Chapter 5

"Good noon, everybody! Starting today sabay na si Oreo sa atin mag lunch!" bati ni Ash sa dalawang kaibigan na magkatabing nakaupo. Dinala siya ni Ash sa cafeteria, dala – dala ang lunch box niya.

Mukhang hinintay talaga sila ng mga kaibigan dahil hindi pa ito kumakain ngunit sa hitsura nina Kristoff at Arkhee pagkarinig ng sinabi nito ay bakas ang pagtataka. "Sit down, Oreo. Hayaan mo na silang dalawa. Eat your lunch."

"Okay..." si Arkhee ang unang nakabawing magsalita. Nagsimula na itong kumain at tiningnan si Ash ng mga matang halatang gusto pang magtanong na hindi na nito nagawa. Naupo si Oreo sa tabi ni Ash at binuksan na rin ang dala niyang baon. Ito ang kauna – unahang pagkakataon na magkakasama silang apat na nag lunch sa school.

Napatingin siya sa direksyon ni Kristoff. Tahimik lang, naka – focus ang tingin sa pagkain.

"Oreo, malapit na ang semestral break, may gagawin ka ba?" tanong ni Ash, matapos lunukin ang kinakain. "Gusto mo ba sumama sa 'kin magbakasyon?"

Napaubo si Arkhee, na para bang nabulunan ito. Nataranta tuloy siya at napatayo. Nilapitan niya si Arkhee at hinagod ang likod nito.

"Dahan – dahan naman sa pagkain. Wala ka namang kalaban," aniya na puno ng pag – aalala.

"Ui, concern si Oreo..." nakangising biro ni Ash. "Napaka sweet mo talaga. Kaya maraming may crush sa 'yo, eh."

"Ewan ko sa 'yo Ashton. Kung aasarin mo 'ko, hindi na kita sasabayan bukas, sige ka," taas – kilay niyang sabi sabay balik ng upo sa tabi nito. "Kumain ka nalang ng tahimik."

"Ash, mamaya ka sa 'kin," nanghahamon na sambit ni Arkhee. Hindi maintindihan ni Oreo ang nangyayari sa mga ito ngunit nangungusap ang mga mata ng mga kaklase na parang may mga secret codes ito na siya lamang ang hindi kasali.

"Kris, narinig mo 'yun? Arkhee is threatening me! Wala naman akong ginagawang masama, 'di ba?" Hinawakan pa ni Ash ang sariling dibdib nito na para bang totoo itong natatakot. Bilib tuloy si Oreo sa acting skills nitong si Ash, award – winning.

"Why are you even doing this?" tanong ni Kristoff na halatang walang pakialam sa nangyayari sa dalawang kaibigan.

"Ash, you're amazing pala talaga, 'noh?" wala sa loob na sambit niya. "Dapat siguro mag – artista ka na."

"Wow...marunong ka palang magbigay ng compliment, Eo? Alam ko naman talagang magaling ako, pero ang marinig 'to mula sa 'yo...it makes me fall in love with you!"

Hindi niya napigilang matawa sa sinabi ni Ash. Malakas talaga ang loob nito dahil wala itong hiya kahit sa harap ng maraming tao. Ngunit ang hindi niya inaasahan ay ang pagtayo ni Kristoff sa kinauupuan nito. His eyes were dark with annoyance as he looked at Oreo and it took him seconds only to appear beside her and grabbed her arm.

Hinila siya nito palabas ng cafeteria, papunta sa school garden na kung saan wala gaanong estudyanteng pupunta kapag ganitong lunchtime. Malapit lang ito sa pinanggalingan nila kaya siguro dito siya dinala. Ngunit ang tanong ng isip niya ay bakit siya dinala nito rito na hindi pa naman sila tapos kumain.

Binitiwan siya ni Kristoff. Halata ang iritasyon sa mukha nito na ipinagtataka niya. Nakunot niya ang noo at nag – isip kung mayroon ba siyang ginawa para hilahin siya nito palabas ng cafeteria, subalit wala talaga siyang naiisip.

"I told you not to make Ash fall in – love with you!" sigaw nito sa kaniya. Ito ang unang pagkakataon na marinig niyang nagalit ito at napasigaw. Tuloy napaatras siya sa kinatatayuan niya. Hindi siya agad nakasagot dahil mabagal tumakbo ang utak niya.

Hindi siya sanay sa mga ganitong sitwasyon, hindi niya alam ano ba dapat ang isasagot kapag nasusuong sa mga ganitong conflicts. Kung sana kasing dali lang ito ng pag rewrite ng equation in the form of ax + by = c, ay siguradong alam na niya paano ito sasagutin.

"Huh? What do you mean...?"

"Really Chocolate? That's your response? What do I mean?"

Hindi niya maintindihan bakit naiinis ito sa kaniya na wala naman siyang naaalalang may ginawa siya sa kaibigan nito. "Kristoff, kung sana ang pagiging galit mo ngayon ay makakabawas ng grades mo, okay lang sa 'kin kahit magsisisigaw ka pa. Pumapangit ka lang pero hindi naman tataas ang grades ko nito kahit pagalitan mo pa 'ko."

"May gusto ka ba kay Ash?" His voice was harsh and menacing.

Nag – isip muna siya bago sumagot. Hindi niya maintindihan bakit ito tinatanong ni Kristoff sa kaniya. Hindi niya rin maunawaan kung anong ibig sabihin ng 'gusto' sa tanong nito. Kaya sinagot na lamang niya ito sa paraang alam niya.

"Hmmm. Mas gusto kita. Pero mas mabait si Ash kaysa sa 'yo."

Napansin ni Oreo na nag – iba ang ekspresyon ng mukha nito nang marinig ang sinabi niya. Katotohanan lang naman ang sinabi niya. Talaga namang mas mabait si Ash kaysa rito ngunit bakit parang masaya pa ito sa sinabi niya. Naupo si Kristoff sa isang bench at hinawakan ang sentido, napangiti at mukhang kalmado na ulit ito.

"Mas...gusto mo 'ko?"

"Oo. Kasi naman mas maaasahan kita kapag may project at groupwork. Si Ash kasi masyadong kampante minsan. Pero mabait si Ash kahit mapang – asar," inosente niyang sagot rito.

Napahawak ito sa batok na para bang kahit ito ay nahihirapan paano ipaliwanag sa kaniya ang nangyayari. "You really don't get it, do you? Akala ko ba matalino ka?"

Nagpanting ang mga tainga niya sa tanong nito. "Hoy, four eyes, kahit first honor ka, wala kang karapatang hamakin ako. Konti lang ang lamang ng average mo sa 'kin 'no!"

Napailing – iling ito at halatang dismayado. "Ash said you are making him fall in – love with you."

Kristoff's face looked grave but Oreo bursted into laughter. "Kristoff, okay ka lang ba? Talaga bang kaibigan mo si Ash? Akala ko ba matalino ka rin? Joke lang naman 'yun 'di ba?"

Huminga ito ng malalim. "You'll never understand things like this. Studies lang ba talaga ang laman ng utak mo?"

"Oo. At saka kung paano ka talunin." Nagkibit – balikat lang siya. "Bakit mo ba ako dinala dito? Hindi pa tayo tapos kumain, ah."

Tumayo ito sa kinauupuan at inilagay ang dalawang kamay sa loob ng bulsa ng pantalon nito.

"Halika na. Let's go back to the cafeteria. Wala akong mapapala sa 'yo."

"Aba't...Mas lalong wala akong napala sa 'yo!" Mabilis na siyang naglakad papunta sa direksyon ng cafeteria. Ngunit may bigla siyang naalala na nagpahinto sa kaniya sa paglalakad.

"Kristoff, ngapala, sinong crush mo rito sa school?"

Sa wakas ay natanong na rin niya. Kahit pa hindi masyadong maganda ang timing ng pagtatanong niya ay nakaramdam siya ng sulsol ng utak niya na tanungin ito. Bakas sa mukha ni Kristoff na hindi ito handa sa tinanong niya.

"Promise. It will be our little secret. You can trust me." Itinaas niya pa ang kanang kamay. "I just want to know who can trigger those hormones produced by the brain for you to believe in love."

Halatang nag – isip pa ito. Maaaring iniisip nito na baka ipagkalat niya ang naturang impormasyon. Ngumiti pa siya ng napakatamis upang makumbinse pa ito na isa siyang taong mapagkakatiwalaan.

"Hmmm..." At sa halip na magsabi ng pangalan ay tinuro lang siya ni Kristoff. Nag – isip siya ng rason bakit siya tinuturo nito ngunit isa lamang ang naiisip niya.

"Gusto mong hulaan ko ang crush mo?" walang kamalayan niyang tanong. "Talagang hinahamon mo pa ako kung mahuhulaan ko?"

Matalino nga talaga itong si Kristoff dahil mukhang nahalata nito ang plano niyang gawin kapag nalaman niya ang isa sa mga sekreto nito. Nakamot ni Kristoff ang batok nito sa tanong niya.

Tingin niya'y tama ang hinala niya, nanghahamon nga talaga ito sa kaniya. Nakunot kasi nito ang noo, nagpang – abot na ang mga kilay sa likod ng salamin nito sa mata.

Huh! Puwes, hindi kita aatrasan!

"Chocolate, why are you so...stupid?" Tinakpan pa nito ang bibig, na para bang nagpipigil na matawa. Naikuyom niya ang mga palad sa narinig. She tried so hard not to hit this guy in front of her. She could hear the thumping beat of her heart full of anger. Sa lahat ng ayaw niya ay ang mapagsabihan siya na bobo siya.

"Four eyes, tawagin mo na akong loser, pero 'di ako bobo! Kung ayaw mo sabihin sa 'kin kung sinong crush mo, eh di 'wag!" Nag martsa na lamang si Oreo palayo sa lalaki.

Subalit sa unang pagkakataon ay narinig niyang tumawa ng malakas itong si Kristoff. Hindi tuloy niya napigilan na mapahinto at lingunin ito. Ngayon niya lang nakita itong tumawa, na hindi pala ito palaging seryoso at pokerfaced. Marunong rin pala itong maging masaya at hindi napigilan ni Oreo na mapamangha sa guwapong mukha nito.

Palagi kasing unfriendly si Kristoff kaya hindi naiwasan ni Oreo na makaramdam ng paghanga ang puso niya habang tinitingnan itong halos mamula – mula ang mukha sa kakatawa. Tuloy ay nagtaka siya kung anong nakakatawa sa sinabi niya.

Naglakad ito papalapit sa kaniya at nababanaag pa rin niya ang masaya nitong mukha. Buong pagtataka niya itong tiningnan. Hindi niya maintindihan bakit ito naging sobrang saya na halos kainin na nga siya nito ng buhay kanina.

"Chocolate, pinapasaya mo talaga ang araw ko..." anito sabay nang panggugulo nito sa buhok niya. "I can never be mad with your lack of common sense."

"Hoy, sumosobra ka na sa panglalait sa 'kin ha!" Tinapik niya ang kamay nito at magkasabay na silang naglakad papunta sa cafeteria. "Matalino ako! Ako pa rin ang ikalawang pinaka matalino sa classroom! Kaya humanda ka dahil makakalamang din ako sa 'yo."

"Oo naman. Kaya nga masaya ako na ikaw ang top 2!" May halong pang – aasar pa ang pagkakasabi nito. "Hindi ko alam na ganito pala kasaya maging first honor. I love the attention from you."

Oreo rolled her eyes. There's no point arguing with Kristoff. She'd rather work on some strategies to know some dirty secrets about him that she could use to divert his attention from his studies.

Matatalo rin kita four eyes. May araw ka rin!


***** 

A/N:


Tingin niyo mahuhulaan kaya ni Oreo kung sino ang crush ni Kristoff? Haha.


Don't forget to vote and leave a comment!


Love & Light,


BC

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top