Chapter 37

Halos hindi mapakali si Oreo. Ito ang gabi kung saan ay makikipagdate siya kay Kristoff. Wala siyang choice kundi sumipot at tumupad sa usapan dahil bahagi ito ng kaniyang pagkawang gawa, kahit pa nag aalangan siya sa magiging kadate niya.

Nagkaroon na ng awkward feelings si Oreo kapag malapit si Kristoff sa kaniya. Hindi niya alam kung ano ang kahulugan ng pagiging uneasy niya sa presensya ng binata ngunit palaging malakas ang tibok ng kaniyang puso at halos hindi siya makatingin ng direkta sa mga mata nito. Para sa kaniya ay isang malaking pagsubok ang makipag date sa lalaki.

Dumating si Oreo sa Ciao Bella, isang mamahaling restaurant na pagmamay-ari ni Arkhee Almeida na siyang kaibigan niya mula highschool na asawa na ngayon ng kaibigan niyang si Dessa.

Nakasuot siya ng simpleng lampas tuhod na sleeveless dress na nagpapamalas ng magandang hubog ng kaniyang katawan. Naglagay lamang siya ng light make-up upang hindi naman siya magmukhang multong namumutla.

Si Iannah na mismo ang nag arrange ng date nila ni Kristoff, bahagi pa rin ng naganap na Charity event noong nakaraang gabi. Halatang hindi naman tinipid ni Iannah ang kanilang date dahil nagpa reserve ito ng suite room sa restaurant.

Dinala si Oreo ng receptionist sa isang silid. May dining table ito sa loob at may dalawang upuan. Napatingin siya sa kaniyang relo. "I'm ten minutes early," sambit niya nang maupo siya.

Naalala niyang alas siyete ang nakalagay sa imbitasyon. Kaya hindi na siya nagtaka na siya ang naunang dumating. Sinadya niya talagang maging maaga dahil gusto niyang makapaghanda. Ayaw niyang ma caught off guard na naman kay Kristoff.

"Ano ka ngayon Kristoff! Ako ang nauna. Talo ka ngayong gabi sa'kin," sabi niya pa. Pangiti ngiti pa siya nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang gwapong si Kristoff na may dala dalang napakalaking bouquet.

Hindi umimik si Kristoff nang makapasok ito, bagkus iniabot lamang nito ang mga bulaklak sa kaniya.

Saglit siyang natameme sa ginawa nito ngunit mabilis naman siyang nakabawi agad.

"Salamat, this is so nice of you," sambit niya. Nagkatitigan silang dalawa. Ngumiti naman ang lalaki na siyang nagpabilis na naman ng tibok ng puso ni Oreo.

Putik! Ang gwapo talaga ng kumag!

Mabilis siyang nag iwas ng tingin at ibinaling na lamang sa natanggap na bouquet ang kaniyang atensyon.

"You're early. Excited ka talagang maka date ako?" Walang ka emosyon na tanong ni Kristoff nang umupo ito sa upuan na nasa harap niya. Nagtiim ang bagang ni Oreo sa narinig. Naramdaman niyang uminit ang kaniyang mga pisngi sa tanong nito.

"Assuming ka naman. Hindi ba pwedeng napaaga lang talaga ako ng dating?" Mabilis niyang bwelta. Hindi siya papatalo sa pang aasar ng lalaki sa kaniya.

Nagkibit balikat lamang ito at ibinaling ang tingin sa menu. "Let's order."

Tahimik lang si Oreo matapos nilang makapag order ng pagkain. Parang umatras ang kaniyang dila sa mga oras na iyon at nabalot sila ng katahimikan habang hinihintay na dumating ang kanilang inorder na pagkain. Ang musika lamang na nagmumula sa speakers ng restawrant ang nagbibigay ingay sa loob ng silid.

Nakatitig naman si Kristoff sa kaniya na siya namang nakadagdag sa awkwardness na nararamdaman niya. She felt awkward not because she's not used to the presence of Kristoff but because he was showing so much affection towards her, she didn't know how to act on it or respond to it.

Hindi naman naturo sa medschool kung paano tumanggap ng pagmamahal mula sa ibang tao. Maaga siyang naulila at kahit inalagaan at minahal na parang tunay na anak ang trato sa kaniya ng mga magulang ni Kristoff ay hindi naman talaga siya naturuan ng mga ito kung paano iproseso ang mga ganitong emosyon.

"You look beautiful," pagputol ng lalaki sa katahimikan nilang dalawa. "Nagpaganda ka ba para sa'kin?"

"Wow. Hindi ba pwedeng natural lang talaga akong maganda?" Patutsada naman niya. Mukhang napansin ni Kristoff ang kaniyang pagiging awkward. Pinapagaan nito ang pakiramdam niya.

"Mas magada ka kapag naging akin ka."

Muntik na siyang masamid sa iniinum na tubig nang marinig ang sinabing iyon ng lalaki.

"Marami ka atang baong pick up lines ngayon," usal niya matapos tumikhim.

Nagkibit balikat lang ito. Dahan dahan namang nawala na ang kaniyang pagkailang. Nakahinga na siya ng maluwag. Nakapag isip na rin siya ng topic para pag usapan nilang dalawa.

"So kumusta ngapala si Ashton?" Tanong niya rito. Matatandaang nagkaroon ng eskandalo ang kaibigan nilang ito sa auction nang surpresahin ito ni Daniella. Nag announce kasi ang huli na nagdadalang tao ito at si Ash ang ama sa harap nilang lahat. Hindi niya alam kung totoo iyon o hindi, ang alam niya'y dahil sa nangyari ay ikinabigla ito ng buong angkan ng mga Chua at parang napagalitan pa ang kawawa nilang kaibigan sa hindi nito pagsabi sa mga magulang na magkakaroon na ng unang apo ang Chua clan.

"I am not sure what's going on with them. But they're planning a wedding, I heard," tipid nitong sagot sa kaniya.

"Akalain mo 'yun, naunahan pa ako ni Ash magpakasal," wala sa loob niyang usal.

"I told you to marry me already. I could marry you right here, right now."

Natigilan siya sa narinig ngunit agad naman siyang nakabawi. "I still remember what you told me in Bali. Pagod ka nang mahalin ako, 'di ba?"

"Fine. Binabawi ko na ang sinabi ko. Gusto na kitang mahalin ulit."

Pilit ni Oreo pinigilan ang sariling kiligin sa narinig. Nakagat niya ang ibabang labi at napabuntong hininga. "At bakit? Bakit gusto mo na akong mahalin ulit, huh?"

Tinitigan siya ng mabuti ni Kristoff bago sumagot. "I can't see myself growing old without you. I want a life with you, Chocolate. I can't see myself marrying another woman. I just want you."

Sinong tanga ang hindi kikiligin sa sinabing ito ni Kristoff? Mababatid sa boses nito na seryoso ito at wala itong bahid ng pag aalinlangan. Talagang ipinapahiwatig ng lalaki kung ano ang nararamdaman nito para sa kaniya.

"Napipilitan ka lang siguro dahil sa promise mo sa mommy ko."

Ito naman ang bumuntong hininga. "Kahit hindi pa ako nag promise sa mommy mo, ikaw pa rin ang gusto ko. Ikaw pa rin ang gusto kong mahalin. Ano ba kasi ang gusto mong gawin ko para lang maniwala kang mahal kita?"

Natigilan siya sa tanong nito. Ano nga ba ang gusto niyang mangyari? Ano nga ba ang gusto niyang gawin ng lalaki para lang patunayan sa kaniya na totoo ang lahat na mga sinasabi nito sa kaniya? Na totoong mahal talaga siya ni Kristoff?

"Sabihin na nating mahal mo 'ko, at willing kang pakasalan ako. Pero maiintindihan mo ba talaga ako? Alam mong iba akong mag isip. I don't know how to love you. I don't know if what I feel for you is love. Sabihin na nating isa ka sa pinaka importanteng tao sa buhay ko, pero hindi naman ibig sabihin ay pagmamahal na ang nararamdaman ko sa'yo, 'di ba?"

Matagal bago sumagot si Kristoff, para bang pinag iisipan nito ang sasabihin sa kaniya. "I love you, Oreo. If you don't know how to love me, then I will teach you how to. If you are still not sure if you love me, then I will wait even if how long it takes for you to say and admit that you're in love with me. Nakaya ko naman na maghintay ng ilang taon, ngayon pa ba 'ko susuko sa'yo?"

Pakiramdam ni Oreo ay sumasayaw ang bituka niya sa mga narinig mula kay Kristoff. Wala sa boses nito na nagbibiro ang binata. Talagang seryoso ito sa mga pinagsasasabi.

"May sasabihin ako, 'wag kang tatawa," aniya na parang naghahandang magbunyag ng isang sekreto.

"Okay, what is it?"

"Promise me first you won't laugh."

"Fine, I promise."

Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. "Hindi ko kayang magka girlfriend ka ng iba. I felt so hurt when I thought you already had a new woman in your life."

Nasilayan niya ang pagngiti ni Kristoff. Inayos nito ang suot na salamin na para bang nagpipigil itong matawa sa sinabi niya. Nang makabawi ay nagsalita ito. "So, nag selos ka?"

"Selos ba ang tawag sa feeling na 'yon?"

Kristoff smirked. He was definitely enjoying their conversation. "Yes. The same way I get jealous when some men wanted to be near you."

Oreo nodded as if she discovered something amazing. "Okay. I see. I was jealous then."

"Thank you for letting me know of your feelings. I appreciate it."

Nagkibit balikat lamang siya. "It's not my field of expertise but I will try to tell you what I really feel."

"I am falling madly in love with you more."

"I don't know how to respond to that, though."

Tumayo ng bahagya si Kristoff at biglang pinisil ang pisngi niya na nagpapitlag sa kaniya. "You're cute."

Hinawi niya ang kamay nito ngunit mabilis nitong hinawakan ang kaniyang baba. Inilapit nito ang mukha sa mukha niya, halos nalalanghap na niya ang hininga nito. Amoy na amoy niya ang mabangong perfume nito. Halos magpang abot na ang kanilang mga labi sa lapit ng mukha nito sa kaniya. Saglit siyang nagpigil ng hininga. Bigla siyang nag freeze at hindi makagalaw.

Gusto niyang itulak ito papalayo ngunit parang may kung anong gayuma ito dahil hindi siya makagalaw. It felt like a spell had been cast upon her that she couldn't break, no matter how hard she tried. Oreo could feel her pulse go faster, her breaths shallow and rough as her anticipation grew.

He's going to kiss me!

She was about to close her eyes when they both heard a knock, and the door opened. Napalingon silang dalawa sa waiter na pumasok dala dala ang kanilang inorder na mga pagkain. Mabilis pa sa alas kuwatro silang naghiwalay at napaupo ulit si Kristoff.

Nakahinga siya ng maluwag. Saved by the waiter si Oreo.

Oh, my goodness! Ano ba itong nangyayari sa'kin? Is this what people call 'love'? Parang hindi ko na ata kayang pigilan ang sarili ko. Lord, help!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top