Chapter 36
The room was buzzing with excitement. Crystal chandeliers lit up the spacious hall where people gathered, waiting for the night's event—a charity auction. And the prize? A date with some of the most sought-after women in the country. All proceeds would go to the pediatrics cancer patients' ng St. Andrew's Hospital.
Gusto mang umatras ni Oreo sa sitwasyon ay hindi na niya magagawa. Tingin naman niya ay wala namang mawawala sa gagawin nila. Kailangan niya lamang makipag date sa kung sino man ang highest bidder at mukhang mga prominenteng tao naman ang umattend ng Charity Gala. Alam niyang para sa mabuti ang gagawin niyang sakrispisyo.
It's for children with cancer.
Umaasa si Oreo na malaki ang makukuhang pera sa auction. Magiging malaki ang tulong nito para sa mga batang pasyenteng nahihirapan sa pagpapagamot. Kaya naging buo ang loob ni Oreo na pumayag na lamang para sa kapakanan ng mga batang may cancer.
Habang nasa backstage sila ay narinig nila ang boses ni Iannah nang umakyat ito sa stage. Ngayon niya lang nalaman mula kay Ayeena na itong si Iannah pala ay kabilang sa mga highest-paid models sa buong bansa, kinikilala at hinahangaan sa mundo ng fashion. At hindi lang ito basta supermodel, magaling din itong mag host.
Biglang nakaramdam ng kaba si Oreo nang mapagtantong magsisimula na ang auction. Sumilip siya sa stage upang mapanood ang mga pangyayari.
"Welcome, everyone to the charity gala auction!" bati ni Iannah sa lahat. "Tonight, at this special charity auction, we're not auctioning off items. Instead, gentlemen will have the chance to bid for a date with some of the most captivating women from across the country. And of course, it's all for a great cause!"
Napuno ng hiyawan ang buong lugar. Ang audience, mula sa mga mayayaman at prominenteng pamilya, ay naghanda na para sa pagsisimula ng event.
The first woman to step onto the stage was Ayeena. She wore a yellow dress that hugged her figure. Her smile was radiant, and she seemed to be enjoying the event.
"Our first lady of the evening, Attorney Ayeena Bel Chua! Ayeena is a rising star in the legal world and the daughter of a prominent business family. As the head of the Legal Department at the ABC Group of Companies, she's making waves not just with her brilliance in the courtroom but also in the boardroom." ani ni Iannah. "We'll start the bidding at fifty thousand pesos. Do I hear 50,000?"
Isang lalaki sa harapan ang agad na nagtaas ng paddle. "Fifty thousand!"
"One hundred thousand!" sigaw ng isa pang boses mula sa likuran.
Napatitig si Ayeena sa karamihan, sinusubukang makita ang mga nagbi-bid. Kumaway-kaway pa ito sa audience, halatang sanay ito na nakikisalamuha sa mga mararangyang tao.
Isang matangkad na lalaki, naka-navy blue na suit ang iwinagayway ang kaniyang paddle. "Five hundred thousand."
The room murmured with interest. "Five hundred thousand pesos, going once... going twice... Sold!" Hinampas ni Iannah ang gavel sa podium. "Congratulations, my dearest little brother, Iñigo, you've just won a date with Ayeena!"
Hindi masyadong maaninag ni Oreo ang hitsura ng highest bidder ni Ayeena ngunit rinig na rinig niya ang mga hiyawan ng mga pamilyar na boses nina Ash at Arkhee sa audience. At sa pagkakarinig niya'y kapatid ito ng host nilang si Iannah.
"You finally did it, bro! Boto ako sa'yo!" aning boses ni Ash. Mariin pa sanang inilapit ni Oreo ang kaniyang sarili sa stage upang makita ang lalaking nanalo ng date kay Ayeena ngunit narinig na niyang muli ang boses ni Iannah.
"And now, onto our next lovely lady!" Sumenyas sa kaniya ang isang event assistant at ipinahiwatig na siya na ang susunod na aakyat ng entablado. Sa sobrang lakas, naririnig ni Oreo ang tibok ng kaniyang puso. Hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman ngunit pinili na lamang niyang ngumiti upang maibsan ang kaniyang kaba.
"Introducing Dr. Hershee Oreo Soliva! Dr. Oreo is a skilled cardiothoracic surgeon at St. Andrews Hospital. With a career that's taken her across the globe, she has dedicated her life to saving countless patients. Not only is Dr. Oreo brilliant in the operating room, but she's also known for her grace and beauty," hayag ni Iannah at itinuro siya. Ngumiti si Oreo at umakyat siya ng entablado. Marahan siyang naupo sa isang magarbong upuan na nasa gitna ng stage. "We'll start the bidding at fifty thousand. Do I hear 50,000?"
Isang matangkad na lalaki ang kalmadong itinaas ang kanyang paddle. "One hundred thousand." Nagulat ang lahat sa kanilang narinig. Pinilit ni Oreo na maaninag kung sino ang lalaking nag bid agad ng one hundred thousand. Pamilyar sa kaniya ang boses nito ngunit dahil masyadong maliwanag ang entablado ay nahihirapan siyang makita kung sinu-sino ang mga nasa audience.
Nagningning ang mga mata ni Iannah. "One hundred thousand pesos from that tall and handsome gentleman, going once... going twice—"
"Two hundred thousand!" a new voice cut through the tension. Napalingon ang lahat upang makita ang isang lalaking nakatayo malapit sa bar. Namukhaan ni Oreo kung sino ang lalaking nag bid at ito ay walang iba kundi ang kaibigan at boss niyang si Enri.
What the hell is happening? Why is Enri bidding for me?
Iannah's gavel hovered in the air. "Two hundred thousand! Any takers for more?"
"Three hundred thousand!" sigaw ng isa pang lalaki mula sa likuran.
The tall man smirked and calmly raised his paddle again. "Five hundred thousand."
"Seven hundred thousand!" Enri shouted. Sa hitsura ni Enri ay mukha itong nanghahamon sa kung sino man ang lalaking unang nag bid sa kaniya.
"One million," kalmadong sabi ng lalaking kanina pa pilit na gustong makilala ni Oreo. Alam niyang kaboses ito ni Kristoff ngunit hindi niya makumpirma kung ang lalaking ito nga ba ang nagbibid sa kaniya. Hindi naman maganda ang kanilang pakikisalamuha sa isa't isa kaya para sa kaniya ay imposibleng mag bid ang binata.
A gasp heaved through the audience when they heard the bid. Oreo's heart rushed as she glanced between the two bidders. She forcefully tried to see who had offered a million for a date with her—and it was none other than Kristoff! Enri looked surprised for a moment, then chuckled and shook his head, signaling he was out of the race.
Hanggang tainga ang ngiti ni Iannah. "One million, going once... going twice... Sold!" She struck the gavel against the podium. "Congratulations, Mr. Kristoff Alvarez, you've just won a date with your fiancée! I thought for a second you'll give way for Enri to have a date with your future wife."
Tumawa ang lahat sa naging komento ni Iannah. Nakita ni Oreo na tumayo sa kinauupuan nito si Kristoff at ito ay pumalapit sa stage kung saan siya nakatayo. His proud smile barely contained his satisfaction. Sa ngiti nito'y parang sinasabi nito sa buong daigdig na hinding hindi ito papatalo kahit kanino.
Oreo exhaled a breath she hadn't realized she'd been holding. Habang bumababa siya mula sa entablado, iniabot ni Kristoff ang kamay nito sa kaniya. "I will never allow you to have a date with Enri. Not in this lifetime."
Hinawakan naman ni Oreo ang kamay ng lalaki. Hindi niya pinansin ang patutsada ni Kristoff, sa halip ay nagpasalamat na lamang siya rito. "Maraming matutulungan ang bid mo. Thank you."
Lumakas na naman ang tibok ng kaniyang puso nang hawakan ng mahigpit ni Kristoff ang kaniyang kamay. Sa higpit ay para bang ipininapahiwatig nitong ayaw siya nitong pakawalan.
"I did it for you. So don't you dare date Enri kahit araw araw pa kayong magkasama sa hospital. You are mine, Oreo."
Hindi alam ni Oreo kung ano ang mararamdaman sa narinig. Ang alam niya lang ay halos hindi mapakali ang kaniyang puso at kahit mag deny pa siya nang mag deny ay alam niyang kinilig siya sa sinabi nito.
You are mine, Oreo. Ulit niya sa isip. Even if she wouldn't admit it, a deep warmth wrapped around her heart, awakened by Kristoff's words and actions. This man had done something remarkable, not just for her but for the cancer patients they were raising funds for. Through his generous heart and commitment, Kristoff made her feel like she was the only woman in the world that mattered to him.
Oreo had never given much thought to love—it always seemed theoretical for her; it was abstract. But with Kristoff, things felt different. He told her, time and time again, how sincerely he loved her, and with each gesture, each loving word, he chipped away her doubts. Perhaps, even if she didn't believe in love, Kristoff was the one who could make her believe after all.
"Kristoff—" hindi na niya naipagpatuloy ang kaniya sanang sasabihin dahil malakas na umalingawngaw ang boses ni Iannah.
"And now ladies and gentlemen, onto our next amazing woman!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top