Chapter 4

Dumaan na ang ikalawang periodical exam nila at ngayong araw ang kanilang recognition day. Bagsak ang mga balikat, mag – isa siyang nakaupo sa cafeteria, nakatingin sa malayo.

Sa kasamaang palad, hindi na siya binigyan pa ng tadhana na matanong si Kristoff tungkol sa crush nitong babae. At sa ikalawang pagkakataon ay natalo ulit siya ni Kristoff. Ito pa rin ang first honor ng klase nila at nasa ikalawang ranggo pa rin siya.

Ngayon ay mas ikinalungkot niya ang katotohanang gagawin niya lahat ng schoolwork ni Kristoff ng isang buwan kaysa sa hindi pagpunta ng mommy niya sa school nila para kunin ang report card niya dahil may trabaho ito ngayong araw.

Napabuntong – hininga na lamang siya. Nahihirapan na siyang mag – isip ng paraan upang maka – ungos kay Kristoff. Sa tingin niya ay biniyayaan ito ng abot – langit na katalinuhan at talento sa halos lahat ng bagay.

Hindi nga lang ito palangiti, hindi rin masyadong nagsasalita at hindi rin nakikihalubilo sa iba maliban kay Ash at Arkhee. Kapag may group activities ay saka lang ito nakikisalamuha sa mga kaklase nila, maayos naman itong nakikisama, hindi nga lang masyadong sociable.

Naputol ang kaniyang malalim na pag – iisip ng may isang bote ng juice ang lumitaw sa harap niya. Napatingin siya sa may hawak nito at nakita ang masayang mukha ni Ash. Naupo ito sa tabi niya at inilagay ang juice sa mesa.

"Sa 'yo na 'yan." Nakunot niya ang noo kaya naman nagpatuloy ito. "Mukha ka kasing walang pambili."

She rolled her eyes. "May pambili ako. At kung mang – aasar ka lang, you can leave me alone. Busy ako."

"Busy? You're sitting here all alone doing nothing with a face that looked like someone died." Tinitigan siya nito, nakataas ang dalawang kilay at mukhang pinag – aaralan siya. "Are you sad because your parents are not around?"

"No. I'm used to it. My mommy works hard for both of us. Hindi ako malulungkot para sa isang bagay na alam ko namang gagawin ni mommy kung bibigyan lang siya ng pagkakataon. Maswerte ka dahil nandiyan pa ang both parents mo. My mommy had to sacrifice a lot just so she can give a better life for me."

Halatang hindi inaasahan ni Ash ang sagot niya dahil hindi ito agad nakapag react. Kaya naman nagpatuloy na lang siya sa pagsasalita. "Hindi ako malulungkot na hindi siya nakapunta sa recognition day ko kung saan second honor lang naman ako."

"Oh...so you're bitter! Talaga palang gusto mong talunin si Kristoff, huh? So the bet was true?"

Tumango siya. "Yep. So I'll be his so called 'secretary' for a month."

"Why do you really want to beat him? What's so good about being the first?" Sa unang pagkakataon ay naging seryoso itong si Ash sa pagtatanong. Mababanaag sa mukha nito ang curiosity.

"It's not really about beating him."

Pinaglalaruan ng kaniyang mga daliri ang bote ng juice bago nagpatuloy. "You know, Ash, being a child of a single mother, I just want to do better, if not, become the best. Kasi palaging nakakabit sa pangalan ko na kawawa ako kasi wala na akong tatay. Na mommy ko lang kasama ko at palagi pang busy. I got so used to it to the point it made me so manhid already. Gusto kong maging top 1 hindi para maging sikat sa school o sa kahit ano pa man. Gusto ko lang patunayan na kahit mag – isa lang ang mommy ko sa pagpapalaki sa akin ay hindi iyon rason na hindi ako mag – excel o maging first honor."

Malungkot niyang ngitian ang katabi. Mukha naman itong naapektuhan sa sinabi niya dahil nag – iba na ang ekspresyon ng mukha nito, na para bang nag – iisip.

Hindi niya inaasahan na magagawa pala nitong si Ash na maging seryoso rin paminsan – minsan. Palagi kasi itong masigla, nakangiti at laging handa sa pang – aasar, kabaliktaran ng kaibigan nitong si Kristoff.

"Oreo...let's be friends!" Hinawakan nito ang kamay niya. "I'm going to help you become the top 1. Pero dapat sabay tayong mag recess at mag lunch."

"Huh? Paano mo ako tutulungan sa ganiyang paraan? Mas kailangan kong malaman paano ko matatalo si Kristoff..."

"Basta. Ako ang bahala. Basta simula sa Lunes, sabay tayong mag – recess at mag – lulunch, okay?" Nagtataka man ay tumango na lamang si Oreo. Hindi niya alam kung anong pinaplano ni Ash ngunit dahil kaibigan ito ni Kristoff ay inaasahan niyang baka mag shishare ito ng mga sekreto sa kaniya. O baka nga alam nito kung sino ang crush ni Kristoff at pwede nilang pagplanuhan na magka love life at madistract ang kaibigan.

"Hoy, Ash. Why are you holding Oreo's hand?" pareho silang napalingon sa kanilang likuran nang marinig ang pamilyar na boses ni Arkhee. Kasama nito si Kristoff na nakatayo sa di kalayuan at mukhang ang sama pa ng tingin ng dalawa sa kanila.

"What do you mean Khee? It's nothing. I'm just holding her hand because she's really sad today," kinindatan siya ni Ash sabay bitaw sa kaniyang kamay. "Oreo, 'wag mo kalimutan inumin 'yang bigay ko sa 'yo."

Tumayo ito at mabilis na lumapit sa mga kaibigan. "Let's go, friends!"

"Why were you holding her hand?" narinig niya pang tanong ni Kristoff kay Ash nang papalayo na ang mga ito.

"I'm her friend. I'm just comforting her," sinadya pa ata ni Ash na lakasan ang boses nito dahil narinig niya pa ang sinabi nito kahit malayo na ang mga binata sa kaniya.

Napailing – iling na lamang si Oreo saka binuksan ang juice at ininom ito. Hindi naman siguro masamang pagkatiwalaan niya si Ash.

Wala namang mawawala sa kaniya kung humingi man siya ng tulong dito upang malaman kung papaano mauungusan si Kristoff sa pagiging pinaka matalinong tao sa klase nila.

Kaya ko ba talaga matalo si Kristoff? Paano ko matatalo ang isang genius na katulad niya? 


*****

A/N:

Ano kaya ang pinaplano ni Ash para kay Oreo? :)


Don't forget to vote and comment guys!


Love & Light,

BC

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top