Chapter 2

"Very good Oreo. You've solved all these problems in..." tumingin pa sa orasan ang guro nila bago naipagpatuloy ang sasabihin. "Ten minutes. Let's have trigonometry for tomorrow."

Ano ka ngayon Kristoff? Mas nauna akong natapos sa 'yo.

Pangiti – ngiti pa si Oreo habang sinusulyapan ang kaklaseng lalaki. Magkasama sila ni Kristoff sa review sessions para sa MTAP competition. Ito ang pinakamalaking kompetisyon sa buong bansa para sa mga mag – aaral mula elementarya at haiskul sa asignaturang Mathematics. Silang dalawa ang magiging kinatawan ng buong 3rd year level ng Brighton Academy para sa kompetisyon.

Tumayo naman si Kristoff at ibinigay na rin ang test paper sa kanilang guro. Mukhang hindi rin marunong magpatalo itong si Kristoff sa kaniya.

"Wow! It looks like you perfected it Kris. Magaling! I bet your parents are really proud of you." Nagpanting ang mga tainga ni Oreo.

Perfect? Bakit hindi ko narinig iyon mula sa teacher? Does that mean may mali sa mga sagot ko?

Nagpang – abot ang mga kilay niya at nakita niyang sumilay ang nahihiyang ngiti sa mga labi ni Kristoff para sa kanilang guro. Subalit nang balingan naman siya ng lalaki ng tingin ay wala ng ekspresyon ang mukha nito. Sa inis ni Oreo ay mabilis niyang kinuha ang kaniyang bag at lumabas na ng classroom.

Padabog siyang naglakad papunta sa gate ng eskwelahan. Hindi niya alam kung bakit masyadong matalino si Kristoff. Mahilig din itong magbasa katulad niya ngunit ang hindi niya maintindihan ay bakit sa lahat ng subjects ay palagi itong nangunguna. 

Wala ba itong hindi alam?

Madilim na ang paligid nang lumabas siya ng paaralan. Akala niya sa paglabas niya ay makikita niya ang inang naghihintay ngunit sa kasamaang palad ay hindi pa ito dumarating.

"Oreo? Ikaw ba 'yan?" tanong ng isang maganda at maputing babae na maaring kasing edad lang ng kaniyang ina. Lumapit ito sa kaniya. "Ako si Tita Emma mo, bestfriend ako ng mommy mo. Totoo nga talagang dalaga ka na at maganda pa!"

Nagtataka man ay ngumiti na lamang siya sa babaeng kaharap. "Good evening po, Tita."

"Oo ngapala, sasabay ka sa amin ngayon kasi matatagalan sa pag – uwi ang mommy mo. Kaya ako na muna ang maghahatid sa 'yo sa bahay niyo." Malambing ang pagkakasabi nito ngunit nakaramdam siya ng takot at pagkabalisa. Ngayon niya lang nakita at nakilala ang babaeng ito kaya sinong hindi mag – iisip ng masama na baka isa itong modus ng mga kidnapper. Napahigpit siya ng hawak sa kaniyang bag.

"Ahhh. Bakit po matatagalan si Mommy? Hindi niya po kasi nasabi kanina bago ako pumunta ng school na hindi niya ako masusundo."

Napangiti ito sa kaniya at maaring nahalata nito ang kaniyang pag – aalangan. "Nagkaroon kasi ng emergency sa trabaho niya at tumawag siya sa akin na hindi ka niya masusundo. Kaya ipinapasabay ka niya na lang sa amin."

It didn't sound suspicious for Oreo since the woman in front of her looked decent and kind but it didn't stop her mind to think of bad thoughts that she might become a victim of kidnapping. At hindi siya pwedeng makidnap dahil baka ikamatay iyon ng kaniyang ina.

Maaga siyang naulila sa ama at mula nang mag – elementarya siya ay silang dalawa na lamang ng kaniyang ina. Nagtatrabaho bilang isang manager sa isang bangko ang nanay niya at maaaring totoo ngang matatagalan itong umuwi ngayon. Subalit hindi niya maiwasang mabalot ng takot ang puso niya.

"Ma." Narinig niyang may pamilyar na boses ang nagsalita. Ayaw man niyang lingunin ay kilala niya ang tinig nito.

"Kristoff, anak. Good timing, you're here!" Nagmano ang binata sa magandang babae at mabilis pa sa alas kuwatro rumehistro sa utak niya ang nangyayari. "Oreo, I'm Kristoff's mom. Sasama ka na ba sa akin ngayon?"

Hindi alam ni Oreo kung anong mararamdaman niya. Gumaan ang pakiramdam niya dahil totoo ngang mabuting tao si Tita Emma niya at hindi ito kidnapper. Totoo nga sigurong bestfriend ito ng mommy niya ngunit ang hindi niya inaasahan ay anak nito ang kaisa – isang karibal niya sa pag – aaral.

Tumango na lamang siya at sumunod sa kanila papunta sa sasakyan nito. Kahit nagdadalawang – isip siyang sumama ay wala na rin naman siyang magagawa dahil gumagabi na.

Tahimik lamang si Kristoff nang makasakay na silang lahat sa loob ng sasakyan. Magkatabi silang nakaupo sa backseat at ang mommy naman nito ang nagmamaneho. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam siya ng pagkailang mula sa lalaki. Hindi ito kumikibo ni hindi rin ito nagsasalita. Mukhang si Kristoff ang tipo ng binatang hindi mahilig makipag – usap sa ibang tao.

"Oreo, let's have dinner first sa bahay. Ihahatid kita sa inyo pagkatapos, okay lang ba 'yon sa 'yo?" tanong ng Tita Emma niya. Napansin din maaari nito na masyado silang tahimik na dalawa ni Kristoff. "Pwede mo rin gawin ang assignment mo sa bahay, sabay kayo ni Kristoff."

"Okay lang po tita, sa bahay ko nalang po gagawin. Salamat po." Magalang niyang sagot. Sinulyapan niya ang katabi ngunit mukhang wala itong pakialam dahil nakatingin lang ito sa bintana. Wala nga talaga siyang mapapala kay Kristoff kundi ang katahimikan. Ngunit hindi niya maiwasang titigan ang mukha nito dahil nga sa guwapo ito.

Narinig niya minsan ang mga kaklase niyang mga babae na nag – uusap at ang isa sa kanila ay may crush daw kay Kristoff. Mukhang nasilaw lamang ang mga kaklase niya sa hitsura at katalinuhan nito ngunit hindi sa ugali. Dahil kung mamarkahan ang social skills nito ay siguradong mababa ang makukuha nito.

At least kung ikukumpara sa iyo, may naisip na akong kategorya kung saan mas lamang ako. Mas people – person naman ako kumpara sa iyo Kristoff. Haha!

Bigla siyang natawa sa naiisip.

"What's so funny, Chocolate?" tanong ni Kristoff sa kaniya na pumutol sa kaniyang iniisip. Nakunot niya ang noo sa narinig.

"Anong chocolate?" Suplada niyang tanong. Ayaw man niyang tanggapin sa sarili ngunit talagang bitter siya rito.

"Your name sounds chocolates." Tipid nitong sagot sa kaniya sabay nang pagkibit – balikat nito.

"So? Eh di tawagin mo 'ko sa pangalan ko."

He gazed at Oreo, his voice lowered. "I like chocolates."

Hindi iyon inaasahan ni Oreo na marinig mula kay Kristoff. Si Kristoff ang huling taong gusto niyang maging kaibigan. Kaya ano nga ba ang ibig sabihin ni Kristoff sa sinabi nitong gusto niya ang chocolates?

Anong point niya? But why do I even care?

"Nak naman. 'Wag mo naman awayin si Oreo. Sige ka, hindi ka niya magugustuhan niyan." Pang – aasar pa ng ina nito. Napangiti lang si Oreo sa narinig. Hindi niya alam kung ano ba dapat ang maramdaman sa sinabi ng ina ni Kristoff.

"She's a loser." Malamig nitong sagot na halatang hindi ito apektado sa pang – aasar ng ina. Naikuyom niya ang mga palad. Talaga nga palang napaka sungit nitong si Kristoff. Sayang lang ang kagwapuhan nito kung bagsak naman ang pag – uugali nito.

"Anong sabi mo? Hoy Kristoff, I'll take your spot and become the best." Oreo gritted her teeth.

Sarkastiko itong tumawa. "Good luck, top 2."

Sa sobrang inis niya ay gusto niyang sapakin ito at sabunutan. Sobrang pagpipigil ang ginagawa niya sa sarili upang hindi siya makagawa ng kasamaan sa katabing lalaki. Sa lahat ng pinaka ayaw niya ay ang iparamdam sa kaniyang hindi siya magaling.

Alam naman niya ang realidad ng buhay ngunit pwede naman sigurong hindi na nito kailangan pang ipamukha na mas magaling ito sa halos lahat ng bagay kumpara sa kaniya.

"Wanna bet?" taas – kilay siyang naghamon kay Kristoff. "Kapag naging top 1 ako sa next quarter, ililibre mo 'ko ng snacks every recess for one month."

Mukhang nagulat ito sa panghahamon niya pero agad ding nakabawi. "Sure. Pero kapag ako pa rin ang top 1, ikaw ang magsusulat sa lahat ng notebooks ko ng lahat ng kailangang kopyahin sa board for one month."

"Deal." Inalok ni Oreo ang kaniyang kamay upang makipaghand shake kay Kristoff. Tinanggap naman ito ng lalaki at buo ang pananalig niya sa sarili na magagawa niyang lampasan itong si Kristoff.

"Hindi ko alam na masyado pala kayong competitive sa isa't – isa." Sambit pa ng ina ito nito. Ngunit buo na ang desisyon ni Oreo. Kailangan niyang gawin ang lahat upang mahigitan si Kristoff.

Kung hindi ay mapapahiya siya rito at mapipilitan siyang maging alipin nito sa pangongopya ng mga aralin nila. Ngayon ay mas motivated na si Oreo na mag – aral pa ng mabuti dahil nakataya hindi lamang ang reputasyon niya kundi pati na rin ang kinabukasan niya sa mga kamay ni Kristoff.


*****

A/N:

Tingin niyo malalamangan kaya ni Oreo si Kristoff? Or magiging alipin siya ni Kristoff ng isang buwan?

May kilala ba kayong kasing competitive ni Oreo sa klase niyo? What do you think about them?

Votes and comments are welcome!

Love & Light, 

BC

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top