after?"

He grinned. "Seems good to me. Is it a done deal, then?"

"Yes. Sasabihan ko sina Adiel mamaya—"

"I mean, just the two of us, Calli," putol niya.

I blinked. "Oh..." Napatitig ako sa kaniya. He was also looking at me carefully. Then I sighed, and nodded. "Okay, but why?"

He looked away. "Just want to tell you something."

"Okay. But why not now?" I pressed.

"Timing issues," sabi niya.

"Okay. I'll see you, then."

"Thank you, Calli."

"You're welcome."

Nakipaghiwalay na rin ako ng landas kay Silas matapos ang isang oras naming pag-uusap para sa next subject ko.

"Today is our last meeting here in class. Just a quick announcement, you'll be submitting your notes for additional points. The deadline is tomorrow. You may visit me in the office to submit them. That's all. Thank you."

Oh, come on. My notes. Ibig sabihin ba nito ay babalik ako roon?

I'm competitive at school, so I can't let something like this pass.

At ano naman kung bumalik ako roon, 'di ba? I need my stuff back. Mahalaga ang mga gamit ko kaya bakit hindi ko kukunin? Naiwan ko, eh hindi ko naman sinadyang iwan iyon.

Kukunin lang naman...Hindi naman ako magtatagal dahil gaya ng sabi ko, ayaw ko na makipagkaibigan sa gaya niyang salbahe.

But maybe I'm getting good at not staying true to my words, because here I was, carrying a paper bag on the way to his house.

Dire-diretso ang pasok ko sa bahay, sinusubukang maging malamig at tahimik—ipapaalala sa kaniya na hindi ako natuwa sa ginawa niya kahapon at lalong ipapakita sa kaniya na wala na akong balak pang maging kaibigan niya.

"Magandang hapon? Hindi ako bumalik dito para manggulo, I just want my bag—"

Nanlaki ang mata ko nang sumulpot siya at naka-topless! No freaking way!

My jaw dropped. It was my first time seeing him like this. Basa ang kaniyang katawan habang nagpapatuyo siya ng buhok gamit ang tuwalya. Even though he lost some weight and his muscles weren't as big and defined as before, I couldn't deny he was still attractive.

Gaya ng reaksyon ko, nagulat din siya nang makita ako at biglang nahinto ang kamay sa buhok.

"Naligo ka po?" gulat kong tanong.

He blinked at me.

Napakurap din tuloy ako.

Bakit ka nga ba nagtatanong, Angelu?! Ano naman kung naligo siya?

"N-Nevermind! Pumunta ako rito para sa bag ko at..." Nagsalubong ang kilay ko nang mapansin kong bumaba ang mata niya sa dala ko.

I cleared my throat. "Goodbye meal ko ito para sa iyo. I'm revoking my offer of friendship." Sabay lahad ko noon sa kaniya habang iniiwasan siyang tingnan.

Ilang segundo ang lumipas nang hindi niya pa rin tinatanggap ang dala ko kaya napagdesisyunan ko na siyang lingunin.

Susungitan ko na sana siya kaya lang naabutan ko siyang malamlam na nakatingin sa akin.

"Bakit ka po ganiyan makatingin? Annoying po ako, 'di ba? You even threatened to kill me." Sabay iwas ko ulit ng tingin.

Kumunot ang noo ko nang maramdaman ko ang paggalaw niya. He turned his lean back on me and walked to somewhere.

Sinundan ko ng tingin ang likod niya ngunit imbes na sundan siya kung saan patungo ay iba ang nakakuha ng aking atensyon.

I gasped while looking at his back.

It was covered in scars, scratches, and bruises.

Mabilis ang hakbang ko patungo sa kaniya at bago pa siya makaliko ng direksyon ay nahawakan ko na ang braso niya para patigilin.

He craned his neck to peek at me from behind. Mabilis ko siyang binitiwan at tinanaw ang kaniyang likod.

Ngayong nasa mas malapit na ako mas naaaninag ko na ang mga nagkalat na sugat at pasa sa kaniyang likod. They all looked so painful—like his back had endured so much. Even though some of the marks had already dried, they still seemed to beg to be remembered, as if trying to tell the story of how they were born.

Bigla na lamang naglaho ang tampo at inis ko na gugustuhin ko pa naman sanang alagaan dahil sa nasaksihan ko.

What happened?

He winced even when my finger just barely touched a part of his back.

Umatras ako at agad na nagsisi kung bakit ko pa iyon ginawa.

"Sorry..." Yumuko ako.

I felt him turn his body on me and sighed.

Puwede naman akong yumuko magdamag para lang hindi makita ang reaksyon niya sa ginawa ko, pero walang ibang paraan para  makipag-usap sa kaniya kundi sa pagtama lamang ng aming mga mata.

I lifted my head and caught him looking at me softly.

I equalled his gaze, but with my own determined look. Marami na naman katanungan ang bumabagabag sa isipan ko. I want to ask him directly but I don't want him to feel I'm being too nosy.

Hindi ako umimik. I don't want to ruin the message he's trying to convey through his eyes. They are so difficult to comprehend, but I know they're dying to be understood.

Mahirap talaga. Hindi ko maintindihan.

Sa huli, siya rin ang nag-iwas ng tingin at muling naglakad. Sinundan ko siya at nakitang kinuha niya ang aking bag sa gilid. Habang sa kabilang kamay niya naman ay isang piraso ng papel na mukhang pinilas pa sa isa sa mga notebook ko.

Nilahad niya ang bag at papel. Hindi ko pinansin ang aking bag at ang papel lamang ang kinuha.

Sinulyapan ko pa siya saglit bago ilapag ang paper bag sa lamesa na nasa gilid ko bago ko basahin ang isinulat niya.

I am sorry for acting like an asshole. It was stupid of me to hurt you.

I do not really feel anything right now, but I hate seeing your tears.

I am trying to stay sane—at least for you because I cannot hurt someone so innocent and kind again.

So if you could take back what you said about not coming back, I would appreciate it.

Thank you, angel.

"Thank you so much for this..." napapaos kong bulong habang tinitingnan siyang nakatitig lang sa akin. Napanguso ako, pinipigilan ang maluha.

Mahigpit ang hawak ko sa papel nang gawaran siya ng tipid na ngiti. My lips trembled a bit. "It's okay po. I'm not mad at you anymore... I still want to offer you my friendship, if you're willing to accept it..."

Namumungay ang mata niyang bumaba sa aking nanginginig na labi. 

He did not realize how much I appreciated his message. He wants me to stay. He still wants me here. And it felt like his message was an instant assurance that he would never try to hurt me again.

"P-Pero paano ka po nasisiguro na mababasa ko ulit ang sulat mo gayong sinabi ko na hindi na ulit ako babalik dito?"

His lips moved slightly, as if amused by my question.

He snatched the paper from my hand, and I was about to take it back when he rummaged through my bag for a pen, as if it were his own, to write something on the back portion of the paper.

Even with your angelic face, I know you couldn't stay true to your word, little liar.

Napasimangot ako sa nabasa.

"Pasensya na po talaga..." Yumuko ulit ako.

Napasinghap ako nang may maramdaman akong haplos sa aking baba.

His hand carefully lifted my chin. Gulat pa rin akong pinanood siyang seryosong sinusuri ang kabuuan ng aking mukha.

His throat bobbed as his finger brushed over the small cut on my forehead.

He slowly blinked, and looked at me intently.

"I am sorry," he mouthed without a single sound but it resonated inside me, echoing in time with my heartbeat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top