Chapter 11

Pangatlong araw na nila ni Kristoff na hindi nag – uusap. Hindi niya ito nililingon kapag nasa klase sila kung hindi naman kailangan kahit pa magkatabi lang sila nito. Tahimik lang din ito kapag kumakain silang apat ng lunch na para bang bumalik ito sa dati noong una silang nagkakilala. Hindi umiimik at walang pakialam sa kaniya.

Ayaw niya man tanggapin sa sarili ngunit nasasaktan na siya sa ginagawang pagwawalang – kibo nito sa kaniya. Napansin din niyang wala ring magawa ang mga kaibigan nito kundi ang hayaan na lamang silang dalawa. Na para bang hinihintay ng mga ito na isa sa kanila ni Kristoff ang puputol sa namumuong cold war sa pagitan nila.

It could have been that easy for Oreo if this was the case, if Kristoff was just another math problem she can easily solve with the blink of an eye. But no, their situation was more complicated than any complex math problems she came across.

Napabuntong – hininga siya. Tapos na ang klase nila at papunta na siya sa gate, doon na lamang niya hihintayin ang mommy niya. Subalit napahinto siya sa paglalakad nang makita si Kristoff na mag – isang nakaupo sa isang bench, sa tingin niya'y naghihintay rin ito ng sundo. Napatayo ito nang makita siya.

"Chocolate," napakamot pa ito sa buhok. "Can we talk?"

Parang nabunutan siya ng tinik sa narinig. Sa wakas ay kinakausap na siya ni Kristoff at ito pa ang naghanap ng paraan upang makapag – usap sila. Napangiti siya at mabilis na lumapit sa lalaki.

"Akala ko hindi mo na 'ko papansinin." Naupo silang dalawa sa bench at inilagay niya ang dalang backpack sa pagitan nilang dalawa. "Galit ka ba talaga sa 'kin?"

Umiling ito at malalim na huminga bago nagsalita. "Sorry for saying mean things to you and for making you cry. I didn't mean it. I promise."

Tinitigan niya si Kristoff na mababanaag sa mukha ang sincerity ng mga sinasabi nito. Mas lalo siyang napangiti dahil nararamdaman na niyang dahan – dahan nang natatanggal ang lahat ng mabigat sa puso niya.

"I know. Pinapatawad na kita. Kaya pwede na ba tayong maging friends ulit? Kahit pa gusto kong nakawin ang pagiging first honor mo?"

"Chocolate, listen," bumuntong – hininga si Kristoff na para bang nag – iipon ng lakas ng loob. "I really like you. I had a crush on you, ever since that day that you told me you're going to beat me and become the first. I tried showing you that I do pero iba ka nga talagang mag – isip. You're the first girl who challenged me. You're smart and beautiful but you don't even realize it."

He pressed his lips and put his hands inside his pockets. "Kahit minsan sobrang obvious na gusto kita, hindi mo pa rin nakikita. Before Christmas I confessed and still you didn't get, like nothing happened. Noong dinala mo 'ko sa clinic nang magkasakit ako, akala ko talaga narealize mo na dahil hinawakan mo ko sa kamay, 'yon pala gusto mo lang magmadali. Do you understand why I got mad when Ash insisted that you're his promdate?"

"Ahhh...no?" Sa dami ng sinabi ni Kritsoff ay ito lamang ang nasagot niya.

Mabagal naiproseso ng utak niya ang mga sinabi nito na para bang nag slow motion ang buong paligid. Napakatahimik ng hapong iyon at nagsisimula nang lumubog ang araw. Sumasayaw ang mga dahon dahil sa malakas na ihip ng hangin. Ngunit ang kaniyang mga mata ay nakapako lamang sa gwapong katabi. Naramdaman ni Oreo ang pusong tumitibok ng mabilis, na para bang nasa isang karera ito.

Kristoff likes me. Ako ang crush niya? Bakit?

Nagpatuloy sa pagsasalita si Kristoff. "Sabi na nga ba. When Ash and Arkhee told me you cried after I left, I got so worried. But at the same time, I was relieved because now I know I also mattered to you. Sinabi ko na 'to kay mama at kay Tita Vicky, gusto kong ligawan ka...sa tamang panahon. Kapag nagegets mo na ang mga sinasabi ko. Kapag naniwala ka na that love is real."

There was a long pause before she could take the words out from her throat. "Manliligaw ka? Sa 'kin?"

Tumango ito at ngumiti sa kaniya. "Kaya, let's be good friends, okay Chocolate? Tita Vicky said the best way to know someone is become friends with them for a long time."

Hindi maipaliwanag ni Oreo ang nararamdaman ng kaniyang puso. Para bang sa sobrang saya niya sa pinagsasabi ni Kristoff ay hindi ito macategorize ng utak niya kung anong klaseng pakiramdam ito.

It wasn't just being happy – like buying a new book or becoming the top of the class, it was a different kind of happy that Oreo was having a hard time sorting out. It was a different form of happiness because it made her heart faze, it made her face red and it gave quivers all over her. For her, it felt like all of the cells in her body were twirling crazily.

"O – Okay," she murmured. Literally, she didn't know how to respond to things like this. It's the first time someone did this to her, confessing their feelings towards her.

"Chocolate, I'm not going to rush things. I promise I will wait until you're ready."

Napatingin sa Kristoff sa kalangitan. Tumingala rin siya upang mapagmasdan ang tinitingnan nito at napamangha siya sa kulay ng langit.

Nag – aagaw ang kulay bughaw at ang kulay – dalandan na sanhi ng paglubog ng araw. Para kay Oreo ay hindi niya makakalimutan ang dapit – hapong ito, na sa unang pagkakataon ay dahan – dahang nagpamulat sa kaniya sa iba't – ibang klaseng emosyon na ipinaramdam sa kaniya ni Kristoff.

"Kristoff, masaya ako dahil naging magkaibigan tayo. Hindi kita ipagpapalit kahit kanino," nilingon niya ito at ngumiti ng buong puso. "But I will still try to become the top 1. Hindi pa 'ko sumusuko."

Kristoff's eyes glinted and he gave out a short chuckle. "I know. I don't want you to stop trying. Masaya ka kayang tingnan, especially when you're trying to impress me."

Confusion was all over her face but she's more relaxed now. "Me? Trying to impress you? Hindi ko ata 'yan maalala."

"What? You don't notice it yourself that every time you answer a problem or a question from the teacher, you always look at me after. Na para bang sinasabi mong 'oh ano ka ngayon Kristoff, I'm better than you' and then give that very proud smile." He snorted and forced himself not to laugh. "And then that one time, na nagquiz tayo and I got a perfect score and you had one mistake, your face was sooooo cute. Parang gusto mong punitin ang papel ko when I showed you that I was perfect."

"That wasn't fair anyway. At saka, tama naman talaga ang sagot ko, dapat perfect din ako, nagkaroon lang talaga ako ng erasure kaya may minus point ako. Feeling mo naman!" Nakanguso siya habang nagpapaliwanag ngunit pulang – pula na ang mukha niya.

Hinawakan ni Kristoff ang ulo niya at ginulo ang buhok niya. "You really can't accept that I'm smarter, huh?"

Tinapik niya ang kamay nito at sinuklay ng mga daliri niya ang nagulong buhok. "Oo na, gifted ka na. Pero mas people person naman ako kaysa sa 'yo."

"Anong sinasabi mong people person?" He teased. "Wala ka rin namang friends ah. Kung hindi dahil sa 'kin ay wala ka sanang kasabay mag – lunch."

"Si Ash ang dahilan kaya magkasabay tayong kumakain. 'Wag mo naman akuin lahat. Ang gahaman mo talaga."

"Gahaman lang ako sa mga friends ko at sa taong gusto ko." Nagkibit – balikat lang ito at tumayo. "Halika na. Labas na tayo. Hinihintay na tayo sa labas nina mama at Tita Vicky."

"Huh? Ibig mong sabihin kanina pa sila sa labas? Naku pagagalitan ako ni mommy! Ikaw kasi!" Napatayo na rin siya. Isusuot na sana niya ang kaniyang bag nang bigla itong hilahin ni Kristoff. This boy carried her bag even though he knew it was heavy because of the books she brought, while also carrying his.

"Don't worry. I asked permission from them that I will talk to you. Alam nilang nag – away tayo."

Hindi na naman napigilan ni Oreo na makaramdam ng kasiyahan sa kaniyang puso. Pinilit niyang hindi mapangiti dahil ayaw niyang makita siya ni Kristoff na nasisiyahan sa ginagawa nito. Ngunit kahit ang mga muscles niya sa mukha ay hindi niya na makontrol.

Ngayon niya napagtantong kailangan niya pang pag – aralan ang mga bagay na may kaugnayan sa feelings at emotions. Kailangan niya pang magbasa ng mas marami pang mga aklat upang mas maintindihan niya ang mga nangyayari sa kaniya kapag kasama niya ang lalaking ito.

Ang mga bagay na ito ay hindi itinuturo sa eskwelahan kaya mas mahihirapan siyang maunawaan ito. Maaaring pwede siyang magtanong nito sa kaniyang ina, ngunit mas gugustuhin niyang siya mismo ang makatuklas ng mga bagay na bago sa kaniya.

Kailangan niya itong bigyan ng mas maraming atensyon upang makapantay siya sa katalinuhan ni Kristoff sa mga bagay na ganito. Talaga ngang maraming nalalaman ang binata dahil marunong na ito paano pangasiwaan ang nararamdaman. Hindi katulad niyang kinakapa pa lahat at halos hindi pa maiproseso ng utak niya ang mga sinabi nitong may gusto ito sa kaniya.

May gusto siya sa 'kin. Ano nga ba ang ibig sabihin ng mga salitang iyon? Ano nga ba ang dapat kong maramdaman at ano ang dapat kong isagot kay Kristoff?



*****

Sa wakas, umamin na rin si Kristoff kay Oreo. Tingin niyo ba nagets talaga ni Oreo ang intensyon ni Kristoff para sa kaniya?


Votes and comments are welcome!



Love & Light!


BC

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top