Chapter 3
"Hi Oreo! Natapos mo na ba ang project natin sa English?" tanong ni Ash sa kaniya habang mag – isa siyang kumakain ng kaniyang pananghalian sa loob ng classroom nila. Kapag minamalas nga naman siya. Sa lahat ng pwede niyang maging partner sa isang proyekto ay ito pa ang napunta sa kaniya.
"Malapit na. Baka gusto mong tumulong? Para naman may grade ka," sarkastiko niyang sagot dito. Ngunit si Ash na nga ata ang pinaka insensitive na lalaking nakilala niya dahil hindi naman ito apektado kahit ano pa ang sabihin niya rito. Mahilig lang itong mang – asar ng mga kaklase nila at kung minsan pa ay masyadong madrama.
Ito ang klase ng estudyanteng kontento na na maipasa ang exams at hindi mahilig sa kompetensya. Hindi rin naman ito nahuhuli sa klase subalit hindi rin ito masyadong nag - eexcel. Kaya hindi na niya inaasahan pa na mag eeffort ito na tulungan siya sa project nilang dalawa.
"Hmmm. Mas gusto mo bang si Kristoff ang naging partner mo Oreo?" Kamuntikan na siyang mabulunan sa tinanong nito. "With my wit and charm, mas lamang lang sa akin si Kristoff ng konting katalinuhan."
"Where did that come from?" She hissed. "Sinong baliw ang nagpakalat ng balitang 'yan? Mukhang nabubulag na talaga sila sa katotohanan."
"Oreo, hindi mo ba talaga crush si Kristoff?" Sa hitsura ni Ash ay talagang natural na talaga sa lalaking ito na mang – inis. "Bagay kayo."
"Ash, kung ayaw mong gawin ang project natin, okay lang naman. Just tell the teacher. You don't have to make me angry." Nawalan na siya ng gana pang tapusin ang kaniyang pagkain kaya dahan – dahan na niyang iniligpit ang kaniyang lunchbox.
Sa lahat ng pwedeng gamitin nitong tao para tuksuhin siya ay ang karibal niya pa. Dahil lang ba second honor siya kaya tinutukso siya nito sa kaibigang nakakuha ng pinakamataas na marka?
"Fine. Saturday, Kristoff's house. Let's do our project there," anito saka iniwan siya. Naiwan tuloy siyang nagtataka. Bakit doon talaga sa bahay ng karibal niya sila gagawa ng proyekto? Nagkibit – balikat na lamang siya at inihanda na lamang ang sarili sa susunod nilang klase.
-----
Dumating ang araw ng Sabado. Dahil alam ng mommy niyang pupunta siya sa bahay nina Kristoff upang gumawa ng proyekto niya ay mukhang mas naging excited pa ito sa kaniya na mamasyal at makita ang matalik nitong kaibigan. Kaya sa halip na mag – isa siyang pumaroon ay sumama na rin ang kaniyang ina dahil wala naman itong trabaho kapag weekend. Mukhang masaya rin naman si Tita Emma na bumisita ang mommy niya dahil naghanda ito ng maraming pagkain para sa kanila.
Siya lang ang hindi naging masaya. Ang akala niyang magkakaroon sila ng teamwork ni Ash ay isa lamang palang ilusyon dahil sa halip na gawin nito ang parte nito sa kanilang project ay naglalaro lamang ito ng playstation kasama ang mga kaibigang si Kristoff at Arkhee.
Halos dalawang oras na siyang nanonood sa mga ito, bored at umiinit na ang ulo niya sa ginagawang kabulastugan ni Ash. Nasa sala silang lahat, nag – iisa siyang nakaupo sa sofa habang ang tatlong kaklase ay nasa harap ng tv at pokus na pokus sa paglalaro.
Kailangan niyang mag – isip ng paraan upang makuha ang atensyon nitong si Ash. Kahit pa kaya naman niyang gawin ang parte sana nito ngunit mahigpit na ipinagbilin ng guro nila na kailangang mag – cooperate ang bawat isa dahil magkakaroon ito ng epekto sa kanilang magiging marka. Napabuntong – hininga siya at napailing. Tumayo siya at pumunta sa harap ng tatlong lalaking babad sa paglalaro.
Lumuhod siya sa harap ni Ash at inilapit ang mukha niya sa mukha nito. Sa sobrang lapit ay naamoy niya ang gamit nitong cologne. Napahinto ang mga ito sa ginagawa at halatang nakuha na niya ang mga atensyon ng tatlo.
"Buti naman at napansin mo na 'ko." Tinitigan niya si Ash ng mata sa mata. "May plano ka bang tulungan ako? Kasi kung wala, mapipilitan akong gawin ang mga bagay na ayaw mo."
"Ui, Oreo, wala pang first kiss si Ash. 'Wag kang gagawa ng masama..." react naman ni Arkhee na mukhang nabigla sa sinabi niya.
Ash leaned backwards to put space in between their faces. Nag – blush din ito na nahalata niya dahil sa lapit ng mukha nilang dalawa. She smirked. Sa wakas at meron na siyang nakitang kahinaan nito at iyon ay ang hindi naman pala ito sanay na napapalapit sa babae. Iba sa pinagsasabi at pinagyayabang nito minsan para lang makapang – asar.
"Scared now, huh, Ash?" Mas lalo pa niyang inilapit ang mukha niya rito. Ngunit nang magdikit na ang mga ilong nilang dalawa ay naramdaman niya ang isang kamay na mahigpit na humawak ng kaniyang braso at pabigla siyang hinila.
Sa sobrang gulat ay hindi siya agad nakapalag. Huli na nang marealize niyang si Kristoff pala ang kumaladkad sa kaniya palayo kay Ash. Dinala siya nito sa isang silid at halos hindi maipinta ang mukha nito.
"What were you trying to do?!" mahina ngunit may dalang galit ang pagkakasabi ni Kristoff sa mga salita nang pakawalan siya. "Baka nakalimutan mong lalaki rin si Ash."
"Ano ka ba. Hindi ako ganyan kababaw. I just needed to scare him." Oreo gave a short laugh. "You think I'm gonna do something? Like me, the girl you hate the most kissing your best friend?"
Hindi ito sumagot. Nakatitig lang si Kristoff sa kaniya at hindi niya mabasa ang iniisip nito. Bigla tuloy siyang kinabahan. Nasa isang silid sila na sa tingin niya ay kuwarto nito. Malapit lang naman sila sa pinto ngunit ang katawan ni Kristoff ang nakaharang dito kaya kung may gawin man ito ay mahihirapan siyang makalabas.
"I don't hate you, chocolate. But I won't like it if Ash will like you." Nakunot niya ang noo sa narinig na sinabi ni Kristoff.
"Actually, ngayon ko lang napansin na guwapo rin pala si Ash. Mas maputi pa ata siya sa akin." Wala sa loob na sabi niya. Inilibot niya ang mga mata sa silid na kinaroroonan nila. Napaka – ayos at malinis ito. May mga poster din ito ng mga paborito niyang anime characters. "Kwarto mo ba 'to? Ang linis ha. Fan ka rin pala ng Samurai --"
Her words were interrupted when Kristoff suddenly grabbed her arm and he pushed her towards the wall. He stared at her intently, with annoyance obviously all over his face. Oreo felt a sudden iciness down her spine.
They were too close to each other, she could smell the perfume he used and it was very manly for a teenager. She couldn't help but bit her lower lip while trying to defeat his gaze. Her heart beating fast, she could hardly breathe.
"What are you trying to do?" pilit niyang pinapalakas ang tinig.
"You cannot like Ash, okay?" His voice was strict, so intimidating that she felt her whole body shiver. "And don't make him fall in – love with you."
Natawa siya sa sinambit ng lalaki. Tinapik – tapik niya ang balikat nito.
"Kristoff...becoming the first honor all throughout highschool is my goal." Pinisil niya pa ang pisngi nito at nagpatuloy. "Love is just a chemical process deemed to cause delusions and false beliefs by hormones produced by the hypothalamus and secreted by the posterior lobe of the pituitary gland. It doesn't exist. Mas gugustuhin ko pang talunin ka sa lahat ng subjects kaysa maniwala sa love – love na 'yan."
Natigilan ito sa sinabi niya. Nawala ang galit sa mukha ni Kristoff ngunit napalitan na ito ng pagtataka, na para bang hindi kapani – paniwala ang sinabi niya.
"You don't believe in love?"
"Bakit, ikaw ba naniniwala ka?" Kaswal niyang tanong. "May crush ka siguro sa school, 'no? I know! Let's make an experiment if you both fall in – love with each other! I can prove that it's just purely chemical processes of the brain. May nabasa akong book about it."
Napangiti si Oreo sa kaniyang naiisip. Dahan – dahang tinatrabaho ng utak niya ang isang planong magbibigay sa kaniya ng kalamangan mula sa lalaki. Kapag nalaman niyang may crush ito ay gagamitin niya ito upang madistract si Kristoff at hindi na makapag – focus sa pag – aaral. Sa paraang iyon ay sigurado na siyang makukuha niya ang inaasam na kapanalunan.
Talk about a fool proof plan! Ang talino mo talaga, Oreo!
Matagal bago ito sumagot. Maaaring nag – iisip ito kung mapapagkatiwalaan siya sa mga ganitong sekreto. Maaring ayaw nitong ipaalam sa iba na may gusto itong babae sa school.
She cleared her throat. "'Wag kang mag – alala. Wala akong pagsasabihan kung 'yan ang iniisip mo. Pero kung crush mo talaga siya, Malay mo matutulungan kita..."
Ngumiti siya ng napakatamis. Kailangan gumana ang plano niya dahil nakasalalay dito ang reputasyon niya.
"Actually, I do like someone. She..." He hesitated a little. So she encouraged him more.
"She...? Classmate ba natin siya? Mas madali kitang matutulungan if ever..."
Ito na, sasabihin niya na! Konting push na lang!
Excited nang marinig ni Oreo ang pangalan ng nagugustuhan ni Kristoff. Para tuloy siyang batang naghihintay na mapalabas ang bagong episode ng anime sa tv. Naiimagine niya ang sariling nag – twitwinkle ang mga mata. Gumagawa na ng mga plano ang utak niya papaano ilalayo si Kristoff sa pag – aaral ng mabuti.
"She...doesn't believe in love." Matipid na sagot nito.
"Huh?" Hindi agad naiproseso ng utak niya ang sinabi nito. At nang may sasabihin pa sana siya ay biglang bumukas ang pinto ng silid at iniluwa ang dalawang kaibigan nitong si Ash at Arkhee. Kaya kahit gusto pa niyang kulitin ito ay hindi na niya nagawa.
"Tinatawag na tayo ng mommy mo. Lunch na raw." Si Arkhee ang nagsalita.
Sayang naman! Konti na lang 'yon sasabihin na niya! Kainis!
Bigo man si Oreo na malaman ang kung sino ang nagugustuhan ni Kristoff ay hindi pa rin siya susuko agad. Kailangan niya lang humanap ng tamang timing para mapag – isa ulit sila at matanong niya ito. Napangiti na lamang siya sa mga kaklase at sabay – sabay na silang lumabas ng silid.
*****
A/N:
So...Oreo doesn't believe in love. Ganda ng explanation niya about love , no? Kahit ako gusto ko na maniwala sa ganda ng explanation niya. haha.
Salamat sa votes and comments!
Love & Light,
BC
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top