Chapter 8

Masayang pinapanood nina Oreo at Kristoff ang mga taong dumaraan sa kanilang harapan. Halos abala ang mga taong mamili dahil papalapit na nga ang pasko. Katatapos lang nilang manood ng palabas sa sinehan at mababakas sa mukha ni Oreo ang kasiyahan. Maganda ang napanood nilang foreign movie at excited na siyang ipabili sa mommy niya ang aklat kung saan nakabase ang napanood nila.

Nakaupo silang dalawa ni Kristoff sa isang bench sa loob pa rin ng mall, dala – dala pa nila ang mga natanggap na regalo mula sa kanilang exchange gifts, hinihintay ang mga magulang nilang sunduin sila. Tahimik lang ang kaniyang katabi at hindi umiimik. Nakaramdam tuloy si Oreo ng pagkabagot.

"Kristoff, thank you sa treat. 'Pag naging first honor ako, ililibre kita." sambit niya saka nilingon ito. "Pero mukhang ayaw mo talagang magpaubaya sa 'kin, eh. Kaya hindi na ata darating ang panahon na malilibre kita."

"Pwede namang ako nalang ang palaging manlilibre sa 'yo." Tipid nitong sagot. Malamig talaga itong kasama si Kristoff.

"So, wala ka talagang planong bumaba sa puwesto mong first honor? Ganoon ba 'yon?" Sumimangot siya. "Talagang wala na akong pag – asa sa 'yo."

Napansin niyang napangiti ito. "May pag – asa ka naman sa 'kin. Sa ibang bagay."

"What do you mean?" She asked, interested.

Para pa itong nagdadalawang – isip kung sasabihin sa kaniya ang nilalaman ng kaisipan nito.

"May pag – asa ka...na ma in – love ako sa 'yo."

Tinitigan ni Oreo si Kristoff ng mata sa mata. Seryoso ang mukha nito at mukhang hindi nagpapatawa. Kaya hindi niya maiwasang magtaka sa sinabi nito. Hindi maprocess ng utak niya kung ano ang ibig sabihin nito.

Kung sana nagtanong na lamang ito ng spelling ng supercalifragilisticexpialidocious, eh 'di sana nakasagot na siya agad. Ang sinabi nito ay isang bagay na siyensya lamang ang makakapagbigay ng paliwanag at interpretasyon na kung saan hindi niya pa napapag – aralang mabuti.

"Kristoff, kapag ba sinabi mong in – love ka sa 'kin, papayag ka ng maging top 2 na lang?" seryoso rin niyang tanong rito.

Napahawak ang lalaki sa sentido nito. "Chocolate. Hindi ko alam kung paano ka mag – isip pero alam mo namang gifted ako. Mahirap ang hinihingi mo kahit gusto ko pang gawin."

"Wala naman pala akong mapapala kung ma in – love ka sa 'kin." Nagkibit – balikat na lamang siya. Kung wala naman pala siyang mapapala rito ay hindi niya gugustuhin na makaramdam ito ng tinatawag nitong 'love'.

"Kailangan ba talagang may mapala ka?" Inilagay nito sa loob ng bulsa ng pantalon ang mga kamay. "Hindi ba pwedeng 'pag nasa school tayo sabay lang tayong mag lunch?

"Sabay naman tayong nag – lulunch 'di ba?"

Napatingin ito sa kisame na para bang may iniiwasang tingnan.

"I want to sit beside you."

Hindi na naman maiwasan ni Oreo na magtaka sa mga pinagsasabi nito. Ang mga hinihingi nitong mga bagay ay hindi naman masama at hindi naman mahirap gawin. Maaring minsan ay gusto nitong manghingi ng ulam niya kaya siguro gusto nitong katabi siya. Binibigyan niya kasi si Ash minsan ng ulam niya dahil magkatabi lang sila nitong nakaupo.

"Okay. Next year, sabihan mo si Ash na gusto mo 'kong katabi. Bibigyan din kita ng ulam kapag masarap ang pinabaon ng mommy ko."

Tumawa ito at napatitig sa kaniya na para bang hindi kapani – paniwala ang sinabi niya.

"Chocolate..." Pinipigilan nito ang sariling humalakhak ng malakas. "You don't think that I want to sit beside you during lunch because I want to ask some food from you?"

Tumango siya. May iba pa bang rason para hilingin nito kung pwede silang magkatabi kapag nanananghalian sila? Magkatabi na naman sila sa klase kaya alam niyang pagkain ang dahilan kaya gusto nitong katabi siya kapag kumakain sila.

Napakamot ng ulo si Kristoff na para bang nahihirapan mag – isip kung paano magpapaliwanag sa kaniya.

"Hindi ka dapat mahiya. Alam ko naman na minsan naiingit kayo sa baon ko. Masarap kasing magluto ang mommy ko."

Narinig niyang bumuntong – hininga ang katabing lalaki at napailing – iling pa. "What if I tell you that the real reason is, I like you?"

Oreo had no idea how long she'd been gazing at Kristoff's face. All she knew was that she was looking at him because of what she heard from him. I like you. That was what he said and it kept replaying in her mind like a broken disc.

She felt something strange in her heart, something she didn't know about. It was a feeling of warmth about the words that Kristoff spoke to her. She wanted to stop herself but her mind cannot stop the expression shown on her face – she's blushing.

"Oreo! Kristoff!" Narinig niyang tawag ng mommy niya habang papalapit sa kanila. Kasama rin nito ang mommy ni Kristoff. Mabilis siyang tumayo at sinalubong ang mga ito. Nagmano siya sa ina ng binata habang hinalikan naman niya sa pisngi ang kaniyang mommy. Lumapit na rin si Kristoff sa mga ito at nagmano sa dalawang ina.

"Oh, ano, nag enjoy ba kayo? Anong pinanood niyo mga anak?" Tanong ng nanay ni Kristoff.

"The Chronicles of Narnia po Tita. Super ganda po ng movie!" sagot ni Oreo saka ibinaling ang tingin sa sariling ina. "Mommy, can we find that book? I really want to read it."

Ngumiti ang kaniyang mommy at hinaplos nito ang buhok niya. "Okay. Is that all you want? Baka gusto mo ng cellphone? Kristoff has one na." Kinindatan pa nito ang binata na para bang may ipinapahiwatig ito.

Umiling siya. "Hindi ko kailangan ng cellphone, My. Books nalang, please?"

Natawa ang dalawang ina sa sinambit niya. Ang mommy ni Kristoff ang nagsalita. "Naku, Oreo. Totoo nga ang sabi ng mommy mo. Mabait at matalino ka nga talagang bata."

"Oo nga Em. Pero sa sobrang bait, minsan hindi na marunong lumabas ng bahay." Napailing ang kaniyang ina. "Buti nga naging kaibigan nito si Kristoff. Gusto ko naman maging normal siyang teenager."

"At least ngayon ay mapapanatag ka na dahil nandito naman si Kristoff." Hinawakan ni Tita Emma ang kamay ng binata. "Oh siya, mauuna na kami. Naghihintay si Henry, eh."

"Ingat kayo." Nag beso – beso pa ang kanilang mga ina saka tuluyan nang umalis sina Kristoff. Tiningnan lang siya ng lalaki at hindi man lang ito ngumiti nang magpaalam na ito sa kanila. Sa tingin niya ay default na talaga ni Kristoff ang pagiging emotionless ng mukha nito.

Lumabas na rin sila ng kaniyang ina sa mall at dumiretso na sa parking lot. Hindi naman gaanong malayo ang bahay nila mula sa mall na kinaroroonan nila kaya hindi na sana siya mag seseatbelt pa nang makapasok na sila sa kotse.

"Seatbelt please." Nasita pa rin siya ng mommy niya. Bumuntong – hininga na lamang siya at nag – fasten ng seatbelt niya. "Oreo, what do you think about Kristoff?"

"Siya ang first honor, My. Gifted siya. Baka hindi ako ang maging valedictorian pag nag graduate kami."

"Hmmm...I mean, what do you think of him as a boy?" Napatingin siya sa ina. Abala ito sa pagmamaneho. "Isn't he cute?"

Nag – isip siya ng malalim. Ito ang unang pagkakataon na nagtanong ang kaniyang ina tungkol sa ibang tao mula sa kaniya. At hindi lang iyon, si Kristoff pa ang tinatanong nito. Hinawakan ng kaniyang isang kamay ang kaniyang baba. Mahirap para sa kaniya ang tanong nito. Kung sana ang tanong nito ay kung ano ang element symbol at atomic number ng Chromium ay mabilis niya lang itong masasagot.

"My, I don't understand your question. But if you mean cute, his face is handsome. He's also tall and he might become taller since he'll surely undergo a rapid growth because of his age. His skin is also spotless. I haven't seen him having pimples."

Her mother smirked while turning the steering wheel. "Nak, anong feeling mo noong nanood kayo ng sine na kayo lang dalawa?"

Pakiramdam ni Oreo ay pahirap ng pahirap ang mga tanong ng mommy niya sa kaniya.

"Masaya naman po. Masaya palang manood ng movie kapag libre po ng classmate. Masarap din po 'yong libre niyang popcorn sa 'kin."

Napatawa ang mommy niya sa isinagot niya. "Hmmm... Paano kung may magkagusto sa 'yo, Nak? Anong mararamdaman mo?"

Nakukunot na ni Oreo ang kaniyang noo sa mga tanong ng kaniyang ina. Ang mga tanong ng mommy niya ay mas mahirap pa sagutin kumpara sa mag – memorize ng lahat ng bansa sa buong mundo at mga capital cities nito.

"Kailangan ba talaga, My na may maramdaman ako kapag may nagkagusto sa 'kin?"

Narinig niyang napabuntong – hininga ang ina. "Oreo, anak, alam mo ba kung ano ang love?"

"Opo naman, My. Sabi po ng isang librong nabasa ko po, love is a chemical process caused by the quartet of neurotransmitters, dopamine, serotonin, oxytocin, at saka 'yong isa endorphins responsible for all the emotions we are feeling. Akala po natin ay galing ang mga iyon sa puso pero hormones po talaga ang may kasalanan sa mga feelings natin."

Biglang napabreak ang nanay niya sa pagmamaneho. Nahinto sila sa gilid ng kalsada. Mabuti na lamang at walang maraming sasakyan. At mabuti na lamang talaga't nakapagsuot din siya ng seatbelt. Nagtanggal ng seatbelt ang mommy niya at mababakas sa mukha nito ang kalungkutan. Niyakap siya nito at hinaplos – haplos ang kaniyang buhok.

"Oreo, patawarin mo 'ko kung palagi akong busy. Patawarin mo si mommy kung minsan hindi na kita maalagaan. Sorry, anak, kung hindi kita naturuan ng mga bagay na dapat ay itinuro ko sa 'yo. It's my fault kung bakit ganito ka mag – isip. Kasalanan ko kung bakit hindi ka nag – eenjoy bilang isang teenager. Sobra akong naging busy na mabuhay tayong dalawa, nakalimutan ko nang mahalin ka. Nakalimutan kong ituro paano ang magmahal ng iba. Sorry, sorry talaga."

Hindi niya maintindihan kung bakit umiiyak ang mommy niya at bakit ito humihingi ng tawad sa kaniya. Subalit hindi rin naiwasan ni Oreo na makaramdam ng pagsakit ng dibdib dahil sa mga sinambit ng nanay niya, na para bang tinutusok ang puso niya. Napaisip tuloy siya kung talaga bang may kasalanan ang kaniyang ina kung bakit ganito siya.

Kung bakit nga ba minsan ay mahirap sa kaniyang intindihin ang mga bagay patungkol sa emosyon at pagmamahal dahil hindi naman ito itinuturo sa eskwelahan. Ngunit kahit minsan ay hindi niya inisip na nagkulang ang mommy niya sa pagpapalaki sa kaniya.

"My, 'wag ka ng umiyak. Masaya pa rin naman tayo 'di ba kahit ganito ako." Napapaluha na rin si Oreo. "Okay lang naman ako. Pinalaki mo naman ako nang maayos, My. Wala ka naman problema sa school ko kaya 'wag ka na mag – alala."

Mahirap ipaliwanag subalit nag – iyakan na silang dalawa ng nanay niya sa loob ng kotse. Matagal – tagal din bago tumahan ang mommy niya at pinaandar na ulit ang sasakyan. Ito ang kauna – unahang pagkakataon na umiyak ulit ang kaniyang ina sa harap niya mula nang mamatay ang kaniyang ama.

Hindi niya maunawaan kung anong naging rason nito upang humikbi. Nakaramdam tuloy siya ng kahapisan dahil halata namang siya ang naging dahilan nang pag – iyak nito.

Kailangan mo pang mas maging mabait Oreo. Kailangan 'wag mo na paiyakin si mommy ulit. Maging mabait ka na!


*****

Ayan na! May aminan na! Nagkalakas din ng loob si Kristoff! 

What did you think about this chapter?


Salamat sa votes and comments!


Love & Light,


BC

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top