Chapter 6

Nagpiyesta ang buong kaluluwa niya sa narinig. He finally accepted her offer without revising it. She can finally start picking up the pieces of her broken image. Hindi niya inaasahan na magkakilala ang heartthrob doctor na si Enri Morales at itong si Arkhee ngunit mas ikinagulat niya ang pag dedeklara ng huli na 'girlfriend' siya nito.

"Okay. Thanks man. Bye," narinig niyang pagpapaalam ni Arkhee sa kaibigang doctor. Pinilit niyang marinig ang pag – uusap nila kanina ngunit hindi na niya nagawa dahil nagpaparty na ang lahat ng brain cells niya. Iniabot ng lalaki ang cellphone niya matapos putulin ang tawag. At sa unang pagkakataon ngayong araw na ito ay nasilayan niya ang ngiti ni Arkhee.

His breath – taking smile gave shivers down her spine. Hindi niya narinig ang pinag – usapan nila ng kausap kaya hindi niya maintindihan kung bakit naka smile ito. Kung tutuusin kani – kanina lang ay halos gusto na siyang itapon sa bintana dahil sa sama ng titig nito sa kanya.

Kinuha niya agad ang cellphone sa kamay ni Arkhee habang nakakunot ang noo. Napansin siguro nito ang kanyang pagtataka kaya mabilis itong nag – iba ng ekspresyon sa mukha. Nawala na ang matamis nitong ngiti.

"Why do you call Enri in his first name and you kept calling me with my last?"

"Huh? He's a colleague and a close friend. So..."

"Hmmm... then why didn't you ask him to be your boyfriend?" tanong na naman nito. Mababakas sa mukha nito na hindi ito nasiyahan sa isinagot niya.

Bakit ba masyadong matanong itong si Arkhee ngayong araw?

"Walang maniniwala kung siya ang pipiliin kong maging fake boyfriend. Besides, he's like a brother to me. Kuya siya ng bestfriend ko." Ang tinutukoy niya ay si Eliza. Enri and Eliza are siblings kaya malapit na rin siya sa playboy na doctor na iyon.

"Hmmm...then can you call me with my first name now?" Natigilan si Dessa sa hinihingi nito.

"Ah...eh...is that really necessary? We're not in a real --" hindi niya na naituloy pa ang sasabihin nang yumukod at inilapat ni Arkhee ang mukha nito sa balikat niya. Naramdaman niyang parang nag slow motion ang buong paligid niya sa ginawa nito. Sa lapit ng lalaki sa kanya ay naaamoy niya pati ang gamit nitong shampoo. Ang lakas ng tibok ng puso niya at ang buong katawan niya ay parang naging bato. Hindi siya makagalaw. Gusto niyang itulak ang lalaki papalayo ngunit parang wala siyang lakas para gawin ito.

"I just want you to say my name. Hindi ba pwede 'yun?" ani ni Arkhee. Hindi makita ni Dessa ang hitsura nito kaya hindi niya alam kung anong ekspresyon ng mukha nito habang sinasabi ang mga salitang iyon. Ayaw man aminin pero alam niyang nag – blush siya sa sinabi ng lalaki.

"Ah...pwede naman. Hi – hindi mo na kailangan pang sumandal sa akin...Ar...Arkhee." He gave out a crisp laugh that made her blush more. Itinaas ng lalaki ang mukha nito at tinitigan siya. Sa sobrang lapit ng mukha ni Arkhee sa kanya ay halos maghalikan na ang mga ilong nilang dalawa. Sa pagkakataong iyon ay iba ang reaksyong namamasdan niya sa pagmumukha ng binata.

Para itong naglalambing ngunit hindi naman ito nakangiti kaya hindi niya mapagtanto kung ano talaga ang ipinahihiwatig nito. Pilit niyang binabasa ang kung ano mang nasa isip ni Arkhee. Bilib din siya sa lalaking ito dahil kaya nitong makipagtitigan sa kaniya na hindi man lamang kumukurap.

"Hello my ---" bungad ng isang boses ng lalaki nang magbukas ang pinto na mukhang hindi na nito nagawa pang ituloy ang sasabihin. Saka nakabalik sa ulirat niya si Dessa at narealize niyang nakikipagtitigan pala siya kay Arkhee nang hindi niya namamalayan.

Mabilis silang nag – iwas ng tingin sa isa't - isa at itinuon niya ang mga mata sa dalawang gwapo at matatangkad na lalaki na bagong dating. Sa mga hitsura nito, mukha silang mga modelo. Bakas sa mga pagmumukha ng mga ito ang pagkabigla at hindi pa ata sila nakakabawi sa pagkagulat.

"What are you both doing here?" si Arkhee na ang unang nagtanong. Nang tingnan niya ito ay bakas sa mukha nito ang pagka – inis. Nakakunot ang noo at halos magpang –abot na ang mga kilay.

Clearing his throat, the man wearing eye – glasses spoke first. "Ask him." Turo nito sa katabi na mukhang Korean popstar ang imahe. Inakala ni Dessa na magpapatuloy ito sa pagsasalita ngunit sa tingin niya ay kung gaano kalamig ang pakikitungo ng lalaking may suot na salamin sa mata ay ganoon din ito kaikling sumagot. Tumingin ito sa kanya at alam niyang pinag – aaralan siya nito.

"Hays...you're so cold Kristoff! Baka matakot sa'yo 'tong magandang kasama ni Arkhee," lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. "I'm Ash, Arkhee's bestfriend, at your service, my princess."

Hinalikan ni Ash ang kanyang kamay na para bang isa siyang royalty. Sa pagkabigla ay hindi siya nakaimik at natulala na lamang sa ginawa nito.

"Keep your hands off her." Ang malakas na tinig ni Arkhee ang nagpagising sa kanyang ulirat. Kinuha nito ang kamay niya sa pagkakahawak ni Ash at hinila siya sa tabi nito. His hand was warm but his grip was strong that even she tried to pull her hand back, she couldn't.

"My...my...masyado kang territorial Arkhee. I'm just appreciating the beauty of this woman who for the first time made you blush." Sa pagsasalita nito ay para bang nag – aact ito sa isang play. May pahawak – hawak pa ito sa dibdib at pataas – taas pa ng kamay. Gusto niyang matawa sa ginagawa nito ngunit nagpigil siya ng sarili.

"I didn't blush!" depensa ni Arkhee.

"You did." Tipid namang pag sesegunda ni Kristoff. Patango – tango naman si Ash habang iwinawasiwas ang isang daliri nito sa ere.

"Actually, you're blushing right now..." inosenteng sabi ni Dessa dito. Nang magtama ang mga mata nila ni Arkhee ay agad itong tumalikod sa kanya at pasimpleng binitawan ang kanyang kamay. Naiwan naman siyang nagtataka. Totoo naman ang sinabi niya, bakit parang ito pa ang galit sa kanya?

Humalakhak ng malakas si Ash at napansin niyang pati si Kristoff na akala niyang hindi marunong ngumiti ay halatang nagpipigil matawa. Magkakaibigan ba talaga ito sila? Magkakaiba ang personalidad nilang tatlo kung tutuusin kaya isang misteryo para kay Dessa kung paano sila nagkakaintindihan.

"Kung wala kayong kailangan, umalis na kayo!" sigaw ni Arkhee na nakatalikod pa rin sa kanila. Mukhang galit na ito dahil hindi na sila hinaharap ng lalaki. Ngunit hindi pa rin nahihinto sa pagtawa si Ash. Naisip ni Dessa na baka mababaw lang talaga ang kaligayahan nito kaya masayang masaya itong nakikita na namumula ang kaibigan.

"We're here to pick you up." Sa wakas na sabi ni Kristoff. "I hope you did not forget we have a dinner meeting with the Alcantaras."

"You didn't have to come to my office!"

"But we did. And it's the best thing we ever did today! Finally, my bestfriend has come out from his shell!" ani na naman ni Ash na parang nag dadrama matapos nitong huminto sa pagtawa. "And it's all because of you, princess. May I know what your name is? Hmmm..."

Hindi alam ni Dessa kung paano ito nakalapit na naman sa kanya ngunit nabigla na lamang siya na hawak hawak na naman nito ang kanyang kamay. Matangkad rin itong si Ash, may singkit na mga mata at mas flawless pa ata ito sa kanya.

Para talaga siyang Korean heartthrob. Anong skincare kaya gamit niya?

"I'm Dessa Velasco." Napilitan siyang ngumiti na lamang sa lalaki. Mababakas sa mukha ang pag – iisip nito na para bang may inaalala.

"Aha! The doctor!" anito nang parang mapagtanto ang kung anumang nasa utak nito.

"Stop holding her! Kris, can you please take this leech out of my office?! Or else I'll throw him out the window!" Hinila ni Arkhee si Dessa papalayo kay Ash. Mukhang napipikon na talaga ito dahil halos hindi na mapinta ang ekspresyon na ipinapakita nito sa kaibigan. Pati ang pagkakahawak nito sa kamay niya ay mahigpit na rin na para bang ayaw na siyang pakawalan pa.

"Ouch! Is this how you treat your bestfriend who has been with you ever since childhood? I'm so hurt..." mukhang hindi apektado si Ash sa ipinamamalas na galit ni Arkhee dahil patuloy pa rin ito sa pang – aasar.

"Just go away, idiot!"

"How can you say that to someone who have seen you naked for so many times?" pagdadrama ni Ash. Nanlaki ang mga mata ni Dessa sa narinig. Ano daw? Naked? Ibang level ng friendship ba ang meron sila at bakit nudity na ang pinag – uusapan nila? Napansin ni Arkhee ang reaksyon niya kaya mabilis itong nag salita.

"We...we were still kids. It's not a big deal. Don't mind him. We took shower together when we were younger. So..." Parang nabubulol pa ito habang nag dedepensa ng sarili. Halatang worried ito sa iniisip niya kaya hindi na napigilan ni Dessa na matawa. Sa unang pagkakataon nakita ni Dessa ang isang side ni Arkhee. 

Hindi niya inaasahan na ganito pala ito sa harap ng mga kaibigan. He's cold and very serious in front of her but then he also had this side of him that only comes out when he's with someone whom he's comfortable with.

Oh my goodness, he's so adorable. I can't help but laugh.

"It's not funny! Why are you laughing?!?" Seryosong tanong nito. Napahinto siya sa pagtawa dahil sa mukha nito ay parang kakainin na siya ng buhay. Pinilit ni Dessa na pigilan ang pagtawa sa pamamagitan ng pagkagat ng kanyang ibabang labi.

"I...I'm sorry Arkhee. You're just so cute," aniya na hindi iniisip ang sinasabi. Huli na para bawiin pa ang mga salitang kanyang nabigkas. Kahit siya ay natigilan sa inilabas ng kanyang bibig. Dagli niyang iniwas ang tingin dahil natubuan na siya ng kahihiyan. Mukhang nagulat din si Arkhee sa sinabi niya dahil hindi niya narinig na mag react ito.

"Swee---" may sasabihin sana si Ash ngunit mabilis na sumingit si Kristoff.

"Cute ka raw. Masaya ka na? We have to go. And Ash, stop harassing Arkhee. Don't wait for him to break your figurines." Mukhang sa kanilang tatlo, si Kristoff ang pinaka matino at ang may authority sa dalawa. He's a man of few words. Dead cold and serious and you won't even see any expression on his face. Dagdagan pa ang suot niyang salamin na para bang mukha siyang 'yung math professor na handa kang ibagsak kapag ginalit mo siya. He's hotter because of the glasses!

Napailing si Dessa sa iniisip. Sanay naman siyang makakita ng mga gwapong lalaki subalit sa sitwasyong kinasusuungan niya ay awkwardness ang inaabot niya.

"I need to go. Can you let go of my hand now?" tanong niya kay Arkhee.

"No. I'll bring you home." Mariing sabi nito saka hinila siya papunta ng pinto. "You two, just meet me at the venue. And stay out of my personal life!"

Iyon lang at lumabas na sila ng office ni Arkhee. Hindi niya alam ang nararamdaman niya ngunit ang puso niya ay parang sasabog na. Kanina pa hawak – hawak ni Arkhee ang kamay niya at mukhang hindi nito batid ang nangyayari sa kanila. 

Siya naman ay parang hihimatayin na sa ginagawa ng lalaki. Para silang nasa isang telenobela na kung saan tumatakas silang dalawa sa mga mapang – aping pamilya. Hindi niya mapagtanto kung masaya ba siya o magagalit dahil mukhang hindi naman apektado si Arkhee sa pagkakahawak nito sa kanya.

"See you soon Dessa! I will miss you!" Pahabol pang sigaw ni Ash na kumaway pa nang dumungaw sa pinto habang naghihintay naman sila ni Arkhee na bumukas ang elevator. 

Napahigpit ng hawak si Arkhee sa kanyang kamay nang marinig nito ang sinabi ng kaibigan. Nang sulyapan ni Dessa si Arkhee ay halata ang pagka – inis nito. Bumukas ang pinto ng elevator at mabilis na silang pumasok ng kasamang lalaki.

*****

A/N:

So what do you think of Arkhee's friends? 

My next book will involve Kristoff and the love of his life. Ayiii! I'm excited!

Salamat po sa pagboto at comments!

Love & Light,

BC

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top