Chapter 10
"Oreo, ready ka na ba sa prom?" tanong ni Ash habang nananghalian sila sa cafeteria sabay ang dalawa pang kaibigan nito na si Arkhee at ang katabi niyang si Kristoff. Simula noong Enero ay si Kristoff na ang palagi niyang katabi kapag kumakain sila. At mukhang hindi naman naging apektado si Ash rito. "Baka nakalimutan mo na ako ang date mo, ha?"
Napaubo ang katabi niyang kumakain na si Kristoff. Mabilis niyang hinagod ang likod nito at nag – abot ng tubig. "Four eyes, dahan – dahan naman."
"Bakit ka ba nabulunan?" halata sa boses ni Ash na nang – aasar ito. "Gusto mo talagang hinahawakan ka ni Oreo?"
"Ashton." Uminom si Kristoff ng tubig at nagpatuloy. "Hindi pwede."
Seryoso ang mukha ni Kristoff ngunit mukhang hindi naman apektado ang kaibigan nito.
"Relax Kris..." Itinaas nito ang dalawang kamay. "I won the bet and I'm Oreo's promdate! Yipee!"
"Hoy, Ashton, kumain ka na nga lang," sita ni Arkhee na ibinababa ang mga kamay nito. "Magtino ka nga."
"Kristoff, okay lang. Talo naman talaga ako. Marunong naman akong sumunod sa napag – usapan." inosente niyang sagot.
"What was the bet? Why did you even accept his bet?" Napansin niyang ikinuyom ni Kristoff ang mga palad nito.
"Ahuh...you really wanna know Kris?" Hinawakan pa ni Ash ang sarili nitong baba na para bang nag – iisip. "Oreo wanted to know who your crush is if she wins the bet. But I won the bet of guessing whose name she got for the exchange gifts. Kaya hindi mo na kami mapipigilan pa. Ako ang date niya sa prom!"
"That's stupid!" galit na sambit ni Kristoff. Napalingon tuloy silang lahat sa kaniya. Kahit ang ibang mga estudyanteng kumakain doon ay napatingin sa kanila. "Chocolate, please tell me that's not true."
"Ahhh...eh...it's true?" Oreo forced a smile. She had no knowledge how to make Kristoff's anger go away.
"Why? Why do you want to know who I like? Isn't it so obvious?" Kristoff sounded frustrated. "I already told you about it. Why are you so stupid?!"
Tumayo ito, inayos ang lunch box at iniwan silang tatlo. Lahat sila ay tahimik na pinagmasdan itong naglakad papalayo sa kinauupuan nila. They were left speechless and flabbergasted with how Kristoff acted.
This was the first time that he got so angry and walked out in the middle of their lunch. He wasn't even finished eating. He left with words that struck her heart like tiny needles were piercing it. And Oreo felt so hurt she did not even notice that tears fell from her eyes and down her cheeks.
Stupid. Am I really that stupid?
Those words lingered and replayed in her mind. Even this wasn't the first time that Kristoff said those words to her but because he said it front of their friends and some other people have heard it too, she couldn't help but wonder if that was really how Kristoff thought of her.
Kristoff had been kind to her, sometimes unfriendly and cocky because he knew that he's a genius, but Oreo knew that he was really trying his best to make friends with her.
So why did he say those words?
She felt like being soaked in cold water. Her heart was throbbing and she couldn't even stop it.
"Oreo!" It was Ash who broke the silence. He stood up and sat beside her. He wrapped his arm around the back of her neck and pulled her close towards his chest. She could smell the cologne he used. "Shhh...I'm sorry. 'Wag ka na umiyak."
Ngunit sa sinabi nito ay mas lalo tuloy siyang napaiyak sa hindi malamang kadahilanan. Hindi niya maunawaan kung bakit lubos siyang nasaktan sa sinabi ni Kristoff. Mahalaga ba talaga sa kaniya ang iniisip nito?
"Ash --" narinig niyang tawag ni Arkhee sa kaibigan.
"Aya, is she your girlfriend?" boses ng babae ang narinig niya. Napaangat tuloy siya ng mukha at napagmasdan ang isang magandang babae na nakatingin sa kanilang dalawa ni Ash. Katulad din ito ni Ash na may singkit na mga mata, maputi ang balat at may mapupulang labi.
Mabilis siyang binitiwan ni Ash. Ngayon niya lang din napagtanto na halos nakayakap pala si Ash sa kaniya. Nagpunas siya ng mukha gamit ang kaniyang panyo at ngumiti sa babae.
"She's not my girlfriend. This is my friend, Oreo. Oreo, meet my little sister, Ayeena. She's first year." Pagpapakilala niya sa kanilang dalawa. Hindi nga mapagkakailang magkapatid itong dalawa dahil halos magkamukha rin ito.
"Hi Ayeena." Matipid niyang bati rito. "Magkaibigan lang kami ni Ash."
Nagkibit – balikat ito. "Oh, so you're the girl that Kristoff --"
"Ahhh! Ayeeeeeena!" Malakas na usal ni Ash sabay nang pagtayo nito. Inakbayan niya ang kapatid. "I think you need to go with your friends, look they're waiting for you."
Sabay silang napatingin sa mga estudyanteng kumakaway kay Ayeena sa di kalayuan. Ngumiti na lamang ito sa kanila at nagmadaling pinuntahan ang mga naghihintay na maaring mga kaklase nga nito. Narinig niyang huminga ng malalim si Ash pagkaalis ng kapatid.
"Hays, that was close, right Khee?" baling nito kay Arkhee na inaayos na ang lunch box nito. Mukhang tapos na itong kumain.
Tiningnan niya ang dalang baon. Kahit marami pa itong laman ay nawalan na rin siya ng ganang kumain.
"Oreo, Kristoff was just angry." Seryosong sabi ni Arkhee sa kaniya. "He didn't mean to say those words. Don't mind it. I'll punch him later, don't worry."
Malungkot niyang nginitian si Arkhee. "Okay lang Khee. Maybe he really thinks I'm stupid since he's always one step ahead of me. Kahit anong gawin ko hindi ko na talaga siya mapapantayan pa. He's going to be first, all the time."
"But that doesn't mean you're stupid. He was just angry because of me. Kaya 'wag ka ng umiyak ha. Hindi ako sanay na iniiyakan ng babae." Nagbiro pa itong si Ash.
"Hoy! Kapal mo. Hindi ikaw ang iniiyakan niyan." Napailing – iling si Arkhee. "Tapusin mo na nga itong kinakain mo, malapit na matapos ang lunch time."
"Oo na, oo na. Kontrabida ka talaga Khee. Hindi mo talaga ako mahal!" pagdadrama pa ni Ash, saka bumalik sa naunang puwesto nito at mabilis na inubos ang kakaunting pagkain na naiwan.
"Hindi talaga! Kaya umayos ka!"
Napangiti na lamang si Oreo sa napapanood. Maswerte si Kristoff dahil may mga totoo itong kaibigan. Noong pumasok siya ng highschool, ang nasa isip lang ni Oreo ay ang mag – aral at manguna sa klase. Hindi niya inisip na importante rin palang makihalubilo sa ibang tao.
Hindi pumasok sa isip niyang kailangan niyang makisama at makipagkaibigan. Ngunit dahil sa tatlong lalaking ito ay nakaramdam siya ng kasiyahan na alam niyang hindi niya mararanasan kung hindi siya nakipagkaibigan sa mga ito. Subalit napagtanto niya rin na hindi sana siya masasaktan ng ganito sa sinabi ni Kristoff kung para sa kaniya ay hindi ito mahalagang tao.
He's important to me? Why? What do you call this feeling? When did I start feeling this way towards him?
*****
Naalala ko tuloy ang kanta ng Westlife na 'Obvious'. Have you heard that song?
Ito ata ang bagay na kanta para sa dalawa. Or may naiisip kayong iba?
Votes and comments are welcome!
Love & Light,
BC
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top