Chapter 5

"What the ---" halos magwala siya sa galit nang mabasa ang comments ni Gio sa social media sa isang picture na naka tag sa kanya. Nagmumura siya habang binabasa ang mga comments ng mga kaibigan niya at mga kakilala nila ni Gio. Nagbabatuhan na ang mga ito ng mga pasaring at hindi magagandang salita. 

Halos masira na niya ang phone niya kaka-scroll at napa – praning na siya. Malala na pala ang problema sa utak ni Gio dahil halatang hindi ito maka move on sa pagbasted niya rito isang buwan na ang nakararaan. Biruin ba niyang mag comment ito ng masama tungkol sa kanya sa social media at ipinagkalat pang may nangyari sa kanila. She laughed out of frustration. 

I never even kissed him! And he dared spreading news about us sleeping together? Such bu$lsh&t!

Gusto niyang mag – react at patulan din ng masasamang salita si Gio pero naisip niyang magiging katulad niya rin itong mababaw mag – isip. Nag – isip siya ng mas magandang ideya para makaganti rito na hindi niya kailangang bumaba sa level nito na lalong ikasisira ng kanyang magandang reputasyon.

Hindi niya kailangang magpahalata na gumagawa rin siya ng masama. "Humanda ka sa'kin kutong – lupa ka. Manghihiram ka ng mukha sa baka dahil sa paninira mo sa'kin!"

Kinuha niya ang calling card na nakaipit sa kanyang wallet at nag-dial ng numero sa kanyang phone. Matagal – tagal rin bago may sumagot sa kabilang linya. Ngunit kinabahan rin siya nang marinig niya ang baritonong tinig ni Arkhee.

"Hello?"

"Ah...Mr. Almeida, it's me, Dr. Dessa Velasco. Can I meet you today?" diretso niyang tanong. Wala na siyang planong magpaligoy – ligoy. Ngunit sa loob – loob niya parang kakainin na siya ng buhay ng puso niya sa lakas ng pintig nito. Subalit ito lamang ang alam niyang paraan upang mabilis niyang mabawi ang dahang – dahang nasisira niyang reputasyon. 

I have to do this. Bahala na si Batman.

-----

Humahangos na dumating si Dessa sa opisina ni Arkhee. Gusto niyang humingi ng pabor dito para makaganti sa mokong na si Gio. Halos ayaw na niyang lumabas ng bahay niya dahil sa kinasasangkutang social media scandal. Akalain ba niyang may dalawampung tao ang nag – like ng comment ni Gio and it badly hurt her pride as a woman and a doctor. 

Pinatawag pa siya ng HR department ng ospital para magbigay ng statement tungkol sa pagiging viral niya online. Parang gusto na tuloy niyang maging invisible sa lahat.

Bumulaga sa kanya ang magandang opisina ng binata. Napakalawak nito at pang – boss talaga ang design pati ang kulay ng interior nito ay halatang pang bachelor. Napalunok siya nang makitang nakatingin na pala ang lalaki sa kanya.

"Make sure that thing is worth my time," supladong sambit ni Arkhee. He's sitting on a swivel chair behind the table and undeniably handsome with his gray tuxedo. Kahit parang stress ang pagmumukha nito sa dami ng papeles na hawak ay hindi maikakailang gwapo talaga ito. Bigla siyang kinabahan dahil mukhang wala ito sa mood. 

Should I come back tomorrow instead? Hindi. Kaya ko'to! Nandito na rin man lang ako, itutuloy ko na.

Bumuntong – hininga siya bago matapang na nagsalita. "You told me, if I need anything, I shouldn't hesitate to call you. Although this is against my personal principles towards my patients, I just don't have a choice." Hinintay niyang sumagot ito. Nang wala siyang marinig ay nagpatuloy siya. "I...I want you...to...be..."

Sa kasamaang palad parang umatras ang dila niya. Hindi niya magawang sabihin ng diretso ang gusto niyang mangyari. Kumakabog ng malakas ang dibdib niya. Parang aatakehin ata siya sa puso. Napahawak siya ng mahigpit sa dala niyang purse. "I...want...you...to be...to act...as my...b-boyfriend! I mean fake boyfriend!"

Sa wakas nasabi rin niya. Nakagat niya ang ibabang labi at napapikit na lamang habang hinihintay ang reaksyon ng lalaki. Hindi niya kayang makipagtitigan rito matapos niyang sabihin ang mga salitang iyon. Ito ang unang pagkakataon sa buong buhay niya na nag – alok siya sa isang lalaki ng relasyon, totoo man o hindi.

Nagulat ata si Arkhee sa alok niya dahil matagal bago ito nakapagsalita. "I thought you don't date your patients' relatives?"

Binuksan niya ang mga mata at nakita ang walang kangiti ngiting hitsura ng kausap. Bago pa man siya sumugod sa giyera ay nakapaghanda na siya ng mga magiging scenario nila ni Arkhee. Naghanda siya ng mga pang resbak niya. "I don't. That's why I said fake boyfriend...I just really need your help."

"And what makes you think I'll agree with your proposition?" She bit her lower lip again. She knew this wasn't a good idea but it's the only way she can make this man agree to her scheme. She needed her plan to succeed or else she might just wish to disappear right here, right now. Gracie, I'm really sorry.

"I will endorse Gracie to another doctor. I think the hospital will demand me to be away for awhile since I'm going through a scandal. Salamat sa mabait mong kaibigan na si Gio na nagkakalat ng walang katotohanang tsismis. But...if you agree with my offer, I think we can do something about the issue that's involving my name." Matapang niyang sabi. 

Ito lang ang alam niyang paraan upang mapapayag niya si Arkhee sa binabalak niya. Alam niyang hindi ito papayag na maendorse sa ibang doctor ang pamangkin. Ngayon pa lang ay mataimtim na siyang humihingi ng kapatawaran sa kanyang ginagawang kasalanan. Lord, patawad po!

"Why fake when I can actually date you for real, right?" Natulala na naman siya sa sagot nito. Her eyes met his cold and expressionless gaze. Sa lahat ng ayaw niya ay ang mga bagay na unpredictable or sitwasyon na hindi niya inaasahan at wala siyang maisip na paraan para lusutan ang mga ito. Katulad na lamang ng mga sagot sa kanya ni Arkhee. Dahil mahirap sa kanya na basahin ang iniisip nito, nagbibigay ito ng stress sa kanya.

"We're both busy people. I don't think it's gonna work. Besides, I just need you to act as my boyfriend in social media so the issue about me will end. Hindi ba pwede 'yun?"

"Hindi. Lalo na kung wala naman akong makukuha. Your proposition is base only to yourself and the other party gains nothing in return. Revise your offer and I'll think about it." His expression is blank. Nakakabaliw itong titigan sa kagwapuhan nito pero alam niyang malalim ang iniisip nito. Arkhee leaned his head on the chair, looking up at the ceiling for awhile.

Tumawa siya ng pagak. Ngunit hindi na rin niya napigilan ang kanyang mga mata na mapaluha. Nasasaktan siya hindi lang sa eskandalong kinakaharap niya ngayon kundi pati na rin sa nangyayari sa kanya ng mga oras na 'yun. She's asking for help from someone she barely knew, he's not even her friend and this whole thing she was planning to do to get her revenge towards Gio was getting on her nerves.

"Fine. Dr. Enri Morales will be Gracie's new doctor. Pasensya ka na sa abala Mr. Almeida." Pinahid ni Dessa ang pisngi na basa na ng mga luhang mula sa mga bilugang mata. Ngunit parang hindi naman natitinag ang lalaking kaharap niya. It was stabbing her heart like hell. She didn't have a choice anymore but to give up.

Kapag kuwan ay kinuha niya sa kanyang purse ang cellphone niya at nag – dial ng isang numero. Nang marinig niyang may sumagot sa kabilang linya ay dagli na siyang tumalikod at naglakad papunta sa pinto.

"Enri, hi. Pasensya kana sa istorbo. I have a request. Meron kasi akong ---" hindi na niya nagawang tapusin pa ang sasabihin dahil may kung sinong halimaw ang kumuha ng telepono niya sa kanyang likuran. Iksaktong paglingon niya ay nasa may tainga na ni Arkhee ang cellphone niya.

"Enri, si Arkhee 'to," magkakilala sila? Lagot na! Parang siya pa ata ang naloko nito. Narinig niyang nagulat din ang boses ng nasa kabilang linya. "Yeah, I'm Dessa's boyfriend. From now on, no one will touch her, not even you. And do me a favour, can you spread the news for me? Tell Gio to stop his stupidity." 

*****

A/N: 

Bilib ako sa kapal ng mukha ni Dessa. Haha. Ikaw ba, kaya mo rin gawin ang ginawa niya? Asking a stranger to become your fake boyfriend to get revenge?

Salamat sa pagboto at comments!

Love & Light,

BC

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top