Chapter 6
Don't PANIC. Hindi pa katapusan ng mundo. First time niya lang naman makakuha ng mababang marka. Hindi naman siguro magmumulto ang daddy niya dahil lang unfair ang ibinigay na score ng teacher niya. Kailangan niya lang ipaintindi sa teacher niya na mas dapat maging ehemplo ang kaniyang sagot sa mga katulad niyang estudyante.
Naman. Sa talino kong 'to, hindi katanggap – tanggap ang score na 'to.
Sa unang pagkakataon ay nakakuha siya ng puntos na 5 over 20.
Sa buhay, may mga bagay talagang hindi niya gustong tanggapin. May mga kaugalian, pananaw at prinsipyo sa buhay na hindi niya maintindihan kung bakit naiiba ito sa sarili niyang pang – unawa at ito ang nagbigay ng kalituhan kay Oreo.
Gusto niyang punitin ang papel na hawak niya. Nanlulumo siya para sa sarili. Isa itong malaking trahedya na dapat ay walang maaaring makaalam. Napatingin siya sa ibang kaklase, halos lahat nakakuha ng perfect score at siya lamang ang hindi. Tuwang – tuwa pa ang mga ito.
Nakatitigan niya ang katabi. Kahit si Kristoff ay nakakuha ng mataas na puntos. Nilingon siya nito. Bigla niyang tinupi ang papel na hawak upang hindi nito makita ang halos bagsak niyang score sa quiz nila sa Values Education. Umiwas siya ng tingin sa lalaki at naikuyom ang mga palad.
What's wrong with my answer? Saan ako nagkamali?
Mga tanong sa quiz nila:
1. Si Rhea ay isang highschool student. Nagkaroon siya ng boyfriend na isa ring estudyante. Dahil dito, may nagawa silang pagkakamali at nabuntis siya ng maaga. Ano ang dapat gawin ni Rhea?
Sagot ni Oreo: Isang pagkakamali ang mauto ng isang lalaking estudyante upang pumayag si Rhea na ibigay ang kaniyang sarili rito. Dahil sa katangahan ni Rhea ay may nagawa silang bagay na alam nilang pagsisisihan nila sa huli. Kaya sa tingin ko ay dapat na ipalaglag na lamang ni Rhea ang kaniyang dinadala upang makapagpatuloy siya sa pag – aaral. Dahil isa rin lamang estudyante ang kaniyang boyfriend ay siguradong hindi ito agad makakahanap ng trabaho at maghihirap lamang sila. Nakakaawa naman ang batang isisilang nila na mabubuhay sa kahirapan dahil sa kanilang maling desisyon sa buhay.
Score na bigay ng Values Education teacher niya: 1 point over 10 points
2. Nakita mong binugbog ng tatay mo ang nanay mo. Bilang isang teenager, anong pwede mong gawin upang hindi na ulit ito mangyari sa pamilya ninyo?
Sagot ni Oreo: Upang hindi na ulit gawin ng tatay ko ang ginagawa niya sa nanay ko, bilang teenager ay ipapapulis ko ang tatay ko kapag ginawa niya pa ulit ang pambubugbog sa nanay ko. Ang pananakit sa babae at mga walang laban ay isang malaking krimen. Kailangang pagbayaran ng tatay ko ang kaniyang kasalanan. Kahit mawalan man ako ng tatay ay mas mabuti na lamang iyon kaysa saktan niya kami ng nanay ko. Dapat siyang makulong at mabulok sa kulungan.
Score na bigay ng Values Education teacher niya: 4 points over 10 points
Oh, di ba? Magaling ang pagpapaliwanag ko. Siguradong nagkamali lang ang teacher ko sa pagmamarka.
"Oreo, what's your score?" naputol ang pagmumuni – muni niya nang magtanong ni Ash sa kaniya. Dali – dali niyang isinilid sa loob ng kaniyang bag ang hawak na papel upang hindi na nito makita pa ang score niya.
"Secret."
"Zero ka ba?" matipid na tanong ni Kristoff. Nagulat man sa tanong nito ay hindi nagpahalata si Oreo na apektado siya. Hindi nito pwedeng malaman ang kaniyang pagkatalo. Ito ang unang pagkakataon na hindi man lamang siya nakapantay sa karibal.
"Of course, not!" hindi siya makapag – isip ng argumentong pwedeng ilaban sa nag – iisang taong gusto niyang talunin pagdating sa pag – aaral.
"Ba't di mo ipakita ang score mo?" si Ash ang nagtanong.
"Pakialam niyo ba kung ayaw ko?" Inirapan niya ang dalawang kaklase at pasimpleng nagbukas ng kuwaderno.
Ngunit mabilis nga ata ang mga kamay ni Ash at hindi nakaiwas ang sinesekreto ni Oreo. Nahila ni Ash ang papel na mahigpit niyang itinago sa loob ng kaniyang bag at nag flash sa kaniyang kaisipan ang isang masamang pangyayari.
Pilit niyang binawi ang kaniyang papel subalit dahil matangkad si Ash ay hindi niya ito maabot. Nakita na tuloy ng mga kaklase niya ang kaniyang score at marami sa kanila ang nagulat dahil alam ng mga ito na isa siyang top student.
Kahit si Ash ay mukhang natigilan sa nakitang score niya, puno ng pagsisisi ang mukha nito. Ngunit ang hindi niya kayang matanggap na reaksyon ay nagmumula sa pinaka kinasusuklaman niyang tao...si Kristoff.
Halatang nakangiti ito kahit tinatakpan nito ang bibig. Sa gwapong hitsura nito, kahit nakasuot ito ng salamin ay napansin pa rin niya ang pagngiti nito. Kinagat niya ang ibabang labi upang mapigilan ang sariling maiyak at galit na umalis sa harapan ng lahat.
Tumakbo siya papunta ng banyo at doon umiyak ng palihim. Hindi niya matanggap na napakababa ng score niya. At ang mas lalong nagpasakit ng kaniyang damdamin ay ang masayang reaksyon ni Kristoff.
"Nakakainis ka Kristoff! I hate you! Ang sama mong tao! How dare you smile because I got the lowest score!? Magbabayad kang Four eyes ka!"
-----
Kinabukasan, ipinaglaban niya ang kaniyang isinagot sa quiz nila at kahit uminit na ang ulo ng teacher niya ay hindi pa rin siya nagpatalo hanggang sa nag walk – out na lamang ito. Kaligayahan ang naramdaman ni Oreo pagkatapos ng klase nila na para bang napagtagumpayan niya ang isang malaking pagsubok sa buhay.
Hindi akalain ng mga kaklase niyang walang takot niyang tatanungin ang guro nila sa Values Education kung bakit hindi katanggap – tanggap sa lipunan ang abortion.
Mula noon, si Oreo ay naging isang sikat na estudyante at binansagang, The Greatest Geek of All Time ng Brighton Academy students at pati na ng mga guro.
Ayon nga sa sikat na manunulat na si Bob Ong, ang mga geeks ang mga taong walang pakialam sa mundo, libro-teacher-blackboard lang ang iniintindi. Kahit na mainit ang ulo at badtrip ang teacher, ang mga geeks ang walang takot na lumalapit sa kanila para lang itanong kung mag – iiba ang resulta ng equation kung isa – substitute 'yung value ng X sa Y.
The day after tomorrow, ipinatawag ng Guidance Office si Oreo.
*****
A/N:
Have you read the book ABNKKBSNPLAko?! by Bob Ong? I highly recommend that book if you're in Highschool. Sobrang relatable. :)
Don't forget to vote and comment guys!
Love & Light,
BC
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top