Chapter 7
Dumaan ang mga araw at mga buwan, at sa pangatlong pagkakataon ay siya pa rin ang nasa ikalawang ranggo sa buong klase nila. Nauubusan na siya ng pag – asa na maungusan ang karibal niyang si Kristoff.
Talaga ngang gifted ang lalaking iyon. Ang sabi pa sa kaniya ng mga kaibigan nito ay hindi pa nga raw ito nag rereview minsan pero kahit ganoon ay palagi pa rin itong nakaka perfect sa mga quizzes nila. Subalit mas sikat naman siya ngayon sa buong eskwelahan kumpara kay Kristoff, hindi dahil sa kaniyang katalinuhan kundi dahil naging usap – usapan ang pagbisita niya ng Guidance Office matapos niyang makipag – debate sa guro niya sa Values.
Napabuntong – hininga siya habang papalapit sa kanilang silid – aralan. Ngayon ang Christmas party nila at may bitbit pa siyang paper bag kung saan nakalagay ang regalo niya para sa taong pagbibigyan niya.
Sa kasamaang palad, si Kristoff pa ang nabunot niyang pangalan para sa exchange gifts nila. Minsan tuloy pakiramdam ni Oreo talagang pinaglalaruan siya ng tadhana. Mabuti na lamang at walang nakakaalam, kung hindi siguradong asar ang aabutin niya mula sa mga kaklase.
Ngayong araw ang huling araw nila sa school para sa taong ito dahil pagkatapos ng Chirstmas break ay bagong taon na. Excited na siya sa bakasyon dahil makakapagbasa na naman ulit siya ng maraming aklat at makakapanood ng mga paborito niyang anime sa tv.
Nang makapasok siya sa loob ng classroom nilang puno ng Christmas decorations ay sinalubong siya ni Ash na mukhang may handang kasamaan para sa kaniya.
"Oreo! Do you wanna bet?" Hamon sa kaniya nito. "Kapag natalo ako, sasabihin ko sa 'yo kung sino ang crush ni Kristoff..."
Parang may biglang nag doorbell sa utak ni Oreo. Alam niyang nagningning ang kaniyang mga mata sa narinig. Matagal na niyang kinukulit itong si Ash tungkol sa babaeng nagugustuhan ni Kristoff ngunit kahit anong gawin niya ay mukhang mapagkakatiwalaan din talaga itong kaibigan, kahit minsan ay masyado itong madrama. Hindi sinabi sa kaniya ni Ash kung sino kahit halos lumuhod na siya sa harapan nito.
"Anong gagawin natin?" Excited niyang tanong.
"Huhulaan ko lang kung sino ang pagbibigyan mo ng regalong 'yan," sabay turo sa dala niyang paper bag. "Pero kapag nahulaan ko kung sino, ako ang magiging ka date mo sa prom!"
"Deal!" wala sa loob na sambit ni Oreo. Ni hindi na siya nag – isip pa sa kahihinatnan kung sakali mang matalo siya. Ang gusto niya lang ay malaman ang kahinaan ni Kristoff dahil maaring makakatulong ito sa kaniya na makabawi.
"Hmmmm. Lalaki ang reregaluhan mo," pagsisimula ni Ash. Tumango – tango pa siya pero nananalangin siya na magkakamali ito. "Matalino, may salamin sa mata, at matangkad. Si Kristoff!"
What? What just happened? Ash knew about it? How did he know? Wala naman akong pinagsabihan, bakit niya alam? Bakit niya nahulaan?!
Oreo became speechless as Ash bursted into laughter in front of her. Sa hitsura ni Ash ay para itong may malaking napanalunan. Nauto siya nito sa isang paligsahan na halatang talo na siya bago pa man nagsimula.
"Wala nang bawian! Ako ang kadate mo sa Prom!" Tumalikod na ito sa kaniya at malakas na nagsalita. "Guys! I'm Oreo's promdate!"
"Ui!!!!!" asar pa ng iba niyang mga kaklase. "Bagay kayo Oreo!"
Gusto niyang magwala sa inis na nararamdaman. Bakit hindi niya man lang inisip agad ang kahahantungan ng kanilang pustahan? Bakit hindi agad pumasok sa isip niya na maaring bago pa man siya hinamon ng kumag na si Ash ay malamang nagtatatanong na ito sa ibang kaklase nila.
Naupo siya sa isang malapit na armchair at nag – isip. Hindi na niya mababawi pa ang kaniyang pagkatalo mula kay Ash. Kaya ang kailangan niyang gawin ay hamunin ito ulit upang masabi na nito sa kaniya ang patungkol sa kahinaan ng matalik nitong kaibigan. Nawalan na naman siya ng pagkakataon na malaman ito.
"Chocolate." Sambit ng kaisa – isang taong tumatawag sa kaniya sa ganoong pangalan. "What was that...about Ash?"
"Ahhhh. Ash had a good offer, sayang, eh." She raised her head to meet his very annoyed gaze.
"What was the bet? Did you really want to become his promdate?"
"He wanted to guess who will receive this gift. Turns out he already knew it was you." Ipinakita niya ang regalo at iniabot ito kay Kristoff. "Sana magustuhan mo. Ako ang pumili niyan. Pinili ko talaga 'yan para sa 'yo. Ang hirap maghanap ng regalo para sa katulad mo."
Hindi mapagtanto ni Oreo ang ekspresyon sa mukha ni Kristoff. Mukha itong masaya na namumula at tinakpan pa nito ang bibig. Hindi ito agad nakapagsalita, ni hindi man lang nakapagpasalamat sa kaniya. Naisip tuloy niyang may mga pagkakataon din palang mabagal mag – isip si Kristoff.
"T- Thank you, chocolate." Sa wakas na sabi nito sa kaniya. "Also, you look pretty today."
Hindi niya alam kung bakit sa pagkarinig niya sa sinabi ni Kristoff ay parang may dumaloy na kuryente papunta sa puso niya na nagpa pintig dito ng malakas. Wala namang espesyal na sinabi nito. Mukhang na – appreciate lang nito ang hitsura niya dahil nakasuot siya ng maganda at pulang dress ngayon na bagong bili ng mommy niya sa kaniya. Lahat naman ata ng estudyante ay may suot na bagong damit kapag Christmas party.
"You're welcome. Ikaw rin. Ang gwapo mo ngayon sa suot mo. Bagay sa 'yo," kaswal niyang komento rito. Totoo naman talagang gwapo ito sa suot na pulang polo shirt na mas lalong nagpatingkad sa makinis nitong balat at sa guwapong pagmumukha nito. Ngunit dahil sa sinabi niya ay dagling tumalikod si Kristoff sa kaniya.
Nakunot niya ang noo. Sa pagtataka ay tumayo siya at sinilip ang mukha ng kausap. Nakita niyang nakangiti naman pala ito at mukha namang masaya. Natanong tuloy niya sa sarili bakit kailangan pa nitong tumalikod sa kaniya kung ngingiti lang naman pala ito.
Mukhang natubuan din ng hiya ang binata nang mapansing nakatingin siya rito. Nag – iba ng ekspresyon si Kristoff at dagling naging seryoso. Tumikhim pa ito bago nagsalita.
"Alam mo ba kung bakit ako nakangiti?" Umiling siya. "I thought so. 'Wag mo nalang alamin, hindi 'yon maiintindihan ng mga tulad mong second honor."
Natigilan siya sa sinabi nito. "Paskong – pasko Kristoff. Pwede ba kahit ngayong araw maging mabait ka sa 'kin?"
"Hmmm... Pwede naman." Napaisip ito. "Can we go to the mall after the party? Just the two of us?"
Nag – aalangan man ay sumagot na lamang siya. "Okay. Anong gagawin nating dalawa sa mall?"
"We're going to watch a movie."
"Huh? Hindi ako nakapagpaalam kay mommy..." She touched her lips with her finger, thinking that she might make her mother worry if she's going somewhere after the Christmas party.
Inilabas ni Kristoff ang isang cell phone mula sa bulsa nito. Nanlaki ang mga mata ni Oreo dahil iyon ang latest model ng Nokia. "I'll text your mom and my mom. I'll ask permission."
"Wow! May cellphone ka na? Bakit? At new model pa?" Manghang – mangha siya sa nakikita na hawak ni Kristoff. Hindi talaga mapagkakailang mayaman ang pamilya nito.
Alam ni Oreo na napakamahal ng cellphone na iyon dahil iyon din ang ginagamit ng mommy niya. Minsan na niyang nahiram ang cellphone ng ina nang kinailangan niyang mag text sa mga classmates niya para sa isang groupwork.
"Yep. I get to have a cellphone if I maintain being the top student. My dad brought it from Japan."
Napatango – tango na lamang si Oreo habang pinapanood si Kristoff na pumipindot - pindot sa hawak nitong telepono. Hindi niya maiwasang mamangha sa nakikitang bagong teknolohiya sa harap niya na ang gumagamit ay isang kaklase niya lamang. Lalo pa siyang natuwa nang tumunog ito na ang ibig sabihin ay may dumating na mensahe.
"Our moms said okay. We can go to the mall." Matapos nitong mag reply sa mga texts ay ipinasok na nito ulit ang cellphone sa loob ng bulsa nito. "They'll just pick us up after. Mag text lang daw ako kapag tapos na ang movie."
"Okay. Pero Kristoff, wala akong dalang maraming pera."
"Hindi ko naman sinabing ikaw ang magbabayad." Napakamot ito sa batok. "Hindi ba gusto mong maging mabait ako? This is how I do it."
"Ahhh," sabay tango.
"It's a date." Iyon ang huling sinabi ni Kristoff bago siya iniwan at pinuntahan na nito ang mga kaibigan. Hindi siya nakapag react agad dahil naging mabagal na naman ang utak niya. Natanong niya sa sarili kung ano kaya ang ibig sabihin ng sinabi nitong 'date'.
Nakaramdam siya ng pananabik na makapanood ng movie sa sinehan na libre.
Excited na ako! Makabili nga mamaya ng popcorn!
*****
Pasimple lang si Kristoff kung mag - aya ng date, no?
Don't forget to vote and comment!
Love & Light,
BC
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top