Chapter 9
Dumaan ang pasko at masaya namang sinalubong ni Oreo ang bagong taon kasama ang ina. Kababalik lang ng klase ulit nila Oreo at excited na siya para sa last quarter nila. Ito na ang huling pagkakataon niyang maungusan si Kristoff. Kailangan niya pang galingan at pagsikapan na mapansin ng kaniyang mga guro na mas deserving siyang maging first honor.
Nagsisimula nang magturo ang kaniyang guro ng mga lessons para sa Science subject nila. Kinokopya niya ang mga sinusulat nito sa board at nakatuon ang buong atensyon niya sa pinag – aaralan nila nang mapansin niyang nahulog ang notebook ng katabi niyang kaklase. Napalingon siya at nakita niya ang hitsura ni Kristoff na halos hindi na maipinta. Hawak – hawak nito ang sentido at namumula ito.
"Kristoff, okay ka lang ba?" Mahina niyang tanong saka inabot ng kaniyang kamay ang mukha nito. Nabigla siya nang maramdaman na sobrang init pala nito. Biglang rumehistro sa utak niya ang sitwasyon kaya mabilis siyang nagtaas ng kamay upang kunin ang atensyon ng kaniyang teacher.
"Excuse Ma'am. I think Kristoff is sick," napatingin siya sa katabi. Sa hitsura nito ay mukha talagang masama ang pakiramdam nito. Nakaramdam siya ng pag – aalala. Bakit pa ito pumasok kung masama naman pala ang pakiramdam nito? Talaga bang hindi nito kayang magpahinga na lamang sa bahay kahit isang araw lang? Ganito ba mag – isip ang mga gifted na tulad ng taong ito?
Nakatingin na lahat ng kaklase kay Kristoff. Lumapit ang guro nila sa kanilang upuan, pati na rin si Ash at Arkhee na mababakas ang pag – aalala.
"I was right, he was not feeling well," sambit ni Arkhee.
"Kristoff, can you walk? You should go to the clinic." Tanong naman ng kanilang teacher. "Oreo, can you bring him there?"
"Huh?" Natigilan si Oreo. Ang pinaka ayaw niya sa lahat ay ang mamiss ang mga lessons nila. Subalit nang tingnan niya si Kristoff ay nakaramdam siya ng pagkabahala na hindi niya maipaliwanag.
Inilapit ni Ash ang mukha nito sa tainga niya at bumulong. "Sige na, Oreo. Mas magiging masaya si Kristoff 'pag ikaw kasama niya. Sige ka, pagagalitan ka ng mommy mo kapag nalaman niyang pinabayaan mo si Kristoff."
Tiningnan niya si Ash at mukhang sa hitsura nito ay hindi naman ito nang – aasar at alam nito ang sinasabi. Napaisip siyang saglit. May point din naman ito dahil sila naman kasi ang magkatabi ni Kristoff at siya ang nakapansin na may sakit ito kaya nararapat lang na siya ang magdala nito sa clinic.
"Sige po Ma'am. I'll bring him sa clinic." Pinulot niya muna ang notebook nito na nasa sahig at isinilid sa bag ng binata. Hinawakan niya ang braso nito saka inakay na tumayo. "Halika na, punta na tayo sa clinic."
Tahimik na tumayo si Kristoff na hawak – hawak pa rin ang sentido nito. Maaaring masakit din talaga ang ulo ng binata. Lumabas na sila ng kanilang silid – aralan at narinig niya pang sitahin ng guro niya ang mga kaklase nilang nagsimula nang mag – ingay dahil naistorbo ang klase.
"Kristoff, bakit ka pa pumasok eh may sakit ka naman pala?" tanong niya habang naglalakad sila sa direksyon ng clinic ng eskwelahan. Hindi ito sumagot bagkus nagpatuloy lang ito sa mabagal na paglalakad. "Sayang 'yong lessons natin ngayon, absent tuloy tayong dalawa."
Mukhang wala talagang lakas itong si Kristoff na magsalita dahil hindi pa rin ito umiimik. Nabagot tuloy si Oreo dahil napakabagal nila at medyo malayo sa building na kinaroroonan nila ang clinic. Maaabutan ata sila ng recess kung ganito sila maglalakad.
Kaya hinawakan niya ang kamay nito ng mahigpit at hinila ito. Malalaki ang hakbang na ginawa ni Oreo upang mas mabilis na silang makarating sa patutunguhan nila. Nilingon niya si Kristoff nang malapit na sila. Sobrang namumula na ang mukha nito na para bang nilagyan ito ng kolorete sa mukha.
Maaaring mataas talaga ang lagnat nito kaya tama lang ang naging desisyon niyang hilahin na lamang ito kaysa sabayan niya itong maglakad. Nag – iwas ito ng tingin sa kaniya nang tingnan niya ito. Nahihiya siguro ito sa kaniya dahil ito ang dahilan kaya absent sila ngayon sa klase nila. Alam nito kung gaano kaimportante sa kaniya ang makinig sa kanilang mga leksyon.
Habol ang hininga ay nakarating na rin sila sa clinic. Mabilis na silang pumasok at pinaliwanag niya sa nurse na naroon ang nangyari. Kinuha muna ng nurse ang temperature ni Kirstoff at may lagnat nga talaga ito. Pinainum ito ng gamot saka pinagpahinga sa kama na naroon. Tinanggal ni Kristoff ang salamin sa mata at inilagay sa mesa na katabi ng kama. Naupo naman si Oreo sa isang upuan na katabi nito.
"Pupunta ako sa classroom niyo. Ipapaalam ko sa adviser niyo na may lagnat si Kristoff para mainform ang parents niya." Tumayo ito malapit sa pinto. Binalingan ng nurse si Oreo. "Maiwan ko muna kayo. Huwag kang aalis kapag di pa ako nakakabalik, okay lang ba?"
Tumango siya. "Opo. Sige po." Iyon lang at naiwan na si Oreo na kasama si Kristoff. Nang tingnan niya ito ay nakatitig ang binata sa kaniya. Akala niya ay natulog ito pagkatapos painumin ng gamot ngunit gising pa rin ito at bukas ang mga matang walang ekspresyon.
"Dapat siguro ay matulog ka muna." Sambit niya sabay nang pag – ayos ng kumot sa lalaki. "Para pagdating ni Tita Emma para sunduin ka ay medyo okay ka na."
"Thank you, Chocolate." Mahinang sabi nito. "Sorry."
"You don't have to say sorry. Magpagaling ka na lang. Next time 'wag ka na pumasok kapag masama ang pakiramdam mo."
"I want to see you every day since I didn't see you during the Christmas break."
Ibang klase rin itong si Kristoff dahil kaya pa rin nitong magsalita ng mga bagay na mahirap intindihin para kay Oreo kahit pa may sakit ito. Natigilan tuloy si Oreo sa sinabi nito.
"Four eyes, hindi kita maintindihan. Is that a quote?" tanong na lamang niya rito.
Napangiti ito. Ngayon lang nakatitigan ni Oreo si Kristoff na wala itong suot na salamin. And then she felt something flick in her heart. She already knew that Kristoff was handsome and physically attractive, even though he's always serious and unapproachable.
But when she saw him now, showing her a good smile from his lips and warmth from his eyes, she couldn't help herself but blush. There was a sudden reaction from her heart that she couldn't pinpoint, a feeling she couldn't classify yet, and an emotion she only felt whenever she was with this boy.
"You're so pretty when you blush..." ito ang mga huling nasambit ng binata bago ito pumikit ng mga mata at nakatulog na. Oreo felt so relieved.
Honestly, she didn't know how to react to the words of Kristoff, it's beyond her intellectual understanding. Even she knew a lot of things, she finally accepted the fact that there will always be things that's hard for her to comprehend. Just like what she felt with Kristoff when he smiled at her.
*****
Ayiieee. May concern din pala si Oreo kay Kristoff no?
Pero bilib talaga ako sa mga moves ni Ash para kay Oreo at Kristoff. Lol.
Salamat po sa votes and comments!
Love & Light,
BC
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top