Chapter 38
Nakahiga si Oreo sa sofa, ang liwanag ng telebisyon lang ang tanging nagpapaliwanag sa madilim na sala. Maaga siyang nakauwi mula ospital kaya pinili niyang magpalipas oras sa harap ng telebisyon at manood ng mga pelikula. Isang tahimik na gabi lang ang nais niya. Ayaw niyang isipin si Kristoff at kung ano na nga ba talaga itong nararamdaman niya para sa binata.
Am I in love with him?
Kinuha niya ang remote at nagpalipat-lipat ng channel. Hanggang sa may biglang tumawag ng kanyang pansin.
"Kapapasok lamang po na balita. Isang pribadong eroplano ang bumagsak sa karagatan malapit sa Palawan. Kasalukuyan pang hinahanap ang mga survivors. Ayon sa tala, ang flight ay may sakay na lima ka tao." balita ng reporter sa TV.
Nabitiwan ni Oreo ang remote. Kinilabutan siya dahil sa balita. Mabilis siyang bumangon at sinuri ang screen, ang boses ng reporter ay tila humuhugot ng hangin mula sa dibdib nito.
"Wala pang opisyal na listahan ng mga pasahero, pero ayon sa mga initial reports, kabilang ang ilang business executives mula sa Maynila ang sakay ng nasabing eroplano. Ayon sa aming nakalap ay sakay ng eroplanong bumagsak ang CEO ng ABC Group of Companies, ang CEO ng Pilipinas Air na siya ring piloto ng naturang eroplano, dalawang cabin crew at isa pang piloto," patuloy ng reporter sa TV.
CEO ng Pilipinas Air...Pilot...
Napaluhod si Oreo sa pagkabigla. Parang may sumaksak sa puso niya. Tinawagan niya ang cellphone ni Kristoff, nanginginig ang kamay niya habang nagda-dial.
"Please... sagutin mo. Please, Kristoff..."
Pero wala siyang naririnig kundi ang malamig na tunog ng dial tone. Paulit-ulit niyang sinubukan, pero hindi na ito macontact. Nanginginig ang buong katawan ni Oreo, hindi niya maipaliwanang ang nararamdaman. Nanghihina ang kaniyang mga tuhod at halos hindi siya makatayo. "Hindi... Hindi puwedeng siya 'yun. Kristoff, sumagot ka naman..."
Nanginginig man ang mga kamay, binuksan niya ang social media, umaasang makakakita ng isang post mula sa mga taong sangkot sa plane crash na okay lang sila. Pero wala—puro updates lang tungkol sa crash. Nag-ring ang kanyang cellphone, at mabilis niya itong sinagot, umaasang si Kristoff iyon. Pero boses ng matalik niyang kaibigang si Dan ang narinig niya.
"Eo, nakita mo na ba ang balita? Si... Si Ash... Si Kristoff... Sila ba... sakay ng eroplano?" Halos hindi rin makapagsalita ng maayos si Dan. Halata sa boses nito na nangingiyak na rin. Ang sabi sa balita ay sakay rin sa eroplano ang CEO ng ABC Group of Companies at iyon ay walang iba kundi si Ash.
Ash and Daniella may have had a very interesting and unconventional relationship, but they all knew that they both loved each other, they just couldn't admit it, not yet.
Katulad niya, hindi niya rin kayang aminin kay Kristoff o kahit sa sarili na naniniwala na siya sa pag-ibig. Pero ngayon abot langit ang kaniyang pagsisisi na hindi man lang niya nasabi sa lalaki ang tungkol sa bagay na ito.
Bigla niyang naalala ang huli nilang pag uusap ni Kristoff. Naninikip ang kaniyang dibdib. Paulit ulit na sinabi ng binata na mahal siya nito, na hindi ito napipilitan na mahalin siya dahil sa pangako nito sa ina kundi dahil talagang mahal siya nito. Handa siyang pakasalan ni Kristoff anumang oras. Siya lamang ang hindi naniniwala kung gaano siya kamahal ng lalaki.
At ngayon niya napagtantong ang dami niyang sinayang na oras. Ang dami niyang sinayang na pagkakataon para aminin sa sarili at sa buong mundo na matagal na siyang naniniwala na hindi lamang gawa gawa ng mga hormones ang pag-ibig kundi isa itong regalo ng Diyos sa sangkatauhan.
Love is a gift. Love is real. And Kristoff had been loving her for so long even though she had rejected him for so many years, thinking that his love for her was untrue. But it was all true, it was all genuine.
Hindi agad nakapagsalita si Oreo. She couldn't answer Dan because it felt like there was a lump in her throat. Her eyes were building up fluids. She knew she would never forgive herself this time.
"Hindi ko alam, Danie... hindi ko alam... Hindi pa siya sumasagot," halos pabulong na sabi niya sa kausap.
Biglang bumuhos ang luha sa kanyang mga mata. Halos hindi siya makahinga, at patuloy ang panginginig ng kaniyang mga kamay.
"Everything will be okay. Let's not lose hope. They are alive. I know they will come back. Ash had to come back," mangiyakngiyak na sabi ni Dan sa kabilang linya.
Hindi sumagot si Oreo. Tila nawalan ng lakas ang kanyang katawan at dahan-dahan siyang naupo pabalik sa sofa, patuloy na nakatitig sa TV.
"Pero... paano kung hindi na siya bumalik?"
Sa mga oras na iyon ay muling nagsalita ang reporter sa TV.
"May mga barkong ipinadala na sa lugar ng crash site, at patuloy rin ang rescue operations. Wala pa ring opisyal na bilang ng mga nakaligtas..."
Bawat segundo ay parang isang mahabang oras. Mariing huminga ng malalim si Oreo, pinipilit ang sarili na kumalma. Ibinaba niya ang cellphone at umalingawngaw sa buong silid ang kaniyang pag iyak.
"Kristoff, bumalik ka. Kailangan kitang bumalik..."
-----
Namumugto ang mga mata, naupo si Oreo sa sofa, matamlay at halos walang lakas makipag usap kahit kanino. Ang gusto niya lamang marinig ngayon ay kung nahanap na sina Kristoff ng mga rescuers. Nasa isang hotel room sila ngayon ng mama ni Kristoff sa Palawan na siyang pinakamalapit na hotel mula sa crash site. Halos himatayin at maospital ang mama nila dahil sa pagkabigla nang marinig ang balita.
Ang papa naman nila ay naiwan sa Manila. Dali daling pumunta ang mga ito sa opisina ng Pilipinas Air kasama ang kapatid ni Kristoff na si Fritz. Alam nilang isa itong malaking dagok sa buong kompanya kaya kailangan nilang maging malakas at magpakita ng pagtitiwala hindi lamang sa mga shareholders, ngunit pati na rin sa mga empleyado at mga pasahero ng Pilipinas Air. Kailangan nilang gumawa ng Magandang PR upang malampasan ang isang malaking pagsubok na katulad nito.
Tatlong oras na ang nakalilipas mula nang mangyari ang trahedya at hanggang ngayon ay naghihintay pa rin sila ng balita mula sa mga rumesponde. Tumatangis ang mama nila habang nagdarasal. Halos di rin niya mapigilan ang sarili na mapaluha.
For Oreo, it felt like an eternity waiting for a call. Wala siyang ibang hinihingi ngayon sa Maykapal kundi ang kaligtasan nina Kristoff. Paulit ulit lang ang panalangin ni Oreo.
Oh, Diyos ko. Promise ko po, I will love him for the rest of my life. I will trust him and believe in him, just bring him back alive to me. Please... Please Lord...
Regret was overflowing through Oreo's whole being. She knew she had made a terrible mistake by denying Kristoff's love, pushing away the one person who had seen her for who she truly was. Never in her wildest dreams did she imagine that destiny would test her so harshly, or that fate could cruelly snatch away something so precious in the blink of an eye.
She kept replaying every moment in her mind—the times Kristoff had looked at her with eyes full of love, the times he had confessed his feelings, only to be met with her cold, guarded response. If only she could turn back time, she would tell him the truth—that she had loved him all along, too.
If only...
The words echoed in her head like a cruel reminder of everything she had lost.
Hinihiling niyang sana'y pinayagan niya ang sariling maging vulnerable, na hayaan si Kristoff na pumasok sa kanyang buhay, na sana ay ginugol niya ang mga araw na minamahal ito gaya ng kung paano siya inalagaan nito. Lahat ng mga pagkakataong iyon ay tila alaala na lamang na hindi na masisilayan. Bawat nasayang na pagkakataon na mahalin si Kristoff ay dumudurog sa kaniyang puso.
And now, it felt like it was all too late. The world, once full of possibilities with him, now seemed to close in around her, suffocating her with the loneliness of what could have been. The weight of regret felt unbearable for Oreo.
Napapitlag siya nang mag ring ang kanyang cellphone. Nang tingnan niya kung sino ang tumatawag ay unregistered number ito. Mabilis namang lumapit sa kaniya ang kaniyang mama, halatang umaasa itong makarinig ng magandang balita.
Napabuntong hininga siya. Maaaring ang rescuer na ang tumatawag sa kanila. Malakas ang tibok ng kaniyang puso, nanginginig ang mga kamay na sinagot niya ang tawag.
"Hello?"
"Ma'am, si Gilbert po ito, iyong chief responder..."
***
Ang daming narealize ni Oreo dahil sa nangyari kay Kristoff. Aw.
Kaya readers, please don't waste your time by not expressing your feelings, okay? If you love someone, tell them that you do. You'll never know when it will be the last time you get to say that to them. :)
Love & Light,
BC
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top